9
Tyga Xerxes Mondejar
"BAKLA! BAKLA! GISING! GISING! S-SI SIR! Nandito ang asawa mo, bakla. Hinahanap ka niya. Gumising ka na diyan." Ang narinig kong sabi sa akin ng isang matinis na boses.
Nandito na ang asawa ko. Minulat ko ang aking mata at nagmamadaling bumangon sa aking kama at tumakbo palabas ng kwarto. Narinig ko pang tinawag ni Maribel ang pangalan ko pero wala akong pake. Nandito ang asawa ko.
Dumiretso ako ng takbo pababa sa sala. Inilibot ko ang aking paningin pero wiz akong ma-sight na asawa ko. Muli akong tumakbo papunta sa kusina at nakita doon ang isang malapad na likuran na nakaharap sa aking direksyon. May hawak itong cellphone katabi ng kanyang tenga.
Lumingon ito sa akin matapos niyang ibaba ang kanyang cellphone.
"Tyg-"
"Bakit ngayon ka lang umuwi, ha?! Doon ka na naman ba nagpalipas ng gabi sa kabit mo, Adrian?! Ano?! Masarap ba ang bestfriend ko?! Masarap ba si Nicole?!" Ang malakas kong shout out sa kanya. Nag-marching band ako papunta sa kanya habang nakakuyom ang aking mga kamay.
Na-sight ko ang pagkunot ng kanyang noo dahil sa pagtataka kasunod ang pagngit ng kanyang mukha. "Are you out of your mind?"
Malakas ang ginagawa kong paghinga habang nakatingin sa kanya. Medyo na-wonderland ako nang makita ang mukha ng tao sa aking harapan. Bakit iba ang fezka ni Adrian? Bakit ganyan enez ang fezlak niya.
"What is wrong with you?" Ang muling tanong sa akin ni Adrian. Iba rin ang boses niya.
Pero kahit nag-iba ang kanyang anyo sigurado akong siya ang manloloko kong asawa.
"Ano pa ba ang dapat kong malaman? Kitang-kita ko na, Adrian.
Hayop! Hayop!! Mga hayop kayo? Gusto ko pa sana magbulag-bulagan. Gusto ko pa sanang magpakatanga. Kaya lang naawa na ako sa sarili ko eh. Naawa na ako sa anak ko kasi yong nanay niya gaga. Pero ang galing niyo ha. Ang gagaling niyo! Ang bababoy niyo! Ang gagaling niyo! Ang tanga-tanga ko! Nagpakatanga ako dahil sa inyo!
Sinabi mo! Sinabi mo ako lang! Ako lang ang mamahalin mo! Nangako ka sa akin, Adrian! Pano mo to nagawa?! Pano mo to nagawa sa akin?! Sinabi mo! Sinabi mo ako lang!
Minahal kita ng buong puso ko! Minahal kita ng buong pagkatao ko! Minahal kita lahat! Lahat binigay ko sayo. Tapos ito gagawin mo?!" Ang galit kong tanong sa kanya habang dinuro-duro ang kanyang malapad na dibdib.
Ganyan nga, Monica. Ipakita mo sa manloloko mong asawa ang ginawa niyang kababoyan kasama si Nicole na bestfriend mo.
"Shut up!" Ang sigaw niya na nagpatigil sa akin. Umalingaw-ngaw sa buong baluret ang buo at mababa niyang boses. Para itong kulog sa gitna ng ulan by Aegis.
"Ilang buwan lang akong nawala, tuluyan ng lumuwag iyang turnilyo sa utak mo. Tell me, Mondejar, are you taking some fucking drugs? Because If you goddamn are, you better run away from me and from this house dahil ipapaihaw kita sa mga tauhan ko!" Ang bulyaw niya sa maganda kong fezlak, malapit sa aking Earnie Lopez. Sirang-sira ang eardrums ko bes.
Napatigil ako sa tanong niya. Napatulala ako sa kawalan nang marinig ang tanong niya. Walang ibang pumapasok sa isipan ko maliban nalang sa mga tanong patungkol sa kasalukuyang happenings.
