[4] Remembering It All - 1

     ~Two Years Ago ~

          Pagdating ko sa bahay, madali akong nagpalit ng damit, at deretso akong pumunta sa aming kusina. Binuksan ko ang fridge, naghahanap ng pwedeng makain.

"Yaasssuuu!! C'mere, baby."

          Nang makita ko ang mga maliliit na round tupperware, na puno ng mango graham, kumuha ako ng isa. Sabi ko na - may ginawa sina Mommy at Yaya Tess na graham cake. Woohoo!

         "Now, I can enjoy while doing homework." Humming merrily, I took a small spoon and went back upstairs to begin studying.

          Malapit na kasi ang aking exams for the first periodical. Kailangan ko nang maghanda para makabawi sa mga past grades ko. I need the efforts and my brain to work things out.

          Tahimik akong nagbabasa ng Science at ng aking Math notebooks na puno ng lectures at isinulat ko galing sa blackboard, projector at sa mga additional researches.

          Ibang-iba na talaga ang fourth year sa junior high. Kaya kailangan ko nang sanayin ang aking sarili, pagdating sa aking study habits.

          Habang lumilipas ang bawat minuto sa orasan, unti-unting pumipikit ang aking mga mata at ako'y humihikab ng ilang beses. Ubos na ang aking kinakain, at 'di ko pa natatapos yung last, two chapters sa aming mga pinag-aralan sa Math. Pati rin ang aking maligamgam na tubig, sa baso - ubos na rin.

          Hindi ko namalayan na umiidlip na ako sa aking desk. Tumagal 'to ng mga ilang minuto, bago ko maimulat ang aking mga mata. . .dahil sa isang text.

"Hmm. . ."

          Swiping the button, I gaze at the name on the screen.

Kuya Darren.

          I opened his message, read it and typed, after a few moments. "Siguro, naglalaro na naman siya ng games." sabi ko sa aking sarili.

          After replying to his text, I sat back comfortably and went on reading the chapters, that I have left awhile ago.

Haha. Naganahan, dahil kay crush. Yereeee~

          Sa totoo lang, ang crush ko dapat ay si Kuya Hans, kaibigan at kaklase niya. Matangkad, maputi, mala-chinito ang eyes, may glasses ( yeah, I kinda' like 'em - it's a plus to his own pogi-points ) and smart. Though, the thing is - hindi ko pa siya ganoon kakilala. At sometimes - mas gusto kong tawagin siyang 'Kuya-na-may-Glasses', para mapag-tripan ko siya. Siyempre, alam ko rin kung saan at kailan din dapat ako nagbibiro. So, my admiration to him faded, after a few months.

           Pero yung reason kung bakit si Kuya Darren ang naging crush ko, after that - ewan.

Siguro dahil may 'something' interesting sa kanya.

          "Hmm. . .may text ulit?" Huminto muna ako sa pagbabasa at kinuha ko muli ang aking phone. "Sabi niya - busy siyang mag-laro." Sinagot ko muna 'yun, bago ako bumalik sa aking pagbabasa.

( O - O) { ! )

Wait. . .what?! XD

          Mukhang may mali. Kayo, guys - baka pagkamalan niyo na kami na, ha?

          'Wag kayong masyadong excited! Kusang darating lang 'yan. . .sa tamang panahon.

           Ahehehe - may pinaghuhugotan, Jane?
"Aha! Sino yan?!"

           Nagulat ako sa boses ni Kuya Andy, na nasa likod ko. Muntik ko nang mabitawan at mahulog ang phone ko.

"Kuya!!"

"Nag-rereview at nag-dyidyi-em (GM or group message)? 'Di pwede 'yan. . "

            Bago pa niyang magawang kunin ang aking cellphone, tumayo na ako at tumakbo ng palabas ng pintuan. "Nevaaaah!!"

"At saan ka pupunta?!"

Akala ko matatakasan ko na si Kuya. May kasabwat pala siya. "Uh-oh."

            Nasa harapan ko si Dad, nakaharang sa aking daraanan. Mukhang narinig niya si Kuya, at sadyang sinalubong niya ako, galing sa kanilang kwarto. "You're kidding me, right?"

"Jane. . ."
Hala! Nasa likod ko na si Kuya Andy.

"Jane - - - akin na ang phone mo." I glared back at him. "As if - - "

             Napatingin rin ako kay Dad, na parang gugulpihin ako, kapag hindi ko ibinigay ang phone ko kay Kuya. Grabeee maan. .

              Wala talaga. Two versus one. Mahirap patumbahin ang dalawang ibon - este - unggoys, gamit ng isang bato.

            "Sumuko ka na, anak! Pinalilibutan ka na namin." Ang banta ni Daddy-dear sa akin, na nakangiti at handang kunin ang aking phone, para kay Kuya.

Haiii nako. . .ano pa ba ang magagawa ko?

