Kabanata 20

BUMALIK na ang lahat sa dati. Masigla na kaming dalawa ni Maulave. Pumasok na siya sa trabaho pagkatapos ng mahabang pahinga mula sa pagkamatay ng nanay niya. Ako naman ay masaya dahil kami na ni Danilo at okay na rin kami ng tatay ko.

Nandito kami sa loob ng canteen ngayon, kumakain ng tanghalian. Mabuti at wala pang customer, makakausap ko pa ng mahaba si Danilo. Kahit kasi alam na ni Maulave ay hindi pa rin naman namin pinapaalam sa ibang ka-trabaho namin ang tungkol dito. Lalo na kay Jacinta (suka), magagalit iyon kapag nalaman niya ang tungkol sa bagay na ito.

"Masaya ako para sa iyo kasi okay na kayo ng tatay mo. Bonus pa, gusto rin niya ako. Ang pogi ko kasi eh," pang-aasar pa niya

"Nagustuhan ka niya dahil mabait ka, hindi pogi. Ang lakas naman ng tama mo, cupcake!" pang-aasar ko pabalik

"Ha? Edi hindi pala ako pogi sa paningin mo? Naku ha, tampo na ako niyan cupcake! Sino naman ang pogi sa paningin mo aber?" tanong niya

"Si James Reid, Daniel Padilla o Enriquel Gil. Sila lang ang pogi sa paningin ko," sagot ko naman

"Naku, ang mga binanggit mo naman ay mga bakla! Ayaw ko dyan," sagot naman niya

"Huy cupcake, hindi sila bakla ha. Lalaking-lalaki kaya sila, grabe ang abs ng mga iyon eh. May abs ka ba ha?!" pang-aasar ko pa

"Wala cupcake eh, pero may puso naman akong mahal na mahal ka. Ayos na ba iyon?" hirit niya sa akin

Halos natunaw ako noong sinabi niya iyon. Ganito pala kapag inlove ka, paniniwalaan mo kahit corny ang sinabi niya. Parang hindi ako nasaktan ni Aurello. Kung ito naman ang kapalit, okay na ako. Kaya siguro ako nasaktan noon kasi may mas mabuti pang tao ang darating sa akin, si Danilo iyon.

Sasagot na sana ako nang biglang may narinig kaming nagsalita. Paglingon namin, si Jacinta pala. Gulat na gulat sa ang mga mukha namin noong nagtagpo ang aming mga mata. Narinig niya kaya ang tawagan namin?

"Wala bang naka-upo rito? Wala kasi akong makasama ngayon eh, pa-upo ha?" sabi niya 

"Ah, oo. Sure, wala namang problema. Teka, Jacinta may narinig ka ba sa usapan naming dalawa?" tanong ko habang kinakabahan

"Ha? Wala naman, may pinag-uusapan ba kayong hindi ko dapat malaman?" tanong niya

Ang tanga mo, Juanita. Bakit ka nagpahalata kay Jacinta? Edi kukulitin ka na niya ngayon kung bakit iyon ang sinabi mo. Boba ka talaga, paano mo pa maitatago iyan ngayon ha? Ano na ang sasabihin mo?

"Ah, wala. Sige, kumain ka na dyan. Huwag mong pansinin iyong sinabi ko ah," sagot ko naman

"Ah, iyong kayo na? Diyos ko, matagal ko nang alam ah? Lagi ko nga kayong naririnig na magtawagan ng cupcake eh. Bakit niyo naman itatago sa akin iyon? Anong problema niyo?" tanong niya

Hala, paano naman niya nalaman ang tungkol doon? Masyado na ba kaming obvious ni Danilo? At saka, bakit parang hindi naman siya galit sa amin? Todo ngiti pa nga, walang halong ka-plastikan. Hala, nasapian ba siya ng mabait na esperitu?

"Bakit hindi ka galit sa amin? Hindi ba't gusto mo si Danilo?" tanong ko

"Oo, gusto ko siya noon. Ngunit, nakilala ko si Constantino kaya wala na akong pakialam kay Danilo," sagot niya

"Hala, bakit hindi ko alam na may Constantino ka na pala?" tanong ko, hindi pa rin kasi ako makapaniwala

"Hindi naman kasi kayo nagtatanong sa akin eh, paano ko sasabihin?" sagot niya sabay tawa nang mahinhin

Nagkwentuhan na lang kami, ang dami ko pa palang hindi alam sa kanya eh. Akala ko dati ay magagalit talaga siya sa amin. Buti na lang at alam na pala niya, masaya rin ako dahil may Constantino na siya. Ngunit, Jacinta.. Ang pag-tooth brush at pagligo, dalasan na ha?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top