Gabi sa Jeepney



Isang normal na gabi para sa isang dakilang overtimer na tulad ko. Medyo late na pero mahaba parin ang pila sa sakayan ng jeep. Sa mga ganitong pagkakataon masarap magpausok dahil mapapalaban tayo sa kagat ng mga lamok.

"Manong bert, Isang Marlboro nga po d'yan" ewan ko, may isang kaha pa naman akong baon sa bag ko pero dito ako dinala ng mga paa ko. Marahil nasanay na rin akong bumili sakanya sa halos gabi-gabing ganito ang eksena dito sa may sakayan ng jeep, halos alam ko na nga ang buong kwento ng buhay ni Mang Bert sa lagi naming pag-uusap habang hinihithit ko ang yosi na papatay ng baga. Katunayan, naalala ko ang namaalam ko ng ama sakanya, todo kayod rin 'yon noong buhay pa mapagtapos lang kami, sinakripisyo n'ya ang sariling buhay para sa ibang buhay.

"Nako iho, wala na ako n'yan" pagtatanggi n'ya.

"Sigi na ho, buong araw akong di nakapagyosi ngayon eh. Paminsan-minsan lang naman ho" para talaga s'yang si papa, ayaw akong naninigarilyo.

"Mga kabataan talaga ngayon di na mahilig makinig ng balita, palibhasa puro cellphone at computer inaatupag." Pagleleksyon n'ya na ikinangisi ko. Nakakamiss din palang mapagsabihan ng mas nakakatanda. "bawal na sa publiko ang pagyoyosi kaya hindi na ako nakakapagbenta no'n ngayon. Ewan ko nga kung malulungkot ako dahil nabawasan ako ng kikitain o magagalak dahil karamihan sa mga nagyoyosi ngayon eh mga kabataang tulad mo! Masama sa baga 'yan" napawi ang ngisi ko hindi dahil bawal na ang yosi sa publiko kundi dahil may isang kaibigan akong nagmamaneho ng tricycle sa umaga tapos sa gabi nama'y nagbebenta ng mga yosi at kendi sa edad na singkwenta sa pag-asang maitaguyod nito ang kanyang pamilya kahit sa maliit na kita na ngayon nga ay mas lumiit pa.

"Patay tayo d'yan" tanging sagot ko habang inaalala ang kanyang sitwasyon. "magkano po ba lahat ng kendi nyo? Bibilhin ko nalang" alok ko.

"Nako, hindi nga masisira baga mo n'yan pero mukhang maagang mabubulok 'yang mga ngipin mo nito iho" marahan akong natawa sa sagot nito. "Sino bang may sabi na kakainin ko lahat 'yan? Mang bert naman oh. Maraming bata doon sa amin, puro mga nag-aabang ng pasalubong. Wala pang sweldo kaya pagtyagaan muna nila 'tong mga kendi nyo." Pagpapaliwanag ko.

"Ganoon ba kamo? O' s'ya sige, pakyawin mo na 'to nang makauwi na ako at mukhang uulan." Pagrereklamo nito na bakas narin ang pagod sa mukha. Binalot n'ya ang mga kendi tsaka ko binayaran ang mga ito at ipinasok sa bag.

"500? Nako wala akong panukli nito iho 120 lang naman yang mga kendi ko"

"Wala rin akong barya mang bert eh. D'yan nalang muna 'yan sa inyo at ako'y sasakay na, sige ho" pagpapaalam ko tsaka tumakbo sa paandar na jeep, narinig ko pang tumanggi ang matanda ngunit wala narin itong nagawa dahil nakasabit na ako sa jeep. Ang totoo sinadya kong ibigay 'yon kahit alam kong wala s'yang panukli, alam kong hindi n'ya ito tatanggapin kapag binigay ko kaya dinaan ko nalang sa diskarte.

"Aray," dahil sa pagmamadali kong makasabit sa jeep ay hindi ko sinasadyang matapakan ang paa ng isang magandang binibini. Kita mo nga naman, kakabigay ko lang tumalbog agad ang swerte. Ang angas talaga minsan ni Lord!

"Sorry," banggit ko tsaka tinitigan ito. Makapal ang pagkakalapis ng nagsasalubong n'yang mga kilay at medyo 'on-fleek'? yun ata ang term ng mga kababaihan do'n, ngunit bagay lang sa kanya. "Sorry di'ko sinasadyang saktan ka." pagpapatuloy ko dahil mukhang seryoso s'yang nasaktan. Baka isipin n'yang ako yung tipo ng lalaki na nananakit, dahil di ba kadalasan naman sa mga lalaki nast-stereotyped ng ganon?