"Sige na nga. Suko na - - - "

             Ibibigay ko na sana ang aking phone, nang may tumawag at sinagot ito ni Mommy.

             "Hello? O, Ruby - kumusta ka na?" ang sambit niya sa telepono, na nasa baba lang ng staircase. "Ruby?!"

              Biglang umalis si Kuya sa kanyang pwesto, nang hindi man lang niya kinuha ang aking phone. "May araw ka rin, blister. Ligtas ka lang ngayon." Ito ang kanyang huling banta sa akin, bago siya dumeretso sa hagdanan, na may habol pang, "Ruby - may labs!~"

            Hahaha! He fell for it. Astig ko talaga. Alright!

            Bumalik na ako sa kwarto at ni-lock ko na agad ang aking pintuan, bago makapasok si Dad, upang tapusin ang misyon ng kanyang panganay.

            "Anak, mag-review ka na diyan. Kundi, iimbargohin ko ang phone mo." ang sinabi niya na lang, sa labas ng aking saradong pintuan. "Opo, Dad."

             Tuwang-tuwa ako at nagawa kong makatakas kay Kuya - sa ika-anim na pagkakataon. And it's right according to the plan.

            Salamat naman at magka-vibes kami ni Ate Ruby. Kung hindi - hindi siya papayag na ililigtas ako sa kanya, tuwing may balak siyang guluhin ako, habang ka-text ko si crush.

           Simple lang naman. Tuwing andiyan si Kuya, na nasa akto, pipindutin ko agad ang contacts at sabay swipe to call, sa pinakaunang pangalan ('Aaaaaate Help' ang pangalan ko rito at ito ang copied number ni Ate Ruby), nang palihim.

           Kaya dapat, si Timing ay kasama ko, para hindi pumalpak ang plano ko at malaman ni Kuya Andy na tinatawagan ko siya.

Lol. Naging tao ang timing. Ewan!

          Bumalik na ako sa aking desk at tinapos ko na ang natitirang pages, habang ka-text ko ulit si Kuya Crush. Kyufufufu~

           Akala niyo hindi na ako magtetext. Bakit? May sinabi ba si Daddy dear na iimbargohin niya 'to, kapag ginawa ko rin yun?

Kulit ko rin, no?

           Though. . .minsan lang. Good girl din kaya ako. ;)

           "This after-eve. . .is awesome." Na-ikuwento ko pa ito sa kanya at naka-relate rin siya. Dahil doon, ikwinento niya rin ang kanyang experience, kung saan ang kanyang kalaban ay ang kanyang kuya.

"Teka. . .may mas panganay pa sa kanya?" I wondered.

           Yan ang naging tanong ko sa kanya sa text. Habang hinihintay ko ang kanyang reply, binuklat ko muna ang aking notebook sa MAPEH, na malapit nang mapuno, dahil sa sunod-sunod na topic. Nako! Kasama rin pala ang CAT. Ano ba yan? Kulang pa ang aking mga notes doon.

Haiii. . .
            Dapat nilapitan ko si Corp. James o kaya si TJ. Silang dalawa ang alam kong kumpleto ang CAT lectures sa aming magkaklase. Pwede rin si Brandon, kaso. . .

"Naah. Puro lang naman siya kalokohan. Kahit siya pa si S4. Hmph!"

             Close friends ko rin ang mga senior officers namin, bukod lang kay TJ, James at Brandon. (Nakalimutan ko lang ang posisyon ni TJ sa mga officers, kahit isa na 'ko sa mga cadettes nila sa Bravo unit. Ehehehe. .)

             Ngunit, pag-oras ng aming training at assembly, tinuturing ko na silang mga leaders. Bawal kasi ang 'friendly atmosphere' sa training grounds.

            Nakaka-antok ang magreview. Mukhang mapapagod pa ako sa kakabasa at sa pagtatanda ng lahat ng aming ni-leksyon. Oh well. . bawi na lang ako bukas, mga tsong!

           Boost-up energy na sana ang presensya ni Kuya Crush sa text, kaso, bilang ako, hindi nawawala si Katamaran Antukin. Nawawalan ng gana, kapag puro libro at kwaderno ang nasa harapan ko. Ayan tuloy. . .higaan ko ang aking bagsak.

           Depende na lang kung si App Games ang hanap, o kaya'y si Tulog, na nasa tabi lang, naghihintay.

           Dami ko talagang friends. Neighbors at partner (with 's') in crime ko pa.

           Sa ngayon, wala pa akong naiisip na gawin, kaya nakahiga ako ng padapa, habang yakap-yakap ang unan kong si Shouya Ishida.

           Ha ha. Ang isa sa mga hubbies ko sa anime. Isa siyang bully, pero nagbago rin siya at naging mabait, nang tumagal ang panahon.

           Wala pa rin akong maisip, kung anong gusto kong gawin, habang naghihintay sa tawag ni Kuya Andy - para kumain ng gabihan.

