5

Tyga's DICKtionary

Crayola kemberlo- cry
Fezlak-face
Akembang/watashi-ako
Sarah Labashi-Labas
Earnie Lopez-Ears
Kyota-bata
Chopopo-gwapo
Valur-house
Gardini-Guard
Otoko-lalaki
Heaven scent-langit

Tyga Xerxes Mondejar

Napahagod ako sa gilid ko pagkatapos akong mabilisang kinurot ni bossing habang nakapulupot ang kanyang matipunong braso sa bewang ko.

"Aray naman! Ano ba?!" Ang nanggigil kong saway sa kanya saka siya palihim na siniko sa kanyang tagiliran.

Dahil isa akong taong buto, alam kong masakit iyong ginawa ko sa kanya kahit medyo mahina lang iyon. Agad na nasira ang kanyang ekspresyon sa mukha habang mahinang dumadaing.

Sinilip kaming dalawa ng wedding officiant mula sa kanyang salamin at tumikhim. Pareho kaming pilit na napangiti sa direksyon niya saka nagngitian sa isa't-isa. Itinaas ko ang kamay ko at inayos ang ilang hibla ng buhok na kumawala sa kanyang noo at kinurot ng may kalakasan ang kanyang pisnge.Nakita kong unti-unti ng namula ang kanyang mukha hudyat na malapit na siyang sumabog sa inis.

Pero bago pa man siya tuluyang sumabog muli na namang tumikhim ang wedding officiant. Mas malakas na ito kumpara kanina. "EHEM!"

"And now: Francis Neil Juariz, do you take Tyga Xerxes Mondejar to be your lawfully wedded husband?

Do you promise to love, honor, cherish, and protect him, forsaking all others, and holding only unto him forevermore?"

Pinasadahan muna niya si akechi ng isang nandidiring tinging bago alanganing sumagot sa kalbong nagkakasal sa amin. "I-I do."

Inayos muna ng wedding officiant ang kanyang salamin bago tumingin sa akin.

"Tyga Xerxes Mondejar, do you take Francis Neil Juariz to be your lawfully wedded husband?

Do you promise to love, honor, cherish, and protect him, forsaking all others, and holding only unto him forevermore?"

Forevermore? Kung sino mang makakatiis sa ugali nito habang buhay, bilib na talaga ako sa kanya. Eh demonyo 'to eh. Hirap na hirap na nga akong pakisamahan ang okinawang 'to ng hindi kami nagkakasakitan, hanggang buhay pa kaya? Wititit! It's a no for me. I reject the null hypothesis. Charot!

"Tyga?" Nabalik ako sa reyalidad ng tawagin ako ng wedding officiant.

"A-Ah...haha...yes! I do, father!" Napakunot ang noo ng wedding officiant matapos niyang marinig ang sagot ko. Nag-peace sign lang ako sa kanya.

"Can you take out your rings, please?" Ang utos ng magkakasal sa amin. Pangiti-ngiti akong tumingin kay bossing at inabangan siya sa pagkuha ng singsing.

"What? Why are you looking at me like that? Take out the ring. Bingi ka ba?" Ang pang-iinsulto niya sa mahinang boses habang nakatingin sa akin. Saglit na kumebot ang dulo ng aking labi ng marinig ko ang sinabi niya.

Anong take out the ring?! Kinapa-kapa ko ang buong kong katawan pero wala akong mahagilap na singsing.

"Anong take out the ring? 'Di ba nasa'yo 'yon, boss? Hinablot mo 'yon sa akin kagabi." Ang bulong ko pabalik habang nakangiti pa rin kahit bet na bet ko ng sumimangot.

Tuluyan na ngang nabura ang ngiti sa mga labi naming dalawa at parehong nanlaki ang mata. "Fuck!"

"Tyga, Francis? Okay lang kayo?" Ang narinig kong tanong ni tita sa amin.

Lumingon ako sa gawin nila ng asawa niya at ngumite. "Don't worry po, tita, okay lang po kami," ang sabi ko bago muling tumingin kay bossing.

"Ang tanga niyo naman, boss! Paano na 'to?!" Ang nag-aalala kong bulong sa kanya habang patuloy lang siya sa pagkapa sa kanyang damit.

Habang patuloy siya sa pagkapa wit ko maiwasang mapatingin sa kanyang kanang kamay. May dalawang singsing doon na nakalagay. Agad na lumiwanag ang utak ko sa pumasok sa aking ideya.

"Pst! Boss!" Ang mahina kong tawag sa kanya pero masyado siyang abala sa pagkapa para mapansin ako kaya no choice ako kung hindi ang hampasin siya sa kanyang braso.

