Chapter 31: Punishment
Ako ang naglagay ng Afitek main server access sa opisina ni Lola Tessa. Pero matagal na 'yon. Two years ago pa. No'ng buhay pa siya.
Hindi naman sa pinagbibintangan ko ang asawa ko, pero grabeng coincidence naman na bigla-bigla na lang mata-track ang access ni Lola kung kailan nasa mansiyon din si Cheese.
Tinawagan ko si Sir Clark para pumunta sa mansiyon kasi malaki ang chance na anak niya ang main suspect namin.
Ang bigat ng pakiramdam ko. Mahigit isang linggo kaming stressed dahil doon sa hacker na 'yon tapos malaman-laman ko na lang, asawa ko pala ang salarin?
Gusto kong tanungin si Cheese kung bakit. Gusto kong malaman kung ano'ng intensiyon niya para gawin 'tong lahat kahit na alam niyang hirap na hirap din akong magtrabaho sa araw-araw.
Nati-trigger ang inis ko na kahalo ang pagod at stress na ayokong ilabas kasi si Cheese 'yon. Gusto ko muna siyang pakinggan kahit naba-bad trip ako kasi alam kong alam niya ang consequences ng ginagawa niya. Hindi pa ipinanganganak ang anak namin, alam na niya.
So, bakit?
Plano ko sanang humiram ng motor ng Afitek, kaso may logo kasi. Sana naglagay na lang ako ng bull's eye sa noo ko. Kaya kahit ayoko, nag-taxi na lang ako papuntang Dasma.
Nauna na raw si Sir Clark, pero pagdating ko sa mansiyon, nagpaparada pa lang siya ng sasakyan. Nasa gate pa lang ako nang magtuloy-tuloy siya palabas. Naka-corporate suit siya kaya alam ko nang galing siya sa trabahong mukhang hindi pa tapos.
Sisigawan ko sana para tawagin pero nagmamadali ang lakad niya kaya kumaripas na ako ng takbo para lang makahabol.
Eksaktong pagtapak ko sa pinto ng mansiyon, magkaharap na ang mag-ama sa may entrance hall at ang talim ng tingin ni Cheese habang may dalang floor mop. Wala rin siyang suot na kahit anong T-shirt, pawisan pa mula ulo hanggang dibdib, at naka-shorts lang tapos nakapaa. Mukhang naglalampaso ng sahig pagkarating namin.
"Ano'ng balak mong gawin sa Afitek, hmm?" gigil na tanong ni Sir Clark gawa ng galit.
Imbes na sumagot, bahagya lang na itinulak ni Cheese ang bridge ng salamin niya sa mata paitaas para ayusin saka niya itinuloy ang pagma-mop sa sahig.
"Tatahimik ka? Ano na namang gusto mong mangyari, ha?" sermon ni Sir Clark, at patay-malisya pa rin ang anak niya.
"Clark," saway ni Yaya Rosing na napalabas na yata galing kusina dahil sa sigawan sa gitna ng mansiyon.
"Hindi n'yo ba binabantayan 'to, Yaya Rosing?" kunot-noong pangangastigo ni Sir Clark sa matanda habang duro niya si Cheese.
"Wala namang ibang ginagawa ang bata."
"Anong walang ginagawa?" Binalingan niya si Cheese. "Wala kang ginagawa? Nahanap ka ni Luan, ha! Huwag kang magde-deny na hindi ikaw ang dahilan ng blackout sa Afitek!"
Maangas na tumayo nang deretso si Cheese, at napahiling akong sana nandito sina Mr. Dardenne o kaya kahit si Coco man lang.
Pinagtataasan niya ng mukha si Sir Clark—na hindi ko alam ang mararamdaman ko kasi . . . nangingilabot ako sa itsura ng asawa ko.
"Ah . . . yeah, blackout," kalmado niyang sinabi at bahagyang itinabingi ang ulo pakanan para hamunin ang daddy niya. "Can't fix that, Pops?"
Ang lalim ng paghugot ni Sir Clark ng hangin. Ang taas ng iniangat ng balikat niya.
"You have a whole department full of experts with you, right?" dagdag ni Cheese.
"Pinarurusahan ka kaya gumaganti ka, ha? Ano'ng kasalanan sa 'yo ng Afitek?"
