Chapter 25: Traces
Inuwi ako ni Coco sa 'min at nagpaalam na may pupuntahan sa Tagaytay. Kung para saan, wala siyang sinabi, basta pupunta raw siya roon.
Baka ayaw lang makita ang pinsan niya. Mainit ang ulo kaya naghanap ng malamig na lugar.
Kaya nga naabutan ako ni Cheese sa kuwarto ng baby namin pag-uwi niya. Nakaupo ako sa mattress na nasa sahig at pagod na pagod sa mga nangyari ngayong umaga lang.
"Si Charley?" tanong ko agad sa mas kalmadong boses.
Kita ko ang paggalaw ng lalamunan niya nang lumunok saka siya nagbuntonghininga. Naiwan siyang nakatayo sa likuran ng pinto habang nakatingin sa 'kin.
"I told them I cheated on you," pag-amin niya.
Kinakapa ko ang sarili ko kung magagalit ba 'ko sa sinabi niya . . . pero maliban sa naaawa ako sa ginawa sa kanya ni Coco, wala na akong ibang maramdaman.
"Gusto nang umuwi ni Ram. Bagsak siya sa dalawang subject niya. Hindi na rin daw siya kino-contact ng mga Lauchengco since last year."
"Kaya ka ba nagmadaling pumunta sa Cebu? Ganoon 'yon ka-urgent?"
"She booked the flight for the three of us—or four."
"Ha?" Nalito naman ako. "Paanong she booked the flight?"
"I don't want to spend your money para lang sa plane ticket. Hindi rin naman ako makakakuha ng flight nang ganoon kabilis habang dala si Charley. Si Ram ang nagpa-book ng flight ten days ago as a surprise. Hindi ako makauwi agad dito sa Manila
kasi wala naman akong pambayad sa plane ticket. Kahit mag-check ka pa ng bank statement ko, wala kang makikitang deduction doon."
"Pumunta ka ng airport na wala kang pera?" kunot-noong tanong ko—na papuntang sermon na yata.
"Kit, hindi ako makakaalis ng bahay nang basta-basta. Ram called for a car service sa company nila para sunduin tayo. Pero na-explain ko naman sa kanya na nasa work ka kaya hindi ka makakasama. She told me na pasunurin ka agad once matapos ang shift mo, and she asked kung puwedeng isama si Coco. I tried to explain to her everything habang nasa biyahe kasi sabi mo nga, ayaw mong may kotseng nagtatagal dito sa bahay."
"Ngayon?"
"It was Connor's birthday two days ago, and Ram was expecting an overnight with us to celebrate."
"Bakit hindi mo sinabi agad?"
"I did. I even sent a rebooked e-ticket for you para makasunod ka sa Cebu after ng work mo. Pero sabi ni Coco, nahulog mo raw ang phone mo paghatid sa client n'yo. Yesterday, out of coverage ang line mo. Or kahit kanina."
Sinubukan kong mag-poker face kasi malamang na tataas ang kilay ko sa sinabi ni Cheese. Aminin ko kayang itinago ni Coco ang phone ko?
"Um . . ." Naigilid niya ang tingin niya saka siya nagbuntonghininga nang mapayuko.
"Ano? May sasabihin ka pa?"
"Sabi ni Tito Rico, doon ka na lang daw muna sa mga Lauchengco ngayon kasama si Charley."
"Ha?" gulat na sagot ko at natitigan siya nang matagal. "Bakit daw?"
"I don't think my explanation is relevant, pero i-take na natin 'yon as my punishment for cheating on you."
"Nag-cheat ka ba sa 'kin?"
"Ram is just Ram. I don't think I can cheat emotionally. Pero umalis ako nang hindi nakakapagpaalam nang maayos. It's my fault. I hoped na makakasunod ka after ng work mo, and I regretted it."
"Kung sasabihin ko bang huwag mo nang puntahan si Damaris para hindi na tayo nagkakagulo nang ganito, hindi mo na ba siya pupuntahan?"
"I know you can understand me better than them, Kit. Ikaw, ako, at si Rex lang ang nakakaalam na umuuwi si Ram dito sa Pilipinas. I trust you with that information kahit na gaano ka pa kalapit ngayon sa mga Lauchengco at sa pamilya ko."
"Bakit hindi mo siya pauwiin?"
"Kasi wala pa siyang napapatunayan. Wala pang napapatunayan si Coco. Kung babalik lang sila ritong dalawa, wala ring mangyayari. Lalo lang silang magkakagulo. Ibu-bully na naman siya ng mga nasa commerce. Ipamumukha na naman kay Coco na maliban sa pagiging Dardenne, wala siyang kayang ipagmalaki kundi mga sama ng loob sa kanya ng family namin. It's—"
Idinaan niya sa buntonghininga ang kasunod ng sinasabi niya. Napailing na lang siya at nag-iwas ng tingin. "Puwede ka namang magalit sa 'kin. I told you everything I know—every secrets I have. Ine-explain ko kahit minsan mahirap. If I did something wrong, I'm sorry. I took the chance, and it didn't turn out well."
