Chapter 24: Face-Off
Ilang beses ko nang ipinaliwanag kay Coco na ayos lang sa 'kin ang pagbabakasyon ng mag-ama ko. Lahat na yata ng puwede kong paliwanag, naipaliwanag ko na, pero ayaw niya talagang tanggapin.
Hindi niya lang siguro ako naiintindihan kasi hindi naman niya naranasang lumaki na iniwan ng magulang. Sobrang pampered nga niya sa mga Dardenne na inirereklamo na nga nina Yaya Rosing. Noong dinala nga raw siya sa Denmark, hindi lang siya mag-isa roon. Kasama pa buong pamilya niya pati kinakapatid niya at girlfriend niya.
Siya, may pamilya siyang masasamahan siya anumang oras. Ako, kung sino lang ang nandito sa bahay, sila lang ang mayroon ako. Hindi ako haharap sa riles ng tren kung may pamilya pa akong nag-aabang sa akin pauwi.
Ayokong sakalin si Cheese na ikukulong ko siya rito sa bahay dahil lang ayoko siyang may kasamang ibang tao maliban sa 'kin. Ayokong maghigpit kasi ayoko ring maramdaman niya na walang karapatan ang ibang tao para sa kanya.
Ewan ko kung naiintindihan 'yon ni Coco, pero hindi ko kasi kayang magdesisyon ng pansarili ko lang. Hindi nakakapasyal ang mag-ama ko sa malayo dahil nga delikado. Hindi ko sila masamahan kasi natatakot din ako na baka bigla na lang kaming ratratin ng bala sa sasayan.
Ang hirap mag-isip para sa kanila na kasama ako kasi kahit sina Sir Clark, aminadong kapag kasama ako ng mag-ama ko, delikado talaga ang buhay nila.
Ayokong ikulong sila sa bahay dahil lang mapanganib sa kanila kung kasama ako.
Mataas na ang araw nang may humintong sasakyan sa harap ng bahay namin. May pait sa ngiti ko nang makitang bumaba roon si Cheese at kinuha sa kabilang upuan ang anak ko.
"Hi, Kit! I miss you!"
Wala silang ibang dala maliban sa isang malaking paper bag.
Sinalubong ko na sila para kunin ang baby ko.
"May pasalubong ako for you. Tuwang-tuwa si Charley sa swimming niya. Ang tagal din niyang hindi nakagala."
Kinarga ko na si Charley at ang lutong ng tawa nang yakapin ako nang mahigpit. Kawag nang kawag habang tumitili, halatang excited na makita ako.
"I have something to share pala," sabi ni Cheese na tuloy-tuloy sa pagpasok sa bahay.
Sumunod naman ako.
Dalawang araw akong may bigat na nararamdaman—na hindi sana bibigat kung hindi ako pinagagalitan ni Coco—na hindi pa rin nawawala kahit nakauwi na sila ng anak ko.
Pagtapak na pagtapak ko sa sala, natigilan ako at naiwan sa hangin ang tili nang sapuin ang likod ng ulo ng anak ko. Sa sobrang gulat ko, napanganga na lang ako nang makitang tumilapon sa sahig si Cheese matapos suntukin ni Coco—na akala ko, joke lang niya nitong nagdaang mga araw!
"Welcome back, jerk," kaswal na bati ni Coco kaya sa kanya nalipat ang nanlalaking mga mata ko.
"What the hell?!" gulat ding tili ni Cheese na hindi agad nakabangon.
"That's for being an irresponsible father and a husband, you asshole."
Pareho yata kami ni Cheese na nagulat at hindi agad nakapagbalik ng salita kay Coco.
"Be thankful na 'yan lang ang kaya kong gawin sa 'yo, because I don't want to apologize, and I don't want Kit to pay for your hospital bills because of me."
"Inaano ba kita, ha?!" gigil na sigaw ni Cheese at bumangon na.
"You've been with someone else for two days, and Kit and I were left here. That's what you did."
"Two days lang 'yon! Bakit ka nananapak?!"
