Merry Christmas!
Hello sa nagbabasa nito kung babasamo man 'to merry christmas! hahaha
Dapat kasi maga-update ako sa daddy kookie ngayon. Kaso wala akong maisip, tapos ang lamig pa, ano konek ahaha, pero ayun since malamig eh walang pumapasok sa isip ko kaya bukas ko nalang itutuloy.
Kaya dito muna ako sa diary kuno na to magtatype lol. Happy 36k nga pala dito sa jiminism ahaha dafuq.
May narealize lang kasi talaga ako. Pero bago yon, merry christmas muna ulit!
Tbh ang sakit ng binti ko, tapos ang sakit pa ng puson ko nadadamay buong katawan ko okay walang may pake ahahaha.
Narealize ko lang na patapos na yung year,
ANG DAMI PARING JEJEMON.
De joke lang, wala naman akong pake sakanila, since wala na tayong magagawa paramapuksa ang mga jejemon sa mundo.
So eto yung sudden realization ko. Narealize ko na napakarami ko palang natanggap ngayong 2014.
Wag na nating isama yung pagkadislocate ng buto ko.
Ayun nga, 2014 became good to me chos. I continued to write stories, I met friends, I met Bangtan <3.
Una sa lahat yung stories ko. Kanina kasi merong nagchat saakin. Nagulat ako.
Reader ko siya last year, mga april 2013, nung mga panahong yung username ko ay hindi pa Kristelletubbies at Jiminism. CookieznCream pa yung username ko non ahaha. May stories ako dati pero deleted na ngayon.
Noong mga time na yon, siya lang talaga yung kaisa-isang reader na nagmessage saakin na sabihing ang ganda ng story ko at nangungulit ng update. Tuwang tuwa na ako, siya lang talaga ang bukod tanging reader ko noon na nagcocomment, nagvo-vote at nagmemessage saakin hahaha.
Pero ngayon nadelete ko na yung story kong yun, yung first ever story ko which is di ko na ipapaalam yung title dahil kumbaga jeje days pa yon hahaha. Mga nakaka-150 reads lang ako noon, pero napakalaking bagay na saakin yun dahil may nagbabasa.
So ayun, nawalan na ako ng contact sa kaisa-isang masugid na reader ko na yon.
"Ate kelan niyo po itutuloy yung *toot* at *toot*?"
she's talking aboout my stories back then.
ayan ang huli niyang message saakin nung 2013.
Pero kanina, minessage niya ako.
"Ate, kelan niyo po itutuloy yung *toot* at *toot*"
Same as nung message niya saakin nung 2013.
Hahaha ewan ko kung bakit suddenly sobrang saya ko. Hindi ko ineexpect na naalala pa ako ng reader kong yon. At ngayon kinukulit niya akong ibalik yung stories kong binura.
Hanggang ngayon daw nakasave parin daw sa library nya yun. So I told her na itago niya nalang sa library niya dahil siya nalang ang tanging nakakaalala ng stories kong yun. My first ever stories.
Wala lang, sobrang saya ko lang. Kasi dati nga siya lang talaga ang reader ko, pnung mga april 2013 kasi nakatanggap ako ng bad comments at panlalait mula sa classmates ko regarding writing stories, so I stopped writing. Binura ko lahat, kinahiya ko lahat ng gawa ko.
Pero narealize ko eh, bakit ko naman ikakahiya. Gawa ko yun eh, pinaghirapan ko yun eh. And since bata ako nagsusulat na ako ng stories. May mga notebooks ako na may mga english stories na gawa ko, haha I feel so proud dahil ang ganda ng grammar ko. charot ahaha pero pure english yung nagagawa kong stories dati, ngayon d ko na kaya ahahaha,
I always wanted to make stories, hindi man sila ma-publish, sapat na saakin yung may nakakabasa at sumasaya.
So bumalik ako sa pagsusulat. November 30, I came back as Kristelletubbies with my EXO fanfic. Yung Misadventures of a Fangirl.
Nakailang palit ata ako ng title diyan, hindi ko sasabihin, dahil may iba sainyo na naabutan yang Misadventures of a fangirl na hindi pa yan ang title ahaha.
Nagkaroon rin ako ng readers, sobrang saya ko pa dahil I met a lot of EXOSTANS.
EXOSTANS pa ang fandom noon, ngayon EXO-L na. But I prefer EXOSTAN dahil OT12 days pa yun.
So ayun, naging successful yung TMOAF. Umabot siya ng 50k, ngayon 100k na hindi ko alam kung paano nangyari yon.
