Talo

Talo (Tayong tatlo)
by jessafelovers258
~PLAGIARISM is a crime.

Panahong nagdaan
Ay malayo na sa kasalukuyan
Kahit ating relasyon man
Ay naglaho na rin na parang wala lang

Ganiyan talaga,
Ano ba naman ang aking panama
Sa isang binibining mala-Ivanna ang ganda at porma
At iyong mga tingin mo sa kaniya ay sobra pa sa pantasya

Alam ko naman iyan,
Kasi hindi lang ikaw ang nagparamdam sa akin niyan
Kundi pati na rin ang mga matang dumidikit sa aking katawan
Na para bang ako'y may malaking kasalanan

Kasalanan na para bang dala-dala ko mula ng ako'y isilang dito sa mundo
Na para bang kasalanan ko kung ganito ang anyo ko
Kaya kahit sa sarili ko, iyan din ang pananaw ko na kasalanan ko kung bakit ako ganito
Kahit talo, ito pa rin ako pilit umaahon para ibahin ko ang pananaw sa bawat anyo ng tao

Talo, iyan ako sa iyo
Sa iyo na kay daling magbago
Ng pananaw sa isang tao
Kaya ito talo, dahil sineryoso ang isang tulad mo

Alam kong walang panama
Pero pinilit makipagkumpetensya Para lang ikaw ay hindi na lumayo pa kaya kung ano-ano na ang pinagkakagawa
Naglagay ng kolorete sa mukha, nagsusuot ng maiikli at mga damit na kulang sa tela

Pero wala parin,
Ilang ulit kong pinalangin
Na ako'y iyong piliin
Ngunit huli na ang aking panalangin upang ito'y dinggin ng may likha sa atin

Okay lang, laban lang
Hindi ka naman isang kawalan
Ayos lang, kasi nung ako ay iyong iwanan
Hindi naman pala mahirap ang ika'y makalimutan

Salamat na kahit talo ako dahil sa babae mo
Pero nanalo ako dahil naging kayo
Kasi naisip ko na marami man ang nagbago sa buhay ko nang ipinagpalit mo ako
Heto ako, hindi na muling magpapaloko

Hindi na muling makikipagkumpetensya
Para sa taong wala naman palang kwenta
Pasensya na, pero sana natamaan ka
Kasi ang tulang ito ay para sa inyong dalawa na siyang naghiwalay din pala

Huwag mo ng subukang bumalik pa
Kasi ako ay kuntento na sa buhay ng wala ka
Kasi aking naalintana na wala na talagang pag-asa
Lalo na't hindi ka sigurado kasi naghahabol ka pa rin sa kaniya

Talo man sa pag-ibig mo
Ayos lang kasi hindi naman totoo
Ayos lang kasi ako naman ay nanalo sa sarili ko
Nanalo dahil pinakawalan mo pa ako.

-jessafelovers258

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top