Kabanata 10
ALAS siete na ng gabi kami natapos sa inuman. Humabol pa nga si Buryong at Dionisio roon, nagulat na lang rin ako nang biglang may dala si Dionisio na babae. Bago raw niyang nililigawan, Estrella raw ang pangalan noon. Masaya naman ako para sa kanya, para na rin hindi niya ako guluhin.
"Ayos ka na ba? Grabe iyak mo kagabi ah, bakit ka naiyak sa Aurello na iyon?" bungad sa akin ni Danilo
"Huy Danilo, huwag mo ngang sasabihin ang pangalan na iyan. Ang pangit-pangit niya eh," sagot ko
"Pangit? Eh halos hingin mo na nga sa langit na sana mahalin ka niya. Hindi mo na ba naaalala?" sagot niya
Ano ba naman itong si Danilo, slow motion ang utak. Naaalala ko naman ang lahat, kunwari lang ay hindi para naman hindi ako mapahiya sa inyo. Paano ba naman kasi, hinahamon ako ng alak na sabihin ang lahat ng nasa loob ko edi sinabi ko naman.
"Hindi eh, pasensya ka na ha? Huwag mo na lang ulitin na nag-inom tayo kagabi ha? At saka, secret na nating tatlo nina Maulave ang hideout na iyon," sagot ko naman para matapos na ang usapan namin, ayaw ko na pahabain pa eh
Hindi namin alam na nakikinig pala sa amin si Jacinta, sana'y hindi niya narinig ang mga sinabi ko kanina. Ayaw ko kasing makasama namin ito sa inuman, iba raw kasi talaga ang ugali nito kapag nalasing. Kung ako'y prinsesa pagdating sa alak, siya ang reyna.
"Anong hideout? May hindi ba kayo sinasabi sa akin? Isali niyo naman ako dyan," hirit niya sa amin ni Danilo
"Ah, iyon ang lagi naming kinakainan ni Danilo kapag tapos na ang trabaho namin. Sige, isasama namin ikaw kapag may oras," palusot ko, sana ay gumana
"Eh bakit may narinig akong inuman? At saka, bakit hindi pa kayo rito kumain eh kainan rin naman itong lugar kung saan tayo nagta-trabaho?" sunud-sunod na tanong niya
Diyos ko, Jacinta! Nagto-tooth brush ka ba? Bakit ang baho ng hininga mo? Huwag nang maraming tanong, manahimik ka na lang at mag-trabaho. Parang virus ang amoy ng hininga mo eh. So bad breath!
"Ah, syempre. May inuman kasi roon kaya nasabi namin ang salitang inuman. Jacinta, may nago-order sa table 3 oh," sabi ko
Buti na lang at may umorder, kung hindi ay maamoy ko pa ang hininga niyang ubod nang baho. Parang kili-kili ang amoy eh, nakakasuka!
"Naaamoy mo ba iyon? Parang kili-kili na sinawsaw pa sa suka, ang baho!" sabi ni Danilo
"Hayaan mo na, mawawala rin naman ang amoy niyan kapag nag-toothbrush na si Jacinta mamaya. Mag-trabaho na lang tayo," mahinahon kong sagot
"Ha? Si Jacinta ba iyong naaamoy natin? Diyos ko, ang baho!" sigaw niya pa
Danilo, gwapo ka sana pero sobrang slow motion ng utak mo. Magsama na kayo ni Jacinta, parehas naman kayong may gapak. Haynaku, ewan ko ba naman sa mga kasama kong ito. Nasaan ka na ba kasi, Maulave?!
"Huwag ka ngang maingay, baka mamaya ay marinig ka niyan. Handa ka bang maging dragon iyan? Nakakatakot kaya siya," sagot ko
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top