Jill of All Trades 2 : HADES CHAPTERS
Dito ko na po tatapusin ang free reading for JOAT 2: HADES. Teasers na lang ng mga chapter ang ipo-post ko and mababasa ang full version sa Telegram.
ABS Second Gen Channel, 75 pesos per month of channel access for eight full novels and 1 ongoing novel.
****
Chapter 46
"Nakalabas na 'ko sa farm. Kaya ko nang gumalaw nang mas malaya ngayon . . ."
Tumango naman siya, matamang nakikinig.
"Mag-i-invest ako sa plano mo. Pag-aaksayahan ko ng oras at resources si Hades hanggang ma-meet mo ang target goal mo sa kanya."
"That's even better."
"Kapag nakita kong kaya mo nang makipagsabayan sa daddy mo, pababalikin ko rito si Ram—ibabalik ko sa 'yo si Ram."
Napataas siya ng mukha dahil sa sinabi ko. Kitang-kita ko ang paggalaw ng lalagukan niya. Nanunukat ng tingin.
"Desisyon ng mga Lauchengco ang masusunod diyan, Kit."
"Huwag mong i-underestimate ang kaya kong gawin. Huwag mo ring i-overestimate ang control ng mga Lauchengco. Marami ka pang hindi alam."
"Gaya ng?"
Ngumisi lang ako sa kanya at tumayo na.
"Kit," tawag niya sa mas mahigpit na tono. "What do you mean?"
Chapter 47
"Sir Clark, malabo 'yan. Sinasabi ko na sa 'yo, kahit konsultahin mo pa si Mother diyan, malabo 'yang bawiin."
"'Yan nga rin ang problema kaya nga kita pinatawag. Binitiwan nga kasi ni Mother 'to."
"O, ba't napunta sa 'kin?" gulat na tanong ko agad. "Si Mother na 'yon, Sir Clark. Kung siya nga, nilalaglag 'yan. Ano magagawa ko?"
"Kukunin ko sa Afitek . . . pero ikaw ang hahawak." Nagtaas-taas pa siya ng kilay para kumbinsihin ako.
"E, ba't hindi na lang ikaw ang humawak? Ikaw naman ang nakaisip."
Mabilis niya akong binato ng butil ng mais dahil sa inis. "Bruha ka talaga. May bayad 'to, 50k."
"Abonohan ko 5 million, tantanan mo lang ako diyan."
Binato na naman niya ako ng butil ng mais, kagat pa ang labi dahil sa gigil. "Hindi kita anak! Huwag mong inaagaw ang linya ko!"
Chapter 48
"Terminated sila rito sa main para sa record if ever mag-apply uli sila. Pero na-endorse naman sila sa ibang company before termination."
"Ibang company . . . gaya ng?"
"Pina-request ko kay Pops kung saan sila puwedeng ilipat. It's not my problem anymore. They did something against the company policy. Mabait pa nga ako kasi puwede ko silang ipa-blacklist."
"Excuse me?" gulat na tanong ko at pinandilatan siya.
"They're not supposed to be here, Kit. Not because they normalized that; that also means it's right."
"Makakaipon ka ng kaaway mo niyan."
"It's on them, though. Play petty games, win petty prizes."
Chapter 49 (Connor's POV)
Jensen was grinning at me in disbelief. "That's riskier than going to Marina. Of all people, si Kit pa? She gunned down five people, dude. She can mow down anyone anywhere."
"Hmm, much better."
"Hindi ka exempted sa puwede niyang barilin."
"She can't do that. Iiyak ang pinsan ko at fault niya 'yon."
"You're crazy, dude. Pagamot ka na."
"Hahaha! I'll bring Kit with me."
Kit is an all-rounder. I acknowledged her wide range of skills kahit na sus siya.
She "allegedly" killed Afitek's most corrupted board members, and she got away with that so easily. God commands thou shalt not kill, and Kit wasn't a huge fan of God's commandments, I guess.
Chapter 50 (Connor's POV)
I knew Ram's voice, but she wasn't in Canada.
If that wasn't Ram, then who could that be?
Another day na hindi pa rin umuuwi si Cali, so I called him again.
"I'll give you another chance to tell me the truth, Bal. One last chance."
"She went to Canada na. There's no sense para pag-awayan natin 'to, Bal. Hindi 'yon si Ram kasi nasa Cambridge si Ram. Ask Kit. Alam niya kung saan nakatira ang friend niya sa abroad."
"I did. Sa Canada na kung sa Canada. But still, you lied to me . . . you lied to Kit."
"I told her na nasa Cebu kami ni Charley! Waiting na lang kami ng return flight!"
"Nagbakasyon ka with Charley kasama ng babae mo. Great! How loyal of you."
"I'm not cheating! I love Kit! I really do!"
"And you left her here, waiting in vain. Hindi pa siya kumakain nang maayos, mahintay lang kayong makauwi. You really love her, huh? Nagugutom ang mahal mo. Ano na ngayon?"
