Ginoong masungit
Plagiarism is a crime.
Ginoong masungit
by: Jessafelovers258
Seryoso at maamo mong mukha
Ay palaging nagwawala
’Pag aking pinupuri ng maganda
Puri ko’y puro naman maganda pero lagi mo na lang kinokontra
Mga mata’y singkit
At tunay na nakakaakit
Iyong pisnging namimilipit na sa galit
At mga mata ay nagsisimula ng nagngingitngit
Ngunit hindi ko alintana
Kung bakit ako’y hindi mo nadarama
Sa tuwing ako’y sumusulpot
Ikaw ay nagpapakipot
Umiirap kapag ika’y kinikindatan
Eh, ikaw naman mahilig kumikindat sa ibang babae diyan kadalasan
Pero ’pag ikaw ay pinangunahan
Gulo ang mapupuntahan
Ikaw ay nabiyayaan ng kapogian
Kapogian na hindi ko maaring ipagkalandakan
Ngunit anong magagawa ko,
Kung bawat galaw mo ay asintado ko?
Hindi ko alam pero ganito lang kasi ako
Laging nakatutok sa mga pinaggagawa mo
Sa bawat pagngiti mo sa iba ay nakikita ko
Kung paano ka mainis sa tuwing ika’y lalapitan ko
Nakakalito, nakakapanibugho
Nakakapanlulumo at nakakaloko
Kasi ganito na talaga ako
At ’di ko na mabago itong pinipintig ng puso
Kay bilis ng aking kaba ’pag nandiyan ka
Pero dahil gusto kita, pinili kong kalabanin yung matinding kaba na aking nadarama
’Yan lang naman ang nararamdaman ko,
Sa tuwing puso ko’y natatakot na mahulog pa ng lubos sa iyo
Alam ko namang mali,
Dahil ikaw ay napili
Ng puso kong sayo lang ngumingiti
Kahit ’di ka naman nito nakikiliti
Kaya heto,
Nakakapanibago
Nakakagulo
Hindi ko na matanto
Ano ba ang dapat kung gawin?
Kung iba ka sa aking paningin?
Kung ayaw mo sa akin
Dahil lalaki rin ang iyong pipiliin?
Ikaw lang ang nasa paningin
Na hindi mo naman binibigyan ng pansin
Nararamdaman ko’y dapat ko na bang burahin
Para ng sa ganoon ay hindi na kita kukulitin
Nakatatawang tunay
Selos ang dahilan ng iyong tingin na pamantay
Dahil iyong tipo mo ay sa akin nakabatay
Hindi ko mawari noon ngunit ngayon ay malinaw na para ako ay tuluyan ng bumitaw
Pasensya na, sinusungitan mo pa,
Yun pala, dala lang ng selos mong nadarama
Pero ’wag kang mag-alala ’pagkat suportado kita sa kaniya
Ikaw na ay malaya at oras na para ika’y lumigaya
Ginoong masungit
Pasensya na kung ako’y naging makulit
Pero hindi na iyon mauulit
Gaya ng aking nabanggit
Dalhin mo ang sariling kumpiyansa
Nang sa ganoon ay palaging kang handa
Sa ano mang tugon niya
Na iyong matagal ng ikinabahala
Salamat, kasi kahit papaano ay pinakilig mo yung puso ko na ’di naging alamat
Salamat, kasi kahit papaano ang puso ko’y hindi naging mailap
Hindi naging mailap sa pagsabi ng matagal ko ng tinatago na nararamdaman para sa’yo
Salamat dahil naranasan kong manligaw sa isang katulad mo, sa isang masungit na ginoo.
~Jessafelovers258
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top