Tumayo na ako mula sa puwesto ko at nilapitan siya. Marahan ko siyang sinapo sa pisngi dahil baka mapuwersa ko ang mga pasa niya sa mukha. Malungkot ang mga mata niya nang tingnan ako.
"Hindi ako galit," mahinahong paliwanag ko. "Kaya rin nagagalit si Coco kasi hindi ako galit sa 'yo."
"Nag-date ba kayo no'ng birthday niya?"
"Ha?" Natigilan ako.
"Naka-dress ka kasi sa photo na s-in-end niya. Nag-date kayo ni Coco?"
Mabilis naman akong umiling. "Hindi 'yon date! Pumunta kami sa Marina."
"Saan mo nakuha yung damit mo?"
"Binili niya raw 'yon para sa 'kin."
"You look good on that dress," malungkot na sabi niya, inilag ang tingin sa 'kin.
Umatras siya palayo sa 'kin at naiwan sa ere ang kamay kong kanina lang ay nakadampi pa sa pisngi niya. "Ihahanda ko na
lang ang mga gamit n'yo ni Charley. He's with Pops. Daddy ko na raw ang maghahatid sa inyo sa farm."
Sinundan ko na lang ng tingin si Cheese papunta sa master bedroom. Ramdam kong masama ang loob niya rito sa issue. Naisip ko . . . ganoon ka kahirap aminin ang lahat sa kanila para mas piliin niyang aminin na nambabae siya kaysa sabihing umuuwi rito si Damaris sa Pilipinas?
Pero sa isang banda, naiisip ko rin na . . . hindi ko rin naman maamin sa kanya na muntik na kaming mamatay ng anak niya dahil sa Afitek. Ang daming bagay na kaya niyang aminin sa 'kin kahit gaano pa kababaw, samantalang ang malalalim na bagay para sa 'kin, hindi ko naman masabi sa kanya.
Ang tahimik sa bahay kahit nasa loob naman kami. Gusto kong gamutin ang mga sugat at pasa niya sa mukha, pero hindi ko siya mapigil sa paghahanda ng gamit namin ng anak niya.
"Hindi mo man lang ba sasabihin sa kanila na hindi naman nila 'to kailangang gawin sa 'tin?" paliwanag ko. "Hindi naman ako galit. Kung mambabae ka, wala naman akong pakialam, basta dito ka pa rin uuwi sa bahay."
"Coco will never buy that. Tito Rico probably has the same opinion. Ayoko na ng argument, hindi rin naman ako mananalo."
"Paano kung ayokong umalis dito?"
"They will force you to leave. Or worse, baka ipakuha ka pa rito ng Red Lotus. Mas okay na 'to na tahimik kayong aalis. I have to deal with the consequences of my decision."
Nagsisimula na akong mainis dahil sa mga nangyayari. Hindi ko na alam kung sino ang dapat sisihin.
Naiintindihan ko kung saan nanggagaling si Coco. Sige, may point siya. Nagbakasyon nang walang paalam ang asawa ko kasama si Damaris. Pero saglit lang na sumama ang loob ko. Ayos na 'kong nakauwing ligtas sina Cheese at Charley sa bahay.
Hindi ko rin alam dito kay Damaris kung bakit bigla-bigla na lang ding nagpapadala ng service dito sa bahay namin. Ganoon ba ka-importante si Coco para lang gastusan niya kami ng ticket? Kung nalulungkot pala siya, e di umuwi siya! Wala namang pumipigil sa kanya, e.
Naibagsak ko ang sarili ko sa kama, pabigat nang pabigat ang hininga.
"'Yon lang ba ang problema nina Coco at Damaris? 'Yang walang kamatayang issue nila tungkol sa mga dapat nilang patunayan sa lahat?"
"I told you. Big deal 'yan sa kahit sinong involved sa Business Circle at Red Lotus. Once na umuwi si Ram nang walang kahit na anong napala abroad, Ninong Pat will attack everyone again para protektahan ang anak niya. I can't blame him, though."
"Ang tagal naman kasi niyang nagma-master doon, e saglit lang naman dapat 'yon, a!"
"She can't focus on her studies. Kaya nga gusto na lang niyang umuwi. Walang magandang option ngayon si Ram kundi tapusin ang goal niya abroad."
"Tsk!" Napasuklay na lang ako ng buhok dahil sa panibagong stress. Hindi naman kami dapat nadadamay rito, bakit kailangang madamay kami?
"Coco already has a bad reputation. Afitek na lang ang hope niya, but I don't think Ninang Mel will let him win the voting
for the next CEO. He'd already lost his chance to have a place in the Business Circle. He's nothing other than Tito Rico's prodigal son. Pareho lang sila ni Ram na masasabihang mga walang silbi sa pamilya."
Mula sa pagkakasuklay ng buhok, naiwan ang mga kamay ko sa noo nang matigilan.
