Kabanata 2

MAY piyesta rito sa amin, kaya naman busy ang lahat sa kanilang mga niluluto. Kailangan kong tulungan si Tiya Ofelia dahil kami lang naman ang tao rito sa bahay.

Kahit pala-inom ako, kapag alam ko namang kailangan ako ni tiya ay tiyak na nandoon ako. Buti nga at limot na yata niya ang ginawa ko noong nakaraang araw.

"Huwag kang aalis dito ah. Tutulungan mo pa ako sa mga niluluto at huhugasan. Baka makita na naman kita sa inuman mamaya niyan," sabi ni Tiya Ofelia

"Hindi po. Dito lang ako, tutulungan ko po kayo sa mga darating na mga bisita," sagot ko naman

Tumango siya at nagpaalam sa akin, bababa muna raw siya dahil tutulungan niya si Mang Karding na mag-ayos ng videoke sa tapat ng bahay namin. Sa loob-loob ko ay natawa na lang ako, parang bata naman itong si tiya.

Lalandiin mo lang naman si Mang Karding sa baba, kunwari ka pa Tiya Ofelia ha? Alam ko na ang galawan mo para mapa-sa iyo ang matandang iyon. Ang lakas mo pang magsinungaling eh huling-huli ka na.

Habang nag-aayos ng uulamin mamaya ay nabigla ako dahil may narinig ako mula sa bintana namin. Nang tingnan ko ay naroon si Maulave na pinapasok ang sarili sa bintana. Natawa ako nang makitang nahihirapan siya.

"Walanghiya, tulungan mo naman ako rito!" inis na sambit ni Maulave sa akin

"Bakit naman kasi dyan ka dumaan eh may pinto naman? Ano ka? Magnanakaw?" sagot ko sabay tawa

"Tanga! Kapag sa pinto niyo ko mismo dumaan, makikita ako ng tiya mo. Alam mo namang ayaw sa akin noon, tulungan mo na nga ako rito!" inis na sabi niya

Tawa pa rin ako nang tawa habang tinutulungan siya. Ano naman kaya ang trip nito at pumunta siya sa amin? May sarili naman silang pagkain at piyesta rin naman sa kanila ah? Anong meron?

"Teka nga, bakit ka ba nandito? Hindi ka ba hahanapin sa inyo?" tanong ko

"Samahan mo ako sa inuman kina Dioniso, naroon kasi si Buryong," seryosong sagot niya sa akin

"Ang aga-aga pa, naroon agad sila? Aba, ibang klase rin naman ano!" sabi ko

"Eh basta, samahan mo na ako. Maigi at wala pa si Tiya Ofelia mo," sabi nito

Si Buryong ay ang manliligaw ni Maulave. Magiging nobyo na nga raw niya dahil sasagutin na niya ito ngayong piyesta sa amin. Haynaku, napakalandi ng kaibigan ko kahit kailan!

"Hindi ako pwede, marami pang pinapaluto si tiya sa akin eh," seryosong tugon ko

"Sige, nandoon pa naman si Aurello. Sayang!" pang-aasar nito

Nakita ko na lang ang aking sarili sa tabi ni Dioniso at Buryong. Hindi ko nga akalain na magkakasya ako sa bintana kanina eh. Buti na lang at hindi kami nakita ni Tiya Ofelia, kung nakita ako noon ay tiyak na mayayari ako.

Habang si Maulave ay nakakandong kay Buryong, hinihintay ko naman na pumunta rito si Aurello. Sabi kasi nila ay parating na raw ito maya-maya. Inayos ko ang aking sarili para naman kapag nakita ako ng lalaking gusto ko ay magustuhan din ako.

"Juanita, ikaw na! Sa iyo na itong tagay!"

"Salamat! Wala pa ba si Aurello?"

"Hintayin mo, parating na iyon. Ubusin mo na ang tagay mo,"

Pasensya ka na Tiya Ofelia, gustong-gusto ko kasi talagang magkita kami ni Aurello. Maghintay ka lang sa pag-uwi ko, tiyak na lasing na naman ako dahil sa piyesta. Lagot na naman ako sa iyo nito. Pasensya ka na at kerengkeng ako.

Dedicated to iamlenuj ♥️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top