"Boss! Ang kamay mo!" Ang nagmamdali kong bulong sa kanya. Napatigil siya sa ginagawa niya at saka napatingin rin sa kanyang kamay.

Nanlaki ang kanyang mga mata. "No way!" Ang pag-iinarte niya saka inilayo sa paningin ko ang kanyang kamay. Ang arte-arte mga, ha! Para namang itatakbo ko 'yang pesteng singsing niya. Mukha ba akong kawatan?! Sa ganda kong 'to?

"Mr. Juariz, Mr. Mondejar, magpapakasal pa ba kayo o ano?" Ang masungit na tanong sa amin ng wedding officiant. Muli akong napatingin kay bossing na may pagaalinlangan pa rin sa kanyang mukha.

Lihim akong nagbunyi nang tuluyan na nga niyang tinanggal ang pagkakasuot ng singsing. Pinaikot niya ang kanyang mata saka humarap sa akin. Daming arte enez nitong otokong 'to!

Kinuha niya ang kamay ko at pasimpleng ibinigay sa akin ang singsing niya. Nang mapansin ng wedding officiant na handa na kaming dalawa ay saka siya nagpatuloy sa seremonya para maitali ako sa yawang ito.

"Please repeat after me.

I give you this ring, as a daily reminder of my love for you." Ang sabi nito.

Magkahawak kamay naming binigkas ang bawat salita."I give you this ring, as a daily reminder of my love for you. We vowed that our love can overcome all things and will continue do so for the rest of our lives."

Pagkatapos naming maisuot ang singsing sa isa't-isa. Hindi ko maiwasang mapatakip ng bibig pagkatapos nito. Kailangan na po nating kumayod bilang class A actress, opo.

Muli akong tumingin kay bossing para ma-inspire akong mag-crayola kemberlo. Tumingala ako at pinaypayan kuno ang aking fezlak. Pinunasan ko pa ang aking luha na kumawala. Wit pa rin akong makapaniwalang naikasal na si watashi sa chanak ni satanas. Wish ko lang maka-akyat pa ako ng heaven scent pagkatapos naming maghiwalay.

"By the power of your love and commitment, and the power vested in me, I now pronounce you husband and husband. You may kiss each other." Ang anunsyo ng wedding officiant. Wala sa sarili tuloy akong napa-sign of the cross.

Ka-Gabi Garcia nag-sight kaming dalawa sa youtube kung paano pekein ang chukchakang ganap namin ngayon. Kinailangan pa naming toktokan, insultuhin at hampasin ang isa't-isa bago kami nakapag practice.

"Nag-toothbrush ka ba?" Ang walanghiya niyang tanong sa akin. Nakaupo kami ngayon sa kama niya at magkaharap sa isa't-isa. Kakatapos lang din namin manuod ng tutorial sa youtube.

"Syempre! Kahit amuyin mo pa nga. Oh! Amuyin mo." Bumuga ako ng hangin sa mukha niya pero mabilis niyang piningot ang ilong para hindi maamoy ang bibig ko.

"Gago! Wala ka talagang modo." Inabot niya ang air freshener sa tabi at in-i-spray-an ako.

Sa inis ko ay nasipa ko tuloy siya. "Ano ba! Ikaw yong walang manners eh. Bwiset ka!"

"Ikaw-" Dinuro niya ako kaya pinanlakihan ko siya ng mata at saka inungasan.

"Ano? Anong ako, ha? Suntukan na lang? Ano?" Ang hamon ko sa kanya saka itinaas mga manggas ng t-shirt ko.

"Ikaw pa talaga naghahamon ng suntukan? Eh mukhang isang pitik ko lang sa'yo mahimatay ka na." Ang natatawa niyang sabi sa akin.

Medyo nasaktan ang pride ko sa sinabi niya kaya hinampas ko siya ng lampara at cabinet niya. Nang masigurado kong patay na siya, itinago ko ang katawan niya sa ilalim ng kama. Charot!

Ayon nga, halos isang oras din kaming nag-bardagulan bago kami nakapag-practice.

Muli akong nabalik sa reyalidad.
Nakapikit pa rin ako habang hinintay ang paglapit ng mukha niya. Naramdaman ko na ang mga malalaking kamay niyang sinasapo ang magkabilang pisnge ko at ang pagbuga ng kanyang mainit na hininga sa tapat ng aking mukha. Shuta! Ito na!

T-Teka bakit parang sobrang lambot naman yata nitong kamay niya. At bakit basa?!

"Mph!" Agad akong napamulat at nanlalaki ang mga matang napatitig sa amo kong sarap na sarap sa paglapa ng mga labi ko.

NOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

WITITIT!

CHEESE WIZ!

