7

Tyga Xerxes Mondejar

Pagbaba ko sa first floor ng balur ni bossing, bigla akong sinapian ng kaluluwa ni mareng Dora. Nag-exploreness muna ako sa buong first floor para knows ko kung saan pwedeng itago ang katawan ni bossing.

Hindi ma-get ng ganda ko kung bakit ang jilig-jilig ng mga mayayaman sa mga daks na balur. Hindi maka-relate ang butas kong nyorts.

Dahil sa imbyerna, nag sight-seeing nalang muna ako sa buong property ni boss. Kever kung tatalakan niya ako mamaya. Kasalanan naman niya kung bakit ako nagkanda ligaw-ligaw. Saka hindi niya ako kayang patalsikin ng ganun-ganon nalang. Marami akong alas. Demonyo lang naman si boss pero hindi siguro siya bobo.

Nang mapunta ako sa isang hallway na gawa sa malalaking salamin ang bintana, nag-pictorial muna ako gamit ang aking cellphone na naka-scotch tape na ang takip. May mga nakasabit pang nga painting sa dignding kaya mas lalo akong na-excite.

Binuksan ko ang B612 sa aking cellphone at saka iyon ipinatong sa lamesa sa aking harapan na may nakapatong na flower vase.

Hindi ko na knows kung ilang picture ang kinuha ko. Nakalimutan ko na din iyong oras. Masyado akong nalibang sa pagkuha ng larawan. Excited na akong ipa-print ito at ilagay sa binili kong album. Sana talaga may piso print dito sa village.

Kinuha ko ang cellphone ko doon sa lamesa at tiningnan ang mga kinuha kong larawan. Hindi ko maiwasang mapatakip sa aking bibig at manghang tiningnan ang mga larawan.

"Kegandang bata uh-oh. Oh pak! Pang-Vogue magazine ang ganda, sis! Kabog na kabog si Kendal Jenner, bakla. Mula buhok hanggang bolbol perfect na perfect!"

Nakatuon lamang ang aking pansin sa cellphone ko habang naglalakad. Hindi ko tuloy namalayan ang tao sa aking harapan. Napaatras ako ng ilang hakbang nang mabunggo ako dito. Hindi ako nakapag-angat kaagad ng eyesightness ko dahil nakadikit lang ito sa cellphone ko na nagkapira- piraso sa sahig.

"CELLPHONE KO!!!! WITITIT! WRONG NA WRONG!" Lumuhod ako at isa-isang kinuha ang mga piraso ng cellphone ko.

Nanginginig ang mga kamay kong inayos 'yon sa harap ng mga paa ng nakabangga sa akin. Sunod-sunod akong lumunok para pigilan ang sarili na huwag maiyak. Hindi 'to pwedeng masira! It kennat be talaga!

Ginamit ko ang mahaba kong kuko sa aking hinlalaki para i-on ang cellphone. Unang subok, wala. Ikalawa, wala pa rin. Kinalma ko ang sarili ko. Kalma, girl. Tinotopak lang 'yang cellphone mo. Mas strong pa 'to sa kapeng barako. Pagkatapos ng ikatlo, ikaapat, ikalima hanggang sa ikasampu, hindi na talaga ito mabuksan. Full battery to kanina eh.

Naiiyak ko itong niyakap at ngumawa. "HINDIIIIIIIIIII! BAKITTTTT?! BAKITTT?!"

Pakiramdam ko gumuho ang buong mundo ko. Hindi 'to pwedeng masira! Sirain na nila ang fezlak ko 'wag lang itong cellphone ko.

"What are you crying for? Para sa pipityuging cellphone?" Ang question and answer portion ng isang pamilyar na boses.

Tumingala ako kay bossing at nag crayola kemberlong yumakap sa kanyang mga paa. Para akong tuko sa higpit ng pagkakakapit ko sa kanya.

"Bossing! Bossing, tulungan mo ako! Maawa ka! Ang cellphone ko! Ang cellphone ko!"

Iniisip ko palang na mawawala ang mga importanteng larawan na nakalagay dito ay para na akong masisiraan ng bait.

"Fuck! Let go!"

Itinulak niya ang mukha ko papalayo sa kanya pero hindi ako nagpatinag. Umiling ko at muling yumakap ng mahigpit.

"Ayoko!"

"Bitaw!"

"AYAW!"

"BITAW SABI!"

"WAAAAAHHHHH!!!! AYAW NGA!"

Pero wala akong nagawa nnag buong lakas niya akong itinulak papalayo sa kanya. Madrama akong nahiga sa sahig at parang lantang gulay na napatitig sa kawalan.

