Chapter 8: Diary

Hannah's POV****

Pagkatapos na pagkatapos sa anunsyo ng game master ay agad akong tumayo at nilapitan si Joshua.


"Wag kang maglungkot lungkutan dyan, kasabwat ka ng game master dahil ikaw lang naman ang nagyaya sa akin na hanapin ang iba para maiwan dito si Lyssa" sabi ko sa kanya sabay kwelyo.




"Ano bang pinagsasabi mo d'yan Hannah, naprapraning kana ata. Bakit ko hahayaang mamatay ang kaibigan ko?" madiing sabi sa akin ni Joshua at bigla akong natauhan. Kaibigan rin nga pala namin si Joshua at may tamang pag-iisip din siya dahil nga hindi siya basta bastang gumagawa ng mga bagay na makakapahamak sa kanya.




"Sorry, I'm only driven by my emotion." sabi ko sa kanya at niyakap niya ako.



"Ano na ang gagawin natin sa katawan ni Lyssa?" biglang tanong ni Irish sa aming lahat.




"Dahil completo na tayo, let's start to clean this mess kasi nasusuka na ako kakatitig nito." suhestyon ni Crystin.




Magsisimula na sana kami sa paglilinis namin sa nagkalasog lasog na katawan ni Lyssa ngunit nagsalita si Rochelle "Wait! Diba sabi ng game master na dalawa ang napatay nya ngayon so sino ang isa pa?"






Pagkasabi niya non ay naalala ko na pinatay rin pala ng game master si Levigean kanina.





"Si Levigean ang isa pang napatay ng game master." sabi ko at nagsalita naman agad si Angelie




"So tatlo na ang napatay sa atin kaya 22 nalang tayo." sabi ni Angelie. "Let's group into two para maglinis dito at maghanap sa labi ni Levigean." dagdag niya pa at agad naman niya kaming hinati sa dalawang grupo.


**************

Umalis na sina ang grupo nina Angelie para hanapin ang katawan ni Levigean habang kami naman ay nagplaplano na sa aming gagawin na paglilinis.




"Simulan natin sa pagtanggal sa mga parte ng kanyang katawan na nakapako sa dingding. At ang mga babae naman ay dahan dahang linisin ang mga dugo na nagkalat." utos sa amin ni Joshua kaya sinimulan na namin ito.



Kumuha agad ako ng pampunas at agad na tinungo ang parte kung saan maraming dugo ni Lyssa nagkalat. Kinuskos ko ng kinuskos ang sahig at ganon rin ang ibang mga babae na kasamahan ko at ang anim na mga lalaki naman ay isa isang tinanggal ang mga nakapakong parte ng katawan ni Lyssa.




Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na kami kaya agad na naming inilabas ang katawan ni Lyssa at naghintay na makabalik ang grupo nila Angelie.




Naghintay kami ng sampung minuto at dumating na sila at na pinagtulungang dalhin ng mga lalaki ang katawan ni Levigean.




"Bakit ang tagal ninyo?" tanong ni May Ann sa grupo nila Angelie at agad na nilapitan ang bangkay ni Levigean.




"Ikaw nalang sana naghanap baka mas mabilis!" sagot ni Nikki at inirapan si May Ann pero parang di niya ito nakita at nagpatuloy na kami.




Naghukay na ang mga lalaki na kasama namin kanina habang hindi pa sila dumating kaya tinungo agad namin ang kanilang himlayan.




"Saan ninyo siya nakita?" tanong ni Joshua kay Angelie at sinabi naman ni Angelie.




Angelie's POV****


Naglakad kami patungo sa himlayan nila Levigean at Lyssa. Ang mga lalaki ang nagtulungan bitbitin ang mga bangkay nila.




"Saan ninyo siya nakita?" tanong ni Joshua sa akin. Hindi ko alam kung paano pero natatakot ako kay Joshua kahit na wala siyang ginagawa.



"Ganito ang nangyari" sabi ko.

------------------
Flashback*******
------------------

Lakad kami ng lakad para hanapin ang nawawalang katawan ni Levigean sa gubat na ito pero di pa rin namin nakikita kaya napagdesisyonan naming hatiin sa limang grupo ang kupunan namin para agad naming matunton ang katawan ni Levigean.