"Ah . . . two days . . ." Pagtalikod nang bahagya ni Coco, napasinghap ako nang suntukin na naman niya ang asawa ko hanggang sa bumagsak si Cheese sa sofa bago bumagsak sa sahig. "Two fucking days with that bitch, and you didn't see that as wrong? Fuck you, Carlisle Arjeantine! Use your fucking head, you useless jerk!"
Nagmamadali akong lumabas bago pa makita ni Charley na nagsasapakan ang daddy at tito niya sa loob ng bahay.
"Anak, doon ka muna kina lola, ha? Miss mo na si Lola Sab?"
Ang bilis ng lakad ko papunta sa bahay nina Sir Clark. Kailangan kong awatin ang magpinsan bago pa sila magpatayan doon.
Nakailang doorbell ako sa gate pero walang sumasagot. Sinilip ko pa ang mga bintana sa balcony kung may bukas ba, pero wala talagang bumaba para pagbuksan ako ng gate.
"Ah, talaga naman. Bakit ngayon pa?"
Tumawid ako sa street sa likuran ko para pumunta sa satellite office nina Luan kung may tao ba roon na puwedeng mapag-iwanan kay Charley. Eksaktong pagbukas ko ng glass door, nandoon si Luan at nagbabantay ng reception.
"O? Himala, napadpad kayo rito," bungad niya.
"Pabantay nga muna ako sa anak ko. Nagsasapakan sa bahay sina Cheese at Coco, e."
Ngumiwi sa akin si Luan at hindi agad kumilos.
"Bilis na!"
"I don't see that as an emergency."
"Bilis na! Isa ka pa!"
Lalo lang akong nainis nang mangalumbaba pa siya sa desk at tiningnan ako na parang hindi ako nagpa-panic dito.
"Puwede ba, makisama ka nga! Kapag may nangyaring masama sa asawa ko—"
"It's his fault. Hindi siya lumaban, e."
Putang ina . . . bakit ba ganito ang mga lalaki sa paligid ko?
"Anak, dito ka muna sa singkit na 'to. Balikan ka agad ni Mama." Inilapag ko si Charley sa sofa na kaharap ng front desk at saka ako nagmamadaling lumabas.
"Hey! Don't leave your babies unattended!" sigaw ni Luan pero nakalabas na ako nang matapos niya ang sinasabi niya.
Kumaripas agad ako ng takbo pabalik sa bahay at eksaktong pagbukas ko ng pinto, nag-aambahan na ng kamao ang magpinsan nang maabutan ko.
"TUMIGIL NA NGA KAYONG DALAWA!"
Sabay pa silang lumingon sa 'kin. Dumudugo na ang labi ni Cheese at may namumuo na siyang pasa sa kanang pisngi. Maliban naman sa nagulong buhok at T-shirt, wala pang kahit na anong senyales ng suntok sa mukha ni Coco.
"Tumigil na kayo! Please lang! Ayokong bumunot ng baril dito para lang tumigil kayong dalawa!"
Marahas na binitiwan ni Coco ang kuwelyo ng polo shirt ng asawa ko at saka niya ito dinuro sa mukha. "I wish you had
brought Kit to me first. Hindi mo siya deserve bilang asawa! Hindi mo deserve ang anak mo!"
"She was working when we left!" sigaw ni Cheese.
"And that's the fucking point, you stupid ass!" Naituro ako ni Coco habang harap-harapang sinisigawan ang asawa ko. "Nagtatrabaho ang asawa mo kasama ako habang nag-e-enjoy ka kasama ang ibang babae, when in fact, that job was meant for the three of us to perform! Kung hindi 'yan mali sa paningin mo, sunugin mo na 'yang diploma mo kasi hanggang papel lang pala 'yan!"
"I was with someone important, okay?!"
"Mas importante kaysa sa asawa mo?"
"Nag-usap na kami ni Kit about that! Naiintindihan 'yon ni Kit!"
"Ha! Ha-ha! Bullshit."
Hindi ako makaimik. Pagtingin ko kay Coco, dali-dali siyang lumapit sa 'kin at kinuha ang kamay ko.
"If Kit's not that important to you, then you deserve nothing at all."
Nalito na ako kung sino ang unang lilingunin nang kaladkarin ako ni Coco palabas ng bahay.
Hindi ko na rin alam ang nangyayari. Wala na akong naiintindihan.
