Chapter 5: In-Charge
Tapos ko na raw ang mga importanteng gamot ko kaya puwede na akong umalis sa farm. Sinabihan na lang akong uminom ng pain reliever kung biglang sasakit ang mga sugat ko. Linisin din palagi para hindi lalong maimpeksiyon.
Ayoko sanang magsinungaling kay Cheese tungkol sa nangyari sa amin ng anak niya gawa nitong mga baliw na executive sa Afitek, pero wala kasi kaming choice. Napaka-OA rin naman kasi ni Cheese.
Unang beses kong makakatapak sa bagong bahay namin—sa bahay na ipinagawa ni Cheese na ilang beses niyang drinamahan dahil naubos nga raw doon ang pera niya, hindi pa fully paid ang lupa. Bayad na raw mismo ang bahay. Itong lote, huhulugan pa rin niya buwan-buwan hanggang makompleto ang dating market value ng loteng napili niya noong nakaraang taon. Nagtaas na raw kasi ang ibang mga katabing puwesto at nagpapasalamat siyang naka-discount siya bilang anak ni Sir Clark.
Napapangiwi na lang ako sa idea na discount lang ang nakuha niya, e kung gagamitin niya ang pera ni Sir Clark, baka makabili pa siya kahit buong block pa at hindi lang basta lote.
Pero maganda ang bahay nang makita ko. Klase ng bahay na puwedeng bahay sa commercial ng powder na sabon. Ang bakod, white-painted wooden fence na patusok ang tuktok. Hanggang baywang ko ang taas pero kayang-kanyang hakbangan ni Cheese kahit hindi na gumamit ng gate. May mga halaman na rin sa gilid-gilid ng bakod. Nakapaso ang karamihan at halatang ipina-landscape niya. May rose na tatlong kulay pa at magkakatabi. May santan sa bawat kanto, may maliit na paso ng kamatis na namumunga na kahit hilaw
pa, may maliliit na paso ng sunflower, may sampayan pa sa kaliwang gilid ng bahay na itinukod sa dalawang metal na poste.
Ang mismong bahay, halong kulay puti at light blue. Para kang magbabahay sa TV sitcom. Pagpasok sa loob, bungad agad ang pader na kadikit ang hagdan sa bandang kaliwa—hindi itinapat mismo sa pintuan. Kaliwang gilid ang sala, kanan ang kusina. Ang bango pa sa loob, amoy citrus na matamis. Wala akong ibang makitang kulay kundi light blue at white. Parang bahay ng baby na laging naka-baby powder at baby cologne.
"Nauna na 'tong makita ni Charley," sabi ni Cheese pagpasok namin. Pagtingala ko sa kanya, nakatingin na siya sa baby namin na kagat na naman ang kamay tapos biglang iwawasiwas sa hangin matapos lawayan.
Ang payapa rito sa bagong bahay namin, pero ayokong sabihin kay Cheese na hindi ako komportableng ganito ang titirhan naming pamilya.
Muntik na kaming patayin ng anak niya tapos ang bakod lang namin, yung kayang-kaya niyang luksuhin.
Hindi naman sa wala akong tiwala sa security ng subdivision na 'to, pero kasi . . . wala kaming katabing bahay. Ang kasunod naming bahay, dalawang street pa ang layo—doon pa 'yon kina
Daddy Scott. Dito sa puwesto namin, kung bagsakan kami ng missile dito, walang madadamay, kami lang talaga.
Kung may magtanong, saan nakatira si Kit?
Doon sila nakatira sa nag-iisang bahay na nakatirik sa panlimang block na malapit sa gitna ng subdivision. Walang katabi, walang katapat, wala sa likod. Kung maligaw ka pa, ang tanga mo na lang.
"Sure ba, dito tayo titira?" alanganing tanong ko kay Cheese dahil kinakabahan ako sa seguridad namin.
Pagtingin niya sa 'kin, nagsusumigaw sa reaksiyon niya ang lungkot dahil sa itinanong ko.
"You don't like the colors ba? Ayaw mo ng light blue?"
Haay. Buti na lang, ang cute-cute ng asawa ko.
Pilit na pilit ang ngiti ko at ang OA na lumunok. "Okay naman 'yong colors. Ano lang . . ." Itinuro ko ang labas para sana sabihin ang tungkol sa bakod. Kaso . . . "Ikaw ang nag-design nitong bahay, di ba?"
Nakanguso na naman siyang tumango habang malungkot ang mga mata. "You don't like it? Ayaw mo dito?"