Ngumiti s'ya, nginitian n'ya ako. Di pa naman ako nakakakita ng anghel pero bakit parang langit ang naramdaman ko nang ngumiti s'ya? Napapakorning linyahan tuloy ako. "De, may sugat kasi ako" sabay turo n'ya do'n sa paa n'yang natapakan ko kanina. Nakita ko ngang may band-aid ito. Ang puti at ang kinis ng mga ito, ang kapal ng mukha ng sugat na 'yon para pumwesto doon at ang gago ng tumapak dito, pero pwede na, gwapo naman eh.

Tinapik-tapik n'ya ito sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, siguro para mawala ang sakit. Shet, nasaktan ko nga ang magandang binibining ito, sira na reputasyon naming mga gwapo lang pero di gago. "Open wound ba yan? Siguro 'wag mo masyadong lakasan yung pagpalo" pagpapaalala ko.

"Oo eh, nakakainis nga," pagrereklamo n'ya pero tinigil na n'ya ang pagtapik dito. Tsaka inayos ang mga buhok na nalaglag sa mukha n'ya mula sa kanyang pagkakayuko. Dapat di n'ya na ginawa 'yon, convinced na tuloy ako na anghel nga ang babaeng nakikita ko.

"Anong nangyari?" curious kong tanong. Ang totoo n'yan gusto ko lang humaba yung pagpapalitan namin ng usapan.

"Ah eto? Ewan ko ba d'yan, bukol lang 'yan dati tapos kinalmot ko lang biglang nagtransform ng ganyan. May hidden spell ata pagkinalmot mo" pareho kaming natawa sa sagot n'ya. Tapos naisip ko, sarap naman kausap ng babaeng 'to.

"Yun naman pala, dapat di mo kinalmot, dapat hinayaan mo lang." komento ko tsaka tinitigang muli ang sugat n'ya.

"Eh, Makati. Di ko kayang tiisin." Ani nito na bahagyang ikinalingon ng iba pang pasahero sa jeep na sinagot naman n'ya ng 'what?' look, kahit ako ay natawa sa kanyang naging sagot.

"Judgmental kayo no?" pagtataray n'ya.

"Wala nang malinis mag-isip ngayon. Well, bukod sakin" pagyayabang ko sabay hilod ng baba at pagsingkit ng mata.

"Wow, iba s'ya!" sarkastiko n'yang sagot tsaka umarteng manghang-mangha saakin. Tumawa ulit ako na dahilan ng kanya ring pagtawa. Para kaming baliw, daig pa namin yung mag-syotang halos maglampungan na sa tabi n'ya.

"De, kung open wound nga 'yan dapat bandage na pinambabalot mo d'yan. Para sa cut lang yung band-aid eh," seryoso kong ineeksamina ang sugat n.ya. "Tsaka 'pag open wound dapat oras-oras nililinisan kasi konting dumi lang kumapit d'yan maiinfection 'yan kaya hindi humihilom, tulad n'yan." pagpapatuloy ko. Nagtataka ako nang titigan n'ya ako mula ulo, ulo sa taas ha? Hanggang paa.

"Nurse ka nga pala" banggit nito na may pagtango-tango pa.

"Teka pano mo nasabing nurse ako?" pagtataka kong tanong.

Tinuro n'ya ang suot kong uniform "Diba uniform 'yan ng mga nurse?" sigurado n'yang sagot na ikinangiti kong muli. Alam ba ng babaeng ito kung gaano ka mapang-akit ang kanyang mga mata?

"Stereotyping ka 'don. Actually, doktor ako" halata naman sa ekspresyon n'yang hindi s'ya naniniwala sa sinabi ko.

"Talaga, kahit itulak pa kita d'yan doktor ka?" nanghahamon n'yang tanong na sinagot ko ng tawa bilang pagsuko.

"Bakit, lahat ba ng nakaputing uniform nurse?" balik tanong ko "Pwede namang Pharmacist, Nutrition Dietics,―" di pa man ako natatapos ay nagsalita na s'yag muli.

"Pwede rin namang nurse" singit nito.

"Pero doktor talaga eh" pagpupumilit ko ulit.

"Okay doc" ani nito na parang isa akong bata na iiyak na ano mang oras kung hindi pa s'ya tumango. Ngayon ko lang ipipilit na okay lang talaga ma-traffic kahit gaano pa yan katagal o kahit gaano pa yan kahaba, ngayon ko lang naramdaman na okay lang sumabit sa jeep hanggang manghina ang mga kamay at mangawit ang mga tuhod ko dahil sa gabing ito hindi pagod at pagkainip ang aking nadama, kundi purong kagalakan. Sino ba naman ang hindi mapapatula nalang bigla sa isang sitwasyong ganito ka puno ng pagpapala?

