51

Tyga Xerxes Mondejar

Simula noong hinayaan ako ni dad na mapasakamay ng mga sindikato hindi na ako umasa pang may magliligtas sa akin. Kamatayan lang ang kahihinatnan ko sa huli ano mang gawin ko. Tanggap ko naman na ang kapalaran ko.

Pero kagaya ng iba may kakaunting pag-asa pa rin naman dito sa puso ko. Gusto ko lang maranasan ang mundo na hindi kaharap si kamatayan bawat minuto.

Bet ko lang naman maramdaman ng pagiging carefree with wings na baklang kanal.

Hindi ko inaakalang magiging instant nanay at house husband pala ako. Wala man sa plano ko, sobra-sobra naman 'yong saya sa bawat minutong kasama ko sila.

I get to live life more than what I asked for.

Nagkaroon ako ng anak, nagkaroon ako ng asawa, ng mga kaibigan. Sapat na sa akin na magkaroon ng ganoon sa loob ng maikling panahon. Ayokong maging sakim.

Pero si Francis...

Naluluha kong pinanood ang katawan niyang gumalaw hindi kalayuan dito sa pinagtataguan ko. Inihatid niya ako dito bago bumalik sa gitna ng tulay kung nasaan naroon ang mga sindikato. Walang tigil sa pagkabog ang puso ko habang pinapanalangin na hindi siya mapano habang nakikipagpalitan ng bala sa kabilang grupo. 

Tila nabuhayan ako ng pag-asa nang makitang sunod-sunod na napapatumba ng grupo ni Francis ang mga tauhan ng sindikato. Tama nga siguro ang sinabi niya. 

I shouldn't have underestimated him. He's a Juariz after all.

Mukha man siyang may tupak pero si Francis ang pinakamatalino sa kanilang lahat kahit inuuto siya ng mga kuya niya. Mataas lang talaga ang respeto niya sa mga kapatid niya kaya nagiging sunod-sunuran siya sa mga 'to. 

Francis is a jack of all trades. I forgot about that fact. The fact that he knows how the world around him moves makes him almost invincible. 

Napatakip ako ng bibig nang biglang kumulimlim. Tumingala ako at napanganga sa nakikita sa kalangitan. There were countless drones flying above us. Kanino ang mga 'yan? Kay Francis o sa sindikato? 

Muling dumapo ang paningin ko sa tulay. Nakita ko ang iilang tauhan ng sindikato na nagtataka ring napatingala sa kalangitan. Biglang naglabas ng pulang ilaw ang mga drone at nagsimulang gumalaw. Naka-pokus lang sila Francis habang nawala naman sa ayos ang mga sindikato. 

Napaigtad ako nang dumapo ang ilaw sa katawan ng lalaking kabilang sa sindikato. Nawala saglit ang ilaw at nang bumalik ito kaagad na bumulagta sa lupa ang lalaki.  

"Tangina," ang mahinang mura ko. 

Si Francis ba ang gumawa ng mga bagay na 'yan? 

Nakakapanindig balahibong makitang gumalaw ang mga drones sa itaas at walang kahirap-hirap na inisa-isang kitilan ng buhay ang mga tauhan ng sindikato. Sinubukan nilang pagbabarilin ang mga 'to pero nagiging dahilan ito para mawala sa kanila ni Francis ang atensyon kaya malayang nababaril ng mga tauhan ni Francis ang mga lalaki. 

Hindi nagtagal naubos ng grupo ni Francis ang mga tauhang ipinadala ng sindikato. Hindi ako makapaniwalang napatakip ng  bibig habang pinapanood ang mga walang buhay na katawan sa lupa. Francis' men were barely unscathed. 

Nang magtagpo ang mata namang dalawa kaagad na bumuhos ang mga luha sa mata ko. Hindi ko na alam ang tunay na dahilan kung bakit ako umiiyak. Relief? Saya? Nerbyos? Takot? 

Malalaki ang mga hakbang ni Francis na tinungo ang pwesto ko. Kaagad niya akong ikinulong sa mga bisig niya nang makalapit siya sa akin. Napakapit ako damit niya at napahagulgol ng iyak. 

"Francis!" Tuluyan ko ng pinulupot ang mga braso ko sa bewang niya at mahigpit iyong niyakap. "I'm sorry. Patawarin mo ko, Francis. Hindi ko sinasadya lahat ng sinabi ko kanina. Mahal ko kayo. Mahal na mahal ko kayo ni Frank."

