6
Tyga's DICKionary
Fezlak- face
Chopopo- gwapo
Guardini- guard
Julubot- Kulubot
Jampung-Sampu
Carrou- Car
greenland-damo
Jubelita-bakla
Okinawa-lalaki
Kyotatalet/kyota-Bata/baby/ sanggol
Junakis-Anak
Wititit-Hindi/No/Huwag
Ukete-Uke/bottom
Bottomesa-bottom or the one being penetrated during sexual intercourse.
sinigang-gang
Tyga Xerxes Mondejar
"Dalawang maid at sampung body guard ang makakasama niyong dalawa sa bahay pagdating natin doon. You have to be very careful with your moves. I don't know kung may pinapasunod sila tita sa atin but to be sure, don't go out. Huwag mong sirain ang araw ng ibang taga-village," ang mahavanang paliwanag ni bossing habang nagi-swipe sa kanyang sosyalerang ipad.
Napataas ang aking kilay at maarteng lumingon sa pwesto ni bossing. Hinawi ko rin ang aking imagine dragons na hairlalu at humalukipkip. Char! May bata pala akong dala.
"Masira man ang araw nila, maganda ako. Masira man yang mukha mo, maganda ako. Sirain ko man 'yang buhay mo, maganda ako. Eh ikaw? Daks ka ba?" Bumaba ang paningin ko sa kanyang pantalon at napasinghap. "Daks nga, langga!"
"Fuck off!" Mabilis niyang tinakpan ang kanyang pantalon at umusog papalayo sa akin. Masama ang tinging ipinupukol niya sa direksyon ko.
Ngumise ako at winagayway ang aking hintuturo sa aking harapan. "Sir, gwapo ka. Masarap ang abs, daks, may datung pero wala kang modo. Isa kang mapanakit na pakboy na kung kani-kanino nagpupunla ng semelya niya. So it's a no for me. Wiz akong kakalampag sa iyo."
"Tangina. Kilabutan ka nga sa pinagsasabi mo. Fck."
Pero hindi ko na siya pinansin. Iyang mga haters natin wit na dapat yang binibigyan ng pansin. Nakakadagdag lang sila ng julubot sa maganda nating fezlak. Kailangan na fresh ang lola niyo pagdating mamaya. Excited na akong makasight ng mga borta, daks at chopopong guardini. In-i-imagine ko pa lang na pinupulutan ako ng jampung guardini ay kinikilig na ako.
Nakangiti ko siyang in-i-snob-an at saka muling umayos ng upo. Nakita kong unti-unti na ring bumubukas ang mga mumunting mata ng acute angle kong alaga.
"Hi,baby ko. Mukhang maganda ang gising natin ah. Maganda? Parang si papa? Ay sus, apaka bolero uh-oh. Sige na, sige na tatanggapin ko na. Wag ka ng umiyak. Mana ka naman sa akin eh. Mana ka? Ah mana. Very good! Very honest ang baby naman."
Maingat kong inayos ang kanyang buhok na nagulo kanina at saka ko pinanggigilan ang kanyang majubis na mukha. Ang bango talaga! Amoy baby. Panay lamang ang tawa nito habang hinalik-halikan ko siya.
"Ang cute mo talaga, nak," Humarap kaming dalawa ni junakiz kay bossing saka siya sinitsitan. Busy kasi siya sa kaka-scroll sa mga bikini girls sa ig.
Kaloka 'tong si boss parang namimili lang sa Lazada.
"Boss," Ang tawag ko sa kanya.
Hindi niya ko pinansin kaya muli ko ba naman siyang sinitsitan at tinawag, "Boss, boss, boss! Psssttt! Neil! Neil! Neil! Ne-"
"FUCKNG WHAT?!" Kunot noo na naman niyang bulyaw sa akin.
Mukhang nagulat yata si Frank sa ginawa niyang pagsigaw dahil bigla itong pumalahaw ng iyak. "Awww nagulat ba ang baby ko? Sorry po, sorry."
Paharap sa akin ko siya kinarga at saka hinagod-hagod ang kanyang likuran. "Tinakot ka ba ng mamaw na 'yon, beh? Kawawa naman itong bebe namin. Wala na ngang mama, kinakawawa pa ng daddy niya."