"Sumigaw lang kayo kung makita nyo ang katawan ni Levigean at pupuntahan agad namin kayo" sabi ko at agad na kaming naghiwahiwalay.



Kasama ko sa paghahanap sina Ian at Nikki. Minsan ay nag-uusap kami pero kadalasan ay walang imikan. Halos paliguan na ako ng pawis kakalad pero hindi pa rin namin nahahanap ang katawan ni Levigean.


"Can we have a short rest?" sabi ni Nikki pero hindi ko siya pinakinggan at halatang nagalit siya sa ginawa ko dahil sa sunod niyang sinabi. "Bingi ka ba?!" pagalit na sabi niya.


"We don't need to waste our time." saad ni Ian.


"Okay rest for a minute." sabi ko at agad na umupo sa lupa. Hindi pa natapos ang isang minuto naming pagpapahinga, may narinig kaming sumigaw. "Tara puntahan na natin" sabi ko at halatang ayaw pa ni Nikki na tumayo kaya iniwan na namin siya pero sumunod rin pala.



Takbo kami ng takbo sa pinagmulan ng boses kasi medyo nasa kalayuan iyon. At pagkarating na pagkarating namin ay nakita naming kami nalang pala ang kulang.



"Sinong nakakita sa kanya?" tanong ko sa kanila at hinihingal pa.



"Kami at hindi namin iyan ginalaw" sagot ni Rochelle sabay turo kay Gem.


"Boys kayo ang magdala ng katawan ni Levigean at babalik na agad tayo sa ating camp." utos ko sa kanila at agad namang pinulot ang nagkalasog lasog na katawan ni Levigean at nilagay.

-------------------
End of Flashback*****
-------------------

"Yun lang?" tanong ni Carl.

"Yes" matipid kong sagot.


"Ilibing na natin itong mga katawan nila para makapagpahinga na agad tayo." sabi ni Joshua kaya ganoon na nga ang ginawa namin. Tinapon namin sa lupang hinukay namin ang nagkalasog lasog na katawan nila at tinakpan agad namin ng mga lupa.


"Anyone can now take a nap and prepare yourself for our third night later here in hell." sabi ni Joshua kaya agad kaming nagsipasok sa aming mga bahay pero bago ako pumasok nakita kong andoon pa rin si Hannah sa puntod ng dalawa kaya pinabayaan ko nalang at pumasok na rin ako para makapag pahinga.



------------------
Hannah's POV*****
------------------

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na may buhay na naman ang nawala pero wala akong nagawa.


Nagsipasok na sila sa mga bahay nila pero ako ay nanatiling nakatingin sa puntod ng dalawa at patuloy na nag unahan ang aking mga luha sa pagbagsak.

"I'm so sorry. Sorry kung wala akong nagawa sa bingit ng inyong kamatayan. Sorry dahil wala akong silbi." sabi ko at hindi na malinaw ang paningin ko kasi napuno na ng mga luha ang aking mga mata.

"Tumigil kana, once again it's not your fault." sabi ng isang boses sa likod ko at kilala ko kung sino ang may ari nito. "Hindi mo kontrolado ang lahat at hindi mo naman ginusto na mamatay sila dahil nga wala kang alam sa mangyayari sa kanila." dagdag pa ni Kent at niyakap ako patalikod.


Inalalayan niya akong tumayo at pinaupo ako sa upuan malapit sa aming bahay.

"Salamat" sabi ko at tumahimik bigla kaming dalawa at walang ni isa ang may planong gumawa ng ingay pero medyo na weirdohan na ako kaya magsasalita na sana ako ngunit nagsalita rin siya.


"You go first" sabi ko.

"Ikaw na mauna ladies first diba?" sabi naman niya pero I continue to insist at ganon rin siya pero siya na ang sumuko at siya ang naunang nagsalita.



"Gustong kong sabihin na kumanta tayo kasi na wiweirdohan ako sa atmospera pero bigla ka ring nag salita." sabi niya.


"Ganon rin ang naramdaman ko at aayain rin sana kitang kumanta." sabi ko sa kanya. "Gusto kong kantahin natin ang isa sa paborito kong kanta pero parang hindi mo naman alam eh" sabi ko.

