Chapter 13: Pledges


Sa totoo lang, hindi ganoon kadaling magproseso ng business pledges kasi hindi 'yon basta-bastang investment. Ibang level ng pambubudol 'yon dahil hindi sila maglalabas lang ng pera. Bibigyan mo sila ng magandang rason para patulan ang trip mo. Deal-to-deal basis 'yon na kailangan mo munang utuin at bentahan ang investors na dapat sigurado silang kikita sila.

Sa blank pool kasi, blind investment 'yon, e. Malay ng investor kung saan ba mapupunta ang pera niya. Siguro si Mr.

Dardenne, kaya niyang i-pull off 'yon kasi chairman siya ng Business Circle. Kumbaga, bigyan nila siya ng pera, siya na ang bahala kung paano 'yon lalago. High-risk 'yon kung tutuusin—na mag-i-invest ka sa wala kang alam sa pupuntahan ng investment mo.

Sa pledge fund kasi, iba. Bago sila maglabas ng pera, dapat sasabihin mo muna sa kanila kung saan mo gagastusin ang pera. Kapag hindi sila agree, nganga. Kung nag-risk sila sa 'yo at kahit okay naman ang pinatutunguhan ng investment, pero kapag ayaw na nila, ayaw na talaga nila at puwede nilang bawiin ang pondo nila depende sa deal. Basta ang sigurado lang, sila ang boss ng pera kahit hawak muna 'yon ng kompanya mo.

Hindi ako magri-risk sa blank pool kaya nga susugal ako sa pledge fund.

"We'll prepare for the proposal and the agreements. Maybe next month we can set up the meeting," paalala ko sa kanila. "I know this is an urgent case, but we don't want to rush things just because we need the funds ASAP. Kaya namang i-process ang lahat na pinag-isipan nang mabuti at hindi lang basta may maipakita kami sa inyo." Itinuro ko sina Mr. Dardenne at Sir Clark na kasama namin sa mesa. "After all, they have their own

separate control over Afitek; I have mine, and so do my co-executives."

"Pero available ka ba sa ibang meeting any time after this event?" tanong ni Mr. Abad.

"Yes, Sir D. Puwede naman kayong tumawag sa office ko sa Afitek for the appointment." Ngumiti ako pagkatapos.

"I heard kay Dominic, may anak ka na. Nag-aalaga ka ba ng baby? Sa mga Mendoza ka ba nakatira? Baka puwede akong dumalaw kaysa pumunta pa ako sa Afitek."

Napahugot ako ng hininga at pinilit ko talagang hindi tumingin sa tito at daddy ni Cheese bago ako sumagot. Idinaan ko na lang sa pagtawa ang unang tugon bago ako pormal na sumagot.

"Nakatira kami ng anak ko sa mga Lauchengco ngayon, Sir D. Doon kami sa farm ng mga Vizcarra tumutuloy."

Ewan ko kung dahil lang ba sa conflict ngayon na mayroon ang Business Circle at mga Lauchengco kaya sabay-sabay silang sumeryoso dahil sa sinabi ko. Kahit si Mr. Abad ay napataas ng mukha at para bang balak pang magtanong kung tama ba siya ng narinig mula sa 'kin.

"Nasa mga Lauchengco kayo?" tanong ni Mr. Guevarra.

Nakangiti akong tumango. "Matagal na. Ganoon talaga kapag wala kang masamang tinapay sa mga nasa paligid mo."

Alam ng lahat ng parte ng Business Circle ang issue sa pagitan ng mga Dardenne at mga Lauchengco. Nandito ang mga taong ito ngayon dahil loyal sila sa Business Circle, pero ang bilis mapansin ng mga taong kasama ko kung hindi ba sila okay sa mga Lauchengco o pabor pang makatrabaho ako dahil nga kadikit ko ngayon ang Red Lotus.

Ayokong umasa sa safety ng mga Dardenne at Mendoza dahil unang-una sa lahat, wala sila n'on. Bakit ko ipagkakatiwala sa kanila ang safety ng anak ko kung muntik na kaming mamatay?

Ngayon sila mag-angas sa akin at gusto nila kaming patayin ng anak ko. Tingnan ko lang kung makaporma sila sa Red Lotus.

Mabilis nilang tinapos ang usapan namin, at humiwalay na ng grupo. Big deal yata sa kanila ang pagkakabanggit ko sa mga Lauchengco.

Binalikan ko agad ang mesa namin nina Cheese para sana ayain siyang kumain kami sa burger-an sa labas, o kahit sana sa karinderya o fast food na mayroon sa malapit. Kaso naabutan kong mag-isa si Connor doon, hawak ang phone niya.

"Mag-isa ka na lang dito?" maangas na tanong ko pag-upo sa puwesto kong katabi niya. Paharap sa kaliwa akong umupo at ipinatong ang kaliwang braso ko sa sandalan ng upuan bago nag-de-kuwatro. "Saan asawa ko?"