"Ano'ng kasalanan sa 'kin ng Afitek?" ulit ni Cheese sa kalmadong tono niya na hindi ko nagugustuhan. "Afitek forced my wife to work until midnight. That was what Afitek did to me."
Nakuyom ko ang kamao dahil sa isinagot niya.
"I was calling Kit in the middle of the night, pero nasaan siya? Nasa work. May binabantayang client. Hindi ko ma-contact kasi nawala ang phone during operation."
'Tang ina, Connor! Buwisit talaga 'tong lalaking 'to.
"Para 'yon lang?!" galit na sigaw ni Sir Clark. "Alam mo ba kung gaano kalaki na ang nalulugi sa Afitek ngayon?!"
"Yeah! You'll always like that, Pops! Invalidated lahat ng bagay kasi 'yon lang sila," sarcastic na sagot ni Cheese. "Oo nga! Kit lost her phone. Para 'yon lang?"
Pa-sarcastic nang pa-sarcastic ang tono ni Cheese na kahit sina Yaya Connie, napalabas na ng kusina para lang makiusisa sa 'min.
"You all forced Kit to work until midnight!"
"That's her goddamn job, Carlisle!"
"That's her fucking job because she has no choice but to be there!"
"Kaya siya nandoon dahil parte siya ng pamilya!"
"Ah! Parte ng pamilya. Since when, huh?"
Napako ako sa puwesto ko dahil sa sagutan nila at tungkol pa sa 'kin. Alam kong galit na talaga si Cheese dahil pulang-pula na ang mukha niya at halos maglabasan ang litid niya sa leeg kaya nanunumbat sa daddy niya.
"Kit's only a family when it's convenient to all of you! Pero ni minsan ba, pamilya ang naging tingin n'yo sa kanya? Tingin n'yo ba, hindi ko nakikita yung hostility n'yo? Hindi na lang ako umiimik kasi tinatanggap na lang niya kung ano lang ang kaya n'yong ibigay. Mahal ko ang asawa ko, Pops! Pero bakit parang ang hirap i-accept?! Kung nagawa siyang tanggapin ni Mamila, bakit kayo, hindi? Mahirap ba talaga?"
"Dahil lang diyan, magpapaka-petty ka?!"
"Petty na kung petty, I don't care!" Padabog niyang ibinato sa sahig ang mop at paulit-ulit niyang dinuro ang sahig. "Nandito ako sa bahay ni Mamila kasi tinanggap ko na tama si Coco! I admitted na may mali ako! Masama ang loob ko, but I accepted na kasalanan ko kaya ako napunta sa Cebu! Libre ang ticket namin at accommodation, Pops! Libre 'yon ng kaibigan!"
Napapaling ako sa kanang gilid para lang magpunas ng luha.
"Kasi 'yon, kahit nasa malayo siya, alam niyang hindi pa kami nakakapagbakasyon ng pamilya ko. It was my fault kasi naisip ko, libre 'yon, e! Hindi gagastos si Kit, pero makakapagbakasyon kaming pamilya! Makakapahinga siya sa trabaho niya! Hindi na iisipin ng asawa ko na iipunin na lang niya 'yong pera pang-college ni Charley! Kasi kayo, wala kayong pakialam, e. Kasi para sa inyo, si Kit, hindi ko siya asawa. Empleyado n'yo lang siya. Kaya kahit hatinggabi, kailangan niyang magtrabaho. Tapos pamilya ang tingin n'yo sa kanya? Fuck off!"
Nagmamadali na akong lumakad para awatin siya.
"Kung mawawala ang Afitek, hindi na kailangang magtrabaho doon ng asawa ko. I don't care kung legacy 'yan ni Mamila."
"Carlisle," awat ko at hinawakan na siya sa braso para pigilan.
"If you can't fix Afitek's issue right now, then you don't deserve that company at all."
"Tama na," saway ko.
"Kung nagagawan 'yan ng paraan ni Mamila during her term, do the same thing. If you can't do what she did, magsara na kayo."
• • •
Hindi ko alam ang ire-react. Ayoko sanang sabihin na ang petty ng asawa ko para magpasara ng kompanya dahil lang hindi ako nakasama sa bakasyon sana namin.
Nalulungkot ako, at the same time, natatawa na nabubuwisit dahil . . . hindi ko alam kung normal lang bang mag-isip si Cheese o ano.
Bottomline: Pinababagsak niya ang Afitek para hindi na ako magtrabaho sa hatinggabi.
