Kabanata 14
HALOS gusto ko nang magpakain sa lupa simula noong nagkahalikan kami ni Danilo. Gusto ko siyang sisihin pero hindi ko magawa, aksidente lang naman iyon eh. Sorry naman siya nang sorry sa akin tuwing papasok at uuwi na kami galing sa trabaho. Sabay pa rin kasi siya nang sabay sa akin.
"Kausapin mo naman ako, pasensya ka na kasi sa nangyari! Aksidente naman iyon eh, hindi ko sinasadya," sabi ni Danilo na pilit akong hinahabol ngayon
"Ayos nga lang, sige na. Huwag mo na akong sasabayan sa pag-uwi ko ha? Basta, okay na tayo!" sigaw ko at kumirapas nang takbo
Hindi ko alam kung bakit kahit anong bilis ko sa pagtakbo ay naabutan pa rin niya ako. Paano'y payat siya at ako naman ay medyo may laman kaya mabagal pa rin ang takbo ko kaysa sa kanya. Para kaming may marathon dahil sa pagtakbo namin, hingal na hingal tuloy ako noong tumigil.
"Ano ba? Sinabi ko na hindi ba, ayaw kong sumasabay ka sa akin sa pag-uwi! Si Jacinta ang sabayan mo, huwag ako. Okay?" sagot ko
"Sorry na nga kasi, hindi na mauulit! Basta payagan mo lang ako na samahan ka, okay na ako roon. Huwag mo lang akong iwasan," sabi ni Danilo sa akin
Hindi naman talaga ako galit kay Danilo. Iniiwasan ko siya dahil nahihiya ako, first kiss kaya iyon! Wala pang nakakahalik sa akin, kahit iyong aso na inaalagaan ni Maulave ay hindi pa ako nahahalikan tapos siya ay nalibre?! Aba, panagutan niya ito!
"Okay na nga, hayaan mo na iyon. Wala naman ang may gusto eh," sabi ko
"So, okay na tayo? Pinapatawad mo na ba ako?" tanong niya
"Oo, basta hindi na mauulit ha? Ayaw ko na, nakakahiya kaya sa iyo!" sabi ko na para bang naiilang pa rin sa kanya
"Oo, hindi na mauulit. Nirerespeto kita, kung hahalik man ako sa iyo ulit ay gusto ko may paalam na," sabi niya sabay ngiti sa akin
Nagpatuloy lang kaming dalawa sa paglalakad, hindi pa rin ako makali dahil alam kong nandito lang siya sa likod ko. Nang makarating na ako sa harap ng bahay ay agad akong sinalubong ni Tiya Ofelia, himala dahil nakangiti siya sa akin. Ano kaya ang nakain niya at maganda ang awra niya ngayon?
"Halika, pumasok ka sa loob. May bisitang naghihintay sa iyo," sabi niya habang nakangiti
"Sige na, uuwi na ako. Masaya na akong naihatid kita rito sa inyo. Mag-iingat ka Juanita!" sabi ni Danilo sa akin pagkatapos ay umalis na
Ha? Sinong bisita? Bukod naman kay Danilo ay wala nang nanliligaw sa akin. Wala rin naman akong naaalala na nagsabi sa aking bibisita. Tiya Ofelia, baka naman scam ka ha?
Pagpasok ko sa loob ay may nakita akong isang matandang lalaki. Ka-edad niya si Mang Karding pero hindi ko siya kilala. Baka kumpare ito ni Tiya Ofelia. Ngunit, kung kumpare siya ni tiya eh bakit niya ako hinahanap?
"Sino po siya? Huwag niyo pong sabihin na ibebenta niyo na ako? Ganoon na ba tayo kahirap, tiya?" sabi ko
"Tatay mo siya, Juanita. Si Ronaldo," sagot ni tiya sa akin
Ha? Paano ako magkakaron ng tatay eh sabi nila sa akin noon ay patay na ito? Legit na scammer naman itong si Tiya Ofelia, ano naman kaya ang nakain niya? Haynaku!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top