Buhay...


Plagiarism is a crime!

Buhay by jessafelovers258

Buhay na siyang sadyang puno ng kulay
Buhay na kay daming nakabatay
Buhay ko na sa Maykapal lang iaalay
Buhay na sa atin niya ibinigay

Malungkot man o masaya
Tuloy-tuloy pa rin ang sigla
Mahirap man o masagana
Basta’t ’wag lang tayo mawawalan ng pag-asa

Ang buhay ko ay parang kulay puti
Na para bang wala ng minimithi
Pero sinamahan mo ito ng kulay pula
Na siyang nagbibigay galak at ligaya

Ito ay parang ampalaya
Ampalaya na mapait at siyang kay gandang mawala
Tapos ito’y palitan ng mansanas na kay sarap ng bunga
Bunga para buhay ko’y mag-iiba

Ang buhay ko ay parang binebenta
Na para bang ito’y isang karne at isda
Sa palengke na kay daming mamimili
Mamimili na kay daming mga sinasabi

Ngunit buhay ko’y isang bulaklak na rosas
Rosas na hindi nagpapatalo sa posas
Posas na kay daming mga butas
Butas na siyang mag-aahon sa akin palabas.

Jessafelovers258

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top