Chapter 21: Gaslit
Ang galing mang-inis ni Coco. Kung talent siguro mam-bad trip ng kausap, napaka-talented niya talaga.
Alas-onse natapos ang party. Alas-dose, nasa biyahe na kami papunta sa bahay ng mga Torralba para doon ihatid ang mga kliyente pauwi. Isang convoy kami at lima kaming naka-motor. Nakadistansiya ako na hindi bumababa nang fifty meters ang layo sa kanila.
Si Coco, nakasakay sa van kung nasaan ang mga Torralba. Habang nasa biyahe, hindi ko maiwasang isipin na paano kung bigla silang tambangan at nandoon siya sa loob?
Iniisip ko agad kung paano ba ako magbabantay sa ganito lalo't wala naman akong dalang baril o kahit na ano maliban sa sarili ko.
Mula Maynila, bumiyahe kami sa pagkalamig-lamig na gabi papuntang Taytay, Rizal. Ito lang ang naging problema ko. Pagdating sa gate ng exclusive village, van na lang na sakay ang mga Torralba ang nakapasok. Lahat ng Afitek guards maliban kay Coco, naiwan sa gate ng village. Pinayagan siyang makapunta sa loob kasama ng pamilya ng kliyente namin. Hindi lang ako sigurado kung bakit kailangang kasama pa siya nila.
"Kit, mauuna na kami. Nagradyo na sa loob. Tapos na ang assignment."
Tumango na lang ako sa ahenteng nagpaalam at hinayaan silang makaalis. Sa isip-isip ko, uuwi na rin siguro ako. Tapos bigla-bigla kong naalala, wala pa si Coco!
At wala 'yong sasakyan!
Ang galing.
Imbes na makauwi na tuloy ako, naghintay pa ako sa may gate para lang abangan siyang makalabas.
Madilim na nga, tahimik pa sa labas ng gate. May mga dumaraan namang mga sasakyan, pero mangilan-ngilan lang. Naupo na ako sa gutter, naglakad-lakad sa gilid-gilid, nagbubunot na ako ng ligaw na damo sa tabi, ang tagal pa rin niyang lumabas. Low battery pa ang phone ko kaya kahit gusto kong magbukas ng data, hindi rin puwede kasi mae-empty batt na 'ko kung sakali, e ang layo ko pa sa bahay.
May tao sa guard house na gusto ko sanang kausapin, kaso kapag nagtanong ako tungkol sa mga Torralba, baka iradyo naman ako sa kanila nang di-oras. Wala pa namang may alam na kasama ang OIC ng Afitek sa lakad nila.
Inabot ng halos isang oras bago ko nakitang mag-isang naglalakad palabas ng subdivision si Coco. Namamaywang lang ako sa gilid ng guard post habang hinihintay siyang makalapit. Kung makapaglakad kasi, akala niya naman, parang nasa Luneta lang.
Mukhang nakita niya rin agad ako. Nakabusangot din ang mukha niya nang makalapit.
"I thought you went home already."
"Wala kang kotse, tanga."
"I know how to ride a bus. Tingin mo naman sa 'kin?"
Bus?! E, di sana hindi na niya pinauna ang team niya para may service siya pauwi!
Pumunta agad ako sa motor na dala ko at kinuha sa tail bag ang extra helmet na mayroon doon para sa pillion rider.
"Gusto mong mag-drive?" alok ko.
"Pass." Kinuha na lang niya ang helmet sa 'kin at pinauna na 'kong sumakay sa motor.
Ang tamad talaga nito. Magda-drive na nga lang.
Wala naman akong magagawa. Pagsakay niya sa likurang parte ng motor, bumiyahe na agad kami pauwi sa bahay.
Magpasalamat na lang siguro ako na maxi-scooter ang dala ko. Hindi ako mahihirapang magmaneho ng maliit na motor dahil sa laki ni Coco. Nakahawak lang siya sa balikat ko. Minsan, ililipat niya sa hawakan na nasa bandang likuran ng upuan. Kahit nasa likuran ko lang siya, hindi pa rin niya idinidikit ang katawan niya sa 'kin. May gap pa rin sa upuan na nasa pagitan namin na kaya ko pang urungan kung trip ko.
