Kabanata 17
NAGISING na lang ako sa malakas na katok mula sa aking kwarto. Ano ba iyan, natutulog pa ako eh. Ang sakit kaya ng ulo ko, ikaw ba naman ang uminom ng dalawang bote ng Alfonso. Hindi ka ba malalasing ng todo noon?!
Dahan-dahan akong lumapit sa pinto, hawak-hawak ko pa rin ang ulo ko. Tahimik lang ako na binuksan ang pinto at niluwa noon ang napakasayang si Tiya Ofelia. Ano na naman kaya ang nakain nito at todo ngiti na naman siya sa akin? Akala mo'y naka-droga, ngiting aso eh.
"Bakit ka po nandito? Bakit ka n-nakangiti?" tanong ko
"Lumabas ka, maraming biniling gamit ang tatay mo para sa iyo," sagot naman ni tiya
Pupungas-pungas pa akong pumunta sa sala para puntahan siya roon. Ang daming damit at gamit ang nakakalat sa paligid. May ukay sale ba kami?
"A-ano po iyan? Ang dami naman," sabi ko
"Sabi kasi ng tiya mo, wala kang masyadong damit kaya binili kita. Ang ganda ba anak?" sagot naman ni tatay
"Maganda po, kaso hindi po iyan ang tipo ko eh. Gusto ko lang po konting damit at iyong simple lang para hindi nakakahiyang suotin," sagot ko
Nakita kong nalungkot si tatay sa sinabi ko. Hindi naman sa ayaw ko sa mga pinagbibili niya para sa akin, hindi lang talaga ako sanay sa maraming damit.
"Subukan mo muna kaya, sayang naman ang effort ng tatay mo. Bagay na bagay sa iyo iyan," sabat ni Tiya Ofelia sa amin
Ikaw kaya ang mag-try. Sigurado akong ikaw ang may gusto niyan eh. Paano'y feeling mo bagay sa iyo. Gagamitin mo kasi sa panlalandi mo kay Mang Karding.
"Sayo na lang iyan tiya. Ayos na ako sa iilang damit. Bagay naman sa iyo eh, gamitin mo sa panlalandi kay Mang Karding ha?" sagot ko
Paalis na sana ako nang biglang sumagot si tiya sa akin. Ano ba Ofelia? Masakit pa ang ulo ko. Huwag mo akong kausapin ngayon!
"Saan ka pupunta? Tutulog ka na naman kasi masakit ulo mo? Ganyan kang bata ka--" hindi na natapos ni Tiya Ofelia ang sasabihin niya dahil nagsalita na si tatay
"Masakit ang ulo mo anak? Bakit? Gusto mo bang magpa-check ka na sa doktor? Dadalhin kita roon,"
Talaga? Kunwari'y concerned pero hindi naman. Ilang beses na akong sumakit ang ulo pero wala naman kayo roon at nakaya ko naman. Haynaku naman itong matandang ito.
"Naku, hindi ospital ang kailangan ng batang iyan. Alak! Alak ang ibigay mo tiyak na susunod iyan," sagot ni Tiya Ofelia
"Ha? Umiinom ka na? Bata ka pa ah, bawal pa iyan. Saan mo iyan natutunan?" sagot ni tatay
"Wala na po kayong dapat pang malaman pa tungkol doon. Opo, nainom po ako. Dahil naman po iyon sa inyo eh," sagot ko
"Anak, itigil mo iyan ha? Masama iyan sa kalusugan mo eh," sagot naman niya
"Huli na po kayo, sana ay nandito kayo noong maliit pa ako para hindi ko ito natutunan. Alis na po ako," sagot ko sabay alis
Bakit ba biglang ganoon siya? Kaya ko naman eh, kinaya ko nga ng dalawang dekada mahigit tapos ngayon ay magpapakita siya? Hmp, hindi niya ako makukuha sa mga regalo niya!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top