Alam ng diyos kung gaano kasakit sa akin ang sabihing hindi ko sila mahal ni Frank, na ayoko sa baby naming dalawa. I will die for them. Kaya kong ipagpalit ang lahat makasama lang silang tatlo pero hindi ko kayang isugal ang kaligtasan nila. 

Ikinulong niya ang  mukha ko sa malalaking niyang mga kamay at inangat upang magtagpo ang mga mata namin. Agad niyang ibinaba ang mukha niya at mariin akong hinalikan. Gumapang ang mga kamay ko sa batok niya at yumakap doon. 

Mabagal at puno ng pag-iingat niyang sinakop ang mga labi ko. Ramdam na ramdam ko ang takot niya roon pero sa kabila nito mas umaapaw ang pagmamahal. Ano bang ginawa ko para bigyan ako ni lord ng ganito?

"It doesn't matter. Ilang beses mo man akong itaboy I'll still come back to you. You can't get rid of me that easily, 'ga. That's how much I love you. Uwi na tayo hm?" 

Sunod-sunod akong tumango. Nami-miss ko na sila. Gusto ko ng mayakap ang anak ko. "Okay. Uwi na tayo, Francis. Uwi na tayo please," ang iyak ko. 

"FUCK! TUMALON KAYONG LAHAT!" 

Sabay kaming napalingon ni Francis pabalik sa tulay kung saan nanggaling ang boses at nakita ang isang humaharorot na sasakyan palapit sa amin. Everything happened so fast after that. Isang malakas na pagsabog ang narinig ko pagkatapos akong italuk ng malakas ni Francis. 

God knows how hard I prayed for everything to be a dream. Gusto kong gawing biro ang lahat kagaya ng ginagawa ko dati pero hindi ko na magawa ngayon. Pano ko gagawing biro ang pagkawala ng maraming buhay? How could I let things go this far? 

Nagising ako kinabukasan na masakit ang buong katawan. Napakunot ang noo ko nang maramdaman ang malambot na kamang kinahihigaan ko. Nang ibinuka ko na ang mga mata ko kaagad kong naaninag ang hindi pamilyar na kisame. 

Nasaan ako? 

Mabilis akong  napaayos ng upo nang maalala ko si Francis. May sumabog kanina at...at... napatakip ako ng bibig at aligagang inilibot ang paningin sa buong paligid. 

"Francis?" Ang pagtawag ko, nagbabasakaling marinig ko ang boses niya kasunod. "Francis nandiyan ka ba?" 

Tinitigan ko ang pintuan. Ilang segundo akong naghintay na bumukas iyon at pumasok si Francis. Pero ni anino niya wala akong nakita. Pumasok sa isipan ko ang nangyaring pagsabog at ang pagtulak niya sa akin. Nagsimula akong kutuban.

Bumaba ako ng higaan at tinungo ang pintuan. Kasabay ng pagpihit ko dito ay ang pagtulak ng kung sino mula sa kabila. Napaatras ako para makita kung sino iyong papasok.

Napatutop ako ng bibig nang makita ang isang pamilyar na mukha.

"You're awake," ang komento niya matapos akong pasadahan ng tingin. "How are you feeling right now?"

"G-Gerald?" Ang nauutal kong tanong habang nakatitig sa mukha niya.

Isang maliit na ngite ang iginawad sa akin. "How are you feeling? Does it hurt anywhere? The doctor will arrive soon."

Hindi ko magawang makapagsalita. Ang dami kong tanong pero hindi ko alam kung ano ang unang babanggitin.

"Si Francis?" Ang tanging naibulalas ko.

Kaagad na nalusaw ang ngite sa kaniyang mga labi at nag-iwas ng tingin. Naglakad siya palapit sa malaking bintana at tahimik na tumanaw sa malaking karagatang nagtataasan ang mga alon.

Nagmamadali akong sumunod sa kaniya at nakatayong naghintay sa kaniyang tabi.

Naiiyak kong hinawakan ang braso niya upang maagaw ang kaniyang atensyon. "Please," ang naiiyak kong pakiusap.

"Listen, Tyga, he may or may not be alive out there," ang panimula niya. "Ikaw at si Sebastian ang prayoridad namin."

Nanginginig ang mga kamay kong bumitaw mula sa pagkakahawak sa kaniya at umiling. "No! It can't be. Tinulak niya ako at.. at...please, sabihin mong buhay pa siya!"

He sighed. He closed his eyes and pinched the bridge of his nose as if he was so done with everything. "We will know if he made it or not once they finished retrieving the bodies. 

But my top priority right now is to keep you safe, Schmidt. We need you to open the arsenal and lure the head of your organization."

