Chapter 40: Named


Sobrang exclusive ng gathering na ginanap kasama ang anak ko, at halatang hindi exposed ang mga guest doon sa kung sino-sino lang kasi ultimo si Coco na anak ni Rico Dardenne, hindi nila namukhaan. Hindi ko alam kung wala lang ba silang interes sa kanya o hindi talaga sila pamilyar sa kanya bilang Dardenne.

Natapos ang event na walang pumansin sa akin maliban kina Mrs. Lauchengco. Payapa ang naging event. Kompara siguro sa Business Circle na ang daming nagpapayabangan ng yaman, doon sa event ng Chinese community, para lang silang pamilya na nagkaroon ng reunion.

Karamihan ng mga nag-speech, hindi nag-speech para makakuha ng investment o kung ano man na tungkol sa pagkuha ng dagdag na impluwensiya. Halos lahat sila, tungkol sa pagpapasalamat na hanggang sa mga sandaling iyon, sinusuportahan pa rin sila ng mga kapatid nilang nandito nakatira at nagnenegosyo sa Pilipinas.

Kahit paano, naintindihan ko kung bakit hindi pinayagan ang ibang bisita lalo ang mga outsider. Intimate ang event at sila-silang matatagal nang magkakakilala ang nagtipon-tipon para sa isang "maliit" na kasiyahan.

Ipinakilala ang anak ko bilang bagong parte ng pamilya nila—kung ano man ang ibig sabihin n'on.

Hindi na ako nakapagpaalam kay Coco kasi matatapos lang sila sa trabaho nila kapag nakauwi na ang lahat ng guest. Nasa van na kami nang magtanong si Mrs. Lauchengco tungkol doon na hindi ko rin inasahan.

"Nakita mo si Coco kanina?" tanong niya.

Saglit kong sinilip si Charley na nasa kandungan ko bago ako sumagot. "Um . . . hindi ko ho sigurado kung—"

"Siya ang team manager at event designer na nag-ayos ng venue kanina."

Ayun lang. Hindi ko 'yon alam.

"Ah, hehe . . ." Napakamot ako ng ulo. "Akala ko, nadagit lang siya nina Jensen kanina . . ."

Walang-hiyang Coco 'to, ni hindi man lang sinabing sila pala ang nag-ayos ng hall kanina.

"Hindi ba siya pinaghinalaan ng mga taga-Red Lotus?" usisa ko at tumanaw sa labas ng tinted window ng van.

"Pinaghihinalaan nga siya kaya siya ang kinuhang decorator," sagot ni Mrs. Lauchengco. "Para kapag may nangyaring hindi maganda, kilala na agad namin kung sino ang hahabulin."

Grabe talaga 'tong mga taong 'to. Ganoon ba sila katakot sa mga kalaban nila na nililiteral nila ang 'keep your enemies closer' na quote?

Nakabalik kami sa farm na pagod ang anak ko. Pumunta siya roon sa event na hindi kami handang dalawa. Biglaan din kasi. Nasabihan ako ni Coco noong nakaraan, pero hindi ko sineryoso kasi wala namang sinasabi sina Mrs. Lauchengco. Pero ayun nga, natuloy pala.

Kaya rin siguro ako binalitaan ni Coco kasi may trabaho pala siya roon sa event.

Hindi naman sa walang utang na loob, pero hindi ko na rin napigilang kausapin si Mrs. Lauchengco dahil sa event na 'yon. Kasi kung nagawa nila ngayon, ibig sabihin, may mga susunod pa. Kilala ko naman sila. Nagawa na rin nila ito sa akin noong ipinaubaya ako ni Lola Tessa sa kanila at kay Sir Pat.

Lumabas ako ng kuwarto para sana pumunta sa kuwarto nina Mrs. Lauchengco pero naabutan ko siyang pababa ng hagdan na malapit sa kung saan kami nagkukuwarto ni Charley.

"Mrs. Lauchengco."

"O?" Huminto siya bago pa makatapak sa hagdanan paibaba. "Bakit?"

"Um, hindi ko kasi in-expect 'yong event kanina." Napahimas ako ng palad at natutupi ako ng hiya ko. "May mga susunod pa ho 'yon, di ba?"

"Ngayon?"

"Baka po puwedeng hindi na lang isama si Charley. Baby pa 'yon, Mrs. Lauchengco. Wala namang kamalay-malay 'yon sa negosyo."

Napaayos siya ng tayo at namaywang saka nagtaas ng kilay sa 'kin. Napahimas ako ng batok at napaiwas ng tingin nang ma-intimidate. Susungitan na naman siguro ako.