Sino ako? Akala si Monica 'di ba? Bakit Mondejar ang tawag niya sa akin? Hindi ba't iyong ang truthness kong namesung sa real world? Paano niya nalaman?
Ako si Monica sa panaginip na 'to. Paano nalaman ni Adr-
Muli akong tumingin sa otokong nakatayo sa aking harapan at parang biglang nagising mula sa isang malalim na tulog. Tiningnan ko siya mula paa paitaas sa kanyang mukha. Tumigil saglit ang paningin ko sa kanyang mukha at kunot noo siyang tiningnan. "Bossing?"
"Mr. Mondejar."
"Hindi ka si Adrian?" Ang desmayado kong tanong sa kanya.
"Who the fuck is that Adrian? May pinapapasok ba kayong ibang tao sa bahay ko ng hindi ko nalalaman?"
Umiling ako at humikab. "Bakit ka nga pala napadayo dito, boss?"
In truthness, mas bet ko kung wala siya ditech sa bongabels niyang baluret. Walang demonyo ang mang-aapi sa kagandahan ko at magagawa ko lahat ng pwede kong gawin.
"This is my house. Bawal na ba akong bumisita sa pamamahay ko, Mondejar?"
"Ay naku, hindi po, bossing. Namiss ko nga po kayo," ang pambobola ko dito at saka humikab sa harapan niya habang nag-iinat ng kamay pataas.
"Fuck ang baho!" Tinakpan niya ang kanyang ilong at nandidiri akong tiningnan.
Tumigil ako sa pag-iinat at dinala ang dalawang palad sa aking harapan. Nagpakawala ako ng hininga doon at napangiwi.
"Shuta. Mabaho nga," ang mahina kong pagsang-ayon matapos malanghap ang amoy mula doon.
"God, you're disgusting! Wag kang makipag-usap sa akin hanggat amoy imburnal pa rin 'yang bibig mo." Ang nandidiri niyang sabi bago nag walk-out palabas ng kusina.
Umirap ako sa lagusan na kanyang dinaanan at humalukipkip. "Disgusting-disgusting, parang hindi ako nilaplap noong kasal namin. Chosera!"
Umakyat ulit ako sa kwarto at saka nagsipilyo at naligo. Dumaan at sumilip ako kanina sa kwartito ng aking junakis at nadatnan doon si bossing na minamanduhan ang mga merlat niyang kasambahay para asikasuhin si Frank. Medyo na-shook pa ako kanina nang madatnan kong kalmado lang ang chikiting habang buhat-buhat ni Francis.
Nagcra-crayola kemberlo kasi ito kaagad kapag kinakarga ng hindi niya kilala o di kaya ay bago sa kanyang paningin. Hindi rin naman sila palaging nagkikita.
"Ang ganda-ganda mo talagang, bakla ka. Fresh na fresh! Virgin na virgin." Ang puri ko sa sarili matapos kong suklayin ang hairlalu ko sa harap ng salamin.
Matapos kong magpulbo at magpabango gumuro na ako palabas ng kwarto. Dumaan ulit ako sa kwartitito ng aking alaga para tingnan kung nandoon pa ba ang demunyo kong amo pero wala na akong na-sight na presenya ng masamang espirito doon.
"Mareng Niña, nasaan ang mga amo natin?" Ang tanong ko kay Niña nang makasalubong ko ito sa grand staircase.
"Nandoon sa may garden. Doon daw gustong kumain ni sir." Ang sagot niya sa akin bago nagpatuloy sa pag-akyat.
Mas lalong gumanda ang araw ko sa aking narinig. Tamang-tama ang pagpapaganda ko ngayong umaga. May silbi din pala itong si bossing kahit papaano. Napaligo niya ako.
Dinaanan ko muna iyong kaning lamig sa kusina bago nagpatuloy sa garden. Habang papalapit ako doon sa labas naaaninag ko na ang nine wonders of the Philippines na nagju-jumping jocks.
Tumigil ako sa may poste dito sa front porch at humilig doon para pagmasdan sila saglit. Nandoon sa pinakaharap ang baklang si Charlotte habang malakas na nagbibilang. Hindi nakalagpas sa mga mata ko ang pasulyap-sulyap nitong tingin sa mga abs ng mga katrabaho niya.