Nanghihina akong napaupo at muling napahagulgol. Pakiramdam ko naubos na lahat ng lakas at tapang ko. Gusto ko ng magpahinga. Gusto ko ng matapos ang lahat. Gusto ko ng makasama ulit ang pamilya ko. 

"I know this is frustrating for you. I can feel you're scared and uncertain but you have to finish what you've started. You have to. For the country, for the victims... and for Frank." 

Napatigil ako at nalilitong napatingala sa kaniya. "Anong kinalaman ng anak ko dito?" 

Isang alanganing ngite ang iginawad niya sa akin bago muling tinanaw ang tanawin mula sa bintana."He's my child. I'm his biological father." 

Namimilog ang mga mata kong napalunok. "Ibig sabihin..."

"I'm not Gerald." Bumaba ang tingin niya sa akin. Kaagad na nalusaw ang ano mang emosyon sa mukha niya at tanging ang malamig niyang tingin ang ang natira. "I'm Alexander Vekselberg, CEO of Vekselberg Steel, the largest steel company in Russia and the current head of Strannik. I'm guessing you already have an idea of what kind of business I do, don't  you?"

"Akala ko patay ka na?" 

Tumaas ang isang sulok ng kaniyang labi. "Matagal mamatay ang masamang damo."

Natahimik ako nang tuluyan ng mag-sink in sa akin ang lahat ng sinabi niya. He's one of the big bosses in the criminal world. Isa sa pinakamakapangyarihan at mapanganib na leader sa buong mundo. Napalunok ako. Wala na akong kawala. Ito na ba ang katapusan ko.

"I'm not going to hurt you now, Tyga." Nakuha ng mga salita niya ang atensyon ko. 

"Then when are you going to hurt me? Kill me? Mamaya? Bukas? Sa susunod na araw." Magkasalubong ang mga kilay ko habang tinatanong iyon sa kaniya. It's impossible for someone as dangerous as him to let me live when he revealed his identity to me. 

All the people I know who knows who are at the top of the organization dies intentionally and unintentionally. 

Sinalubong niya ang mga tingin ko gamit ang malalamig niyang mga titig. Kapag nakangite siya hindi mo iisiping kaya niyang pasabugin ang isang eroplano o ilubog ang tatlong malalaking barko. Pero kapag ganitong walang kahit ano mang bahid ng emosyon sa mukha niya, mapapatanong ka na lang sa sarili mo kung hanggang saan aabot ang kapangyarihan niya. 

"If you were just anyone, I would be more than happy to see your body burn along with others in that bridge." Nagsitaasan ang balahibo ng katawan ko nang marinig ang boses niya. 

It was a different tone than what he used during our conversation. His voice was still, malignant and threating. Words came out easily from his mouth like death was something as normal as breathing air.  

"To be fair with you, I really don't give a fuck if that Juariz died during the bombing. He was the reason why I couldn't find Andrea and our child. He caused damages on my businesses as well. He was an enemy both in the corporate world and in my personal life. 

But you," he squatted in front of me and gripped my jaw with his strong hands. "You took care of my child. Gave him the emotional support I couldn't. Nurtured him, guided him, cared for him more than anyone. That's enough reason for me to leave you alone. 

However, you're not entirely free from death. If you want to live and break the chain, you have to face the final boss, Tyga. You are the only one who can lure him out. Death will always follow you as long as they're alive out there. My child, your child, your husband, your friends, they will forever suffer from the responsibility shoved in you." 

Inilihis ko ang aking paningin nang muling maglandas ang mga luha sa pisnge ko. "I can't."

"What do you mean you can't?" Ramdam ko ang paghigpit ng kapit niya sa panga ko. 

"Wala akong kakayahan. I have no power. I have no one to help me. How can as powerless as me beat someone as big as them?" Humugot ako ng hininga. 

Nabalik ang paningin ko sa kaniya nang marinig ko siyang tumawa. "Look at me, Tyga, what can you see? Who am I?"

"Vekselberg." Ang tila nahihipnotismong sagot ko sa kaniya. 

"Vekselverg," ang pag-uulit niya na may malaking ngite sa kaniyang mga labi. "I have the ability, Tyga. I have the knowledge, the power, the money, the honor to make the world move. I just need you to lure them out. 

Of course, I wouldn't be that stingy to your government. Something as big as this case can bring them all the praises and honor they would love to have. So I ask your father to take part in the grand finale." 

Kasabay ng rebelasyon niya ay ang pagbukas ng pintuan. Pumasok mula doon ang taong nagsimula ng lahat ng bangungot ng buhay ko. 

"Dad..."




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top