Chapter 7: Unexpected
Hannah's POV****
Patuloy ang paglalakad namin ni Lyssa patungo sa bahay namin dito sa impyernong ito. Binibilisan rin namin ang aming pag lakad upang hindi kami maabotan ng game master.
Kitang kita na namin ang aming bahay ng biglang may putok ng baril kaming narinig.
"She's already dead" sabi ni Lyssa at malungkot ang mukha niya.
"Cheer up Lyssa. Just be thankful dahil hindi pa ikaw o ako ang napatay sa araw na ito." sabi ko sa kanya upang ibalik ang kanyang masiglang pagkatao. "Tara na, punta na tayo sa ating bahay malapit na rin namang mag umaga." dagdag ko pa at inakbayan ko siya at sabay kaming nag lakad patungo sa aming bahay.
Binuksan ko agad ang pinto at pumasok agad sa loob ngunit si Lyssa ay napagdesisyonang manatili muna sa labas dahil binibisita pa rin daw siya ng kanyang konsensya kaya hinayaan ko siya doon at sinabi kong pumasok lang siya kung gusto niya.
Agad akong pumunta sa kama namin pero sa tingin ko may mali. May hindi tama sa bahay namin, hindi ko alam kong ano pero sa tingin ko meron talaga. Parang may tumitingin sa akin kaya agad akong naging alisto, dahan dahan akong naglakad patungo sa pinto para lumabas at pagbukas ko napasigaw ako ng malakas.
"Wahhhhh!" sabay naming sigaw ni Lyssa at parang papasok na siya ng bahay.
"Nagulat ako don ah" sabi ni Lyssa ng mahimasmasan na siya.
"Ako rin naman. Lalabas muna ako kasi parang may mali sa loob. I felt something strange." sabi ko sa kanya.
"Ha? Wala naman dito ang game master ah." turan ni Lyssa. "Pasok muna ako para makapagpahinga." sabi niya at pumasok na sa loob ng bahay.
Ako naman ay lumabas na ng bahay at napagdesisyonang magmukmok sa ilalim ng mahangin na puno malapit sa aming bahay.
Habang ako'y namumukmok nakita ko si Joshua na paparating kaya niyakap ko siya at binati ng magandang umaga.
"Bakit nandito ka sa labas at hindi ka pa pumapasok?" tanong sa akin ni Joshua at tinabihan ako.
"Gusto kong makita na lumabas si haring araw." pagsisinungaling ko dahil hangga't wala pa akong kongkretong ebidensya, hindi ko sasabihin sa kanya ang aking nararamdaman sa bahay namin kanina.
"Lakad muna tayo Hannah upang hanapin ang ating mga kasamahan" sabi sa akin ni Joshua kaya pumayag ako.
"Pwedeng puntahan ko muna si Lyssa para isama natin?" tanong ko sa kanya.
"H'wag na baka nagpapahinga yun. Baka madisturbo natin ang pagpunta niya sa ibang mundo." sagot ni Joshua, medyo naweirdohan ako sa sagot niya pero baka dream land ang ibig niyang sabihin.
Habang naglalakad kami nakita namin sina Irish, Gretel at August at naglalakad patungo sa ibang direksyon kaya tinawag namin sila at pumunta kami sa kinaroroonan nila.
"Okay lang ba kayo?" tanong ni Joshua sa kanila at tinignan ang kanilang katawan.
"Okay lang naman kami at walang nangyaring masama sa amin" sagot ni Gretel habang hawak ang kanyang balikat.
"Anong nangyari dyan sa balikat mo? Bakit iyan dumudugo?" tanong ko kay Gretel dahil madaming dugo ang lumalabas dito.
"Natusok ito ng matulis na kahoy kanina habang naglalakad ako upang hanapin ang ating mga kasamahan." sagot niya kaya nilapitan ko siya at tinigna ang sugat niya. Maliit na malalim ito kaya pinunit ni Joshua ang kanyang damit at ginawang bondage sa balikat ni Gretel.
Pagkatapos non ay naglakad na kaming lima upang hanapin ang aming mga kasamahan nang biglang may narinig kaming sumigaw kaya agad kaming naalarma lalo na ako dahil alam ko na boses iyon ni Lyssa kaya dali dali akong tumakbo pabalik sa bahay namin dahil alam kong nasa hindi magandang kalagayan ngayon si Lyssa.
Lyssa's POV****
Pumasok na ako sa loob ng bahay at parang tama nga si Hannah, parang may mali talaga pero di ko na ito ininda at pumunta na agad sa kama upang matulog at makalimutan lahat ng nakita ko kanina.
Rinig ko mula dito ang boses ni Joshua, lalabas na sana ako ng biglang may nagtakip sa bibig ko.
"Shhhhhh! Manahimik ka!" sabi ng isang tao sa likod ko at may itinutok na matulis na bagay sa likod ko. Kaya bigla akong naalarma kaya tinapakan ko ng malakas ang paa niya at sinukmuraan siya at agad na lumabas sa aming bahay.
Pagkalabas ko, wala na sina Hannah at Joshua at wala ring kahit na sino sa labas kaya nagtago ako sa gilid ng pinto ng aming bahay at kumuha ng kahoy upang ipokpok sa taong lalabas mula sa loob.
Bumukas ang pinto kaya agad kong pinokpok ang kahoy ngunit wala akong natamaan at lumabas agad ang taong nasa loob at itinulak ako papasok ng aming bahay.
"Being dumb again?" tanong sa akin ng game master. Pero paano siya napunta agad dito?
Imbes na magmakaawa akong buhayin niya iba ang lumabas sa bibig ko. "Kill me now, kill me as you please." sabi ko at kitang kita na ngumiti ang game master kahit na medyo madilim dito.