Tahimik ang naging biyahe namin hanggang sa magpahinto siya sa gilid ng highway na may bukas pang convenience store.
Akala ko, kakain lang siya. Pagbaba namin . . .
"I know you haven't eaten anything since we went to Marina. Mag-dinner ka muna."
Kung hindi pa niya sinabi, hindi ko rin mapapansin ang gutom ko. Kanina pa kasi ako nawalan ng gana matapos mag-send ng photos ni Cheese sa chat box namin.
Tumayo kami sa tapat ng isang stall na may hilera ng mga ready-to-eat meal. Kumuha siya ng tatlong sandwich, tatlong klase ng rice meal, dalawang tig-isang litro ng distilled water, at dalawang pineapple juice.
Hindi niya ako tinanong kung ano ang kakainin ko. Basta na lang siyang kumuha ng kahit na ano. Naghanap ako ng mesa habang hinihintay na mainit ang kakainin namin.
Gusto ko nang matulog, pero hindi dahil inaantok ako kundi dahil napapagod ang utak ko sa hindi ko malamang dahilan.
Nangangalumbaba ako habang nakatingin sa madilim na kalsada. Tumutugtog ang "Burn" ni Ellie sa background kaya kahit paano, hindi nakakaantok sa loob.
"Music's on, I'm waking up
We start the fire, then we burn it up
And it's over now, we got the love
There's no sleeping now..."
Nagtanggal ako ng jacket kasi kahit may AC naman, ang init pa rin sa loob. Nang mahagip ng tingin ko si Coco na papalapit at may dalang tray, sumandal agad ako sa upuan para lang panoorin siyang maupo roon. Nagtanggal na rin siya ng makapal na coat ng formal suit niya at isinabit 'yon sa sandalan ng upuan.
"Parang alam ko na ang reason ng init ng ulo mo kanina." Saka siya tumingin sa 'kin. "Or until now?"
Pinagtaasan ko agad siya ng kilay saka ako nagkrus ng mga braso. "Ikaw ang nagpainit ng ulo ko."
"As if that was true."
Palipat-lipat ang tingin ko sa mukha niya at sa paglalapag niya ng mga pagkain namin sa mesa. Inilagay niya sa puwesto niya ang mga sandwich, at lahat ng rice, ibinigay sa 'kin.
"'Yang tatlong 'yan, sa 'kin talaga?" sarcastic na tanong ko.
"Come on, Kit. You can eat the whole contents of our rice cooker. It's just three cups."
"Tingin mo, mauubos ko 'yan?"
Bored pa siyang tumingin sa 'kin. "Kulang pa 'yan. I know how much you eat. Go on."
Siguro, tingin talaga ng Coco na 'to, patay-gutom ako para bilhan ako ng tatlong large rice meal habang sandwich lang ang kanya.
Nagbukas ako ng isang tuna rice meal at iyon ang una kong kinain. Kumain na rin si Coco at dinalawang kagat lang ang kalahati ng sandwich niya.
"Nag-Cebu raw si Cali. May kasamang ibang babae."
Napahinto tuloy ako sa pagnguya.
At talagang proud pa si Cheese na ibalita sa pinsan niya, ha? Ano ba'ng saltik ng lalaking 'yon at pati pagbabakasyon niya kasama si Damaris, tsinitsismis pa? Akala ko ba, ayaw niyang malaman ni Coco na umuuwi si Damaris sa Pilipinas?
"Let me tell you honestly, I'm not comfortable with that. He's married."
Idinaan ko na lang sa pagnguya ang pananahimik. Ano pa'ng magagawa ko, e nasa Cebu na ang mag-ama ko? Alangan namang pauwiin ko agad, e kasama si Charley? Kung si Cheese lang, wala namang problema kung tadtarin ko siya ng reklamo sa text hanggang magmadali siyang makauwi.