"What the fuck is wrong with you?! Baliw ka na ba talaga?" Ang asik niya.

Bahagya kong itinaas ang aking ulo at naluluha siyang tiningnan.

"Alam mo ba kung ano mga pinagdaanan ko? Hindi. So stop acting like you know my pain. Stop acting like you own it!" Ang iyak ko saka muling nahiga sa malamig na sahig.

"Putangina! You're over reacting on a shity phone. I'll buy you another one so stop doing that!"

"Ayoko! Hindi ko kailangan ng bagong cellphone. Gusto ko lang maayos ang cellphone ko na 'to. Tulungan mo ako, boss. Gamitin mo mga koneksyon sige na." Umayos ako ng upo at lumuhod sa harapan niya.

"Nandito mga picture ng mama ko at kapatid ko, boss. Hindi 'yon pwedeng mawala."

Hindi 'yon pwedeng mawala. Hinding-hindi 'yon pwedeng mawala.

"Ang tanga mo kasi, wala bang memory card diyan sa cellphone mo?"

"Sira na yong lalagyan ng memory card." Ang sagot ko.

"How about your social media accounts? Hindi mo ba 'yon inilagay doon."

Umiling ako. Wala naman akong mga gan'on. Sa tagal ko sa sindikato, natuto akong hindi pagkatiwalaan ang internet. Kung kaya nilang pasukin ang computer ng gobyerno, kayang-kaya rin nilang gawin iyon sa kahit anong mga social media accounts.

Magka-friendship kami dati ng hacker ng organisasyon namin. Once upon a time niya na ring nakita ang picture perfect ng mudrabels ko. Na-sho-shokot si akechi at baka minanduhan na siya ng leader-nim namin na ipa-hunting ako. Baka halughugin niya ang buong internet para lang hanapin ang beauty ko, sis. I kennat!

"Give me your phone," ang utos ni bossing sa akin.

Dalawang kamay ang ginamit ko para itaas ang aking cellphone. "I'm going to deduct this on your paycheck. Tumayo ka diyan at baka hindi ako makapagtimpi mapatid ko yang mukha m-"

Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalit at muling yumakap sa kanyang bewang habang nakaluhod pa rin. "Thank you, boss! Maraming salamat! Hulog ka ng yawa-este langit! The best bossing in the world!"

"Bibitaw ka ba o itatapon ko sa pagmumukha mo itong cellphone?"

-

Pagkalipas ng tatlong buwan hindi na muling nagpakita ang amo ko. Wit ko knows kung dapat ba akong ma-imbyerna dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nauuwi ang cellphone ko o dapat ba akong magpa-fiesta dahil parang heaven scent ang buong balur kapag wala siya?

Mayroon siyang business trip daw sa New York para sa branch ng kompanya nila doon. To be honest, wala naman akong pake pero sinabi pa rin niya kaya sige go. Kahit wala siya, nagagawa pa rin niya akong inisin sa tawag. Binigyan kasi niya ako ng pansamantalang selpon pang-check up niya daw sa amin.

"Nag-toothbrush ka ba?" Ang tanong niya sa akin nang minsan siyang napatawag sa akin.

"Ikaw, nakakabastos ka na ah. Anong problema mo sa bibig ko ha?"

"Abot kasi hanggang dito sa New York ang amoy," aniya at saka siya malakasa na tumawa.

Kinabukasan niyan, may natanggap akong isang karton ng mouthwash at toothpaste. Sa saya ko, pinabenta ko lahat sa mga kapwa ko kasambahay. Malaki-laki rin kinita namin doon.

May isang beses rin na may dumating na sulat para sa akin daw. Akala ko kung ano, picture lang pala ni bossing kasama ang mga unggoy.

Tas tumawag siya sa akin para lang sabihin na, "Sinundan mo ba ako dito sa New York?"

"Ha? At sino ka naman para sundan ko?"

"Pumunta kasi ako ng zoo tas nakita kita."

"Oh tapos? Share mo lang? Ganon?"

"Nagpa-picture pa nga tayong dalawa. Did you see it?"

Biglang nandilim ang paningin ko sa araw na 'yon. Sa inis ko, pinadalhan ko rin siya sa New York ng mga picture ko. Nagpa-paprint ako ng dalawang malalaking carton na puno ng mukha ko at saka iyon hinati ng tatlumpong maliliit na kahon. Araw-araw pinapadalhan ko siya.