"Ganito, since guilty ako ngayon dahil natapakan ko ang paa ni Cinderella. Libre ko ang nursing d'yan." Pagbabakasakali ko.

"Hindi, 'wag na. Alagaan mo man o hindi mawawala rin naman 'to, ganon naman talaga di ba?" sagot nito na animo'y may malalim na pinanghuhugutan.

"Sinong gago ba yan ha?" seryoso kong asal tsaka n'ya sinagot ng pagkibit ng balikat. 

"Di na kailangan, okay lang 'to" pagpapatuloy nya.

"Sige na, Itetext ko sayo yung hospital namin tapos bisita ka do'n" pag-aalok kong muli, pero sige na nga, diskarte talaga yan.

"Pano mo'ko itetext?" tanong n'ya na tila ba alam na kung saan patungo 'tong usapang ganito, at kung saang lupalop man mapunta itong usapan ay sana sumama s'ya, tutal nasa iisang byahe lang naman kami.

"Dalawa lang 'yan, either hihingin ko number mo o ibibigay mo. Pero sige doon tayo sa unang option." Nakangiti kong offer. Oo, alam kong alam n'ya na interesado ako sakanya ngunit bakit tila ba hindi ko s'ya mabasa, mapanlinlang ang mga ngiti ng kanyang mala-rosas na pulang labi.

"Infairness, bago 'yang pamamaraan mo sa buhay hindi pa masyadong gasgas o baka dahil wala akong masyadong kilalang nurse o doktor," nagkibit balikat ito "Malay ko ba kung ganyan pala mga moves n'yo, Pero hindi, di parin papasa." Pagpapatuloy nya.

"Ano ba 'yan, one damn shot in a lifetime 'yang offer ko sayo oh! Maraming namamatay araw-araw dahil walang pang-hospital tapos ikaw basta-basta mo lang tatanggihan?" umarte akong kunsimidong ama sa naging desisyon nya. At muli ay narinig ko ang kanyang tawa.

"Ayoko nga ibigay number ko, mamaya scammer ka pa or pwedeng serial killer, kidnapper, adik―"

"Oh, sinong judgmental ngayon ha? Tsaka mukha ba talaga akong masamang tao? Grabe naman 'to. You're exaggerating" Gumagaan na yung traffic at mahina nang nakakadaloy ang sinasakyan naming jeep parang ang aming naging usapan, dumadaloy ng magaan.

"Syempre hindi kita kilala, alam mo na 'yon!" pagpapaliwanag nito ngunit bakit parang mas naging magulo? Akala ko tulad nitong jeep ay umuusad na kaming pareho? Hindi ko maintindihan kung bakit s'ya biglang lumiko o baka naman hindi lang kami pareho ng pupuntahan.

"E' di magpapakilala ako, I'm―" di ko natapos ang sasabihin ko ng pigilan n'ya ako gamit ang kanyang maputing palad.

"Hep, stop right there! Di mo pwedeng sabihin ang pangalan mo." napakunoot ako ng noo.

"Ha?" bakit ba ganoon kamisteryoso ang dyosang ito?

"Ayaw kitang makilala. Baka pag nalaman ko yung pangalan mo tsaka kung gaano kalaki yung sweldo mo, baka sumama talaga ako sayo." natawa ako habang seryoso ang ekspresyon sa kanyang mukha.

"75 thousand monthly di pa kasama overtimes ko n'yan" seryoso ko namang sagot.

"Hala, pakasal na tayo" napangiti nalang ako sa naging asal n'ya. Pareho nga pala kaming estranghero at may kanya-kanyang destinasyon nang sumakay ng jeep. Hindi ko nga pala s'ya pwedeng iligaw sa ibang daan na hindi naman n'ya kabisado.

"Ganitong oras ba lagi uwi mo?" seryoso kong tanong.

"Secret." tangi n'yang sagot.

"Kasi kung oo, baka lagi nalang siguro akong mag-oovertime para sabay tayo lagi tapos usap tayo. Okay na 'yon, choosy pa ba ako?"

"Malay mo may bibisitahin lang ako rito, tapos 'di naman talaga ako dito sumasakay" sagot n'ya habang may kinakalkal sa bag.

"Bumisita ka rin samin oh, pakilala kita kina mama" nakayuko s'ya ngunit halatang napangiti ito. Nilabas n'ya ang kanyang wallet tsaka bumunot ng 100 mula rito sabay nakisuyo na i-abot ito sa driver.