"Men's room," walang interes na sagot ni Coco at sinilip ko ang phone niya. Nagbabasa siya ng kung anong file na may graphs.

"Oo nga pala, doon sa pangalan mo?"

"Okay na ba?"

Sumimangot agad ako. "Anong okay na? Hindi okay, gagu!" pigil na sermon ko.

Saglit niyang in-standby ang phone at kunot-noong binalingan ako. "What do you mean by hindi okay? Ang tagal kong wala, hindi mo pa inayos?"

"Ay, wow. Ang kapal ng libag mo, men." Pasakan ko kaya ng baso ang tatagukan nito? "Ang daming criminal records ng pangalan, ugok!"

"So?"

Pakshet ba 'to? Anong so ang pinagsasasabi nito?

"Gusto mo bang makulong, ha?"

"Walang records 'yan sa NBI, right?"

Biglang nanliit ang mga mata ko, tinatantiya siya ng tingin. "Alam mong walang record 'yon sa NBI?"

Mayabang pa siyang sumandal sa upuan at pahambog akong tiningnan. "I know my assignments, Kit. That name was my dad's alias when he was in college. He had a disputed book under that name—"

"Book? Paanong book?"

"Book of accounts. May ledger siya under that name na matagal nang hindi nagagamit."

"Ah, so sa daddy mo 'yon? Lahat ng criminal records na 'yon?" Natawa ako nang sobrang sarcastic. "Kaya pala may unjust vexation! Hindi ako shocked."

Confident siyang tumango. "Dad's not gonna touch that name again kasi sure na gagamitin 'yan ng mga kalaban niya against sa kanya."

"O, ba't gusto mong gamitin ngayon?"

"That name exists pero wala nang gustong mag-present to introduce himself as Hades. Probably kasi risky gumamit ng name na may previous civil cases, so I'll take the name."

Dinutdot ko agad ang mesa para sermunan siya. "Kapag ginamit mo 'yang pangalan na 'yan, mapupunta rin sa 'yo ang lahat ng criminal record na meron ang pangalang 'yon. Gets mo ba?"

"Pero dismissed na ang cases na 'yon. Those cases were filed forty years ago. The name was older than me. For sure, patay na ang mga judge na nag-dismiss niyan sa RTC."

Itong Coco na 'to, sigurado na talagang may hini-hits 'tong ilegal, e. Quota na 'to noong nakaraang linggo pa. Puwersahin ko na kayang mag-take 'to ng drug test para sure?

"By the way, nag-usap kami ni Cali," pahabol niya.

"Tungkol na naman saan?" Napakamot ako ng ulo, utang-uta na sa lahat ng lumalabas sa bibig niya.

"I'm planning to move in."

"Move in sa?"

"Sa inyo."

Nangunot ang noo ko sabay urong paatras habang minamata siya. "Hindi ka pa ba doon nakatira?"

"I only brought a few clothes. Wala ako sa bahay during daytime. Maybe by Wednesday, magdadala na 'ko ng gamit para doon na 'ko magwo-work kahit nasa bahay lang."

Natatahimik ako habang nakatingin sa kanya.

Sa yaman nila, ang dali lang makakuha ng bahay o kahit condo man lang. Baka nga afford pa niyang mag-penthouse.

Kokontra na sana ako nang maisip na . . . mayaman nga pala sila. 'Yon lang.

May issue siya sa mommy at daddy niya. Sobrang laki naman sa mansiyon. May sakit pa ang girlfriend kuno niya.

Ayokong mag-assume na hindi niya kayang maging independent kasi tingin ko naman, kaya niya kung gugustuhin niya.

Pero pansin ko rin na iba siyang kumilos kapag kasama niya ang sarili niyang pamilya at kapag kasama si Cheese o nandoon sila kina Sir Clark. Nawawala ang intimidating vibe niya at nagagawa niyang makipagkulitan kay Cheese na para lang silang mga teenager na naglalaro.

Ayokong maawa, kasi tingin ko naman, ayaw rin niyang kaawaan siya. Pero baka pareho lang kami ng pakiramdam kung minsan. Yung hindi na baleng maging katulong ako sa bahay, basta nandoon ako at kasama ko ang mga nakatira doon.

Naiisip ko tuloy ang sarili ko noong hindi ko pa nakikilala si Cheese. Ang dami kong pera. Okay ang trabaho. May mga tropa din akong hindi naman mahirap pakisamahan sa kahit saan. Pero naisipan ko pa ring tumalon sa riles ng tren.

Alam ko ang pakiramdam ng mag-isa kahit ang daming tao sa paligid. Kaya nga kahit labas sa ilong, tumango na lang din ako.

"May isang blangkong space doon sa second floor. Puwede ka doon," sabi ko na lang para magka-idea siya ng magiging puwesto niya. "Saka kailangan pala namin ng maid. Puwede ka na siguro."


♦♦♦

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top