Mas lalo akong sinipag magsulat dahil meron nang mga nakaka-appreciate at napapasaya ng stories ko.
So I told myself I need to work harder, at sinabi ko sa sarili kong may ma-achieve pa akong mas malaki kung gagalingan ko pa. Marami pa akong mapapasaya, marami pa akong mai-inspire kahit papaano.
May 06, eto na.
Sinimulan ko yung Daddy Kookie.
Noong mga panahon ata na yan Jiminism na ang username ko.
Noong May kasi ay doon na nagsimula ang pagiging active ko sa ARMY fandom. Noong May kasi stressed na stressed ako noon sa issue ni Kris.
Sinimulan ko yun nung mga times na patapos na yung TMOAF. Konti lang rin ang nagbabasa noong una, yung mga kaibigan ko lang sa wattpad ang nagbabasa at nagcocomment ahaha.
Hanggang sa tumagal, hindi ko alam. Kumalat yung Daddy Kookie, sobra akong na-attached sa ARMYs at sa buong fandom, sobra akong na-attached sa Bangtan
At sa sobrang attached ko sa Bangtan, nalimutan ko nang ituloy yung TMOAF. Ewan ko, sobra akong nawalan ng gana. Pakiramdam ko sobra kong tinraydor yung EXO, pero wala akong magagawa, sobrang yamot na yamot akongituloy yung TMOAF.
At ayun na, parami na ng parami ang ARMYs na nakadiscover ng fanfic ko. Sobrang saya ko dahil yang Daddy Kookie ang contribution ko sa fandom, ang dami kong napasaya.
September 7, Daddy Kookie reached 100k reads.
Super duper achievement of the year.
From my old stories with 150 reads, naka-abot ako ng 100k reads which is one of my dreams dahil gusto kong maraming makabasa ng stories ko.
Sobrang saya ko nung umabot ng 100k ang Daddy Kookie. Naunahan niya pa yung TMOAKS.
At siyempre, kasabay ng pagdami ng reads ng DK, marami akong nameet na mga kaibigan, marami akong na-meet na ARMYs.
Yung mga OP ng characters ko sa facebook na sobrang tiyaga mag-roleplay kahit na palaging kinukuha ang mga accounts. Yung mga readers na kasama sa kalokohan at naggagaguhan sa isa't isa ahahaha.
Ang gulo gulo sa group araw araw pero masaya naman.
At ayun nga, kung hindi dahil sa Bangtan, kung hindi dahil sa Daddy Kookie, baka hindi ko kilala yung mga kaibigan ko ngayon. Lalo na yung mga super duper na naka-close ko.
Tuwang tuwa pa ako doon sa mga readers na nameet ko noong TRB. although ang awkward at hiyang hiya ako kaya tumatawa at nakangiti lang ako hahaha
Kundi dahil sainyo hindi magiging successful ang stories ko. Kaya ayun, everytime na magdadasal ako, palagi akong nagpapasalamat sa mga na-achieve ko ngayong year. Nagpapasalamat ako sainyong lahat.
Alam kong wala pang new year hahaha christmas palang pero ang drama ko na. Sadyang ang dami ko lang narealize ngayon.
Narealize kong ang dami ko palang napasaya ngayong year. Siguro nga may mga naka-away ako ngayong year, kaya ayun, kung meron mang mga may galit saakin, sorry, really sorry.
At doon sa mga patuloy na nagbabasa parin ng stories ko. Thank you so muuuuccchhh super duper thank yooouuu. Hindi ko alam kung paano ko kayo pasasalamatan. Di bale guys, sa next TRB. Magkakaroon ulit tayo ng meet up, yung mga nameet ko noong december 7, hindi pa yun ang last nating pagkikita, magkikita pa tayo ulit ahaha. At sana marami naring pumunta yaass.
So ayun, tama na, hahaha. Basta guys thank you sainyong lahat, pati sayo na nagbabasa nito ngayon thank you dahil pati itong Jiminism ay binabasa mo hahaha.
If ever man na matapos ang kinababaliwan niyong Daddy Kookie, don't worry guys dahil hindi magtatapos ang friendship nating lahat <3. I will continue to write stories and hope na sana kahit papaano mainspire ko kayo although puro kabulastugan ahahaha.
Thank you ulit <3.
MERRY CHRISTMAS!
mahal na mahal na mahal na mahal ko kayong lahat <3
-Jiminism/Kristelle
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top