Tumingin ako sa direksyon ni bossing at umiling. Lihim akong napangisi nang makita ang paglandas ng takot at pag-aalala sa kanyang chopopong fezlak.
"M-Maybe he's hungry? Milk? Does he want milk?" Natataranta siyang lumingon-lingon siya sa buong paligid para hanapin ang Louis Vuitton na diaper bag ni Frank.
Nakatingin pa rin ako sa direksyon niya. Iiling ako ng mahina kapag nagagawi ang mga paningin niya sa akin. Bakas ang pagkadismaya sa mukha ko.
"STOP THAT FACE!" Ang inis niyang asik. Mas lumakas tuloy ang pagngawa ng kyota sa bisig ko.
Napa-tsk ako bago nagsalita, "Hays, wala naman akong ginawa sa'yo, boss. May masama ba sa pagtawag sa 'yo? Palagi mo nalang akong inaaway. Ang hirap palang mamasukan sa inyo. Ginagawa ko naman ng maayos ang trabaho ko pero ganito niyo pa rin ako kung tratuhin. Dinamay niyo pa ang bata. Nakakaawa tayo, beh. Tayo nalang ang magkasangga sa buhay na ito."
Kinuha ko ang dede ni baby Frank mula sa Louis Vuitton na bag at saka iyon inalog-alog sa harapan ni boss.
"Let me do it." Akmang hahablutin niya sana mula sa akin ang dede pero mabilos ko itong iniwas sa kanyang kamay.
"Ay, 'wag na, boss. Baka makaabala kami sa'yo nakakahiy-"
Sinamaan niya ako ng tingin at malakas na hinablot mula sa akin ang dede ni baby Frank na medyo kumalma na mula sa kanyang pag-kroyala kemberlo. Labag sa loob niyang inabot sa akin ang dede na wala na ngayong shukip. Isang matamis na ngite lamang ang isinukli ko sa kanya.
"Thank you."
Sabi nga ni Mae West, Don't cry for a man who's left you--the next one may fall for your smile. So anich ang internet connect? Waley! Bet ko lang siyang i-quote. Parang marami-rami kasi ang magiging lalaki ko sa bahay ni bossing.
Itinapat ko na sa maliit na bibig ng junakis ko ang nipple ng dede at inalalayan siya sa pag-inom mula doon. Parang gutom na pusa nitong sinipsip ang laman ng dede niya. Hindi na ako nagulat na mabilis niya itong naubos. Isang linggo na kasi namin siyang ginutugutom. Charot!
I'm a professional mudrabels ano! Isang linggo akong nagbasa at nag-aral kung paano magpalaki ng pananim-este, bata. Pati breastfeeding pinatos ko na kahit wala naman akong dyoga.
"We're here," Ang anunsyo ni bossing nang tumigil ang aming carrou.
Sumilip ako sa labas ng bintana at napatakip ng bibig. D-Dito ako titira? Hindi makapaniwala kong sinight ang bonggang balur. Yayamanin! Kabog na kabog ang mansion ng team Kramer.
"Pwede bang itigil mo ang mukhang 'yan? That's just the gate," ang saway ng bossing ko.
Char! Gate pala.
Matapos bumukas ng napakalaking gate, muli na namang umandar ang sasakyan namin papasok sa loob. Binaybay namin ang mahabang daanan sa pagitan ng malagolf course sa lawak na greenland. Tumigil kami sa harap ng isang bonggabels na balur. Again and again kabog pa rin ng balur ni bossing ang mansion ng mga Kramer.
Naunang bumaba boss ko sa sasakyan. Akala ko pagbubuksan ako ni bossing ng pintuan pero ilang minuto na akong naka-upo doon wala pa ring nagbubukas sa akin ng pintuan.
Inis kong isinukbit ang diaper bag sa aking balikat at saka binuksan ang pintuan ng carrou. Huminga muna ako ng malalim at ngumite.
Ngite lang bakla. Ngite lang. Ilabas mo ang iyang colgate total smile. Wititit kang magkakamaling jubelita ka. Kailangan mo siya. Kahit chanak pa 'yan ni Satanas keri lang, gurl! You are strong independent woman by Ariana Grande.