ANG VIRGINIA KONG LABI! WALA NA! WALA NA! WALA NA!

Hindi pa siya nakuntento sa paglapastangan sa mura kong mga labi. Kinagat pa niya ang ibaba kong labi at pinilit ipasok ang dila niya. Syempre dahil choosy ako binuka ko rin ang bibig ko. Sinamantala niya iyon para lusubin at galugadin ang loob ng bibig ko. Napakapit ako sa dibdib niya kasi parang bibigay na yata ang mga binti ko. Mabuti na lang talaga at nakasuporta sa likuran ko ang isang braso niya.

Shuta! Bakit ganito?! Bakit ang sherep niyang humalik? Dahil ba 'to sa toothpaste niya?

"EHEM!" Nabalik lang ako sa ulirat ng tumikhim ang wedding officiant.

Malakas kong hinampas ang dibdib nitong si bossing para patigilin na siya sa ginagawa niya. Wiz na akong mahinga!

Pareho kaming hinihingal matapos niyang humiwalay sa akin. "Tangina, nakakadiri. Lasang luya." Ang bulong niya habang papalayo sa akin.

Dzuh?! So bibig ko pa dapat mag-adjust ano?!

Nakasanayan ko na kasing gawing kendi ang binalatang maliit na luya. Nakatulog ako kanina habang nasa bibig ko pa yon. Ako nga dapat ang mag-inarte dito. First kiss ko 'yon eh! Gusto ko tuloy maglumpasay sa sahig at pumalahaw ng iyak. Kabadtrip. Huhu! Ma-sangla nga 'tong singsing niya.

"Kayo ay humayo at magparami. May hotel sa kabila. Congrats." Ang sambit ng wedding officiant bago ito lumayas sa harapan namin.

Sunod namang lumapit ay ang mudra at pudra ni mareng Andrea bitbit si baby Frank na suot-suot ang isang cute na cute na gray pants, white polo at gray suspenders. Agad nitong itinaas ang kanyang kamay para magpa-karga sa akin.

Kahit gusto ko pang mag-luksa sa pagkawala ng first kiss ko, kailangan ko na ulit mag-switch ng role. Mommy duties namab ngayon.

"Hello, baby. Namiss mo ba ako? Ang gwapo-gwapo naman ng baby ko." Ang nakangiti kong papuri saka pinanggigilan ang kanyang mapupula at matatabang pisnge. Ang sarap kurutin! Lord, pahingi nga duplicate ng kyotang ito. In case lang.

"Congratulations sa inyong dalawa. It's just sad na hindi makakadalo ang mga pamilya at kaibigan ninyo but I'm pretty sure na matatanggap din nila ang relasyon ninyo someday. Lalo na ikaw, Tyga. Be strong, okay?"

Tumango ako sa kanya at yumakap. Silang dalawa ng asawa niya at ang avocado lamang ni bossing ang dumalo sa sakal-este, kasal namin kuno.

"Let's go na and mag-celebrate. Mamayang nine na ang flight namin." Ang pag-aaya ni tita at saka naunang naglakad sa amin.

Dumiretso kaming lahat sa isang mamahaling restaurant na nakapwesto sa pinakatuktok ng building. Silang apat lang ang nag-uusap-usap habang ako ay abala sa pakikipaglaro kay baby Frank.

Wit naman kasing makarelate ang beauty ko sa mga chika nila tungkol sa mga negosyo kemberlo. May mga alam naman ako pero hindi ganoon ang role ko ngayon. Saka mga konpidensyal na bagay lang ang mga alam ko. Alam niyo na. Mga dumi ng mga malalaki at maliliit na mga negosyo. Sabi ko naman kasi sa inyo professional chismosa ako. Kayang magpabagsak kahit kanino nitong mga chismis ko.

"So, Tyga, anong plano mo ngayong kasal na kayo ni Francis?" Ang tanong ni titashi habang maarteng hinihiwa ang kanyang stake.

Yumuko ako para makita ang inaantok na si Frank. Inayos ko na ang pagkakapwesto niya sa mga bisig ko para makatulog siya ng maayos.

"Gusto ko po sanang mag-focus na lang muna sa pag-aalaga kay baby. Gusto ko kasing subaybayan ang paglaki niya. Saka na lang siguro ako magtra-trabaho kapag medyo malaki na siya. Napag-usapan na rin po namin itong mag-asawa." Tumingin ako sa direksyon ng langga ko saka nag-beautiful eyes.

Lihim akong napahalakhak ng makita ang kinikilabutan niyang mukha. Ang pangit kasi.

