Chapter 16: Poached
Buong gabi akong nagre-research at pagbaba ko sa kusina, naabutan ko na naman si Coco na naghihiwa na ng rekado para sa almusal.
"Ang aga mo laging nagigising," sita ko nang malapitan siya sa mesang kaharap ng kitchen counter. "Hindi ka ba makatulog nang maayos?"
"I sleep at ten. I always wake up at three."
"Kulang tulog mo."
"I always have a nap every afternoon. Hindi 'yan kulang. Sobra pa 'yan for a day."
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Magulo ang buhok niya at topless na naman habang naka-apron, pero mukhang kanina pa siya gising. Nakasuot na siya ng jogging pants.
Naghatak ako ng dining chair at naupo. Nakakrus ang mga braso ko nang sumandal sa upuan.
"Alam mong may mga bad record ang Hades El-Sokkary na gusto mong gawing pangalan, tama?" panimula ko.
"Sa Afitek lang naka-record 'yon. Sa public documents, wala."
"Ah, so alam mo nga."
"Of course. Alam ko 'yan bago ko pa itanong sa 'yo."
"Bakit 'yon? Ano'ng plano mo?" naghahamon na tanong ko. Inaabangan ko siyang sumagot, pero nagpatuloy lang siya sa paghihiwa ng sausage. "Galit ka sa daddy mo? Gaganti ka? Dinalaw niya si Lola no'ng buntis pa lang ako. Kung hindi mo 'yon alam, puwes ipinapaalam ko na ngayon."
"I know."
Pagtaas niya ng mukha, naiwan sa ere ang mga karugtong ng sermon ko.
"I'm not doing this to retaliate."
"Pero sinasabi ni Cheese na gumaganti ka kasi kinakanti ka nila."
Ang lalim ng buntonghininga niya nang saglit na awatin ang sarili sa paghihiwa ng lulutuin. "My dad . . ." Natutok ang tingin niya sa mesa. "He's . . . not afraid to be the bad guy. But compared to Tito Pat, he's not playing for himself."
"Gusto mo siyang talunin? Gusto mong higitan?"
"Gusto kong magkaroon ng meron siya. That way, I can save those I want to be saved. At mas madaling i-explain at mapagbigyan ako kasi gusto ko lang gumanti kaysa i-explain na ginagawa ko lang 'to kasi ayoko nang maawa palagi sa sarili ko for being weak."
Matipid ang ngiti niya nang bumalik sa paghihiwa. "Ayokong mag-rely palagi sa daddy ko at sa influence niya. I'm not a five-year old kid anymore na magta-tantrum para lang mapagbigyan. I have to do everything all by myself or nothing will happen kung maghihintay lang ako sa desisyon nilang lahat."
"Tingin mo, matutulungan ka ng pagpapalit mo ng pangalan?"
"The name already has a bad record. But still, those records are relevant. And don't worry about those cases. Hindi ko first time na makulong. May police record din akong related sa alarm and scandal and physical injury na makikita mo rin naman sa Afitek kung maghahanap ka ng record namin ng daddy ko."
"Ibang klase talaga kayong mag-ama." Napapailing na lang ako sa takbo ng utak niya. "Gusto mo talagang mag-ipon ng kaso?"
"Imposibleng mapunta sa 'kin ang mga kaso na sinasabi mo," kontra niya sa sinasabi ko. "First of all, hindi ako puwedeng kasuhan sa mga krimen na nangyari twelve years bago ako ipinanganak. And I'm sure na kapag lumabas 'yan sa public, Dad won't ever try to search for that person kasi lalabas pa rin sa investigation ang records niya, especially kung magpapa-investigate siya sa mga agent ng Afitek. Wala akong record,but he has."
Nakatitig ako nang mabuti kay Coco, pinakikinggan ang paliwanag niya. Aaminin ko, ang komplikado nitong iniisip niya pero ang talino para maisip ang ganitong plano.
Una, gagamitin niya ang alias ng daddy niya noong unang panahon pa bago siya ipanganak. Oo nga naman. Hindi na siya makakasuhan sa mga krimen na nangyari bago siya ipanganak. Kaso na lang 'yon na may kapangalan siya gaya ng ibang taong hindi naman sinasadyang may kaparehong pangalan din.
Pangalawa, alam niyang kapag nag-trace ng record, daddy niya ang lalabas sa archive. Si Mr. Dardenne man o ibang tao ang mag-background check kay Hades El-Sokkary, isang tao lang ang lalabas sa record—si Rico Dardenne pa rin na kamukha pa ng asawa ko.