Ang totoo ayaw kong matapos ang gabing 'to, ayaw kong makarating kung saan man ang paroroonan ng biyaheng ito dahil sa huli alam kong hindi rin kami magsasabay. Ayaw kong bumilis ang usad ng jeep, hiniling kong sana masiraan o kahit anong aberya na pwedeng mangyari mapabagal lang ang takbo, ng jeep, ng oras, ng sandaling ito, na maaring hindi ko na kailanman mabalikan, na maaring kailanman ay di ko na mararanasan pang muli.

"Hindi ko talaga pwedeng malaman kahit pangalan mo lang?" huling hirit ko na sinagot n'ya ng pag-iling.

"I don't wanna leave you something to remember me. Let's make this night far from our ordinary nights, from our usual nights. Ayaw mo no'n, you had a very strange night with a stranger, yung sumabit kalang d'yan tapos hindi mo sinasadyang matapakan yung paa ng isang pasahero ng jeep tapos nagkausap lang tungkol sa mga random na mga bagay," 

Ngumiti s'ya ulit, this time hindi s'ya saakin nakatingin kundi sa kawalan lang. "Ako, masaya ako na nagkausap tayo, baka nga di ko na masyadong kainisan 'tong sugat ko na 'to dahil ito ang magpapaalala sa'yo sa'kin. Let's just leave it hanging like this, kung magkikita tayo ulit then good, kung hindi then," bigla s'yang huminto at bumuntong hininga "Mag-ingat ka lagi. Bawasan mo na yung kaka-overtime mo, hindi maganda sa kalusugan mo 'yan. I can no longer protect you." nakatingin na s'ya sakin nang bigkasin n'ya ang huli n'yang tanong na mas lalong ikanakunot ng noo ko, bakit tila mas laong naging magulo? Ngayong lang kami nagkausap o maaring nagkatagpo pero bakit parang kilalang-kilala niya ako? Bakit napakapamilyar ng kanyang presensya? Pero tama s'ya, malayo ito sa ordinaryong gabi ng isang dakilang overtimer na katulad ko, unang beses kong hindi nagmura sa haba ng traffic, unang beses akong hindi nakaramdam ng pagod at pagkangalay sa tagal kong nakasabit, unang beses akong nagpatangay at napasarap sa usapan, unang beses lang akong makakita ng anghel o dyosa o kahit anong magandang nilalang pa man s'ya basta't hindi s'ya ordinaryo sa paningin ko.

"HA?" tanging naging sagot ko na sanhi ng kanyang muling pagtawa tsaka sumigaw ng, "manong para!" at tuluyan na nga syang bumaba nang kumakaway pa sakin habang parehas na kaming unti-unting papalayo sa isa't isa.

Hindi ko inalis sakanya ang mga titig ko, bakit tila naluluha siyang nakatingin sa'kin? May kung anong hindi maipaliwanag akong naramdaman sa mga sandaling 'yon. Saglit kong inilibot ang aking paningin sa paligid at napagtanto na ako ay lumagpas na saamin. Agad akong napalingong muli sa babaeng 'yon ng marinig ang malakas na busina ng truck tsaka nandilat ang mga mata sa sumunod na pangyayari. Agad rin namang huminto ang jeep nang marinig ang malakas na kalabog mula sa pinangyarihang iyon.

Habang isa-isang bumababa ang mga pasahero ay agad na akong tumakbo sa nakahandusay na katawan ng babae. I was still in shocked. Agaw-buhay ito nang lapitan ko. I tried stop her bleeding gamit ang mga alam kong  life-saving techniques. Ngunit bigla n'yang hinawakan ang aking mga kamay. 

(play 'Safe & Sound' by Taylor Swift feat. The Civil Wars from here)

"Do you know that angels are not allowed to save their person or their immortality will be at cost?" halos habulin na nito ang kanyang hininga nang sabihin ang mga 'yon, but she still held my hand tight enough that I can't even break out from it. "Guess what, they break rules too" a tear fell from the side of her eye. Naiiyak na rin ako sa mga tugon nito kahit hindi pa rin ma-proseso ng aking utak ang mga nangyayari. She kissed my hand for seconds bago tuluyang ipikit ang mga mata nito.

"SHIT!" tanging nasambit ko lang, ni hindi ko namalayan ang paparating na ambulansya tsaka nila binuhat ang babae. They tried to revive her but they failed. It was death on arrival. I was still horrified and confused at the same time. 

Mas lalong tumayo ang aking mga balahibo nang napagtanto ang lugar na pinangyarihan ng insidente. Dito dapat ang baba ko. Ako dapat ang tatawid at mababangga.


I broke down when I finally realized what she meant earlier.










Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top