Putang ina, kahit ako, nabubuwisit sa rason na ako pala ang puno't dulo ng sama niya ng loob.
Nagpapalamig siya ng ulo sa may pool area kasama ako. Nakaupo siya sa upuang gawa sa rattan at sa kabilang papasan naman ako. Papalubog na ang araw. Tumitingkad na ang kulay
orange na sinag sa bawat parteng kayang tamaan ng liwanag ng araw.
Pinatawag na si Mr. Dardenne kasi ayaw nang kausap ng asawa ko ang daddy niya. Ganoon nga siguro katigas ang ulo ni Cheese para ibang tatay pa ang kumausap para lang pakinggan niya.
"Hindi mo naman kailangang idamay ang Afitek, Carlisle," paliwanag ko.
"I did that for a reason."
"Reasonable ba ang reason mo?"
"It is."
"It's not. Alam kong hindi 'yon reasonable."
"They planned to bring Afitek down last year. What's the difference?"
"Ang diff—"
"Ang difference, nandoon ka na," panapos niya sa ibang sasabihin ko dapat. "Ang difference, yung dapat na work nila, itinambak sa 'yo lahat. And you're not even complaining."
"Nagrereklamo ako."
"Nagrereklamo ka, pero tinatanggap mo pa rin ang work kasi wala kang choice. Now I'm giving you a better choice, tatanggihan mo rin?"
"Mahigit isang linggo akong na-stress dahil sa ginawa mo, alam mo ba 'yon?" Paulit-ulit kong dinampa ang dibdib ko. "Kaya masama ang loob ko kasi hindi ko naisip na magagawa mo 'tong nangyayari ngayon."
"Kung naisip mo 'to beforehand, hindi ko 'to magagawa kasi alam kong pipigilan mo lang ako."
"Kaya hinayaan mo na lang akong umalis? Para lang dito sa gusto mo, okay lang na magkahiwalay tayo, gano'n ba 'yon?"
Nangingibabaw na naman ang inis ko, pero hindi man lang natinag ang tingin niya na halatang walang planong makinig sa kahit anong paliwanag ko.
"Coco was right, Kit. May kasalanan ako kaya nga tinanggap ko ang pagtira ko rito sa mansiyon. And for your peace of mind, I announced in public na kasama ko ngayon ang baby natin dito."
"Ha?!" Napalakas tuloy ang sagot ko dahil sa gulat. "Bakit? Para sa peace of mind? Bakit ko kailangan ng peace of mind?"
"I don't want people to track you down sa farm nina Ninang Mel. They're waiting for an exclusive interview about us. Malapit nang mag-one si Charley. Nire-ready na ang formal introduction niya sa Business Circle."
"Matutuloy pa ba 'yon?"
"Wala naman tayong better choice."
"Paano na tayo ngayon? Nandito ang anak natin, tapos nasa akin din sa Laguna?"
Ang lalim ng buntonghininga niya at tumayo na. Natingala ko siya nang hindi ako agad tumayo gaya niya. "I'll stay here in the meantime."
"Yung Afitek? Paano 'yon?"
"I'll think about it." Tinalikuran na niya ako.
"Carlisle!" hiyaw ko na.
"Go home and take care of Charley. Afitek doesn't need you. Our son does." At pumasok na uli siya sa mansiyon.
Alam ko nang sobrang sama rin ng loob ng asawa ko—mas masama pa sa sama ng loob ko kasi sarado ang utak niya ngayon. Ang hirap basagin ng harang niya.
Sana lang, ganiyan din kahirap basagin ang dating bakod namin sa ipinagawa niyang bahay.
Palihim pa 'kong umakyat sa kuwarto ni Lola para sana i-access ang computer doon.
"Shet."
At nakalimutan kong matalino nga pala ang asawa ko. Pagpasok ko sa opisina ni Lola, malinis na ang mesa niya. Walang desktop na naroon at mesa na lang talaga ang naiwan.
"Diyos ko, Carlisle Arjeantine. Napaka-sensitive mo talaga."
♦ ♦ ♦
*** Notice: Paunti-unti lang po ang update ko nito rito sa Wattpad. This is completed on Telegram. If gusto n'yo pong mabasa hanggang epilogue at POV ni Connor, avail na lang po kayo ng access for 75 pesos. May update pa rin dito sa Hades sa mga susunod, hindi ko lang sure kung kailan. :))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top