"Hindi ko naman ho sinasabing huwag n'yong isama. Ano lang, kapag medyo malaki na siguro," paliwanag ko bago pa ako masigawan.

"Tingin mo, negosyo ang dahilan kaya tinangay namin ang anak mo?" naghahamong tanong niya.

Napayuko na lang ako kasi hindi ko alam ang isasagot. Wala kasi akong ibang maisip kundi negosyo lang naman talaga. Mga negosyante sila, e. Ano ba'ng rason kaya sila nagdala ng bata roon? Para lang may mapaglaruang bulinggit?

"Kung alam kong simpleng anak lang ni Cali si Chan-Chan, tingin mo, magkakapakialam ako sa anak mo?"

"Hindi naman ho sa—"

"Nag-announce na ang asawa mo na officially and legally owned ni Chan-Chan ang Afitek. At lahat ng natitirang shares, mga latak na lang na hindi pagmamay-ari ng anak mo," mahigpit na sagot ni Mrs. Lauchengco at hindi na ako nakapag-angat ng mukha. "Nasa ere ngayon ang Afitek dahil sobrang bata pa ni Charley, naiintindihan mo ba? Hindi sa 'yo ang kompanya . . . hindi sa asawa mo . . . hindi sa mga Dardenne at sa Business Circle . . . hindi rin kay Clark at sa Golden Seal."

"Dapat ho ba, sa Red Lotus siya?"

Ang sarcastic ng naging tawa ni Mrs. Lauchengco sa 'kin. Nakakainsulto, nagmumukha akong tanga rito.

"Kayang kontrolin ng Red Lotus ang mga tao namin. Hindi kami kasingkalat ng mga nasa Business Circle."

Pinagtaasan niya ako ng mukha at ipinatong ang kanang palad sa hawakan ng hagdanan. "Nag-anunsiyo ang asawa mo na walang ibang may hawak ngayon sa Afitek kundi anak mo. Kung hindi pa rin malinaw sa 'yo, nilagyan niya ng malaking target sa noo si Chan-Chan para atakihin ng mga kalaban ni Rico. Kaya kung hindi nila kayang protektahan nang maayos ang anak mo, kami na ang gagawa n'on para sa ikatatahimik ng lahat."

Napaangat ako ng mukha nang magulat sa inamin ni Mrs. Lauchengco.

"Kilala na ng mga nasa community si Chan-Chan. Isang maling kilos lang para atakihin siya, buong komunidad namin ang gaganti. Hindi kailangang lumaki ng anak mo na laging may guwardiya. Sila ang dapat mag-ingat sa kanya."


• • •


Gulong-gulo na ako ngayon sa buhay ko. Kung wala siguro ang anak ko, hindi ako mamomroblema nang ganito ngayon.

Wala naman akong pakialam sa seguridad ko kung tutuusin. G na G nga akong tumalon noon sa riles ng tren. Malay ko bang sa ganito ako babagsak.

Kompara noong baby pa si Charley, dumadalas na ang pagdere-deretso ng tulog niya buong gabi. Hindi na siya nanggigising sa madaling-araw. Pero kahit wala na akong dahilan para magpuyat sa pagbabantay, hindi pa rin ako makatulog nang maayos. Magkaka-static na lang ang buhok ng anak ko kasusuklay ko sa kanya.

Gusto ko sanang magdrama habang nakatitig kay Charley tapos maiisip ko si Cheese. Yung tipong "You remind me of your father" ang drama. Kaso bakit naman kasi ni isang bakas ng genes ng asawa ko, walang pumatak sa batang 'to?

Paano ako makakapag-reminisce ng mukha ni Cheese kung mas kamukha pa ni Sir Clark 'tong bulinggit na 'to? Ano ba 'yan?

Niyakap ko na lang si Charley at inisip na mabilis lang ang isang taon. Kaya naming hintayin 'yon. Ligtas kami rito sa farm. 'Yon lang ang mahalaga sa ngayon.


• • •


Tatlong araw pa ang lumipas bago nakabalik si Coco sa farm. Ang sabi Lunes, Miyerkules na nagpakita.

Isinama ko na naman ang anak kong gustong maglakad nang maglakad. Wala siyang bantay ngayon kasi nasa labas ang mga may-ari ng farm.

"Dedi! Di-Di . . ." Kanina pa sinasabi ng anak ko 'yon. Kung hindi Dadi o Dedi, Didi naman. Pero hindi siya naghahanap ng gatas kasi ang tawag niya sa gatas, mik.

