Chapter 1
Mingyu's POV
"Good morning din po, ma'am."
Tinignan niya yung relo niyang G-Shock-- joke. Tinignan niya yung silver niyang relo tapos nag-sulat siya sa yellow na papel na medyo manipis. Yung see-through na papel. Buti pa papel, see-through.
(Hindi ko rin alam kung ano yung sinabi ko.)
Pero, maiba ako, ang ganda ng watch ni ma'am eh, noh? Mukhang mamahalin pa. Sana naging relo nalang si ma'am.
"Mr. Kim, sign here." Inabot niya yung Panda niyang ballpen (uy, wag kayong judgmental mga pakyu kayo, ang ganda kaya ng sulat niyan) tapos nakita ko yung naka-check na area. Buti pa yung area na yun sa papel, naka-check. Mga sagot ko sa exam, hindi. Hehe.
"Ma'am, oh." Binalik ko sakanya yung ballpen niya kasi syempre, tapos na kong pumirma, diba. Kahit peyborit ko yung ballpen ni ma'am (sana naging ballpen nalang si ma'am para favorite ko siya), hindi ko yun pwedeng ibulsa. Baka kasuhan pa ko neto ng stealing. (Kahit naman ibulsa ko yan nang hindi siya nakatingin, madali lang naman bumili niyan eh. Ang mura lang kaya niyan! Mga 10 pesos lang.)
"Ibigay mo yan sa secretary, ha? Subukan mo lang ulitin yung ginawa mo kahapon, mag-o-one-on-one tayo for 5 hours." Tangina, sabi ko na nga ba crush ako ni ma'am e. Hayop to, may HD sakin. Tsk tsk. Huli ka.
"Opo..."
Wala na kong magawa kundi tumango at kunware nag-sink-in sakin yung sinabi niya (may sinabi pa siya sa huli pero ang naintindihan ko lang ay yung 'sasagutan' at 'libro') kasi sa totoo lang, kanina ko pa iniisip yung crush ko, si Wonwoo. Hehe. Miss ko na yun. Ganda-- pogi nun e. Tapos ang galing pang kumanta. Tapos ang galing mag-rap. Tapos magaling siya sumayaw, oh my gadeu, kung nakita niyo lang yung ginawa niyang sayaw kasama si Soonyoung, jusko, nakaka--
"ACHOOOOOO!"
"Bless you."
"Thanks," Satan. "ma'am."
.....Wait, ako yung bumahing, diba? Ibig sabihin, nandyan lang si Junhui, umaaligid. Ang creepy man pakinggan, pero totoo yan. Ayun na nga siya, oh. Inaabangan ako sa may ramp. Ehem.
"Sige ma'am, una na po ako. May klase pa nga po pala. Hehe." Paalam ko (kahit wala siyang pake sakin kasi nagsusulat parin siya ng mga pangalan ng mga taong late ngayong araw) sakanya at dali-daling umakyat sa classroom na kasama si Junhui.
("So blonde ka na ngayon?")
Alam kong wala kayong pake pero math yung first subject namin ngayon. At may sasabihin ako sainyo.
Ayoko ng math.
Kasi putangina, ang hirap kaya ng math! San naman kasi gagamitin yang x and y na yan?! San ba kasi gagamitin yang linear equation ekek na yan?! (Sorry kung hindi nag-make sense (naubo kasi yan yung favorite word ng teacher namin. Ehem. Make sense?) yung sinasabi ko, hindi kasi ako nakikinig kaya ako bumabagsak. Hehe. Wag niyo ko isusumbong, ha? Hehe.) Gagamitin ba yan kapag bumili ka sa tindahan?! Sa supermarket?! Sa palengke?! Sa McDonald's?!?!?!?!?! Ka-urat!
"Okay, for the last 10 minutes, mag-sea-seatwork muna kayo ngayon."
"Luh, sir! 10 minutes na nga lang, may seatwork pa?!" Sigaw ni Soonyoung (na kaibigan ni Wonwoo bebe-labs-sweetie-pie-icing-sa-ibabaw-ng-cupcake-ikaw-na-ba-ang-sagot-sa-tanong-blueberry-cheesecake-nagugutom-ako-bakit-ba-ito-yung-tawag-ko-sakanya ko.)
"Tangina inaantok ako. Pakopya, ha?" Bulong (na malakas) ni Maria sa katabi niya.
"Nubayan! Tangina tinatamad ako what the fuck yo! Wala akong naintindihan!" Sigaw ni Angela.