Sa susunod ako naman ang magvo-volunteer na magbilang kahit hanggang one thousand pa. Keribels!
"Umagang kay ganda, bossing," Ang bati ko sa aking amo na abala sa pagkain. Wala na siyang suot-suot na suit katulad kanina. Isang puting sando na pinarisan niya ng abohing nyorts ang kasalukuyan niyang suot ngayon.
"What took you so fucking long?" Ang tanong niya sa akin nang maupo ako sa kanyang harapan.
"Nagpaganda pa ako. Hindi mo ba napansin?" Ang tanong ko saka nag-beautiful eyes sa kanyang harapan.
"Even the best plastic surgeon can't fix your face, stupid. Stop dreaming." Ang pang-iinsulto niya sa akin bago siya bumalik sa pagkain.
"Excuse me lang, dadaan ang diyosa. Itong mukhang 'to ang pangarap ng mga lalaking may maayos na standards." Ngumite ako sa kanya at saka tinapik ng ilang beses ang ilalim ng aking baba gamit ang likuran ng aking palad.
"May tama sa utak kamo." Ang nakangisi niyang saad habang umiiling.
Inirapan ko siya at saka nagsimulang maglagay ng pagkain sa aking plato. Tumingin ako sa direksyon ni Frank at tinulungan muna itong tapusin iyong kinakain niyang carrots. Pagkatapos niyang kumain pinainom ko siya ng tubig at nilinisan.
Kinuha ko iyong laruan niyang piano na nakasabit sa highchair at ibinigay iyon sa kanya. Nafe-feel ko na. Ayon sa aking motherly instinct magiging isang sikat na pianist itong anak ko.
"Pst. Bossing," ang tawag ko dito. Busy kasi siya sa laptop niya.
"What?" Nakatuon pa rin ang pansin niya doon sa laptop.
"Yong cellphone ko nga po pala?"
Tumigil siya sa pagtipa sa kanyang laptop at nakahalukipkip na sumandal sa kanyang upuan. "Why?"
"Z K L MENO P"
Dinampot niya ang table napkin sa tabi at saka iyon itinapon sa direksyon ni watashi. Tumiklop ito sa kabuuan ng aking magandang fez. Inis ko itong kinuha at nilukamos sa aking kamay bago itinapon pabalik sa direksyon niya.
"MONDEJAR!"
"Mondejar ka diyan! Pakain ko pa sa'yo marriage contract natin eh." Mas lalong sumama ang tingin niya sa akin nang sabihin ko 'yon. "Eh kasi naman, bossing! Nakakabobo ang tanong niyo. Dapat pa ba 'yong itanong? Syempre kasi kailangan ko 'yon. May pa why-why ka pa."
Naiiling kong kinuha ang kutsara sa lamesa at saka sumandok ng pagkain sa plato ko.
"Why did I have to deal with someone like you? Ano bang ginawa kong kasalanan sa diyos at pinaparusahan niya ako ng ganito?"
Itinaas ko ang aking kamay at mabilis na ngumuya. "Alam ko! Alam ko, bossing! Jinowa mo siguro lahat ng kapatid kong anghel sa langit. Tapos pinababa ako dito ni papa God para ipaghigante sila."
Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga at umiling. May dinukot siya saglit sa kanyang bulsa bago iniabot sa akin ang isang sosyales na touchscreen na cellphone.
"Pakiramdam ko mas lumala iyang sakit mo sa ulo nang mawala iyang cellphone mo. Take it and fix yourself."
Maingat kong kinuha mula sa kamay niya ang bagong cellphone. Mangha ko itong pinagmasdan sa aking kamay. Hindi na ito kagaya ng dati na mukhang pepetsugin. Ito 'yong bagong labas na iphone eh.
Dali-dali kong binuksan ang cellphone at tiningnan ang gallery. Napatakip ako ng bibig at bahagyang naluha nang makita na nandoon pa ang mga pictures ng mama at ng kapatid ko. Pinausli ko ang aking ibabang labi at saka lumingon kay bossing.
"Thank you, bossing."
