Epilogue

KINABUKASAN, habang kumakain ng umagahan at nagka-kape ay tinawag ni Danilo ang aking atensyon. Nakangiti naman akong nagsalita sa kanya. Ang sarap pala ng buhay na kasal at may basbas ng Diyos ang pagmamahalan niyo. Siguro, ito ang gusto ni Maulave noon kaya nagpakasal siya kay Buryong.

Kaming dalawa na lang ang natira rito sa bahay dahil umuwi na papuntang Maynila si Tatay Ronaldo at si Tiya Ofelia naman ay roon pa rin tumira sa bahay ni Mang Karding. Tinitingnan pa rin niya kami pero hindi na katulad noon.

"Oh bakit? Anong meron at ganyan ka sa akin ngayon?" tanong ko

"Ang sarap noong kagabi eh, pwede bang isa pa ulit ngayong umaga?" nakakalokong tingin niya sa akin

"Ha? Hindi ka pa ba napagod sa ginawa natin kagabi at gusto mo pa? Ang tindi mo naman pala," sagot ko

"Nakapag-pahinga na ako eh kaya okay na ulit. Tara?" sagot niya

"Diyos ko, umaga at gabi ba talaga iyon? Huwag muna, hindi pa ako nagto-tooth brush eh! Pagka-kain natin ay maliligo na ako tapos pwede na iyon ha?" kinakabahan na sagot ko

Aba, ganito pala si Danilo pagdating sa sex. Napalaban yata ako, akala ko'y virgin rin siya katulad ko. Malay ko bang gusto niya pala na lagi akong handa. Ano ako? Girl scout lang, ganoon? Nakakaloka, ganito ba talaga kapag mag-asawa na?

"Joke lang iyon. Ano ka ba? Pwede namang mamaya na ulit gabi eh, niloloko lang kita. Iba ang pakay ko kaya tinawag ko ang atensyon mo," sabi niya na natatawa pa rin

"Ha? Anong sinasabi mo? Bakit mo ako niloloko? Ano ba iyon?" tanong ko

Agad siyang tumayo at kinuha ang malaking box sa sofa. Kanina ay wala pa iyon doon ah? Ano 'to? Magic? Umupo siya sa tabi ko at humigop ng kape bago ulit nagsalita para sabihin sa akin kung ano ang laman ng box.

"Hindi iyong kwintas ang regalo ko sa iyo. Ito talaga iyon, sana magustuhan mo," sabi ni Danilo sa akin

"Ha? Hindi ka ba lugi kung doble-doble ang regalo mo? Sana pala ay sinabi mo para dinoble ko rin ang sa akin," sagot ko

"Hindi ako lugi kung ikaw naman ang makakatanggap. Isa pa,  hindi ko rin naman sasabih sa iyo kung dinoble ko o hindi. Regalo nga eh, bakit ko ipagkakalat?" sabi naman niya

Binuksan ko na lang ang regalo niya at nagulat ako sa laman nito. Ang daming pera! Saan naman niya nakuha ito? Diyos ko, sa dami nito ay baka makapunta na ako sa Maynila. Ang galing niyang magtago, hindi ko alam na ganito karaming pera ang naipon niya para sa akin.

"Grabe, ang dami namang pera nito? Saan naman ito galing?" tanong ko

"Pinag-ipunan ko iyan, gusto ko kasi na makapunta tayo sa Maynila para makasama na natin si Tatay Ronaldo," sagot ni Danilo

"Talaga? Sa Maynila na tayo magkakaroon ng pamilya?" tanong ko, tuwang-tuwa pa rin

"Oo, kung gusto mo. Nilaan ko talaga iyan para makapunta tayo roon. Kinausap ko na rin si Tatay Ronaldo at masaya siyang malaman ang plano ko," sagot ni Danilo at ngumiti

Niyakap ko siyang mahigpit. Sobrang saya ko na matutuloy pa rin ang pangarap kong makaalis sa baryong ito. Maiiwan ko man ang mga kaibigan ko pero alam ko naman na maiintindihan nila ang paglipat naming mag-asawa roon. Isa pa, uuwi at uuwi pa rin naman kami rito sa probinsya tuwing may pagkakataon.

WAKAS

Juanita Alfonso 2020

All Rights Reserved

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top