"Hindi!" biglang kabig ko. "Gusto ko! Ang cute-cute nga, e! Ganito mga dream house ko. Yung mukha akong nasa dream. Ano lang . . . gusto kong ano . . may duyan. Oo. Duyan, ganun." Tumango-tango pa ako habang turo ang labas. "Parang ano . . . parang maganda kasi kapag may duyan sa labas."
"Oh! Yeah, I was thinking about that, too. Sige, papagawa ako ng swing diyan sa garden."
Bumalik ang ngiti niya sa akin at saka ako inaya sa second floor.
Hindi ko alam kung paano sasabihin na walang kasekyu-security dito sa bahay namin ngayon kompara sa mansiyon ng lola niya. Doon kasi, may sariling guard. Iba pa ang guard sa gate mismo ng subdvision.
Pagdating sa second floor, wala halos laman sa hallway. Ang dulong area na malaki ang space, parang 'yon lang—space. Nag-usisa na tuloy ako. "Ganito pa lang 'to?"
"Honestly, wala pa akong maisip na ilalaman dito sa second floor. Siguro kapag medyo malaki na si Charley, baka puwedeng gawing lagayan ng toys niya 'yang sa dulo."
May sariling kuwarto si Charley at nakaayos na para sa baby, pero ayokong nakahiwalay siya sa amin ng daddy niya.
"Puwedeng dito na lang ako matulog kasama ni baby?" tanong ko kay Cheese.
"Puwede naman. Pinalakihan ko na yung crib niya para kasya ka."
"Ikaw?"
Pilit ang ngiti niyang labas ang halos lahat ng ngipin. "Kung naka-crouch, kasya naman ako, hehe."
Ayokong ireklamo kay Cheese itong kawalan ng security ng bahay namin dahil siguro wala naman sa hinagap niyang magpapakasal siya sa gaya ko. Kung normal lang akong babae, kahit huwag na siyang magbakod, ayos lang siguro.
E, hindi.
Kaya nga sinabi ko agad ang tungkol doon kina Sir Clark nang payagan na akong patapakin uli sa Afitek.
Bago magsimula ang general meeting, kinausap ko na siya sa opisina niya.
"Magtatanong 'yon si Cheese kapag nagpautos akong gumawa ng bakod na pang-Bilibid," sabi ko agad. "Gusto ko lang makasiguro na buong West, safe para sa pamilya ko."
"Ay, wow. Ang tindi mo naman," sarcastic na sagot ni Sir Clark nang ibagsak ang likod niya sa executive chair. "Kung yung bahay ko nga, walang security, gusto mo, buong West ang secured para sa inyo? Nalipat ba sa inyo ang Bangko Sentral?"
"Para sa anak at apo mo 'yon, Sir Clark. Maawa ka naman sa baby ko. Puro pa sugat 'yon hanggang ngayon."
"Sinabi na kasing layuan mo anak ko, nagpabuntis ka pa!"
"O, e di, lalayo kami ng anak ko! Doon kami sa walang makakakita sa 'min, kahit ikaw!"
"Hoy! Tigilan mo 'ko diyan, ha!" Dinuro na niya ako. "Subukan mo lang itago ang apo ko sa 'kin, igagapos talaga kita sa basement."
"Gawan mo nga kasi ng paraan, Sir Clark! Yung bakod namin, kahit chihuahua, makakalampas do'n, e!"
"Oo na! Gagawan na! Napaka-demanding talaga! Presidente ka ba ng Pilipinas, ha?"
"Gawan mo ng paraan, ha? Kapag napahamak na naman ang anak ko, ipasasara ko talaga 'tong kompanya ni Lola."
Rumolyo pa ang mga mata ni Sir Clark bago ako lumabas ng opisina niya.
Wala naman siyang magagawa. Kung ako lang, kahit sa kalsada ako tumira, wala akong problema. E, paano itong anak at apo niya?
Gaya ng balita, nagte-training nga raw sina Cheese at Coco para sa posisyon ng pagiging CEO—na ayaw mangyari ni Lola.
Gusto niya, ako ang mag-handle ng Afitek. E, ayoko rin naman. Maliban sa dagdag trabaho lang 'yon, ayokong mag-uwi ng problema sa bahay. Ang kaso, wala na kasi akong magagawa. Nandito na 'ko.
Huling general meeting na napuntahan ko, ang dami pa nila. Ngayon, ilan na lang silang mga nasa mesa. Pamilyar na ang ibang mga kasama kong nakaupo, at muntik pa akong magkamali kanina ng pagbati sa isang Scott na nasa conference room. Maliban sa kamukha niya si Daddy Scott, siya rin pala ang secretary ng meeting ngayon at hahawak ng finance sa external side ng Afitek gaya ng pag-release at pag-issue ng corporate bonds, mga potential investment, at pag-audit ng stock na bibilhin sa kompanyang hawak niya—ang GS Agencia.
