53
Tyga Xerxes Mondejar
Impit akong napaungol isang gabi nang makaramdam ako ng pananakit ng tiyan. Kasabay ng pagmulat ko ng mga mata ay ang pagabot ng kamay ko sa aking tiyan.
Hinila ko ang sarili patayo at pinilit na abutin ang emergency button sa may bedside table. Mariin akong napapikit ng mga mata nang may umagos na tubig sa binti ko.
"Kapit lang, baby," ang pagpapakalma ko sa sarili.
I want to freak out. Gusto kong umiyak kagaya ng mga napapanood ko sa pelikula dati sa bahay ni Francis. Gusto ko ring magkaroon ng asawang magkukumahog sa pagkuha ng mga gamit papunta namin sa hospital. Gusto kong humawak ng mahigpit sa kamay ng asawa ko.
I want comfort during this scary time. I want someone to share my pain with. But I don't have any of those.
Sarili ko lang.
I have to be strong for my child. Keep them safe until Francis comes to protect them and take them away from all the evil in the world.
"Tyga!" I winced in pain. My labored breathing filled the room as I watch Alexander and his men run toward me.
"Shit!" Napamura siya nang makita ang tubig sa aking paanan. Mabilis niya akong kinarga sa mga bisig niya at tumakbo palabas.
"What happened? You're not supposed to have the baby today." Ang tanong niya nang makasakay kami sa elavator ng bahay.
Napaungot ako. "Hindi ko alam. Nagising na lang ako na masakit ang tiyan ko. Pagtayo ko pumutok na ang panubigan ko."
Kasabay ng kaniyang pagbuntong hininga ay ang pagbukas din ng elevator. Patakbo niyang tinungo ang clinic ng bahay at saka ako inilagay sa operating table na nandito. Nakahanda na ang mga gamit para sa gagawing CS sa akin.
"You can do this, Tyga. Don't die," ang naalala kong sabi ni Alexander bago ako mawalan ng malamay matapos turukan ng anesthesia.
"Nak, wake up ka na."
Huh? Bakit ko naririnig ang boses ni mommy?
Nang imulat ko ang mga mata ko, nakita ko ang sarili na nakahiga sa dati kong kama. I look around and saw the familiar structure of my old room. What's happening? Why am I back?
"Mommy?" Ang pagtawag ko. I know I heard her voice. But where is she? I wanna see her. I need to see her.
I heard a clicking sound near my door. Napakunot ako ng noo nang makita ko ang papalabas na pigura ng mommy. Why did she not wait for me? Nagmamadali akong bumaba ng kama at tumakbo kasunod ni mommy.
"Mommy! Wait for me!"
Paglabas ko sobrang layo na niya sa akin. The hallway became unusually long. I run after her as fast as I can. Bigla siyang tumigil sa paglalakad at binuksan ang isang kwarto. She went inside without looking at me. It made me feel strange.
The hallway became shorter the moment she stepped inside that room. I followed her inside and saw her standing beside a crib. Something clenched my heart the moment I saw the white crib. I felt longing. I felt regret. I felt pain.
Mommy turned to look at me. I couldn't see her face clearly but I can feel that she was smiling. She motioned for me to come near.
Hindi ko alam pero sobrang bigat ng mga hakbang ko. I stood beside my mom and stared at the baby inside.
They look familiar.
"Isn't he cute, baby?" Ang tanong ni mommy sa akin habang nakadikit ang hintuturo sa pisnge ng baby.
"Yeah. Who are they, mommy? Is that a boy?"
Mommy giggled. "Silly boy. How could you not know? This is your child."
What? Hindi ko marinig si mommy. Parang bigla akong nabingi saglit.
"Take care of him, anak. He's very precious. You have to look after him. Make sure he grows up healthy and happy. Something I couldn't do with you."
I pouted. "Mommy, I don't know how. Saan ka po ulit pupunta? Sama ako, my."
She smiled sadly at me. Nagtaka ako ng makitang magkasingtangkad lang kami ni mommy. Why do I feel so small?
She cupped my face and stared at me with sad, loving eyes. "You can't, anak. You still have a long way to go. It's not yet your time."
Nanubig ang mga mata ko sa narinig na sagot mula sa kaniya. It's unfair. "Sama na ako, my. It's tiring. Palagi na lang akong hinahabol ni kamatayan. I'm tired of running."
She shook her head. "Don't say that, anak. A lot of people are waiting for you. Many people love you. They need you, anak. You have to go back and be with them. Enjoy life.
It might be painful now but good days will come soon. Trust me, okay?"
"I'm tired of waiting, my. Minsan hindi ko na nga alam kung ano na ang hinihintay ko. Kamatayan o kasiyahan?"