Chapter 51 (Connor's POV)
Tito Clark and Tita Sab talked to Cali; Dad did so, Kit even tried, and the bad news was screaming all over their faces because Cali was firm on his stand.
The Afitek will fall because Kit didn't have her short vacation.
Cali could undoubtedly bring the entire planet to an end for a shallow reason.
Pinalipat si Kit sa farm nina Tita Mel because everyone was so worried na friend nga raw ni Kit ang kasama ni Cali.
They don't trust him anymore basta usapang babae because he's a magnet of lunatic girls. He married a dangerous person, and he was so cool with that. He loves her so much. Bine-baby siya ng isang babaeng kayang pumatay ng tao nang walang reaction sa mukha during the killing. How could Cali look at his wife with full admiration, knowing that her hands were drenched in blood?
Chapter 52 (Connor's POV)
Binato ko siya ng paper clip dahil ang sarcastic na naman niya. "It's Cali's birthday! I'm trying to give him hope!"
"Plano mong paghiwalayin sila tapos bibigyan mo ngayon ng hope? Dude, ang stupid ng logic. Maging consistent ka nga. Kung devil mode ka, be the devil all the way!"
"Dude, the devil doing one good something is better than an angel doing nothing."
"Ano'ng mage-gain mo rito? Kasi nakikita ko na ang magiging financial loss natin sa two days na 'to."
"It's for the baby, dude. Si Charley na lang ang last string of my sanity ngayon. I want it to be special for him."
"May sanity ka pa sa lagay na 'yan, ha?"
"Shut up. Reply-an mo na lang silang lahat. It's for the baby. Period."
Chapter 53 (Connor's POV)
"Taga-drug enforcement agency ako. Tanga ka ba?"
"Ah, yeah, I forgot. My bad." Itinulak ko na lang uli si Charley para iduyan.
"Kapag nando'n ka na, i-interview-hin ka ni Red. Mag-uusisa 'yon. Sabihin mo, hinuli ako ng Red Lotus, ikaw muna ang proxy ko. Hades ang gamitin mong pangalan. Bago sa pandinig nila 'yon kaya manghihingi 'yon ng pruweba."
"May maibibigay ba 'ko as proof?"
"Sabihin mo sa kanya, 'Kapag umulan sa Mayo, sasaluhin niya 'ko.'"
"Okay. So sasabihin kong once nag-rain sa May, he'll catch—" Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang tingnan niya 'ko nang masama. "What?"
"Once nag-rain sa May . . ." she sarcastically mimicked me and glowered after that. "Ang arte mo, nakakabuwisit ka. Tinuturuan ka nga, e."
"It's the same!"
"Bobo!" sigaw niya na wala namang boses, nanlaki lang ang mga mata at overacting na ginalaw ang bibig. "Makinig ka! Verbatim! Huwag kang maarte do'n. Kapag grinipuhan ka do'n, tatawa talaga ako sa lamay mo buong magdamag."
Chapter 54 (Connor's POV)
"Hades pa more."
"Shut up, Jensen."
He sat in front of me across the dining table. I should be eating my dinner, but I was so busy checking on my prospects na bigay ni Kit.
"Some of these men are literally on the PNP's wanted list."
"Hahaha! Alam mo nang delikado si Kit, ano'ng ine-expect mo? Kabarkada niya mga apostol ni Jesus Christ?"
I gave him a deadly glare. "I expected something, pero hindi ganito. Puwede nga akong dumeretso dito sa mga head na 'to, banggitin ko lang ang name ni Daddy o name ni Mamila."
"Pero, dude, ang point ni Kit kaya ka niya pinalalapit sa mga 'yan, para i-humble ka kasi ang yabang mo."
"Fuck off. Gusto lang talaga niya 'kong pahirapan, so she sent me to hell and punished me even more."
"Bagay pala sa kanya talaga ang Hades kaysa sa 'yo, hahaha!"
I dropped my pen and raised a brow at him. "Oh really?"
He chuckled to annoy me kaya nabato ko siya ng eraser. Sinalo niya naman 'yon at ibinato sa 'kin pabalik.
"Kit's not punishing you, though. She's just introducing what hell really means to someone who has never been there . . ."
I halted and stared blankly at the paper I was holding.
"Influential si Kit sa underground because that's her territory. People below our grade respect her because she respects their hustle. Siguro iba lang ang field mo kasi galing ka sa itaas. Pero dinayo mo siya sa ibaba. Irespeto mo ang nirerespeto niya kasi two-way 'yan. Sa dagat nga, di ba? Mas malalim, mas creepy na creatures ang makikita mo."
Chapter 55 (Connor's POV)
Pagkatapos kong tumawag, kahit sobrang crowded ng kalsada sa simbahan, for a very weird reason, I saw Kit in the far corner beside an Ipil tree, brushing her left arm because of the cold, maybe? She wore a sleeveless yellow dress, and her long hair was messy. Mukha siyang pinabangon nang labag sa loob niya. She was yawning and scratching her head out of annoyance.