Higit sa lahat, kung pagiging "kriminal" lang naman ang pag-uusapan, aaminin kong saludo ako sa ugat ng lahat ng kaso ni Hades El-Sokkary. Pakshet, illegal gambling at tax evasion? Nananalo sa casino at eight digits ang nagre-reflect sa records kung usapang earnings lang ang ilalapag sa mesa?
Walang magugulat kung paano nilalaro ni Mr. Dardenne ang field of commerce ngayon. Siya nga lang ang kilala kong bumabangga sa Red Lotus.
Ang daming negosyong hindi na baleng hindi sila kakampi basta hindi sila kaaway ng mga Lauchengco at Red Lotus. Dalawang taon, 'tang ina, halos dikdikin nina Sir Pat ang napakaraming negosyo para lang gumanti, pero si Mr. Dardenne, mukhang hinahamon pa ang Red Lotus para ilabas ang tapang nila at kung hanggang saan nila kayang pahabain ang sungay nila.
"Balak mo bang magtago sa anino ng daddy mo?" tanong ko na lang kay Coco.
"That's not my plan."
"Ano nga'ng final plan?"
"My plan is to work under the table without him prying into my plans. Kailangan ko lang kumilos sa lugar na sure akong hindi niya ia-attempt na kalkalin."
Ipinaikot niya sa kamay niya ang kutsilyo—kaparehong-kapareho kung paano 'yon iniikot ni Mr. Dardenne sa kamay nito noong una't huling beses ko siyang nakitang magluto para kay Lola.
"The spotlight is on my dad right now. The brighter the light, the darker the shadow. All I have to do is be that shadow while everyone is keeping their attention on the best man in the house.
"Kung itutuloy mo 'to, ano'ng mapapala mo?"
"I want Ram to go back home without worrying kung kaya ko na ba siyang ipaglaban sa lahat. I know it'll take time, but I want to start collecting all my best cards to draw as early as now."
• • •
Ayoko sanang patulan ang trip ni Connor, pero naisip kong baka kaya niya ito ginagawa, kasi gusto talaga niyang umasa na may mangyayaring maganda sa buhay nila ni Damaris balang-araw.
Hindi sa nagpapaka-negative, pero ang daming disadvantage at hindi magandang transition ang puwedeng mangyari dito sa plano niya. Una, safety pa lang, mahihirapan na siya.
Pangalawa, hindi ko alam kung kaya ba niyang tapatan ang nagawa ng daddy niya. Ibang level 'yon, e. Kaya mo mang kunin ang pangalan, pero ang skills? Magbibilang talaga siya ng taon para makuha 'yon.
Pero gusto ko ring subukan niya. Para lang din malaman kung hanggang saan ba siya tatagal. After all, pangalan lang ang ipoproseso ko. Lahat ng plano naman, kanya na.
Nag-half day ako sa Afitek dahil nalipat na ang halos kalahati ng workload ko sa secretary na ibinigay sa akin ng management, a.k.a. si Juno.
Ka-batch ko si Juno sa academy na kikay-kikay pa dati pero mas maton pa sa mga lalaki sa office ngayon. Handpicked ko siya na kinuha ko pa sa employer niya para lang malipat sa 'kin.
Wala naman siyang reklamo. Natuwa pa nga kasi naalala ko siyang tawagan para magtrabaho uli sa Afitek. Isa siya sa mga tinanggal noon na nagtago rin para hindi ma-assassinate ng bagong management na hawak nina Mike.
At dahil may oras na ako para sa pamilya ko, maaga akong umuwi para alagaan si Charley. 'Yon nga lang, ang magaling niyang tatay ay missing in action.
"Nasaan si Cheese?" tanong ko kay Coco nang maabutan kong may suot na gloves at gumagamit ng wall-mounted music boxing machine sa sala.
"Dumaan kina Ninong Leo," sagot niya sa tanong ko.
"Ano'ng gagawin doon?"
"Nanghingi ng report galing sa Afitek. Doon na lang daw niya kunin kasi si Tito Clark ang magse-send ng documents."
"Bakit hindi siya pumunta sa headquarters?"
"I dunno. Baka tinatamad."
Tumugtog na ang kanta sa boxing machine at sinasabayan ni Coco ng suntok ang bawat ilaw na lumalabas sa makina.