God knows how much I tried to be positive. I tried to keep my hope burning but the fire becomes dull once I started losing everything.
"I know, anak. I know. I wish I can be with you but I can't. But I hope that despite the little time we had, it'll become an image you wanted your child to have too."
Pagkatapos iyong sabihin ni mommy bigla na lang umalingawngaw sa buong kwarto ang malakas na iyak ng sanggol.
Everything turned pitch black after that.
Tila dinaganan ng elepante ang katawan ko pagkagising. My incision hurt more than I imagined it to be.
"How are you feeling?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. "Your nurse will be back soon."
Nakita ko si Alexander karga-karga ang baby ko. Kaagad nanubig ang mga mata ko nang masilayan ang anak ko.
"Do you want to see him?" Ang tanong niya.
Tumango ako. I badly want to see him.
Inilapag niya muna ang anak ko sa crib at in-adjust ang higaan ko. He placed a pillow on my lap before going back to the crib to get my baby.
Malakas akong napahagulgol nang tuluyan ko nang makita ang anak ko. "Akala ko hindi ko na siya kailan man makikita."
"Yeah. We thought you wouldn't make it either. You scared us back there, you know? You lost a lot of blood and your vital signs were dropping real quick.
You should warn your husband not to get you pregnant anymore. Your body is not built for that."
Napasinghot ako sa sinabi niya. "Pero masarap ang tite."
"Gago."
Napangite ako nang ibuka ng baby ko ang mga mata niya. "Hi, anak. Nakikita mo ba ako? Si papa to."
Shet. Naluluha na naman ako. Ganito ba talaga pag naging magulang ka na?
"Sayang wala ang daddy mo at si kuya Frank. Siguradong excited silang makita ka." Marahan kong hinawakan ang pisnge niya at napangite.
Nandito na ang anak namin. Malusog at maayos. He survived despite all the threat I made to abort him. "Sorry, anak."
Kasunod non ay ang malakas niyang pag-iyak. Kaagad naman akong nataranta. Shet ka, bakla. Di mo 'to first time. 'Wag kang kabahan.
Inayos ko ang sarili at tiningala si Alexander. "Pakiabot naman ng dede niya oh."
Kumunot ang noo niya at saka bumaba ang paningin sa boobs ko. Napanganga ako at saka masama siyang tiningnan. "Bastos ka! Napakahayop mo! Baboy! Bakit mo sinisilip ang dede ko!? Hindi ibig sabihin lumaki na 'to, nilalandi kita! Si Francis lang pwedeng dumedede dito!"
"What? M-Me?"
Tila hindi siya makapaniwalang nahuli ko siyang binubusuhan ako. Ang kapal ng mukha. Mas lalo ko siyang pinaningkitan ng mata.
"May iba pa bang tao dito?" Ang pagtataray ko. "Asan na 'yong dede ng anak ko?"
"God! Ang kapal ng mukha mo! I can't wait to get rid of you!" Aniya habang dinuduro ako. Hinampas ko ang kamay niya. "Hindi kita binubusuhan hoy! You are supposed to feed your child with your barely surviving boobs."
Napasinghap ako sa sinabi niya. "Ang sama ng ugali mo! Sampalin pa kita nito eh. Maka-barely surviving 'to."
"I don't know how can that Juariz bear be with you 24/7. You better not teach my child your crazy antics. I'm going to kill you."
Luh makabintang 'tong hayop na 'to parang may ebidinsya eh. Saka never ko kayang tinuruan si Frank. In born na ang pagiging baby unicorn niya. Nararamdaman ng boobs ko na kakulay ang dugo naming dalawa. Wapakels naman ako dahil mahal ko pa rin siya ano mang kulay ng budhi niya.
Kagaya nga ng sinabi ni Alex, sinubukan kong padedehin ang anak ko sa boobs ko. Muli na naman akong naluha.
"What's wrong?" Ang nag-aalala niyang tanong.
Hindi ko na lang pinansin na nakita niya ang boobs ko. Susumbong ko siya kay Francis. Si Francis na ang bahala sa kaniya.
"Pinangarap ko 'to dati?"
"The baby?"
"Hindi ang magkadede."
"Baliw."
Natapos ang araw na puro pagpapadede kay baby, pagtulog at check up galing sa nurses at doctor ang nangyari.
Nagpapasalamat din ako kay Alex na hindi niya ako iniwan mag-isa. Nanatili siya sa kwarto buong araw kasama namin ng anak ko. Siya pa nga ang kumakarga dito paminsan-minsan.
Indimidating man siya at may masamang budhi pero as a person keri lang naman ang personality niya. Malaki rin naman ang naitulong niya sa akin kahit ipapain niya ako sa sindikatong kalaban niya.