I was grinning from ear to ear and stood beside her.
"Good morning," I greeted in a softer voice.
She gasped and stared at me with shock.
"Still sleepy?" I asked.
"Nakangising bulldog ka na naman."
"Hahaha! Favorite child talaga 'ko ni Lord."
"Ganyan din ang tingin ng pinakamagandang anghel na ginawa ni Lord sa sarili niya bago siya naging si Lucifer. Bagay nga sa 'yo, pareho kayong may daddy issues."
"Ha-ha, funny."
Chapter 56 (Connor's POV)
"It's my suspect's profile," I proudly joked.
He winced and looked sickened at my answer. "A suspect profile?"
I grinned, nodding. "Alam mo yung sa mga investigator na nilalagay ang photo ng target nila sa walls? I made this for my archenemy."
"Dude, I know Kit's your enemy number one, but still, you printed several cute photos of her and pinned them to your wall para lang makita mo araw-araw."
I let out a crisp laugh after he said that. "This is a suspect's profile! Tina-track ko lang kung saan siya pumupunta!"
Diring-diri ang tingin ni Jensen sa 'kin at inilagay ang mga kamay sa bewang niya. "Dude, sa simbahan lang siya pumupunta."
"Pumupunta rin siya sa park!"
He sarcastically nodded. "Uh-huh? So you created an aesthetic wife mood board for her? That is so sweet of you." Itinuro niya ang ginagawa ko saka tumalikod. "Keep that. Puwede nating isama 'yan sa portfolio."
"I'm not putting it in our portfolio. Wanted si Kit."
"Kit's wanted by you, dude. No one wants Kit anymore, aside from you."
Chapter 57 (Connor's POV)
I looked into Kit's eyes to find pity for me, like how Dree looked at me when I told her that.
But I didn't see that sa mga mata niya.
Maybe that was the reason why I loved her eyes. Hindi ko nararamdamang nakakaawa ako. Hindi niya nati-trigger ang pagse-self-pity ko nang sobrang lala. Tinitingnan niya 'ko gaya ng simpleng taong may gusto lang sabihin at willing siyang makinig.
"Komportable ka talaga sa 'kin para sabihin mo 'tong lahat o gusto mo lang magpa-baby? Gusto mong kantahan kita ng lullaby?" pang-asar niya kaya mahina akong natawa.
"I'm just comfortable with you. Sinabi ko naman na sa 'yo 'yan. And besides, I know you had it worst."
"Kahit pa. Hindi dahil mas malala ang naranasan ko, hindi na malala para sa 'yo ang naranasan mo. Hindi mo puwedeng i-validate ang traumas mo gamit ang struggle ko sa buhay."
"I know," I almost whispered. "But I know that I'm still lucky."
Chapter 58 (Connor's POV)
"Hindi ako comfortable sa idea na ginagawa nila kay Cali ang ginawa nila sa 'min ni Ram before, Kit," pag-amin ko sa kanya.
Pero tinawanan lang ako nang mahina ni Kit saka siya umiling. "Alam mo kung bakit ngayon lang nila 'yan nagagawa?"
"Because of your annulment case."
"Mali. Kasi wala ako sa labas," mayabang na sagot niya. "Tingin mo, magagawa nila 'yan kapag nandoon ako? Hindi ako si Damaris, Connor, baka nakakalimutan mo. Hindi ako mabait na tao, alam mo 'yan. Gawin nila ang gusto nila habang wala ako. Pagbalik ko, madali na lang bawiin ang asawa ko. Sampuin pa niya ang babae niya, wala akong pakialam. Tatay mo nga, hindi ko sinasanto, sila pa kaya?"
Kit was really . . . something.
Kinakabahan ako for her. Kinakabahan ako for Cali. Ibinabalik sa 'kin ng nangyayari ang lahat ng regrets ko no'ng hindi ko in-attempt na magrebelde sa family ko.
(May special chapters pa sa channel na di ko na ia-upload dito)
****
If you want to read the rest of the novels, send a message po sa Telegram: t.me/lenareacts for the access. 75 pesos/monthly po for 8 complete novels:
1. Stolen Heartbeats (Luke Anakin Scott)
2. Ten Times Worse (Eugene Scott)
3. Good Boy's Dilemma (Eugene Scott)
4. Runaway (Damaris Lauchengco)
5. Kung Hindi Tayo Main Character (Carlisle Arjeantine Mendoza)
6. Vagabond (Connor Dardenne)
7. Jill of All Trades (Ezra Kiro)
8. Jill of All Trades 2: HADES (Ezra Kiro & Connor Dardenne)
9. Twin Flames (Zhi Dy- ONGOING)
Thank you for supporting my stories!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top