            Tiningnan ko ang buong paligid, at napatulala ako sa aking kalendaryo. "Ah! That's right. I almost forgot."

            I sat up and layed my pillow ontop my crossed legs, while getting my pen and journal, underneathe my leftside pillow.

           "Hello, baby!" I greeted my blue, book-binded journal. I pulled the garter string, that secures the notebook and I open it, flipping the pages, until I reach the empty side, next to my recent diary entry. Looking at my initial, signed below the last words of my entry, I gaze back at the blank page and opened the cap of my pen.

- - - - - - - - - -

~ N O W ~

        Dated back to June 16 2015, I wrote this diary entry, with Kuya Darren's text messages on it. But before that entry, I also had three, full pages, written about his other texts to me.

          I felt surprised and a little embarrassed, to think that I have a total crush on him, before.

          Then, I was like: Wow! Were you really this crazy for him?


No? Maybe?


          Remembering it makes me wish to turn back time. So, I could scare myself off, and tell her not to fall for him.

          Although, it's normal to be attracted, but. . .what if admiration turns into something else?

That. . .is something that I should be afraid of. How to avoid?

"Leave it, of course!"

          Gladly, I wasn't saying this outloud. Baka mapagkamalan ako ng boys ng tahanan na baliw na me.

          Pero, seryoso. . .gusto kong isigaw ko yan at mawalan ng paki. . .kahit isang oras lang.

          Nakakahiya naman ang mga nakasulat dito, eh. Kuya ko pa naman 'yun. Rinirespeto ko siya.

          At higit sa lahat. . .ayokong ako ang isa mga rason, kung bakit mas magulo ang kanyang buhay ngayon.

Why?

          "O, anak! Ba't di pa ika nagsasangli? Anong binabasa mo?"

          Dad naman, o. Hanggang ngayon, may plano pa rin kayong gulatin ako? Why?! (/ ° [] °-)/

         Nagulat ako sa malakas na katok sa pintuan at sa pagbukas nito ni Dad. "Aa. . .Journal ko po. Nakita ko kasing. . nasa labas na ng pinagtataguan ko nito." I said.

         "Ah. Ganoon ba? Saan ba yan nakalagay?" Tinuro ko ang drawer ng aking desk. Shrugging, he guessed, "Baka nakalimutan mo lang ilagay diyan, bago ka umalis noong bakasyon."


         Sasabihin ko na sana ang aking rason, nang nagsabi na siya na magpahinga na ako. "Matulog ka na anak, ha? Huwag ka na munang magpapapuyat." Nodding in return, I gave him an assuring look and he smiled at me, as he closes the door, then left.

          Ibinaba ko na muna ang aking journal at ni-lock ko na ang pintuan, bago ko hubarin ang aking damit, para mag-hilamos sa bathroom.

          Nag-hot-shower ako at nag 15-minutes babad sa bathtub. Doon na ako nagsimulang mag-isip, kung paano napunta ang aking journal sa ibabaw ng aking desk.

          Sa pagkakaalam ko, inilagay ko siya sa drawer at ni-lock ko pa yun. At ang susi para doon, ay nakalagay sa maliit na square compartment, na may sliding door, sa ilalim lang ng drawer.

          Yun lang ang hindi alam ng nino man, tungkol sa aking wooden desk. Kahit sina Mommy at Daddy dear, na sila ang nagdecide at nagpagawa nun.
Ako rin mismo ang gumawa ng small compartment, sa ilalim nun, para doon ko maitago ang aking susi sa drawer. Siyempre, kailangan ko rin ng tamang measurements, fine wood sawing, at pintura, para hindi halata na may sliding compartment doon.

Umahon na ako't nagtwalya, para makapagpalit na ako ng damit na pantulog.

           Kung sino man ang maaaring gumalaw ng aking mga gamit, lalong-lalo ang aking journal. . .titiyakin kong magbabayad siya.


+  +  +  +  +  +  +  +  +  +  +  +  +  +  +  +  +

Mukhang mas maikli itong chapter, no? Pero at least may na-gets rin kayo sa kwento.

Okay lang naman, right?
You could tell me about it, if you want.

Pasensya na lang sa mga na-unang nakabasa nito (kung meron man po) na hindi kumpleto yung chapter, nung pinost ko siya, para mag-update. Hinahabol ko rin kasi ang aking deadline, para sa would-be ending nito. Kaya tinapos ko na siya, ngayong gabi.

Thanks pa rin sa reads. I felt much happier these days. Bukod lang sa tapos na aming monthly exams, nag-aadjust na rin ako. :)

Alam kong alam nang isa diyan. . .kung ano pa man yun. Unless kung matiyagain siyang magbasa ng aking 'author notes'. Lol. XD

So. . .see you in my next updates. Bye~

      -  - See Next Chapter -  -

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top