"We didn't expect the sudden turn of events, people," panimula ni Eugene Scott sa aming lahat. "And I didn't expect to open an important meeting here at this company."
Nakikiramdam ako sa mga nasa paligid ko. Ang tatahimik kasi nila habang naglalatag ng agenda itong Scott dito sa meeting. Hindi naman sa gusto kong mag-riot sila ngayon, pero para kaming mga estudyanteng kailangang mag-aral nang mabuti dahil may exam pagkatapos nitong discussion.
Inilatag ang tungkol sa financial status ng Afitek. Mababa—sobrang baba. At kailangan na raw simulan ang reimbursements. GS Agencia na raw ang hahawak ng reparation pagdating sa auditing, at kailangang may maibotong CEO as soon as possible kaya nga nagte-training ngayon itong asawa ko at pinsan niya.
"The Board unanismously voted for Mrs. Ezra Mendoza as the temporary officer in charge within one quarter. We will have to prepare for the next meeting after three months."
Sa totoo lang, wala akong pakialam sa executive position o sa sahod o sa kung ano pa man. Kasi noong panahon ko, wala kaming pakialam sa sahod. Ang trabaho namin, laging inclined sa passion and dedication. Ang commitment namin sa Afitek, commitment iyon para sa hustisya, hindi para sa pera. Nagbabantay kami ng mga biktima, nag-aayos kami ng mga kaso na hindi justifiable ang verdict ng judge. Nandoon kami,
hindi para yumaman kundi para magprotekta ng tao, iba pa sa trabaho ng mga nagko-conduct ng background investigation.
Ang issue ko lang talaga sa Afitek, yung naging chain of command. Kasi ang mga tao rito, hindi nagtatrabaho para sa pera kundi para sa prinsipyo. At kung mali ang layunin at saligan mula sa itaas, walang magdududa kung bulok ang ibaba.
'Yon din ang dahilan kaya nagkaroon ako ng training kay Pat Lauchengco. Hindi naman mahirap ang training niya—para sa kanya. Lauchengco siya, e. Mula nang hawakan niya ang mga negosyo nila, binuhat niya lahat. Hindi kasi maingay ang pangalan niya. Kay Mel Lauchengco, oo. Power woman 'yon, e. Kaya rin siguro ang laking pagsisisi ng bumangga sa kanya at sa anak niya. Mabait pa si Mrs. Lauchengco, kung tutuusin.
Ah, mali. Wala palang okay sa kahit kanino sa kanilang dalawa. Sila yung casual kausap pero halimaw sa negosyo. Walang magtataka kung bakit di-hamak na mas makapangyarihan sila kaysa sa mga Dardenne. Imagine, nang-oppressed ka ng authoritarian, tapos no'ng pinakitaan ka ng authority, bagsak agad negosyo mo? Napakabobobo rin kasi ng mga bumangga sa mga Lauchengco, e. Para lang silang sumipa ng natutulog na dragon.
Pero grabe ang retention ni Sir Pat. Grabe rin ang higpit. Ewan ko kung dahil ba sa environment niya kaya ang bilis niyang dumispatsa ng taong walang silbi. Kumbaga, wala siyang pakialam kung may mawalan ng trabaho dahil sa kanya. Wala siyang pakialam kung may sampung anak kang pinalalamon o kung depressed ka man o kung may problema ka kaya underperforming ka.
Ang katwiran kasi niya sa buhay, hindi ka mawawalan ng trabaho kung maayos kang magtrabaho. Sobrang simple nga kung tutuusin. Minimum requirement na nga 'yon para sa kanya na dapat i-meet ang standard ng company. Ngayon, kung wala na silang trabaho, tanungin muna nila ang sarili nila kung saan sila nagkulang.
Tapos walang warning-warning ang pagsesante niya ng tao. Pero kapag nagsesante siya, kompleto siya sa resibo. Naka-folder pa 'yon na personal niyang ipamumukha sa empleyado kung gaano sila kataramad. Tapos babanat pa siya ng, "This company doesn't have enough funds to invest in your indolence. Pack your things. The accounting office will settle your back pay. Proceed to Mr. Gonzaga to process your termination."
Kapag nagtanong siya, hindi siya nagtatanong dahil lang mayabang siya at boss siya. Nagtatanong siya kasi alam niya
ang sagot sa tanong niya na hindi alam ng tinatanong niya. At 'yon ang mahirap doon kasi ang bilis niyang kumuha ng tauhan na kayang sumagot sa kanya.
