Ikaw pa rin sa sandali

Ikaw pa rin sa sandali
By: Jessafelovers258

Maling-mali
Iyan ang sinasabi ko sa aking sarili
Ngunit hindi ko mawari
Kung bakit pinipilit ko pa rin itong pinipili

Hindi ko man alam
Ngunit ito lang ang tanging laman
Ng aking puso’t isipan
Kahit iba pa ang iyong nararamdaman

Dapat ko ba itong ihinto?
Iyong sinasabi ng aking puso?
Ngunit paano?
Paano kung ito na rin mismo ang sinusunod ng isip ko?

Ang gulo,
Puso ko ngayon ay naghihingalo
Ramdam ko ngayon ang pighati nito
Kahit pa ako’y sumuko, niloloko ko lang ang puso ko.

By: jessafelovers258

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top