Wala kami sa restaurant dahil ang daming tao. Walang maupuan sa loob. Dumoon na lang kami sa kalsada patumbok ng simbahan at naupo sa concrete bench sa ilalim ng ipil-ipil.

"Didi!" sigaw na naman ni Charley at tusok-tusok ang pisngi ng tito niya. Kung hindi tutusukin ang pisngi, pagtitripan niya ang nakalabas na leather necklace ni Coco.

Mukhang wala siyang trabaho ngayon. Nakasuot lang siya ng itim na V-neck shirt na hapit na hapit sa hulma ng katawan niya tapos denim jeans at black and white Converse. Ako ang nasi-stress para sa pantaas niya. Hindi naman siya body builder pero mukhang banat na banat sa katawan niya ang tela. Katabi ng braso niya ang anak ko, e magkasinlaki lang ang biceps niya saka si Charley.

Nakaalalay ang braso ni Coco kay Charley na nakatayo sa bench. Nakatayo naman ako sa malupang parte kung saan nakapuwesto ang bench at nag-iinat-inat. Ang ganda ng araw ngayon. Malamig sa parteng ito kasi mapuno. Pero kapag nasa farm na at nasa gitna ng damuhan, kitang-kita ang heatwave sa hangin sa sobrang init.

"Na-check ko na ang schedule," biglang sabi ni Coco na kanina pa tutok sa phone niya. Saglit niyang inilapag 'yon sa kaliwang tabi saka nilingon ang anak kong nangungulit sa kanya.

"Ano na?" tanong ko.

"Next month ang estimated nilang launching kaya baka next month, dalhin na naman nila si Charley sa event. Di ba, baby? Kiss mo si Daddy Coco."

"Dedi!" tili na naman ni Charley. Masunurin naman ang anak ko at hinalikan ang tito niya sa pisngi.

Next month. Hindi sana ako maniniwala sa mga sinasabi ni Coco, pero lahat ng assumption niya, mukhang may pinanggagalingan talaga kaya aasa muna ako ngayon sa mga hindi siguradong impormasyon niya.

"By the way, I have something to tell you pala," sabi niya na dahilan kaya naiwan ang katawan kong naka-bend pakanan.

"Please lang, kung negative 'yan, mamaya na." Saka ko lang naisipang dumeretso ng pagtayo. "Ang ganda-ganda ng araw, sisirain mo na naman."

"Hahaha! Come on, Kit. You can't choose the news."

Naduro-duro ko na naman siya. "Alam mo, ikaw, ang galing-galing mo talaga sa mga ganyan. Kung may competition ng pagalingang manira ng araw, platinum medalist ka na."

Tawa lang siya nang tawa sa 'kin tapos sasabayan pa siya ng anak kong hindi naman naiintindihan ang pinagtatawanan niya.

"Cali's rebranding the Afitek."

Kunot ang noo ko nang manlaki ang butas ng ilong. Tinatantiya ko siya ng tingin para malaman kung padudugtungan ko ba ang sinasabi niya o hindi na.

"Wanna hear about it?" nakangising tanong niya.

Nabubuwisit talaga ako rito. Haaay, bakit ba ganito ang buhay ko?

"Rebranding? Wala pa nga siyang isang buwan, rebranding na agad?" sarcastic na tanong ko.

"I told you naman about doon sa side hustle niyang pagbebenta ng info, right?"

"Mga ilegal na gawain n'yong magpinsan, nakaka-proud, e 'no?"

"Hahaha! He's not doing anything illegal kaya!"

"He's not doing anything illegal kaya!" maarteng paggaya ko sa sinabi niya. "Naku! Tantanan n'yo 'ko diyan. Mga trip n'yong magpinsan, parang kinulang kayo sa bitamina habang pinalalaki."

"Hahaha! You're so rude."

Namaywang ako at dinuro-duro ang kanang gilid. "Bakit siya magre-rebrand? Alam ba niya kung magkano ang expenses ng rebranding? Anong rebrand ang gagawin niya, aber?"

"He's just relaunching an affordable security version ng isa sa mga dying project ng Afitek. 'Yong sa mga school and university."

Ay, Diyos ko! "Doon pa talaga niya piniling mag-rebrand, e ang hirap nga ibenta niyan sa PTA."

"Mahirap ibenta sa PTA because ang mga supervisor na nagpe-present ng project, mga wala namang anak na nasa school."

"Kasi nga, may sariling academy ang Afitek."

"But that's not the point. Ang point is you'll introduce the service outside Afitek, and Cali's targeting that ASAP," depensa ni Coco at nalilito na kung paano hahawakan ang anak kong gustong sumabit sa balikat niya. "Advantage sa kanya kasi part siya dati ng school admin. He's aware of the advantages sa school premise."