"Coco already has a bad reputation. Afitek na lang ang hope niya, but I don't think Ninang Mel will let him win the voting for the next CEO. He'd already lost his chance to have a place in the Business Circle. He's nothing other than Tito Rico's prodigal son . . ."
Saglit nga . . .
Bakit parang iba naman ang naririnig ko rito kay Coco?
"My dad . . . he's not afraid to be the bad guy . . ."
"Gusto mo siyang talunin? Gusto mong higitan?"
"Gusto kong magkaroon ng meron siya. That way, I can save those I want to be saved. At mas madaling i-explain at mapagbigyan ako kasi gusto ko lang gumanti . . ."
Napaupo ako nang deretso at kunot-noong nag-isip.
"Di ba, may girlfriend ang pinsan mo?" tanong ko agad. "Di ba, mayaman din 'yon?"
"Si Daddy Dree? Ayaw sa kanya ni Tito Rico."
"Bakit?"
"Apart from she's dying, maraming utang ang family nila na pinapa-shoulder nila sa family namin."
"Utang nila tapos kayo ang magbabayad?" di-makapaniwalang tanong ko.
"They're using Connor to milk money from Tito Rico. Ayaw pumayag ni Tito sa gusto nila."
"Kahit din ako, hindi papayag doon, e. Ano sila, sinusuwerte? Utang nila, ako pa magbabayad?"
"You can't tell what's on other people's minds, though."
Ibig bang sabihin n'on, cancel out na itong pekeng syota ni Coco sa option? Pero ang sabi ni Cheese, sugar mommy kuno ni Coco itong Dree. Paano na ngayon kung puro pala utang 'to? Saan siya kukuha ng pondo?
"Si Coco," dugtong ko. "Sabi mo, gusto lang niyang gumanti kasi pinarurusahan kayo ng pamilya n'yo."
"Yeah. And he's been doing that ever since Ram left."
"Paano siya gumaganti?"
"He's annoying everyone."
"Tapos?"
"That's it."
Annoying everyone lang? 'Yon lang ang alam ni Cheese?
Alam kong nakakabuwisit si Coco minu-minuto, pero parang hindi naman yata iikot ang buhay niya sa pambubuwisit lang araw-araw sa buong pamilya niya?
"Dad's connection is way different than this. He always asserts his authority to let people know that he's above and beyond their expectations of him. Ayokong gawin 'yon kasi ang lalabas lang na image ko, nagyayabang lang ako. I have to humble myself first. I need to let people know that I can be easily manipulated. They love controling stupid people with good background, though."
Gusto lang mang-inis ni Coco? Pero bakit parang hindi naman 'yon ang gusto niyang mangyari?
O baka . . . 'yon lang ang gusto niyang makita nila sa kanya?
"Aalis ba 'ko ngayong araw kasama si Charley?" tanong ko agad kay Cheese.
"Yeah. Pops will bring you sa farm. Safe naman doon. Mas safe siguro kaysa rito."
Mas safe kaysa rito?
Nanliit bigla ang mga mata ko at napaisip. Kagat-kagat ko ang daliri ko habang iniisip na parang ang dali lang namang ipatapon ako sa kung saan . . . na mas safe?
Ano ang ibig sabihin nila sa mas safe? Dahil ba alam ni Sir Clark na may chance pa ring ma-ambush kami ng apo niya kaya sa farm kami ngayon titira?
"Maiiwan ba kayo rito ni Coco?" usisa ko agad kasi aalis kami ng anak ko.
"Baka sa ibang bahay muna ngayon si Coco."
"Galit ka ba sa kanya?"
"I can't be mad at him. He's right, though. I was with someone else while you were busy working for our family."
Nalungkot naman ako para sa asawa ko. Kahit nabugbog na siya ng pinsan niya, hindi pa rin siya nagagalit. Kung ako siya, magagalit ako.
"Titira na ba siya uli sa girlfriend niya?"
Umiling si Cheese at inayos na ang feeding bottles ni Charley sa isang bag. "He can't do that. Dree's in the hospital."
Sa ospital?
"Sinong may alam na nasa ospital siya?" usisa ko.
"It's all over the news since last year."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa inamin niya. 'Tang ina, last year pa?
"So, alam ng lahat na nasa ospital yung Dree o hindi siya makakaalis sa ospital?"
"She's in Canada for the chemotherapy. Hindi lang niya sinasabi kay Coco because she didn't want him to delay his plans just to take care of her. Coco can leave everything behind for Dree. Mas okay nang alam ng pinsan ko na nandito pa rin ang girlfriend niya sa Pilipinas para hindi siya nag-aalala oras-oras."
"Ibig sabihin, wala yung Dree sa Pilipinas? Kailan pa?"
"Since last month pa. Why are you asking?" tanong niya paglingon sa 'kin.
"By the way, I'm totally sure na ite-trace nila si Dree because of you. Ikaw lang ang naka-decent black gown kanina sa event."
"Kailangan ko na bang dalhin sa ligtas na lugar sina Cheese?"
'Tang ina shet. Kung wala rito yung Dree. Sino ang tine-trace nila?
♦ ♦ ♦
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top