"Where them girls at, girls at? (Woo)
So go get them, we can all be friends (woo-ooh)"
"Si Charley?" tanong ko agad at hinanap ang anak ko.
"He's here." Itinuro niya ng ulo ang kaliwang gilid niya. Pumunta ako roon at nakita ang anak kong ginawan ng kung anong nakasabit na mga laruan sa sleeper niya. Nakangiti lang siya habang parang pusa na pinapalo-palo ng kamay ang mga nakasabit na laruan sa . . . ano ba 'to? Pamingwit ba 'to?
"Ano 'to?" tanong ko kay Coco at pinitik-pitik ang pole na may nylon string sa dulo.
"That's a flexible fiberglass rod. I brought some of that dito para gawan ng baby swing si Charley. We'll start building the swing pagbalik ni Cali." Saglit niya akong nilingon para silipin kami ng anak ko. "I made that to keep him company. Ayaw naman niyang magpakarga, so there. Makinig na lang siya ng music while I work out."
Ano ba naman 'tong mga lalaki sa bahay na 'to?
Binuhat ko na lang ang anak ko para naman maalagaan kaso patayo pa lang ako, bigla nang hinatak ang nylon at mga laruang nakasabit doon.
"Anak! Ay, naku naman! Bitiw ka, masusugat ka niyan!"
Sinusubukan kong agawin ang nylon sa maliit na kamay ng anak ko pero ang higpit ng hawak.
"Charley. Bitiw ka na," mahinahong sermon ko.
"He's busy playing, inistorbo mo pa," sermon din sa akin ni Coco at hinubad ang boxing gloves na suot niya para lang kunin sa akin ang anak ko. Nagtapal pa siya ng towel sa bandang dibdib niya bago kargahin si Charley.
"Masusugat ang kamay ng anak ko! Yung nylon, hoy!"
Kinarga niya nang isang braso si Charley at kinuha ang maliit na bolster sa sleeper saka itinakip sa mata ng anak ko. Binitiwan ng baby ang nylon para lang mahawakan ang unan na nasa mata niya. Pag-alis ng bolster sa mukha niya, ang lutong agad ng tawa niya habang nakatingala sa tito niyang ugok.
"Bulaga!" mahinang sabi ni Coco. "Mommy disturbed you? Ang bad ni Mommy, 'no?"
Ang sama agad ng tingin ko kay Coco matapos ang ginawa niyang pag-agaw sa akin ng anak ko.
"I take care of this kid longer than you do," proud pang sabi niya sa 'kin at ibinalik na naman sa sleeper ang anak ko para laruin ang gawa-gawang crib mobile. "Play with your floating plushies."
Dinampot niya ang gloves at isinuot na naman. "Bakit pala ang aga mong umuwi? Wala ka nang work?"
"Half day lang ako," sagot ko na lang. "'Yong pangalan mo pala, sigurado kang a-apply-an mo ng papeles?"
"I'm planning to."
"Para saan?"
"For the legal documents? For banking? For identification?"
"Gagawan ko na lang ng paraan 'yang documents mo. Huwag mo nang lakarin."
Pasuntok pa lang siya sa umiilaw na boxing machine nang lingunin ako. "What do you mean by that?"
"Ako na ang bahala sa documents mo. Ano na ang susunod mong plano?"
"Are you sure you can handle my documents?"
"Oo nga." Ang kulit ng bungo nito. "Plano nga, dali. Bago pa magbago ang isip ko."
"May exclusive party na sine-set sa casino-hotel malapit sa Marina. Sa Friday na 'yon. I'm planning to attend that using that name."
Exclusive party? Parang wala naman akong nababalitaan.
"Saan mo nalaman na may exclusive party do'n?"
"I'm doing my research. Balak kong mag-poach ng mga project."
"Sira-ulo ka ba? Wala ka pa ngang napapatunayan, magpo-poach ka na agad?"
Maangas lang niya akong nginitian at sinuntok-suntok ng mga kamao ang palad na parte ng gloves niya. "I planned to take my girlfriend with me, kaso may sakit siya and she has to stay in the hospital. I still have an invitation for my plus one. G ka ba?"
Gago ba 'to? Binubudol ba 'ko nito? Tingin ba nito, magpapauto ako sa kalokohan niya?
"It's a VIP-exclusive party, though. We have to wear a masquerade mask naman kaya hindi tayo makikilala. For sure, maraming shady transactions do'n. Go ka?"
"Sige, go ako."
♦♦♦
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top