Kabanata 12

ISANG linggo pagkatapos na ilibing ang nanay ni Maulave ay balik na ulit siya sa trabaho. Ilang beses ko pa nga siyang sinabihan na lumiban muna siya pero ayos na raw, kitang-kita ko kasi sa mukha niya ang pagod ar puyat.

"Haynaku, nakatulala na naman ang kaibigan mo. Nakausap mo na ba iyan pagkatapos noong libing ng nanay niya?" tanong ni Danilo

"Oo, ilang beses ko na nga siyang sinabihan na huwag munang pumasok pero ayos na raw siya. Ayaw ko namang kulitin at baka magalit sa akin," sagot ko naman

"Kawawa eh, apektado talaga siya sa pagkawala ng nanay niya. Mahal na mahal siguro siya noon," sagot naman ni Danilo

"Oo naman, mabait na nanay si Aling Lilia, nakita ko kung gaano niya inalagaan ang mga anak niya noong buhay pa siya. I-comfort mo kaya si Maulave?" suhestiyon ko

"Ayaw ko nga, baka mamaya ay umasa siya sa akin eh! Dyan kaya nagsisimula ang lahat," sagot ni Danilo

Wow, grabe. Iba ang confidence ni Danilo sa kanyang sarili. Oo, pogi ka nga kaso ay slow motion naman ang utak mo kaya hindi ka rin niya magugustuhan. Isa pa, may Buryong my labs na siya kaya wala ka ng pag-asa! Advance mag-isip masyado ha?

"Ayos lang naman iyon, may Buryong na siya kaya hindi ka na niya magugustuhan pa. Saka, grabe ang tingin mo sa sarili mo ha? Gwapo ka?" pang-aasar ko sa kanya

"Edi mas lalong hindi pala pwede, may Buryong na pala siya eh. Gusto mo, ikaw na lang ang i-comfort ko? Pwede naman," sabi niya

Aba, may landi rin palang taglay si Danilo ah? Ano naman kaya ang nakain nito at trip niya ako? Huy, huwag ako! Nasa moving on stage pa rin naman ako kay Aurello. Hindi ko pa rin makalimutan ang sakit na dinulot niya sa akin kaya hindi pa pwedeng lumandi!

"Naku, tigilan mo nga dyan. Pumunta ka na roon at baka tawagin ka na ni Jacinta, magseselos pa iyon sa atin sige ka!" sagot ko sa kanya

"Tsk, ayaw ko nga kay suka. Ilang beses na siyang nagpaparamdam sa akin pero dinededma ko lang siya," sagot naman sa akin ni Danilo

Hanga naman talaga ako sa fighting spirit mo, Danilo. Gwapong-gwapo ka sa sarili mo, lahat ba ng babae sa baryo natin ay may gusto sa iyo? Ako kasi, wala eh. Haynaku, mawawala ang isang piraso kong bangs sa sobrang hangin mo.

"Bakit naman ayaw mo sa kanya? Dahil amoy kili-kili siyang may kasamang suka?" tanong ko

"Okay lang sana na amoy suka siya eh, kaso ang tinitingnan ko sa babae ay ugali," sagot naman niya sa akin

"Bakit? Ano bang ugali ang gusto mo sa isang babae?" tanong ko

"Ang simple naman noong tanong mo, tumingin ka na lang sa salamin at masasagot mo na iyan," sagot naman niya

"Ha? A-anong ibig mong sabihin?" nauutal kong tanong

"Ang slow motion naman ng utak mo, Juanita. Hindi mo pa ba nakikita? Ikaw ang gusto ko," sagot naman niya

Para bang may anghel na dumaan noong narinig ko iyon mula sa kanya. Natuod lang kaming dalawa, wari ko ay nagulat rin siya sa sinabi niya. Nawala lang ang katahimikan noong sumigaw sa amin si Jacinta.

"Juanita at Danilo, ano bang ginagawa niyo riyan? May order sa sa table 10, bilisan niyo!" sigaw niya

"Oo, nandyan na! Danilo, bilisan na natin," sabi ko

Nakita kong napakamot na lang ito sa kanyang ulo. Paano kasi itong si Jacinta, masyadong panira ng moment. Ngunit, sa totoo lang ay masaya ako. Unang pagkakataon kasi ito na may nagsabi sa akin na gusto niya ako. Sana nga lang, ito ay totoo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top