• • •
Dinala ako ni Coco kina Sir Clark, pero wala nga kasing tao. Dumeretso tuloy kami sa mga Scott. 'Yon pala, nauna nang tumawag si Luan para lang itsismis na nagsusuntukan nga raw ang asawa ko at pinsan niya sa bahay habang nasa satellite office ang anak ko. Naging barangay tuloy ang opisina sa West para lang pagharap-harapin kami.
Nakaupo si Coco sa isang folding chair habang nasa likuran niya si Mr. Dardenne na naka-formal suit pa man din at mukhang galing sa meeting.
Si Cheese naman, nakaupo sa sofa, katabi ng mama niya na lungkot na lungkot dahil puro pasa ang mukha ng panganay nito. Si Sir Clark naman ang may karga sa anak ko. Mukha silang may mga meeting at napamadali lang ng uwi dahil sa nabalitaan.
Nakapuwesto naman ako sa tabi ni Luan sa may front desk na binabantayan ako sa hindi ko malamang dahilan. Ewan ko kung binabantayan ba ako o makikitsismis lang.
Kanina pa himas-himas ni Daddy Scott ang noo niya at problemadong-problemado na may inaayos na namang problema rito sa satellite office. Kahit siya, nakasuot ng corporate suit. Nahihiya na talaga ako sa abalang ginagawa namin. Para namang mga bata kaming hindi mabantayan nang maayos.
"Ewan ko na talaga," sabi niya, titig sa sahig.
"What really happened, maliban sa nagsuntukan kayo?" tanong ni Mr. Dardenne kina Coco.
"Why don't you ask that asshole what really happened?" sarcastic na sagot ni Coco nang duruin ang asawa ko.
Ginantihan din siya ng mama ni Cheese at nakipagduruan. "Watch your mouth, Connor. Ikaw ang may atraso rito."
"Oh, wow. I forgot I'm the villain here. My bad."
"Connor," saway ni Mr. Dardenne at bumaling na sa asawa ko. "Carlisle. What happened?"
"Coco punched me a lot of times dahil lang nagbakasyon kami ni Charley."
"Dahil lang doon?" tanong ni Sir Clark kay Coco. "Nanapak ka ng pinsan mo dahil lang doon?"
"Bakit muna siya nagbakasyon?" sarkastikong tanong ni Coco, na mukhang ganoon at ganoon na lang talaga ang magiging tono niya kahit mula pa kanina.
"What's wrong with that?" ganti ni Sabrina.
Kinalabit na tuloy ako ni Luan para magtanong. "Ano ba'ng nangyari?"
"Nagtrabaho nga kasi kami ni Coco sa Marina no'ng isang araw. May client kasi."
"Then?"
"Tapos nagbakasyon si Cheese kasama ang anak namin."
"That's all?"
"Nagpaalam naman si Cheese. Medyo late lang pero nagpaalam naman. Ito si Coco, nagagalit kasi hindi nga nagpaalam ang asawa ko na aalis pala sila."
"Umalis sila without you. Correct?"
"May trabaho nga kasi ako kaya hindi ako nakasama. Pero nagpaalam naman."
Binalingan ko uli silang nasa gitna ng lobby.
"Tell them what's wrong, Bal. Maging honest ka kahit ngayon lang," buyo ni Coco.
"Nagbakasyon kami ni Charley sa Cebu—"
"With another girl, pakidagdag, para clear tayo," putol ni Coco na dahilan ng paghugot ko ng hininga.
"Ooh . . . I see," dinig kong sabi ni Luan sa tabi ko. "Reasonable. I mean the punch."
"With another girl?" tanong ni Mr. Dardenne kay Cheese.
"She's a friend. Kilala siya ni Kit."
"Dad punched me harder than that," proud pang sabi ni Luan sabay sandal sa swivel chair niya.
Napapabuntonghininga na lang tuloy ako.
"Hindi pa rin tama na mananapak ka," sumbat ni Sabrina kay Coco. "Tama bang saktan mo ang pinsan mo?"
"He deserves all the pain, Tita Sab. Puwede ko pang dagdagan kung kulang sa kanya."
"Connor!" mas malakas nang saway ni Mr. Dardenne sa anak niya.
