Kabanata 1
"JUANITA! Bumangon ka na dyan at pupunta ka pa sa palengke! Diyos ko kang bata ka, puro ka inom!" sigaw ni Tiya Ofelia
Umagang-umaga, sigaw ni Tiya ang almusal ko. Walanghiya, ang sakit ng ulo ko! Hindi ko alam kung dahil sa Alfonso na ininom ko kagabi o sa sigaw ni Tiya Ofelia.
"Opo! Babangon na, saglit lang!" sigaw ko
Sinabi ko lang iyon pero hindi pa talaga ako babangon, ang aga-aga pa para kumilos. Ang sakit pa ng ulo ko kaya mas lalong nakakatamad sumunod sa utos niya.
Ilang minuto pa ay nagulat ako dahil pumasok siya sa aking kwarto. Nakapameywang siya at ako naman ay nakahiga nang maayos sa aking kama.
"Susmaryosep kang bata ka! Sinasabi ko sa iyo, kumilos ka! Tanghali na!" sigaw niya sa akin kaya napabalikwas ako
May dala itong pamalo at aktong papaluin ako, buti na lang at hindi natuloy dahil tinawag siya ni Mang Karding na nasa ibaba ng bahay namin.
"Ofelia, saan ko ba ilalagay ang mga ito? Halika nga at bumaba ka rito!" sabi ng matanda
Walang nagawa si Tiya Ofelia kundi bumaba at kausapin si Mang Karding. Paano'y gusto niya iyon kaya lagi siyang nagpapatulong. Bagay naman sila, parehas nang patay ang mga asawa nila.
Pagbaba ko galing sa aking kwarto ay naghilamos ako ng mukha gamit ang mabangong sabon na bigay ni Maulave sa akin.
"Bilisan mo dyan! Nagpapaganda ka pa ng kutis mo eh hindi ka naman magugustuhan ni Aurello! Sige na, pumunta ka na sa palengke!" sigaw ni Tiya Ofelia pagkatapos ay binigay na niya sa akin ang listahan ng mga ipapamili ko
Hindi ba ako pwedeng magkape o almusal muna? Sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos, ikaw ang almusal ko tiya. Gusto mo kainin na kita ng buo?
"Sige po, babalik ako agad!" sagot ko sabay sabak sa initan
Walanghiya naman, nakalimutan ko pang magdala ng payong. Bakit naman kasi ako pa ang araw-araw na namamalengke eh kaya naman ni Tiya Ofelia ang gawaing ito.
Naglalakad ako papunta sa palengke nang biglang nakaamoy ako ng alak. Alfonso iyon ah, hindi pwede akong magkamali!
Sinundan ko ang amoy na iyon, pagkalipas lang ng ilang minuto ay nakita ko na kung sino ang mga nag-iinuman.
"Oh, Juanita Alfonso! Nandito ka pala, tagay ka muna. Buti at nagsisimula pa lang kaming uminom," sabi ni Dionisio
"Ah, hindi! Sinabihan lang ako ni Tiya Ofelia na magpunta rito para mamili. At saka, ang aga pa! Kayo na lang uminom dyan," sagot ko
"Ano ka ba? Naturingang Juanita Alfonso pa tawag namin sa iyo kung hindi ka iinom nito?" sagot naman niya
Tiya Ofelia, makakapaghintay ka ba kung sakaling hindi ko muna madadala sa iyo ang mga inuutos mong bilhin ko? Saglit lang, iinom lang ako ng Alfonso.
Hindi maaari. Sabi ko na sa sarili ko, hindi na ako iinom dahil nakakasakit lang ng ulo iyon. Ang aga-aga pa rin naman, kakagaling ko lang pati sa inuman.
Nakita ko na lang ang sarili kong natagay na, katabi nina Dionisio. Wala akong magagawa, talagang naaakit ako ng alak.
"Tagay pa!" sigaw ko
"Sige lang, uminom ka lang!" sigaw ng kaibigan ni Dionisio
Pagkatapos ng ilang pagkatagay ko, umuwi akong lasing na walang ni isang dala sa gustong ipabili ni Tiya Ofelia sa akin.
"Putris kang bata ka! Sinasabi ko na nga ba, iinom ka na naman kina Dionisio!" sigaw ni Tiya Ofelia
"Ikaw matanda ka! Ikaw na lang kaya gumawa ng inuutos mo sa akin? Kaya mo naman, edi ikaw na lang ang mamalengke!" sagot ko pagkatapos ay dumilim na ang paningin ko
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top