Pasalamat talaga siya at iniwan niya ako kasama ng mga borta at chopopong gardini. Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako habang iniisip ang mga nagpuputukan nilang masels. Tuwing umaga kasi ay tumatakbo sila sa palibot ng mansyon. Habang nagpapa-tan kaming dalawa ng junakis ko, nagka-kape akong nagsa-sight seeing sa nine wonders of the world.

Yes! Oo! Corazon Aquino mga bakla! Siyam lamang dahil may malansing isda na taga bikini bottomesa ang nahalo sa mga okinawang tumatakbo.
Kitang-kita ko mula sa malayo ang ngiting tagumpay ni Charlotte maharot habang tumatakbo siya kasunod ng mga guardini.

"Tingnan mo iyang si Charlotte, Frank. Paglaki mo, patalsikin mo iyang baklang 'yan sa kaharian natin. Hindi makaporma ang mudrabels mo dahil sa chakang maharot na 'yan," Ang sabi ko sa aking junakis habang sinasayaw- sayaw siya dito sa balkonahe ng kanyang kwartitito. Hawak ko naman sa aking kamay ang abaka na pinakuha ko kay Maribel sa aming lupain. Char! Tig-sekwenta pesos na pamaymay lang to no! Binili ko sa Shopee.

Inabot ko sa aking tabi ang binoculars na binili ko gamit ang credit card na ibinigay ni bossing saka itinapat iyon sa aking mga mata. Tumagilid naman ako para ma-sight ko ang kabilang balur aka aming kapitbahay. Napangiti ako nang mahagilap ko ang aking hinahanap.

"Balik trabaho na ulit ang kabit ng mudra mo, anak. Mangabilang itlog na tayo."

Dahil tapos na rin ang thirty minutes sun bathing naming dalawa ng aking junakis jumusok na kami sa loob para lumafang. Lafang muna bago lumandede keme, gurl.

Dahil pitong buwan na itong junakis ko, pinapakain na namin siya ng mga matitigas na pagkain na hindi naman talaga matigas kasi inii-steam ito nila Maribel at Niña.

Sila ang mga kasamahan ko dati sa isa pang bahay ni bossing na naging friendship ko na rin. Sinasamahan kasi nila ako kapag nagzu-zumba ako dito sa bahay.Tapos may karaoke cd rin iyong si Maribel kaya tuwing wala ng gagawin kumakanta lang kami dito sa sala.

"Gurl, anez ang menu of the day natin ngayon?" Ang tanong ko kay Maribel pagkababa namin sa kusina.

Naabutan ko siyang inihahanda ang pagkain sa high chair. Tumabi siya para bigyan kami ng daan. Inilagay ko si Frank sa high chair at sinuotan ng kung anu-anong kemberlo eklavu.

"For the baby it's super extra boiled puta-to and bro-cow-li and H20. For the au pairs, we eat braised pork belly and vietnamese spring rolls." Ang maarteng paglalahad niya habang inilalagay sa lamesa ang pagkain ni Frank.

"Choserang frog! Ano naman iyang pa-braised pork braised pork mo aber? Magkaka-dede ba ako niyan, Maribel?" Ang nakapameywang kong tanong sa kanya habang nakatukod ang isang kamay sa pabilog na lamesa.

"Peasantry! Humba at lumpia 'yon, girl. Nagpra-practice lang ako at baka sakaling makapag-trabaho ako sa 5 star hotel. Alam mo na. O siya, ewan ko muna kayo. Tingnan ko lang 'yong iba kong niluluto."

Dahan-dahan naman akong napangiti nang makaalis siya sa aking harapan.
Wish ko lang ay tulungan sila ni bossing na makapag-aral. Nineteen pa lang silang dalawa. Hindi pa huli para abutin nila ang mga gusto nilang abutin. Masaya ang mag-aral, hindi ko 'yon naranasan pero noong may mga misyon kami sa mga paaralan hindi ko maiwasang hindi mainggit sa kanila.

They have the life I wish I had.

Sabi nga ni Elsa sa kantang Frozen, the past is in the past, so let it go, bitch. Enjoy-in ko nalang ang life ngayon dahil maii-stress lang ako. Kapag nai-stress ang beauty ng lola niyo, magkakaroon ako ng julubot sa aking fezlak. Kapag julubot na ang aking fezlak, bababa ang tyansang madiligan ng gata ang aking virgin coconut hole. In my conclusion, when you are a virgin always smile and show that pamatay smile, so that madiligan ang inyong kipay. And I thank you!

"Tatatata!" Tumingin ako sa kyotang nakatingala sa akin at ngumise. Kitang-kita ko tuloy ang dalawa niyang ngipin na unti-unti ng lumalabas mula sa kanyang bubble gums.

