Kabanata 15
HINDI ako makapaniwala na may tatay pala ako. Parang sirang plaka lang ang boses ni Tiya Ofelia sa pandinig ko. Wala akong ibang naririnig kundi ang sinabi niya kanina noong pinakilala niya ang matandang ito.
Kumakain kami ngayon ng hapunan. Tinitingnan ko ang bawat galaw niya, kung kamukha ko ba siya o ano. May mga bagay bang parehas naming ginagawa para masabi na tatay ko talaga siya? Hindi niyo naman ako masisisi na hindi tanungin ang mga bagay na ito, nabigla kasi ako eh.
Para bang naka-droga si Tiya Ofelia, paano ba nama'y todo ngiti siya habang nakatingin sa amin ni Tatay Ronaldo. Nakapagtataka rin na hindi niya ako inaaway ngayon, may himala nga ba talaga?
"Ayos ka lang ba tiya? Bakit mukha kang nasaniban?" tanong ko sa kanya
"Ah, hindi. Natutuwa lang ako sa inyo kasi magkasama na kayo ng tatay mo ngayon," ngiti niya sa akin
May iba talaga eh, parang anghel na si Tiya Ofelia sa sobrang bait niya. Ano kaya ang naamoy nito at ganyan siya? Oh no, kukunin na ba siya ni Lord?! Hindi pwede ito, kahit naman lagi kang galit sa akin ay mahal kita.
"Nasabi sa akin ng tiya mo kanina na gusto mo raw makapunta ng Maynila? Tamang-tama, dadalhin na kita roon," may awtoridad niyang sabi
"Po? Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ko, naguguluhan pa ako sa sinasabi niya
"I-uuwi na kita sa atin. Taga-Maynila naman tayo talaga eh," seryoso niyang sabi
Oo, gusto kong makapunta sa Maynila pero hindi pa ngayon. Ayaw kong humingi ng tulong sa tatay ko, sa isang taong hindi ko naman gaanong kilala. Gusto kong pag-trabahuhan ang perang gagastusin ko papunta roon. Hindi naman pwedeng bigla na lang akong mawawala sa baryo namin.
"Kung kukunin niyo na ako, paano na si Tiya Ofelia? Wala siyang kasama rito kapag kinuha mo po ako," sagot ko
"Haynaku, huwag mo akong alalahanin ha? Nandyan naman si Karding, ayos na ayos lang sa amin na maiwan kami rito," nakangiting sagot niya
Bakit ba biglang bumait itong si tiya? Ginayuma ba siya ni tatay? Haynaku, kailangan ko talaga siyang makausap. Hindi pwede ito, may mali sa mangyayari kapag pumayag akong sumama sa matandang lalaki na ito.
"Ah, teka lang po ah? Kakausapin ko lang po si Tiya Ofelia. Dyan lang po muna kayo," sabi ko sabay tumayo, sumenyas rin ako kay Tiya Ofelia na sumama sa akin
Tumayo naman siya at sumama, takang-taka pa rin kung bakit tila ba'y mayroon kaming kalaban at kailangan naming magbulungan. Syempre, hindi naman ako papayag na marinig ni tatay ang sasabihin ko.
"Tiya, bakit ba ako aalis papuntang Maynila? Ano bang pinagsasabi niya?"
"Gaga, mayaman ang tatay mo. Sumama ka na dyan dahil ayaw ko na sa iyong bata ka," inis niyang sabi sa akin
So, kunwa-kunwarian lang pala ang galaw niya kanina? Sabi ko na eh, may iba. Kung bibigyan lang ng award ang mga tsismosa, unang-una na si tiya. Ang galing eh, pati ako'y napaniwala na concerned siya sa akin.
"Ayaw ko pong sumama. Dito lang po ako, hindi ko naman kasi siya kilala eh," sagot ko, wala na akong paki kung magalit pa siya
Inis na inis ang mukha niyang bumalik sa hapag, wala na akong nagawa kundi ang bumalik na rin. Tiyak ako na gagawin lahat ni tiya para mapalayas ako rito. Iyon ang kailangan kong bantayan. Bigla ko kasing naramdaman na hindi pa oras para lisanin ko ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top