"TAMA NAAAAAA! LAGI NALANG TAYONG NAGSE-SEATWORK PAGKATAPOS NG BAWAT TOPIC! PAGOD NA KO!" Sigaw ni Isabel.
Pina-paos lang nila yung sarili nila, tangina.
"Magrereklamo kayo o ibabagsak ko yung grades niyo?"
"Edi wow." Sabi ni Seungkwan, yung kaibigan kong baboy. Joke. Mahal ko yan, like a banana. Tangina niyo pag binully niyo yan. Main bitch ko yang si Seungkwan, nuba. Lagot kayo sakin pag inaway niyo yan.
At ayun nga, para sa huling 10 minuto ng aming klase ay hindi na natuloy ang aming "inaasam-asam" na pang-upuang gawain sapagka't sumabog na sa inis at galit ang aming guro na si Sir Kim Junmyeon na kasintahan ng aming guro sa english na si Sir Zhang Yixing at alam namin iyon dahil nahuli namin silang nagmo-momol sa janitor's room like what the fuck yo kadiri sobra parang nanood kami ng live gay porn pero okay lang yun kasi gay porn is life. Ayun.
Umalis na si sir pagkatapos.
"WALA NANG SEATWORK! YEHET!"
Nag-bell na. Bell, bell, bell~! Yuck. Joke.
Kung mga mangmang kayo't ignorante, kapag nag-bell na, ibig sabihin nun ay oras na para lumamon. Hehe. My favorite time! Pwe. Bat ba ko nag-english.
"Oy tangina mo ka. Bakit ka late ngayon?" Mura ni Junhui sakin habang sinlurp (wow slurp) yung noodles niyang bulalo yung flavor.
Ay, si Junhui nga pala, yung kaibigan ko. Sorry nakalimutan kong ipakilala, nakalimutan ko eh. Ehehehehehehehehe.
Siya yung susunod na pinaka-close ko sa tropa namin. Wala pa yung iba naming kaibigan eh, (sina Seungkwan, Jeonghan, Minghao, at Hansol lang naman yun) baka may pinuntahan o kung ano.
Kwinento ko kay Jun (Jun nalang, ang pormal masyado nung Junhui) yung nangyari kung bakit nga ba ako late. Nanood kasi ako ng ano kagabi tas napuyat tas nakatulog kasi nangawit ako.
(Nanood ako ng tutorial kung pano mag-drawing, nangawit ako kasi ang hirap nung ginagaya kong drawing.)
"Ungas ka ba? Tanga mo rin eh noh, lam mo na ngang may pasok tas magpupuyat ka pa. Bobo!" At bigla siyang nanahimik nang saglit. Ganyan yung sinabi niya pero magbabago yan bigla in 3, 2, 1... "Hindi ba masakit yung ulo mo? Okay ka lang ba? Nakakain ka ba ng almusal? Worth it ba yung pagpupuyat mo kagabi?"
"Oo nalang," Kinagat ko yung sandwich na binili ko. "Pero hindi. Hindi naman kasi pwedeng madaliin lahat ng bagay, diba? Mga ilang araw pa para maging maganda yung mga gawa ko kaya ayun."
Sa totoo lang, paglaki ko, — alam kong literal malaki na ako pero sa pagtanda ko — gusto ko maging drawer. Kasi, pag naging drawer ako, makakapag-publish ako ng sarili kong manga. Diba?! Amazing!
Matagal ko na gusto maging drawer, eh. Simula nung bata pa ko. Nakita ko kasi yun sa kuya kong si Hakyeon hyung. Ang galing niya mag-drawing ng anime. At yun slash siya din ang naging dahilan kung bakit may pagka-weaboo ako ngayong malaki na ako.
Sumapit ang hapon at hindi naki-table samin ngayon yung iba. Kaming dalawa lang ni Jun yung magkasama buong araw. Hindi naman sa nagrereklamo ako, ha? Masaya naman siyang kasama, pero minsan kasi para siyang tanga eh.
Paano kamo?
Basta. Marami siyang ginagawa kung saan nagmumukha lang siyang tanga.
At dun nagtatapos yung boring kong araw.
—
first chapter pero filler chapter agad yung dating. pWE HAHAHAHAHA charot. parang filler chapter to pero medyo may mahalagang something dito :-) ehehehehe.
sana nagustuhan niyo (kahit puro kagaguhan lang + word vomit)! hahaha.
[020417]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top