"What if I won't kill you? Ayaw mo na bang mabuhay?" tanong sa akin ng game master.
"Mabuhay? What's the sense of my existence if lahat naman ay puro hindi totoo. Kill me now directly kasi yan rin naman ang gagawin mo sa akin." sabi ko at lumapit siya sa akin at sinabunutan ako.
"Ito ba ang gusto mo!?" tanong niya at tinusok ng matulis na bagay na sa tingin ko ay kutsilyo ang tigiliran ko at tinanggal ang kutsilyo sa tagiliran ko.
Medyo pinagsisihan ko ang sinabi ko kanina. Akala ko kasi ganon na ako la manhid upang hindi makaramdam ng sakit pero hindi, I felt agony and pain now.
"Patayin mo na agad ako at wag yaong padahan dahan. Wag kang duwag hayop ka!" sabi ko sa kanya.
"Hayop ka rin naman. Nagmamalinis ka sa harap nila pero sa totoo, isa kang manyak na tomboy. Puro kasiyahan mo ang gusto mo. Puro kagustuhan mo ang laging nasusunod." nagulat ako sa sinabi ng game master. Bakit alam niya ang tungkol sa kataohan ko.
"Bakit alam mo ang kataohan ko? Sino ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Let's just say that I'm a long range spy and I saw and knew everything about you." sagot sa akin ng game master. "Ang ingay na parang baboy nung una kong pinatay ngayon kaya di ako na satisfied sa isa." sabi ng game master at lumapit muli sa kinaroroonan ko.
May inilabas siyang isang kutsilyo na paghiwa ng karne at parang natatakot ako sa susunod na gagawin niya.
"Anong gagawin mo sa akin" tanong ko sa kanya dahil bigla siyang tumakbo sa akin at sinabunutan uli ako.
"I like your high but nakakawala ng self confidence kaya bawasan natin" sabi ng game master at walang kaawa awang hiniwa ang aking mga tuhod at agad akong natumba at sumisigaw sa sakit na nadarama. "I'm not done yet" sabi niya at hinawakan ang mga kamay ko at hiniwa niya ito mula shoulder ko.
Nangdidilim na ang paningin ko dahil dahan dahang nauubos ang aking dugo pero walang siyang pakialam at parang nasisiyahan pa siya sa ginagawa niya sa akin. Sigaw ako ng sigaw at ramdam na ramdam ko ang sakit ng mga parte ng aking katawan na pinutolan.
Tumayo ang game master at kumuha ng lansang at martilyo. Kinuha niya ang mga tuhod ko at nilansang ang mga ito sa dingding. Sa ibaba ang dalawa kong paa at sa itaas na bahagi naman niyang nilansang ang mga kamay ko at nakagawa ito ng hugis parisukat. Lumapit na uli sa akin ang game master at inupuan ako.
"Hayop ka! Wala kang awa!" pilit kong sigaw sa kanya.
"Let me get something in your face" sabi niya at itinusok niya ang lansang sa mukha ko at nagguhit ng hindi ko alam na bagay. "Everything's ready now." sabi niya sa akin at tumayo uli at kinuha ang kutsilyo na panghiwa ng karne.
"What are you trying to do?" tanong ko sa kanya at sumigaw ako sa ginawa niya.
Pinagtatadtad niya ang aking mga paa na para bang karne ng baboy na maririnig mo ang pagbiyak ng mga buto at pagtalsik ng mga dugo sa bawat pagbunot niya at binutusan niya ang aking tiyan na kasing laki ng volleyball at kahit na nangdidilim na ang aking paningin, kitang kita ko pa rin ang aking nga lamang loob at lumalabas ito.
Sumigaw ako ng pinakamalakas na aking makakaya sa huling pagkakataon ng aking buhay at dahan dahan nang nauubos ang aking hangin kaya pinutol ng game master ang aking leeg at natapos na ang aking buhay.
"Salamat" ang huling katagang nasabi ko.
Hannah's POV****
Pumunta agad ako sa bahay namin at nabigla, natakot, nalungkot at nandiri sa aking nakita nasaksihan.
Lasog lasog ang katawan ng aking kaibigan na kasama ko kanina lamang at ang kanyang mga lamang loob ay nagkalat sa buong bahay. Nakalansang ang kanyang tuhod at kamay sa dingding malapit sa aming kama at ang ulo niya nama'y nakasabit at may nakaukit na jigsaw puzzle piece sa kanang mukha nito at halatang halata na bago palamang ang insidente.
Parang tinabunan ako ng lupa, at sinisisi ko ang sarili ko. At hindi ko napigilang tumulo ang aking mga luha. Maya maya ay may mga tao sa likod ko at halatang nagulat rin sila sa kanilang nakita. Nilapitan ako ni Kent at hinawakan ang kamay ko.
"Please stop crying, it's not your fault" sabi ni Kent sa akin para palakasin ang sarili ko subali't wala itong epekto dahil malapit ko siyang kaibigan.
"Hindi ko sana siya iniwan dito mag-isa. Dapat sinamahan ko siya dito baka naitulong pa ako." pagsisisi ko sa sarili ko dahil sa nangyari sa kanya. "Sana hindi ako sumama kay Joshua" dagdag ko pa at tuluyan nang nagsibagsakan ang aking mga luha.
"Good morning my lovely players" sabi ng game master gamit ang speakers. "I want to congratulate you for surviving kanina and I also want to congratulate myself for killing two person in one night. Once again good morning my dear players and have a good day to relax." dagdag pa ng game master.
Author's POV****
Hello po sa inyong lahat, please don't forget to hit that star button to vote this chapter and please leave a comment and share this book to other.
See you in next chapter. Goodbye :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top