Kung gaano siya kabilis magtanggal, ganoon siya kabilis magpalit. At ang ipapalit niya, hindi iinu-inutil. Ang ipapalit niya, qualfied na qualified. Hindi na baleng gumastos siya nang malaki sa pasahod ng isang professional at expert kaysa gumastos siya nang doble sa mediocre lang. Matalino talaga. Kaya nga hindi na ako nagulat kung bakit ang bilis niyang magpabagsak ng negosyo habang umaangat ang kompanya niya. Perfect example ng taong never magse-settle for less at bare minimum.
Within the day, nagpatawag agad ng panibagong meeting. Puro na mga manager galing sa iba't ibang department ang ipinatawag para makausap ko. Ipagpapasalamat ko na lang siguro na lahat ng pumunta sa office, walang masamang tinapay sa akin. Twenty-four silang managers and supervisors na um-attend ng meeting, at inasahan na rin yata nila kaya hindi sila nagreklamo sa biglaang attendance.
"Siguro naman, aware na tayong lahat dito sa mangyayari sa management," nakangiwing panimula ko sa kanilang lahat.
"Magugulat pa ba kami?" natatawang tanong ni Hans, isa sa mga supervisor sa operations.
"Three months lang ang agreement namin ng Board tapos uwi na 'ko sa 'min," balita ko sa kanila. "Kailangan ko ng listahan ng mga under nina Jakob para malipat agad ng division na malayo rito. Magkakaroon din tayo ng rehiring para sa mga pinatalsik at nag-resign pero working pa rin sa kabilang company ng mga Dardenne. Makikisuyo na lang ako, paki-ready na lang din ng mga schedule kasi paniguradong kailangan kayo para sa interviews."
"Sino raw ang papalit after three months?" tanong ni Sir Albert.
"Hindi pa sigurado kung Dardenne o Mendoza, pero nagte-training na yata sila. Nakikita n'yo na ba sila rito sa building?" usisa ko.
"Pinag-iikot sila rito kada department," sagot ni Giel na taga-back office. "Yung nakasalamin, reklamador."
Bigla akong napangiwi dahil isa lang ang kilala kong nakasalamin sa dalawang binanggit ko. Ayokong sabihing asawa ko 'yon. Hindi pa yata nila nababalitaan.
"Paanong reklamador?" tanong ko tungkol kay Cheese.
"Ang gulo ng mesa, ang kalat ng folders, walang upuan sa pantry, ang tagal daw ng verdict ng judge, bakit ang tagal ng follow-up, e sira-ulo ba siya? Tayo ba yung RTC?"
"Pati nga hindi pantay na alignment ng tiles sa lobby, sinisita," gatong ni Sir Koy. "Alam ba niya kung gaano kabigat ang foot traffic sa lobby?"
Diyos ko, Carlisle Mendoza. Napapisil ako ng tulay ng ilong ko dahil sa naririnig sa kanila.
Palayasin ko kaya asawa ko rito sa building? Pagbantayin ko na lang kaya 'yon ng anak namin?
"Yung isa?" tanong ko tungkol kay Coco. "Reklamador din ba?"
"Yung green yung mata?"
"Oo," iritableng tanong ko. "Ano mga issue n'on?"
Bagsak ang magkabilang dulo ng labi ni Sir Koy nang sumagot. "Tahimik lang 'yon. Magtatanong lang 'yon kapag may hindi naiintindihan o kaya tungkol sa schedule."
"Parang mas okay 'yon kaysa roon sa isang nakasalamin," segunda ni Giel. "Mukha lang mayabang pero hindi kasing-annoying nitong isa."
Training pa lang 'to, pero mukhang ibabagsak ng mga supervisor ang asawa ko pagdating sa behavior, a.
Napabuntonghininga na lang ako at tinuktok ang mesang nakapagitan sa aming lahat. May mga upuan pero wala namang umupo sa aming lahat.
Sinabihan ko na agad sila. "Prio ko yung list ng mga hindi dapat nandito sa building. Maglalapag ako ng memo sa Friday para sa lahat ng department. Ipapa-amend namin sa bagong set ng board ang by-laws. Bagong policy tayo ngayon. Kapag lumabas na 'yon, effective immediately lahat. Hihingi rin ako ng mga ongoing contract—lahat. Titingnan natin sa Friday kung alin doon ang kailangang i-terminate ang agreement sa atin. 'Yon lang muna sa ngayon. Paki-inform na lang muna sa bawat department na simula na ng three months ko as OIC. Required akong mag-discharge ng employees, heads-up na lang."
♦♦♦
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top