"Tyga, do you want to tell him?" Ang tanong niya sa akin isang gabi.
Ikatatlong gabi ko na ito simula noong naipanganak ko ang baby. Malungkot akong napangite at hinawakan ang maliit na kamay ng anak ko. I couldn't bring myself to make him more sad. Alam kong nasasaktan ko si Francis sa nangyayari.
"Hindi na siguro. Isurprise niyo na lang siya. Basta 'yong pangako mo sa akin ah? Ihahatid mo ang anak namin sa kaniya ng maayos."
"You didn't give him a name yet," ang paalala niya.
Bumaba ang paningin ko sa baby ko at mahinang napatawa nang makita ang ginawa niyang pagsimangot. Ang gwapo talaga eh. Ang tangos ng ilong. Sana kamukha siya ni Francis para ilalaban ko sa mga pinsan niya.
"Don't try to track this phone, Juariz. You don't want to see your husband and child hanging on your office."
Nilingon ko si Alex at tinaasan ng kilay. Nakita ko siyang nakaharap sa cellphone at may kinakausap. Natuod ako sa kinauupuan ko nang iharap niya sa akin ang cellphone. Tumayo siya at naglakad palapit sa amin.
"Ga," ang tawag ni Francis nang makita niya ako. Naluluha kong tinitigan ang kabuuan niya. Mabalbas na ang mukha niya at tila wala pa rin siyang maayos na tulog. "What happened? Sinaktan ka ba ng gagong 'yan? Where are you, ga? Sabihin mo na sa akin, please."
Tila may bikig sa lalamunan ko habanag pinapakinggan ang pagmamakaawa niya sa akin. Iniwas ko ang paningin ko mula sa kaniya at saka ibinaba ang paningin sa anak namin. "Tingnan mo siya, Francis. Ang gwapo niya di ba?"
"Is that... is that our child, Tyga?"
Tumango ako. "Hm. Three days old na siya."
"And I... and I wasn't on your side when you were suffering. I'm so sorry. 'ga. I'm sorry if I couldn't do anything to be with your. Does it still hurt hm?"
Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko sa tanong niya. Napanguso ako at tumango-tango. "Masakit, Francis. Sobrang sakit. Minsan hindi ko na alam kung pano papatahanin si baby. Gusto ko ng umuwi. Gusto ko ng matulog sa kama natin. Gusto ko ng maupo ulit sa may pool at makipaglaro kay Frank. Gusto ko ng matapos lahat ng 'to. Pero hindi ko alam kung paano at kung makakauwi pa ba ako."
"I know. I know, 'ga. Ako rin. Gustong-gusto ko na kayong makasama. I want to share your burdens. I want to kiss you and our child but I can't. I feel so powerless, Tyga. Ang hina-hina ko."
Umiling ako. "'Wag mong sabihin iyan, Francis. Kailangan mong maging matatag para sa mga anak natin. Kailangan mo silang protektahan. Our baby needs you, 'ga."
"What's his name?" Nanginginig ang boses niya habang tinatanong iyon. Ramdam ko ang mariin niyang pagtitig sa baby namin mula sa screen ng cellphone.
"Wala pa siyang pangalan. Gusto ko ikaw magpangalan sa kaniya. Pwede ba 'yon?" Ang mahina kong tanong sa kaniya saka siya nginitian.
Mabilis siyang tumango-tango. Kitang-kita ko ang pag-agos ng mga luha sa mata niya. "Of course, 'ga. If that's what you want I'll be more than happy to name him."
Saglit na namagitan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Fort. Mason Fort Juariz," ang tuluyan niyang pagputol sa katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Mason Fort Juariz," ang pag-uulit ko. Mabilis kong pinunasan ang luhang pumatak sa mukha ng baby ko at mahinang natawa. "Pangalan ko 'yon dati. Magkapangalan tayo, nak."
"Yeah, and it sounded just as beautiful as yours, babe. Come home fast, okay? Papabinyagan pa natin si baby."
Napasinghot ako. "Pero atheist ako."
"'Ga!"
Napatawa ako. Mas magaan na ang loob ko ngayong nakita kong okay lang ang baby ko. "Charot lang! Binibiro lang kita. Syempre papabinyagan natin kahit sa lahat pang simbahan dito sa Pinas."
"We should do that. So you have to make sure that you come home safe and well. Promise me, 'ga."
Tumango ako kahit alam kong walang kasiguraduhan. Hindi ko na kaya pang makita siyang nasasaktan at napapagod. Susubukan ko, Francis. Para sa'yo at para sa mga anak natin. Susubukan ko.
"Pangako ko, Francis. Uuwi ako."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top