Pera
Plagiarism is a crime!
PERA by jessafelovers258
PERA,
Isang salita na may apat na letra
Dalawang letra na katinig
At dalawang letra rin sa patinig
Madaling gastusin
Mahirap hanapin
Bigkas niya iyo'y dinggin
Utos niya ay iyong sundin
Kapag ito ay nang-aakit
Ikaw ay lalapit
Kapag ito ay nawawala
Ito ay iyong hahanapin
Kung saan ang pera,
Masasabi kong andoon ka
Bakit?
Kasi maraming pera ang iyong kabit
Pera lang ba ang mahalaga?
Ang nagmamahal ba sa iyo ay pera,
Hindi, pero oo ang mukha
Kasi lapit ka ng lapit sa kaniya
Pera,
Simpleng salita
Na iyong winiwika
Pero sobrang nakakaumay na
Paulit-ulit na lang,
Ikaw din, pabalik-balik na lang
Kung ganito lang naman
Mabuti pang pera na lang ang iyong pakasalan.
Nang sa ganoon, wala ng gulo
Gulo na mas ikakagulo pa dito sa nararamdaman ng puso ko
Kaya kung iyon ang iyong gusto
Masasabi kong sundin mo ang gusto mo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top