Hello
Hay grabe na talaga ang epekto ng ECQ ngayon. Pati wattpad ko na ilang taon ko nang hindi binubuksan, binuksan ko ngayon at nakapag-type pa ako nito.
Wahahsjsjs hello alam ko wala na magbabasa neto pero gusto ko lang naman iwan itong note na 'to heheheee.
Kumusta na kayong lahat? Yung profile ko tadtad ng "ate comeback na po" "grade 7 pa po ako nung huling binasa ko to, grade 10 na ako ngayon." Ajsksks grabe huhu :--((. Anyway, congrats sainyo! Heheee sana maging successful kayong lahat in the future.
Pasensya na kayo kung after ilang years e note nanaman tong laman ng watty ko. Wala e, wala na talaga kahit anong piga ko sa utak ko. Eto na talaga huling note na iiwan ko dito sa wattpad ko, bahala na kung may magbabasa pa.
Anyway, missing in action ako ng ilang taon, alam ko naman yun hahah pasensiya na. Pero buhay pa ako hehee. Alive and kicking. May isang post akong nabasa sa profile ko na sabi niya iniisip niya nalang daw na successful na ako ngayon. Huhu naka-graduate na ako ng college. Hinihintay ko nalang matapos tong ECQ pra makapag work. I think HS pa ako nung sinulat ko yung stories ko dito. (Yes nabulok ako ng ilang taon sa college sksksk). Pero ayon okay pa naman ako, active na active pa ako sa lagay kong ito.
Meron iba dito na na-meet ko thru watty na hanggang ngayon may communication parin kami sa isat isa at alam nila na wala na talaga ako balak pang magsulat o magtuloy pa ng stories ko hahaha.
Unpublished and deleted na yung ibang stories. Yung ibang stories ko around 2014 ko pa ginawa. Sobrang cringey ng 2014 phase ko hahah. Sorry sa baduy na jokes, lalo na sa offensive jokes regarding sensitive topics. Alam ko hindi ko na maibabalik yung mga panahon na iyon pero nagbago na ako ngayon at hindi na ako nagjo-joke ng mga ganung bagay. Sobrang pangit ng taste ko noon sa pagpapatawa, aminado naman ako doon. I am truly sorry. Kaya deleted and unpublished na yung mga stories ko ngayon.
Sobrang thankful ako sa inyong lahat. Na kahit ilang taon na yung lumipas, meron paring mga nagtatanong at naghihintay ng update. Pasensiya na pero hindi ko na talaga maitutuloy yung Daddy Kookie. Nagulat ako ngayon na umabot na pala siya ng 3M reads. Thank you talaga sainyong lahat! Dahil sa baduy na story na yon hahah ang dami kong memories at ang dami kong nakilalang mga kaibigan dahil don.
Kailangan nang ibaon sa limot ang DK. Thank you uli sainyong lahat! Mananatiling isa sa mga magagandang memories ko ang pagsusulat dito sa wattpad noon. Sadly, magiging part nalang rin ng memories niyo ang DK, kasi unpublished na siya dito sa wattpad ko. Pasensiya na ulit. Again, thank you sa inyong lahat!! Mag iingat kayo lagi!
Salamat!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top