Kabanata 19

SINAGOT ko na si Danilo kahapon. Napagpasyahan ko na rin na umuwi na sa tatay ko. Medyo nakausap na ako ni Danilo, sinabi niya sa akin na kailangan kong umuwi at patawarin ang tatay ko. Mahal ko sila parehas kaya susunod ako. Isa pa, iyon naman talaga ang gawin ko.

Dito na rin pala ako namalagi sa bahay ni Danilo. Pinaalam na namin kay Maulave na kami na

"Handa ka na ba? Sure ka na ha?" tanong sa akin ni Danilo

"Oo naman, basta ihatid mo ako doon cupcake ha?" sagot ko

Oo, cupcake ang tawagan namin. Ang tamis kasi ng mga tinginan namin nitong mga nakaraang araw kaya iyon na ang opisyal na tawag namin sa isa't isa. Uy, inggit iyong nagbabasa, paano kasi mag-isa siya!

"Oo, ihahatid kita roon. Huwag lang sana akong harangin ng tatay mo o kaya ay tutukan ng baril," sagot naman niyang may takot

"Sa palagay ko'y magugustuhan ka naman niya. Isa pa, wala naman yata siyang baril. Tara na!" sagot ko sabay hawak sa kamay niya

Habang naglalakad kami ay bigla na lang tumingin sa akin si Danilo at ngumiti. Ngayon ko lang napagtanto na ang ganda pala ng mga mata niya, kulay brown. Ang daya! Samantalang ako'y kulay black lang.

"Ano na naman ang meron dyan sa ngiti mo, cucpcake?" tanong ko

"Wala naman, masaya lang ako kasi tayo nang dalawa. Dati-rati kasi ay ayaw mo talaga sa akin eh, tinutulak mo pa ako kay suka eh hindi ko nga mahal iyon," sagot naman niya sa akin

Oo, naaalala ko pa nga iyon. Todo pilit pa ako sa kanila ni suka dahil heart broken pa ako kay Aurello noon. Akala ko'y katapusan na ng mundo dahil sa nalaman ko sa kanila ni Claring. Buti na lang ay nakilala ko si Danilo. Naramdaman ko na ang pag-ibig na para sa akin.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa bahay. Agad na binuksan ng tatay ko ang pinto noong narinig niya ang katok ko. Agad niya akong niyakap noong nakita niya ako. Napatingin naman siya sa gawi ni Danilo kaya tinanong niya kung sino ito.

"Buti naman at umuwi ka na. Pasensya ka na noong nakaraan ha? Hindi na iyon mauulit. Sino nga pala siya?" sabi ni tatay

"Ah, 'tay si Danilo po. Kasintahan ko, sana ay ayos lang po sa inyo," nakangiti kong sabi

"Magandang hapon po, sir. Kinagagalak ko po kayong makilala," sabi ni Danilo

"Oo naman. Ayos lang, mabait ba iyan anak? Kinagagalak ko rin na makilala kita hijo. Mabuti pa at tatay na lang rin ang itawag mo sa akin," sagot naman ni tatay

Paalis na sana si Danilo nang biglang yayain siya ni tatay na pumasok sa loob. Natuwa ako dahil kitang-kita ko agad na gusto ng tatay ko ang lalaking mahal ko. Pagpasok namin sa may sala ay nakita ko naman si Tiya Ofelia na parang dragon sa sobrang inis dahil ayos na kami ni tatay.

"Kamusta tiya?

Sa buong maghapon ay kinausap lang nila ang isa't isa, nagbigay ng payo at warning si tatay kay Danilo. Alam ko naman na aalagaan ako nito, hindi niya ako papabayaan kasi nakita ko kung gaano niya kagusto na maging sa kanya ako.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top