"I'm glad the both of you are around. Mapapanatag na kaming dalawa ng asawa ko na umuwi muna saglit sa England para ayusin ang business naming naiwan. Sigurado rin akong panatag na ang anak ko." Saglit na lumandas sa mukha niya ang lungkot.

Napansin ko pa ang ginawa niyang paglunok para pigilan ang sariling maiyak. Hindi pa naman kasi ganoon katagal magmula noong mawala si Andrea. Mas fresh pa sa akin ang mga sugat sa puso nila.

"You don't have to worry about anything, tita. I promised Andrea na aalagaan at ituturing ko siya na parang akin." Ang bulalas ni bossing matapos tumungga ng alak na in-order nilang dalawa ni avocado.

Matapos kaming mag-celebrate, nagpaalam na kami sa isa't-isa sa pribadong parking lot ni bossing. May sariling driver sila tita na maghahatid sa kanilang dalawa ng kanyang asawa sa airport. Nauna ng nauwi ang avocado ni bossing dahil tinawagan na siya ng asawa niya.

Mabuti na lang at madaming chopopo sa valur ni bossing. Nagpyi-pyista ang aking mata! Madaling gumaling ang nawasak kong pang-upo-este, puso dahil sa mga makatulo tamod na mga gardini ni boss.

"Ingat po kayo, tita,tito. See you." Nagyakapan pa kaming apat sa huling pagkakataon.

"Kayo rin." Pinunasan ng mudra ni Andrea ang pisnge niyang saka yumuko sa may dibdib ko para hagkan ang kyotang si Frank. "I love you, apo. Lola will be back."

Pagkatapos ng madramang tagpo sa may parking lot ay pumasok na kami sa kanya-kanya naming sasakyan. Pagdating namin sa bahay nagmamadali kaming dalawa na umakyat papunta sa kwartong inihanda namin para kay Frank dahil umayak ito ng pagkalakas-lakas. Sherep sa Earnie Lopez, mga bes!

"Fuck! Why won't he stop crying?!" Ang iritadong tanong ni bossing habang sinusubukan namin siyang padedein.

Eh ayaw talaga! Si bossing na ang nakakarga sa kanya ngayon at isinasayaw siya.

Sunod-sunod akong napalunok ng makita ko ang ayos niya. Tanging ang puting long-sleeved polo nalang ang naiwan niyang suot-suot ngayon. Bukas pa ang ilang unang butones sa kanyang polo. Nakasilip tuloy ako sa medyo mabuhok niyang dibdib.

Shuta, bakla! Wag kang magpadala sa temptasyon. Isa yang yawa. Anak yan ni Satanas alalahanin mo.

"Sa tingin ko yata, boss, nag-popo ang kyota." Ang nandidiri kong sabi habang tinuturo ang braso niyang may nakakapit na namamasang kulay dilaw.

"Get him! He smells so damn bad! Ugh!" Napaduwal pa ito habang sinusubukang ilayo ang mukha sa bata.

Pati rin ako ay nahawa at napaduwal. Huhu! Hindi ko pa keri maging mudrabels! Mahihimatay yata ako.

"Ano pang tinutunganga mo diyan?! Bingi ka ba?! Hindi ba't yaya ka niya?!" Ang malakas niyang bulyaw sa akin.

Umasim ang aking mukha at sunod-sunod na umiling. "M-Masakit pa ang tiyan ko, boss. Natatae na ako." Ang nanghihina ko kunong sabi habang hawak-hawak ang aking masakit na tiyan. Sunod-sunod akong umutot na mas nagpasama pa sa kanyang mukha.

Wit ko na siya hinintay pang may ma-say at nagmamadaling tumakbo palabas ng kwarto ni Frank. Pagdating ko sa Sarah Labashi, malakas akong umayos ng tayo at tumawa.

Para yan sa pagnanakaw ng first kiss ko, bossing! Mwuahahaha.

-----------------------------------------------------------

Hello guyses? How are you?! August na! Yay! Malapit ng mag-start ang pasukan HAHAHA. Wish ko na sana goodnews na ang pumasok sa buwan na 'to. Huhuhu. Pataas pa nang pataas ang bilang ng positive cases pero let's think positive pa rin. HAHAHAHA. Wag lang mag-positive sa corona. Ingat pa rin po kayo always. Ayon lang po. Thank you! Stay healthy, keep safe and God bless you always po. Labyu ol! Mwuah mwuah. Ciao! ❤

Tyga's DICKtionary

Crayola kemberlo- cry
Fezlak-face
Akembang/watashi-ako
Sarah Labashi-Labas
Earnie Lopez-Ears
Kyota-bata
Chopopo-gwapo
Valur-house
Gardini-Guard
Otoko-lalaki
Heaven scent-langit
Avocado-abogado

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top