"He told me na classmate daw niya sa uni before yung girl na kasama nila ni Charley ngayon. Sobrang sudden daw ng vacation, uuwi rin sila agad kasi babalik sa abroad yung girl after two days."
Puwede bang huwag na lang siyang magsalita para hindi na madagdagan ang inis ko?
"You know? Cali's not really aware na maraming may crush sa kanya kahit dati pa. Kahit nga si Ram, crush siya since we were teens."
Napahinto ako sa pagnguya para lang sermunan siya. "Para saan ba 'tong topic?"
"If you're not comfortable na may kasamang ibang girl ang asawa mo, tell him right away."
"Pero hindi rin naman kasi ako nagsabi sa kanya na aalis tayong dalawa kagabi, di ba?"
"But we went out, not for a vacation. We went to Marina because of potential prospects. Mabuti sana kung nag-hotel tayo out of luxury, but we didn't, right?"
"Pero hindi pa rin ako nagsabi."
"So you think na dahil guilty ka for not telling Cali na umalis tayong magkasama, that also means okay lang na may kasama siyang ibang girl sa iisang hotel room?" Dinampot niya ang phone at doon na itinutok ang tingin.
"Lahat ng tao, may sekreto, okay? Kung masama ang loob ko ngayon, kasalanan ko 'yon kasi nagpaapekto ako."
"Guilt-tripping yourself won't change the fact na sumama si Cali sa ibang babae nang hindi work-related. I brought you sa Marina to investigate, or at least have a hunch, about Torralba's shady party. They're directly connected with the major smugglers of luxury items inside the BOC. How about Cali's girl? What's her importance?"
Ang importance niya, siya si Damaris Lauchengco, at guilty ang pinsan mo sa pagpapatapon sa babaeng 'yon sa ibang bansa.
Naibagsak ko ang hawak kong spork nang iharap sa 'kin ni Coco ang screen ng phone niya. Nanlaki ang mga mata ko nang
makita kaming dalawa roon. Nakasuot siya ng semi-formal dress shirt na suot niya noong nakaraang gabi na pumunta kami sa sugalan habang nakasuot naman ako ng simpleng black dress. Nasa loob kami ng kotse at inaayos ko ang manggas ng suot ko.
"Hoy!" Napanganga na lang ako nang makitang naka-send na 'yon sa chat box nila ng asawa ko. "Baliw ka na ba?!"
Chill na chill lang siyang sumandal sa upuan at humigop sa straw na nakasuksok sa canned pineapple niya.
"Gusto mo bang sapakin ka ni Cheese?!"
"Pumunta ba tayo sa Marina? Yes." Inilapag niya ang iniinom niya sa mesa at nakangising tiningnan ako. "May work ba tayo sa Marina tonight? Yes. Magkasama ba tayo whole night? Yes. Alam ba ng buong Afitek na trabaho ang ipinunta natin doon? Yes."
"Pero hindi ako naka-dress ngayon! Umayos ka nga!"
"Do we care if you wore nothing or this?" Ipinakita pa niya ang phone niya. "We don't. What we care about is that you're not guilty anymore of leaving last, last night kasi alam na ni Cali na umalis tayong magkasama."
"Alam mong matampuhin 'yang pinsan mo, tama?"
"But his emotions won't validate the fact that he's with someone else right now na hindi ikaw, and they're having fun while you're not."
Natigilan ako at lalong napalalim ang paghinga.
"Kung magtampo siya because I brought you to dinner, then let's start with the discussion with the idea na hindi kita madadala sa dinner kung umpisa pa lang, kasama mo siya buong gabi o hinintay ka niya sa bahay hanggang makauwi ka."
Gusto kong makipagsagutan, pero ang lakas ng pakiramdam ko na oras na magtaas ako sa kanya ng boses, dadamay rin sa pagbuhos ng sama ng loob ko ang luha ko, at ayokong magdrama kay Coco dahil lang nasa mas komportableng lugar ngayon ang mag-ama ko at wala ako roon.