"Ay wow! Finish mo na? Very good ka diyan, anak, at dahil diyan may kiss ka mula kay mudrabels." Yumukod ako ng kaunti papunta sa kanyang direksyon saka pinaulanan ang kanyang matabang pisnge ng patak-patak na halik.

"I love you!" Ang masaya kong sabi saka nilaro ang kanyang kamay na marumi. Siya lang kasi ang sumusubo ng mga pagkaing inilalagay namin sa lamesa kapag hindi ito mga lugaw or puree.

"TATATATATA!" Palagi talaga siyang nasasabik kapag sinasabihan ko siya ng gan'on. Feel na feel ko na rin tuloy ang pagiging guardian deer nitong junakis ko.

Matapos ko siyang painumin ng tubig, nilinisan ko muna siya at binigyan ng nga laruang mapaglilibangan habang kumakain kaming tatlo nila Maribel. Pagkatapos naming kumain, dinala ko na si Frank sa labas saka tinawag ang baklamg Charlotte.

"Bakit na naman, sis? Kita mong busy akong tao." Ang reklamo nito saka humalukipkip.

Ngumite ako ng pagkalaki-laki sa kanya at saka siya nilagpasan. Tumigil ako at humarap sa ka kanya. "Samahan mo akong rumampa sa kabilang balur, Charlotte."

"Bakit na naman, sis? Nakakahiya kaya!" Ang reklamo niya. Maarte pa niyanh ipinadyak ang kanyang kaliwang paa.

"Hihingi tayo ng asin kaya 'wag ka ng mag-inarte diyan."

Agad siyang sumimangot pagkarinig sa sagot ko. "Asin? Ang dami nating asin sa loob, gusto mo bang ipanligo ko 'yon sa iyong gaga ka?!"

Inirapan ko siya at tinalikuran. "Ikaw din. Balik trabaho pa naman sila Boromeo at Alvin."

"Jusko! Ba't di mo sinabi agad?! Sana nakapag-pulbo man lang ako. Buti nalang dala-dala ko itong lip gloss." Kinuha niya ang lipgloss mula sa kanyang bulsa at saka naglagay sa kanyang mga labi. "Let's go na, sis!"

Si Tay Christian ang isa sa mga naging ka-friendship ko dito sa village namin. Tanaw ko kasi mula doon sa balkunahe ni Frank ang pa-strawberry farm ni tay Christian. Kaya ayon kinaibigan ko iyong muchacha nilang si Trixie na pokpok. Palagi kasi itong nagpapa-cute sa may gate namin habang tinatanaw ang mga nagjo-jogging naming mga guardini.

Tapos, isang beses nakatambay ako sa gate nila, may nakita akong lalaking naglalabas ng mga basura habang nakasuot ng maruming damit at gloves. Kinaibigan ko siya tapos naki-chika-chika. Eh si Tay Christian pala 'yon. Na-chika ko sa kayang hindi pa ako nakakain ng strawberry kaya ayon pinapasok niy ako at binigyan ng buto ng strawberry.

Tumigil kaming dalawa ni Charlotte sa malaking gate nila tay Christian at nag-doorbell.

"Oh Tyga, naparito ka?" Ang nagtatakag tanong ni kuya Arman na guard dito sa gate nila tay Christian.

"Nandiyan po ba si tay Christian?" Ang tanong ko kay kuya Arman.

"Oo, nandoon sa garden niya. Puntahan mo nalang." Ang sagot niya habang sinasara ang gate.

"Tyga?"

Dahan-dahan akong napalingon nang marinig ang isang napaka-pamilyar ba boses. Ramdam ko rin ang malakas na pagkabog ng aking puso. Nagsisimula na ring tumugtog ang kantang Chuva Choo Choo ni Jolina Magdangal sa aking isipan.

Pakshet!

-----------------------------------------------------------

Hi guyses! Pasensya na po kung hindi na ako madalas makapag-update dahil may klase na po kami hehe. May major exam na kami ngayong September 25 HAHAAHAHA. Ayon lang po! Sana maintindihan niyo po. Thank you! Stay healthy, keep safe and God bless you awlays powwxszz. Labyu ol! Mwuah mwuah! Ciao!

Tyga's DICKtionary

Junakis- anak
Jumusok-pumasok
Lafang-kain
Fezlak-face
Virgin coconut hole- butas ng pwet
nyorts- Shorts
Krayola- Cry
Julubot-Kulubot
Okinawa-guy
Guardini-Guard
Corazon Aquino- Korek
Guardian deer-guardian
Once upon a time- minsan
Nasho-shokot-natatakot

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top