"Slow poke," ang sabi ni sir nang makalabas ako ng sasakyan. Matapos kong maisara ang pintuan ng sasakyan doon lamang niya ako tinalikuran.
"Slow poke-slow poke. Ikaw pokpok." Ang bulong ko habang inaayos ang cap ng bata medyo mainit kasi.
"Ano?" Tumigil siya sa paglalakad at saka ako nilingon.
Matamis akong ngumite sa kanya. "Po?"
"Anong sinabi mo? Pokpok ako?" Naningkit ang kanyang mga mata habang tinitanong ako. Nakapameywang din siya habang nakatingin sa akin.
"Luh, pokpok daw, beh?" Tanong ko kay Frank na busy kakasipsip sa kanyang pacifier.
"MONDEJAR!"
Itinaas ko ang aking kaliwang palad paharap sa kanya at umiling. "Correction! Mr. Juariz."
Winagayway ko sa kanyang harap ang kumikinang na singsing na nakasuot sa aking palasingsingan. Ito 'yong singsing na isinuot niya sa akin noong kasal namin last last week. Nakalimutan niya kasing kunin mula sa akin.
Nanlaki ang mata niya at mabilis na tinampal ang aking kamay bago kinuha ang singsing.
"Fuck you!" Ang sigaw niya saka nagmamadaling isinuot ang singsing sa kanyang palasingsingan.
Ngumise ako nang hindi na siya nakatingin sa akin at saka siya iniwan doon. Taas noo akong rumampa papunta sa hagdanan paakyat ng bahay.
Lumingon ako sa aking pinanggalingan at tinaas ang aking kamay. Winagayway ko ito na parang beauty queen at saka nag-flying kiss sa direksyon ni sir.
Tumigil ako sa harap ng napakalaking dooraemon at sinubukang hilahin 'yon pero ayaw talaga. Shuta! Sinasabotahe yata ako ni bossing!
Tumingin ako sa gilid ko nang makaramdam ako ng presensya mula doon. Mula sa paa paitaas sa kanyang mukha ang aking paningin. Tumigil sa gwapong mukha ni boss ang paningin ko.
"Bobo." Ang tuya niya saka itinulak ang pintuan.
"Edi shing! Ikaw na. Ikaw na ang matalino." Hinawi ko ang aking imaginary hairlalu saka muling rumampa papasok.
As expected, malawak nga ang loob ng buong lugar. Mula sa sosyalerang chandelier na nakasabit sa kisame hanggang sa kumikintab nilang tiles. Blue at white ang color theme ng buong baler ni bossing.
"Iakyat mo muna ang bata sa taas saka ka bumaba dito. You have..." Itinaas niya ang kanyang braso at saka tumingin sa kanyang relos. "15 minutes. Kapag nahuli ka ng dating dito sa sala, sa labas kita papatulugin."
Tumayo lang ako doon habang nakatingin sa kanyang mukha at pilit na nakangiti.
"Why are you looking at me like that? Go!"
"Pero wit ko knows kung werlalu ba ang kwartitito nitong kyotatalet, boss." Ang mahinahon kong sabi sa kanya.
"Hindi ko na problema kung hindi mo alam. Kung hindi mo alam, alamin mo. 30 minutes. And that's final." Aniya bago ako iniwan doon.
Huminga ako ng malalim at saka sinipa ang sofa na katabi ko. Napangiwi ako nang maramdaman ang parang nabaling buto doon."Aray, mesheket."
Puno ng sama ng loob akong pumanhik sa ikalawang palapag ng bahay. Walang modo talaga ang okinawang 'yon! Kung gaano siya kagwapo gan'on din namang kapangit ang ugali. Hindi ko alam kung bakit bet na bet siya ng mga merlat. Siguro na-inlababo sila sa malaki nitong buratchi.
Sa panahon ngayon performance over personality na kasi. Kever kahit yong ugali pinaglihi kay Satanas basta magaling lang kumadyot at magpunla. PLUS! Chopopo! Kering-keri na.
Inisa-isa ko ang pagbubukas sa mga pintuang nadadaanan ko. Habang nilalandas ko ang napakahabang hallway, bitbit ko ang mabigat na diaper bag at isang 4 months old na kyotang malusog sa aking maliit na katawan. Feel na feel ko na ang pagoda tragedy. Anong oras ngayon parang babagsak na ang sexy body ko.