"You can thank me normally. Hindi mo kailangang ipakita iyang nakakadiri mong mukha."
Hindi ko na pinansin ang pang-iinsulto niya sa akin dahil alam ko namang insecure lang siya sa beauty ko. Ano mang sabihin niya, maganda ako.
"Bossing, naka-plan ba 'to?" Ang tanong ko habang masayang tinitingnan ang mga features nito.
Ngayon lang ako nakahawak ng ganitong mamahaling cellphone. Ilang taon din akong nag-tiis doon sa pipitsugin kong second hand cellphone.
"How could you be so confident at being so shameless? Talent mo ba ang pagiging makapal ang mukha?"
Saglit akong napaisip sa tanong niya. "Talent mo rin ba yang pagiging pakboy mo, bossing?"
Sinamaan niya ako ng tingin. Pansin ko lang ah, pero tuwing ako ang kaharap ni bossing parating galit o di kaya ay nandidiri ang ekspresyon sa chakabels niyang fez. Like hello? Wala naman akong ginawang mali sa kanya. Tsk.
"I'm not a fuckboy," ang depensa niya.
"O sige, manwhore nalang, para tunog pang mayaman," ang suhestyon ko.
"I'm not a manwhore. That just sound so wrong in many ways."
"Playboy?"
"No."
"Womanizer?"
"No."
"Pokpok?"
"Why am I even having this kind of conversation with you?" Ang naiiling niyang tanong sa akin. Aba malay ko ba. Nagtatanong lang naman ako kung naka-plan itong cellphone. Nagkibit balikat lamang ako at muling sumubo ng hotdog.
"Bakit nga pala kayo nandoon sa bahay ni tay Christian kahapon, bossing?" Ang tanong ko habang ngumunguya. May kanin pang lumabas pero wala naman yatang nakapansin.
"Wala ka bang table manners? Don't talk when your mouth's full. That's just disgusting."
Tumingin ako sa direksyon niya at sinadyang ngumuya-nguya sa kanyang harapan. "Bakit nga?"
"We need his help."
Tumingin-tingin ako sa paligid bago muling nagtanong sa kanya, "Eh 'yong si Ian Juariz, bossing? Anong ginagawa niya doon? May sinabi ba siya tungkol sa akin?"
"Kasama namin siya. He's getting married and he's not interested with a crazy, obnoxious person like you. Kaya wag ka ng umasa, Mondejar."
Umirap ako sa kanya. "Di ko rin naman siya bet no! Nagtatanong lang eh-Aray naman!" Inis kong inabot ang itinapon niya sa akin at binuklat iyon.
Nanlaki ang mata ko sa nabasa at napatakip ng bibig. Lumingon ako kay Frank na abala sa pag-compose ng music gamit ang kanyang piano. Hinaplos ko ang kanyang ulo at ngumite. "Anak, mayaman na tayo."
"That's an invitation card. Hindi ka ba marunong magbasa?"
Char! Invitation card pala. Akala ko cheke.
"Ba't may pa-invitation card, bossing. Where tayo gogora?"
"Sa isang beach sa Cebu na pagmamay-ari ng pamilya nila Andrea. Gusto tayong papuntahin ni tita doon."
-----------------------------------------------------------
Hi guysessss! Pasensya na po kung hindi ako nakapag-update kahapon. Sobrang gulo lang ng isipan ko. WAHAHAAHHA. Kamuntikan rin akong hindi maka-pass ng module. Medyo na-pressure ako sa oras. Bulok talaga kasi ako pagdating sa time management. Hindi ko alam kung magugustuhan niyo ang update na 'to pero I tried my best po. Huehue. Bahala na si batman. HAHAHAHA. Ayon lang! Thank you po! Stay healthy, keep safe and God bless you po. Labyu ol! Mwuah mwuah! Ciao!
Tyga's Dicktionary
Wiz- wala
Ma-sight- makita
Nag-wonderland - Nagtaka
Ditech- dito
Bongabels -
Balur-baluret- house
fez/fezlak- face
Chopopo- gwapo
Okinawa- lalaki
Crayola kemberlo- cry/ umiyak
Nashook- nagulat
Earnie lopez- ears
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top