"You sacrificed a lot for your family, and the bare minimum Cali could do is stay where he should be," tuloy-tuloy na paliwanag niya. "You know? No'ng kami pa ni Ram, I don't entertain girls—kahit na gaano pa sila ka-unavailable. I talk to them in a civil way, tao sa tao. Wala namang problema 'yon. But I have to set a boundary out of respect na rin kay Ram as my fiancée." Saglit siyang huminto para lang ubusin ang sandwich niya bago naghabol ng salita. "But that was before. And Cali should do the same now."
Sa totoo lang, nawalan ako ng ganang kumain ngayon. Gusto kong magsalita, pero ayokong magsalita nang umiiyak ako dahil lang nalulungkot sa mga bagay na hinihiling kong sana nagagawa ko rin para kina Cheese at Charley.
Hindi naman ako selosa. Nalulungkot lang ako kasi kung hindi ko bitbit ang responsabilidad na mayroon ako ngayon, mas gugustuhin ko na lang ding magbakasyon nang magbakasyon kasama ang pamilya ko.
"Cali's calling."
Napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi ni Coco. Pagtingin ko sa kanya, nakatutok na sa tainga niya ang phone—hindi nakalapat sa balat, nakatapat lang.
"Bal."
Hindi ganoon kalayo ang pagitan namin kaya rinig na rinig ko ang tunog sa phone niya.
"Saan kayo galing ni Kit?"
"Marina. Welcome party ng client."
"Why didn't you tell me na may ganyang party pala?"
"Why did you go to Cebu muna?"
"I met a friend, okay? Bakit hindi mo sinabing may party tonight?"
"It's a client's party. The whole Afitek knew about that party. We were a team of five. Bakit ka muna nasa Cebu with another girl?"
"She's a friend! Like—a super close friend!"
"Bullshit, Bal. I don't give a fuck kung super close friend mo 'yan or whatever, the point is you leave Kit alone tonight. You just say indirectly na mas mahalaga pa 'yang super close friend mo kaysa sa wife mo."
"She said na work ang pupuntahan niya!"
"She did. We did. So, bakit ka nagagalit?"
"You didn't tell me na party ang pupuntahan n'yo!"
"The client said they needed a security team. We're paid to go there para sumalo ng bala para sa kanila. Hindi kami pumunta ro'n to party. How about you? What work are you doing in Cebu right now with another girl?"
"Nagpaalam ako kay Kit."
Nangunot agad ang noo ko sa sinabi ni Cheese. Anong nagpaalam, e nagsabi siya kung kailan nasa Cebu na siya?
"Her face says otherwise."
"Magkasama pa rin kayo ngayon?"
"I'm having midnight snacks. Ngayon pa lang magdi-dinner si Kit. She's been on standby since 6 PM for the security kaya hindi siya nakakain agad. Did you know that? Of course, you don't. You were busy enjoying life with someone else while your wife was doing her deadly job."
"Tumigil ka na nga—" Hinabol ko ng hampas si Coco na nailagan agad niya hanggang iurong niya ang upuan niya palayo sa mesa.
"You're already married, Bal. You can be a friend to any girl right now, pero may limit ang friendship. That bitch can live on her own. Hindi 'yan mamamatay kung hindi mo 'yan sasamahang magbakasyon. Do better, can you?"
Naduro ko agad siya habang sinesermunan. "Alam mo, ikaw, ang galing mo talaga sa ganyan."
"I'll drop this call. Kumakain pa kami ni Kit. Tumawag ka na lang kapag nakauwi ka na. Bye."
"Masaya ka na niyan?" sarcastic na singhal ko kay Coco nang i-drop niya ang tawag.
"You don't know the extent of my happiness. I can do worse. Maging thankful na lang si Cali na mabait pa 'ko sa kanya."
"Demonyo ka talaga, 'no? Kapag pinalayas ka talaga niya sa bahay, ewan ko na lang sa 'yo."
♦ ♦ ♦
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top