"O, ngayon?"

"Under ng authoritarian management ngayon ang Afitek, and he doesn't have any plans to listen to any suggestions at this moment. Magtatrabaho ang lahat sa gusto niya, whether they like it or not."

Natigilan ako. Nag-buffer ako kasi . . . naalala ko si Sir Pat na sinabi sa 'kin na ganoon ang gawin ko sa Afitek para sa mabilisang adjustment ng kompanya.

Ang nangyari kasi, hindi ko ginawa. Unang-una, hindi ko makita ang sarili kong bubuhatin ang buong Afitek at titingnan ko ang lahat ng mga naging katrabaho ko bilang mga utusan. Kung magtatrabaho ako, gusto kong magtrabaho kasama nila. May collaboration. May input galing sa kanila na iko-consider ko kasi ayokong sa akin ang lahat ng utak.

"Paano ang gastos sa rebranding na gusto niya?" tanong ko agad. "Kaya pa ba ng finance? Magastos 'yon, e."

"Masu-surprise ka ba kung sasabihin kong wala siyang gagastusin, instead siya pa ang babayaran for that rebranding?"

"Ha?" Nag-hang na naman ang utak ko. "Paanong siya ang babayaran?"

Nakasampa na sa likod niya ang anak ko at hawak niya sa braso mula sa likod. Gusto ko nang kunin sa kanya si Charley para makapag-usap kami nang maayos.

"He's selling information nga, di ba?"

"O, tapos?"

"And I told you about sa fortune-telling thingy niya."

"Oo nga. Ngayon?"

"Those information—I dunno about his exaggerated deliveries—pero tinarget niya ang family ng mga prospect niya. He didn't really focus on the company ng mga client niya, instead he shifted everything sa safety ng mga anak ng mga kinausap niya. He took advantage of emotional connections para mapilitan ang clients na mag-agree sa kanya. Which is, by the way, a smart move kasi wala pang formal security ang karamihan sa mga school ngayon aside sa mga security guard lang. He plans to go digital and mag-focus sa rebranding ng hindi masyadong ina-avail sa Afitek na service."

"Yung gatepass management system."

"Yeah, exactly. Kaya may schedule siya ngayong remaining days ng buong month sa different association of schools and colleges para mag-promote ng affordable gatepass system and data management para sa mga hardcopy pa rin ang archives. Next month, may schedule siya sa Visayas para sa seminar related sa security and data management. Buong month daw siya doon kasama si Daddy saka si Ninong Leo. Magkasabay yata ang schedules nila sa mga conference na naka-book sa calendar ng family namin."

"Wow." Nakikinig lang ako kay Coco pero ako na ang napapagod para sa asawa ko. Ang hectic ng schedule ni Cheese. Nahiya naman ang kasipagan ko sa farm, tagahimay na lang ako ng talbos kada tanghalian.

"Anyway, that's not my agenda. Share ko lang."

"Ah, so wala pa yung point?" sarcastic na tanong ko. Sa dami ng sinabi niya, wala pa pala ang sinasabi niyang sasabihin dapat niya?

"What I want to tell you is that I need you."

Namungay agad ang mga mata ko sa inis. Alam ko na 'tong mga ganito ng lalaking 'to. Mabigat-bigat na naman ang hihilingin nito sa 'kin.

"Tingin ko, mas madali pang ibigay atay ko kaysa sa mga pabor na hinihingi mo."

"Hahaha! That's extreme, Kit. Don't be so OA nga."

"Don't be so OA nga," maarteng paggaya ko. "Ano na naman 'yan, ha?"

"Cali's planning to dominate the schools. He's taking the parents' or guardians' information using the kids. Wala naman silang choice kundi ibigay ang contacts nila to inform them kung sino-sino ang mga naghahanap sa mga anak nilang nasa school. It's for safety naman talaga kaya target niya ang information security management."

"Mangunguha ka na rin ba ng contact number ng buong Pilipinas?" sarcastic na tanong ko. "Pumunta ka na lang ng NTC at mag-hack ka ng database nila, mas madali pa."

Umikot na naman ang mga mata niya para irapan ako at saka tumayo para kargahin nang maayos ang anak kong nakasabit na sa kanya.

"Kokontratahin ko si Luan to create an updated database, software, and mobile apps para sa plano ni Cali. May sariling team si Luan. Kaya niyang i-pull off agad ang project. I'll design the user interface and branding, and probably I'll handle the project management na rin kasama niya."

"Tapos?"

"I can't work as Connor Dardenne kasi lalabas ang name ko sa credits kaya gagamitin ko muna ang Hades name."