Napa-sign of the cross kaagad ako pagbukas ko sa isang pintuan doon. Mangiyak-ngiyak akong pumasok sa kwarto ni Frank na tinambakan ng mga laruan. Mula sa kisame pababa sa tiles may mga laruang nakasabit at nakalagay.
"Bongga 'tong kama mo beh, kabog ang karosa ni Cinderella!" Ang sabik kong sabi habang manghang pinagmamasdan ang kanyang couture crib.
Maingat ko munang inilapag si Frank sa kanyang kama bago ko inabot ang price tag na nakakabit pa dito. Nanlaki ang butas ng ilong ko nang makita ang presyong nakatatak doon.
3,157,417 pesos lang naman po siya, gurl. Jusko nakakatakot magasgasan itong kama. Sumusuka pa naman bigla-bigla si Frank paminsan-minsan.
Naglakad-lakad ako sa buong paligid at saka sinuri ang seguridad ng buong kwarto. Mabuti nang maingat. Baka may mga akyat bahay sinigang dito sa village. Ingat na ingat akong huwag makatapak ng kahit anong laruan. Baka makatapak ako ng isang milyon dito.
Hinalikan ko muna ang pisnge ni Frank bago ako lumabas ng kwarto. Napatigil ako nang mabunggo ako sa isang malapad at matigas na bagay. Napahawak tuloy ako sa matigas nitong abs.
Dahan-dahan kong inangat ang aking paningin. Napanganga ako sa nakita ko. Iyong kilay dzae! On flick na on flick. At iyong mga nguso niyang nangingintab halatang dinaanan ng lip gloss.
Malansang isda!!!
"Gurl! Sexual harassment na 'yan ah. Masyado ka ng chancing. Bottomesa ako, sis. Wag ka ng umasa. I'm Charles by the way, you can call me Charlotte. Isa ako sa mga security ni sir."
Sa halip na magwala dahil isa na namang isda ang sumali sa organisasyong ukete. Pinairal ko na lamang ang pagiging positibo.
"Tyga nga pala, sis. Taga-bottomesa rin ako."
"It's nice to meet you, sis. Hindi ba ikaw 'yong kabitenyo ni, sir? Ganda ng beauty mo gurl! Kabog 'yong mga international model niyang mga jowabels."
Hinawi ko ang aking imaginary hairlalu at humalakhak. "Wititit, sis! Ang legal wife niya itong katalakan mo ngayon."
Itinaas ko 'yong kanan kong kamay kung saan nakasuot iyong singsing naming naiwan sa bahay.
Namilog ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang kumikislap kong singsing. "Real na real Nesfruta?!"
"Real na real, sis. Excuse me lang, dadaan ang legal wife."
Taas noo kong binawi ang aking kamay habang nakangiti saka maarteng rumampa papalayo sa kanya.
-----------------------------------------------------------
THANK YOU LORD AT NAKA SURVIVE RIN HAHAHAAHHAHAHA.
Hello, guyses! Welcome po sa kwento ni Tyga at Francis. Sana suportahan niyo pa rin ako dito kagaya ng pagsuporta niyo sa akin sa mga nauna ko pong kwento. Thank you po ❤
Sa mga nagbabalik at magbabalik eskwela at trabaho po, ingat po kayo lagi and good luck! Yieekkssss. Balik school na rin po ako bukas pero hahanap ako ng paraan para makapag-update dito at sa iba ko pa pong kwento.
Stay healthy, keep safe and God bless you always po! Love you all! Mwuah mwuah! Ciao!❤
Tyga's DICKionary
Fezlak- face
Chopopo- gwapo
Guardini- guard
Julubot- Kulubot
Jampung-Sampu
Carrou- Car
greenland-damo
Jubelita-bakla
Okinawa-lalaki
Kyotatalet/kyota-Bata/baby/ sanggol
Junakis-Anak
Wititit-Hindi/No/Huwag
Ukete-Uke/bottom
Bottomesa-bottom or the one being penetrated during sexual intercourse.
sinigang-gang
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top