Kabanata 18
HINDI muna ako umuuwi sa amin, kinuha ko ang mga gamit ko sa bahay at doon muna maninirahan kina Maulave. Buti at pumayag siya, sabi ko naman kasi ay tutulong ako sa gawaing bahay para hindi ako pabigat.
"Bakit ba kasi kina Maulave ka pa nakatira? Pwede naman sa bahay namin ah," sabi ni Danilo
"Aba, gusto mong magkaroon ng apo ang tatay ko? Lalaki ka at babae ako. Hindi pwede!" sabi ko naman
"May isa pang kwarto sa bahay, walang natutulog doon. Sige na, sa amin ka muna tumira. Please?" pangungulit niya
"Hindi na nga, okay na. Mag-trabaho na tayo, maya-maya naman ay tapos na rin ito eh," sagot ko
Nagdaan ang maghapon, ihahatid na sana ako ni Danilo sa bahay nina Maulave pero umalma ako. Ayaw ko pang umuwi, gusto ko ulit lunurin ang sarili ko sa alak. Kahit ayaw niya noong una ay wala rin siyang nagawa. Napabili ko pa rin siya ng Alfonso.
"Sigurado ka ba sa ginagawa mo? Mamaya niyan, pagsisihan mo ang ginagaawa mong ito. Tigilan mo na ang pag-inom please?" sabi ni Danilo
"Titigilan ko ang pag-iinom basta titigilan mo na rin ang panliligaw sa akin. Gusto mo?" sagot ko naman
Ayaw ko naman talagang sabihin sa iyo ito Danilo, kaso gusto kong pabayaan mo ako sa pagrerebelde ko eh. Kahit ngayon lang, bukas hindi muna ako iinom. Okay? Promise ko iyan sa iyo.
"Huwag namang ganyan, uminom ka na lang pero huwag mo akong patitigilin sa panliligaw sa iyo. Okay? Tara na, pumunta na tayo sa hideout ha?" parang maamong tupa si Danilo noong sinabi niya iyon sa akin
"Sige, tara na!" sabi ko
Hinawakan ko ang kamay niya, natawa na lang ako dahil nagulat siya. Hindi ko kasi iyon ginagawa dati, ayaw na ayaw ko ngang nalapit siya sa akin. Danilo, pakipot ka pa eh. Alam ko namang gusto mo rin nito!
"Anong ginagawa mo ha? B-bakit mo hinahawakan ang kamay ko?" tanong niya na kinakabahan
"Ayaw mo ba? Sige, bibitawan ko--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinawakan niya na rin ang aking kamay
"Syempre, ayaw ko. Ayaw kong bumitaw ka sa akin. Nagulat lang siguro ako," sagot niya sa akin
Ano ba, Danilo?! Kinikilig naman ako sa mga sinasabi mo eh, ang haba ng buhok ko! Muntik ko na matapakan. Tigilan mo nga iyan, hindi pa nga tayo nag-iinom pero para na tayong lasing sa mga pinagsasabi natin.
Pagdating namin sa hideout ay inayos na agad namin ang lahat. Pagkaraan ng ilang kwentuhan at tagay ay naging seryoso ang mukha ni Danilo. Tumingin siya sa akin bago nagsalita. Natunaw ako sa mga tingin na iyon, akala ko'y isa na akong ice cream.
"Ano ba? B-bakit ganyan ka makatingin sa akin? Ayusin mo nga, ayaw ko niyan," naiinis kong sabi, pero ang totoo ay kinikilig ako
"Wala, natutuwa lang ako kasi hinawakan mo ang aking kamay kanina. A-anong ibig sabihin noon?" sagot naman niya
"Wala, hayaan mo na lang iyon. Huwag mo na isipin," nahihiya kong sagot
Ngayon ko lang napagtanto kung ano ang ginawa ko. Nakakahiya! Hindi dapat nangyari iyon. Babae ka, Juanita. Ikaw dapat ang hinahawakan ang kamay at hindi ikaw ang nanghahawak.
"Juanita, gusto mo na ba ako?" tanong niya
"Oo, Danilo. Nagugustuhan na kita," sagot ko
Nakita ko na lang ang sarili kong hinahalikan na naman siya. Kami na ba?!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top