"E, di gamitin mo. Bakit ka sa 'kin nagpapaalam, e alam mo nang nakakulong ako ngayon dito sa Laguna?"

"I want you to use the Hades El-Sokkary name, and I'll work on your behalf.'

"EH?!" Sa sobrang lakas ng irit ko, nag-echo sa mga puno ang tunog.

"Cali will question my intention kasi if ako lang ang kikilos mag-isa. Kapag sinabi kong ikaw si Hades, bubuksan ko ang bank account ni Hades, susuportahan niya ang plano ko because he loves you, then papasok sa 'tin ang pera, may progress tayo. Right?"

"Sabog ka ba?"

Napasimangot agad siya sa sinabi ko. "I'm doing this for our family."

"Anong for our family ka diyan?!"

"We need to do this, Kit. Kapag successful 'tong plan, makakabawi agad ang Afitek."

"Hindi ka pa sure diyan. Nag-invest kayo sa pawala nang service ng Afitek. High-risk 'yan sa kahit anong anggulo kasi hindi nga nag-work during previous terms."

"Do you trust me?"

"HINDI!"

"Ugh! God." Nagpaikot na naman siya ng mga mata. "Do you trust your husband?"

"Ah, mas lalong hindi!"

"Bakit ang rude mo sa 'min ni Cali? We love you with all out heart tapos wala kang tiwala sa 'min?"

Ang pait ng naging tawa ko. "Hahaha! 'Sarap mong tadyakan." Sumeryoso agad ako. "Yung wiring ng utak n'yong magpinsan, papitik-pitik na lang, tapos gusto mo 'kong magtiwala sa inyo?"

"Cali is doing everything to have you back. Hindi niya isusubsob ang sarili niya sa work just because workaholic siya. Can't you trust him at least for once?"

Ang lalim ng buntonghininga ko at namaywang na naman. "Pinagkatiwalaan ko ang salita ng asawa ko, okay? Ang wala lang akong tiwala, sa mga kaya niyang gawin."

Ngumiwi naman siya. "You're doing it wrong, Kit. Don't trust Cali's words. Kami nga, hindi namin pinagkakatiwalaan ang kuwento niyang overdo. Trust his actions. He knows what he's doing. Mukha lang siyang reckless—"

"Anong mukha? Reckless talaga siya!"

"Ugh! Fine. You're right," pagsuko niya sa katotohanan tungkol sa asawa ko. "But anyway, kasama ko si Luan. Luan is not reckless naman . . ." Sabay tingin niya sa itaas para mag-isip. "I guess?"

"Wow, napaniwala mo 'ko, grabe. Nagsama-sama pa talaga kayong tatlo, ha?"

"Kaya ka nga namin isasama."

"Ay, wow na wow, opo! Dinamay pa talaga 'ko."

"You just have to go with the flow lang naman. Stay ka lang dito, we do the hard tasks. If someone asks kung sino si Hades, tell them na inampon ka ni Mamila or whatever. It's your new government name or whatnot. After all, may magandang background ka naman pagdating sa work and connections. We can start from there. You have two names naman na, so the more, the merrier!"

"Magpa-drug test ka nga. Kinakabahan na 'ko sa mga naiisip mo, e."

"Kit . . . sobrang basic lang. Sasakay ka lang sa plan."

"Kapag nagkaproblema 'yang Hades na 'yan, ako ang hahabulin niyan."

"If magkaproblema, i-deny mo na lang. Tell everyone na controlled ka ng Red Lotus, and it's impossible for you to work outside Laguna. Mas valid ang defense mo kaysa sa 'kin kasi kinulong ka rito nina Tita Mel. You can get away with it so easily. IF! Hahabulin ka lang. If not, go lang tayo."

"Bilib na talaga 'ko sa haba ng buhay n'yo kahit ganyan kayo mag-isip. Iba! Iba talaga."

"So, g ka?" Ngumisi pa siya at nagtaas-taas ng kilay. "Agree ka na lang kasi, Kit. Pinahihirapan mo pa sarili mo."

"Akala ko ba, you take no for an answer?"

"Oo nga. Pero alam ko namang di mo kami matitiis ni Cali."

"Punyeta ka," walang boses na mura ko sa kanya para hindi marinig ng anak ko. "Oras na magkaproblema 'yang plano mo, huling pakiusap mo na 'yan sa 'kin."

"Ha-ha! That's a yes na, ha?" masayang sagot niya at hinagis-hagis na sa ere ang anak ko. "Pumayag na si Mommy, yey!"


♦ ♦ ♦

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top