"What?" depensa agad ni Coco. "Am I wrong for punching him? Sige, aminin na natin! Mali ako! Sinapak ko siya on behalf of Kit! Kasi si Kit, ang nasa isip niyan, 'Ah, kawawa naman asawa ko kung pipigilan kong sumama siya sa ibang babae habang busy ako sa work. Ang mahalaga naman, masaya siya.' If that's okay with you, people; sa 'kin, hindi! Because if you"—dinuro niya si Mr. Dardenne na nasa likuran niya—"did that to Mama, I'll punch you harder than that! You never raised me na nakikita kong priority mo ang ibang tao over Mama habang busy siya sa work!"
Hinarap ni Coco ang asawa ko para sumbatan na naman. "And Kit is less important than that girl you were with? Mahiya ka naman sa baby mo! Lumalaking 'yan ang nakikita sa 'yo? Na hindi na baleng maiwan ang mama niya, mapagsilbihan mo
lang ang ibang tao? Wala na ngang kakampi si Kit sa pamilyang 'to, iniiwan mo pa para sa ibang babae! How dare you?"
"Alam ni Kit—" sigaw sana ni Cheese pero tinapatan agad ni Coco 'yon ng panibagong sigaw.
"Alam ni Kit kung ano man ang alam niya, but that's not a license for you to disregard everything na tinatanggap niya kasi wala lang siyang choice! Nakakatulog ka pa nang maayos niyan, ha?"
"You don't even understand—"
"I don't have to understand your reason for leaving all of a sudden nang hindi nagpapaalam sa asawa mo para lang magbakasyon sa ibang lugar kasama ng ibang babae—kahit sino pa siya!" Bigla niyang dinuro si Sabrina na ikinagulat ko. "Kung gagawin sa 'yo 'yan ni Tito Clark na magbabakasyon siya somewhere with another girl, okay lang ba sa 'yo, Tita? Kasi kung okay lang sa 'yo, I'll shut my goddamn mouth and take this as something I exaggerated."
Saglit na napaamang si Sabrina pero nakuha pa ring sumagot. "Pero hindi pa rin tama na sinaktan mo ang pinsan mo. For sure, wala namang malisya 'yong vacation na 'yon."
"Ah. Yeah. Walang malisya. I'm done here." Napapalakpak nang isang beses si Coco at tumayo na. "This family can blame everyone, but never themselves. I'm ashamed of you, people. You have never failed the allegations of being unreasonable since the dawn of time."
Dere-deretsong lumapit sa akin si Coco at halos mapaatras ako sa upuan ko para lang mailayo ang sarili ko habang maaga pa.
"You're coming with me." Kinuha na naman niya ang kamay ko at walang hirap akong itinayo sa upuan ko.
"Connor, hindi ka aalis dito nang hindi 'to naaayos," saway ni Mr. Dardenne nang hatakin na naman ako ni Coco para makaalis.
"Wala tayong maaayos dito hangga't ganyan kayong mag-isip. I can imagine Mamila's disappoint right now."
"Bitiwan mo nga si Kit!" sigaw ni Cheese at paglingon ko, papasugod na siya sa 'min.
Napakurap ako nang itulak siya nang malakas ni Coco para ilayo sa 'min. Si Mr. Dardenne na ang nakasalo sa kanya bago pa siya bumagsak.
"Kung hindi ka nagbida-bida, ako sana ang daddy ni Charley! Pinakasalan mo lang naman si Kit kasi kailangan mo ng anak, di ba?" pag-amin ni Coco na ikinagulat ko—o baka hindi lang ako. "You already have what you wanted."
Paulit-ulit niyang dinuro si Cheese na pinandidilatan siya. "Kit and I will work on Afitek kasi walang maaasahan sa 'yo. Pinalampas na namin ang kaartehan mo tungkol sa internal operation. Kung mas gusto mong nag-e-enjoy, mag-enjoy ka na lang habambuhay kasama 'yang babae mo! Hindi ka deserve ni Kit, hindi ka deserve ni Charley, at mas lalong hindi ka deserving para maging CEO ng Afitek! Itatak mo 'yan sa utak mo!"
♦ ♦ ♦
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top