"Ano ba ang pamagat ng kanta" tanong niya sa akin?" tanong niya sa akin.

"Count on me" sabi ko pero bigla siyang kumanta.

"If you ever find yourself stuck in the middle of the sea,
I'll sail the world to find you" malamig niyang pagkanta sa unang dalawang linya ng kanta.

"If you ever find yourself lost in the dark and you can't see,
I'll be the light to guide you" pagkanta ko sa sunod na linya habang nakatingin sa kanyang ulo dahil nakatalikod siya.

"Find out what we're made of
When we are called to help our friends in need." sabay naming pagkanta at nakatingin na siya sa akin

"You can count on me like one two three
I'll be there
And I know when I need it I can count on you like four three two
You'll be there
'Cause that's what friends are supposed to do, oh yeah" sabay naming pagkanta sa chorus ng kanta. Napakaganda talaga ng boses nya at napakaganda pa ng pag blend niya sa boses ko.


Tinapos pa namin ang aming pagkanta hanggang sa dulo. At nagkatinginan kaming dalawa.


"Hindi lang pala mukha ang maganda sayo, pati na rin pala ang boses mo." sabi niya sa akin at parang pumunta lahat ng dugo ko sa mukha. Feeling ko namumula ako sa sinabi niya sa akin.


"Salamat sa pagpuri mo" sabi ko sa kanya habang nakayuko dahil baka makita niya ang pamumula ko.

"May lagnat kaba?" tanong niya sa akin kaya hinawakan ko ang leeg ko at hindi naman mainit.

"Wala naman akong lagnat eh. Bakit mo natanong?" pagbabalik ko sa kanya ng tanong.


"Namumula kasi ang mukha mo." sabi niya sa akin at hinawakan ang noo ko.


Agad akong tumayo at nagpaalam na papasok na ako sa bahay upang mag pahinga.


"Una na ako, salamat" sabi ko

"Thanks also for being my angel" sabi niya sa akin at agad na siyang tumakbo papunta sa bahay nila at ganoon rin ako pero di magkamayaw ang pagtambol ng puso ko.



Agad akong pumunta sa kama at nilublob ang mukha ko sa unan. Hindi ko alam kung bakit pero kinikilig ako.


"Makatulog na nga." sabi ko sa sarili ko at sinara ko na ang mata ko pero narinig kong bumukas ang pinto pero hindi ko na tinignan kong sino ang nagbukas.

-------------------
Someone's POV******
-------------------

Nakita kong pumasok na si Hannah sa loob ng kanilang bahay kaya sinundan ko siya.

Kita ko mula sa labas na sinubsob niya ang mukha niya sa unan at halatang kinilig. Dahan dahan kong pinasok ang bahay nila pero wala ni isa sa kanila ang nakahalata.


Kinuha ko ang notebook ni Mary Joy at lumabas na agad ako.

"Everything will be under my control" sabi ko sa sarili ko at agad na naglakad paalis.



Hannah's POV ****

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kanina at pagkagising ko ay gising na rin ang mga kasamahan ko at nagkagulo sila lalo na si Mary Joy.



"What's going on?" tanong ko sa kanila.


"Diba ikaw ang huling pumasok?" tanong sa akin ni Mico. "Nakita mo ba ang diary ni Mary Joy? Andon kasi lahat ng mga nakalap natin na mga issue tungkol sa bawat kasamahan natin dito. Mga dark secrets ang nakalagay nila doon" dagdag pa ni Mico.



"Hindi ko nakita kasi pumasok na agad ako kanina tapos humiga agad at nakatulog." saad ng ko.



"Good Afternoon my lovely players. If may nawala kayong ari arian na puno ng sikreto, nasa sa akin iyon at makakatulong iyon ng malaki sa akin" sabi ng game master gamit ang speaker. "Maghanda kayo kasi kakaiba ang gagawin ko mamaya. Walang akong papatayin pero may iba akong naisip. See you later my lovely players." dagdag pa ng game master at lumabas agad kaming apat.

Kakaibang laro na naman ang lalaruin namin mamaya. May buhay na naman muling malalagas. May buhay na namang mawawala.


Author's POV*****

Sorry if pangit update ko now but I hope you'll continue to support my book. Thanks and see you in my next update.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top