48
Tyga's DICKtionary
thundercats- matanda
junakis-anak
nota-the d
Tyga Xerxes Mondejar
Minsan napapaisip ako kung may nagawa ba akong karumaldumal sa dati kong buhay para maging deserving ako sa buhay ko ngayon. Kasi kung ako lang, wala naman akong nagawang masama bukod sa pagiging gandara at panonood ng bold.
"Do you feel better now?" Ngayon ko lang namalayan na nandito pa pala itong jusawa ko.
"Hm. Pasensya ka na pala kanina." Ang mahina kong sabi habang pinaglalaruan ang kamay niyang nakapatong sa mga kamay ko.
"Stop it. I was the one who put you in this situation. I did not know you'd react like this when you meet him," aniya saka bumuntong hininga.
"He asked me if he could meet you. He told me about you being in much greater risk now that your identity was exposed. I want to discuss this with you and with him. I want to know what actions we can take so we can protect you and our child. I wasn't expecting for you to break down like that. I'm sorry, ga." Ramdam ko ang panghihina sa boses niya habang pinapaliwanag niya sa akin ang rason niya.
Hindi naman niya kasalanan kung bakit ganoon ang reaksyon ko noong makita si dad. Knows ko namang wiz siyang gagawa ng bagay na ikakasakit ko ngayon bukod sa kama. Char!
"Baliw. 'Wag ka ngang mag-sorry sorry diyan. Intenders ko naman ang adyenda natin for today's videosination no. Di pa lang talaga ako handang harapin o kausapin siya. Alam mo na, kasali kami sa family feud." Sinubukan kong pagaanin ang usapan para hindi na siya masyadong mag-alala.
Natatawa niyang inabot ang pisnge ko at mahina itong kinurot. "Alright. Nagugutom ka na ba? Niña should be here any seco—"
"PAPA! PAPA! PAPA! PAPA!" Hindi natapos ng jusawa ko ang script niya dahil bumukas ang pintuan ng kwarto at iniluwa doon ang isang mumunting baboy ramo. Charot! Ang cute kaya ng bebe ko! Parang si Majinbu, ganern!
Sinubukan niyang sumampa sa kama pero hindi niya magawa dahil medyo mataas itong kama kumpara sa height niya. "Oh, baka mahulog ka." Ang saway ko nang mapaupo siya sa sahig.
"Sir, nandito na po 'yong pagkain." Pumasok si Niña sa kwarto bitbit ang isang tray ng itlog ni Francis. Char lungs! Isang tray ng pagkain kasi 'yon. Jusko ha.
"Just put it on the table." Ang utos sa kanya ni Francis bago binalingan ng tingin si Frank.
Lumapit si Niña sa amin para ilagay sa bed table ang mga pagkaina. Nagkatinginan naman kaming dalawa ng pukemong si Niña at nagsenyasan gamit ang mga kilay namin. Matapos n'on ay umalis na din siya sa kwarto.
"Daddy, help me akyat ako kay papa ko po please." Ang pakiusap ng junakis namin sa daddy niya. Nakataas na ang dalawa niyang braso para magpabuhat dito.
Hindi na ako nag-attempt na bumuhat dito. Jusko. Kahit nabawasan na siya ng timbang ang bigat pa rin. Si Francis at ang chararat na si Charlotte na lang ang kayanv bumuhat sa bulinggit na 'to. Parang mababalian ako ng mga buto kapag sinubukan ko pa. Ganda lang talaga ang mai-o-offer ko sa anak ko.
Walang kahirap-hirap na binuhat ni Francis ang junakis namin papunta sa kama. Sight na sight ko tuloy ang namumutok niyang braso.
Nang makasampa sa kama, agad na lumingkis ang anak namin sa akin at hinalikan ako sa pisnge. "Good morning papa!" Sunod naman niyang hinalikan ang tiyan ko. "Good morning also sa baby brothers and sisters ko po."
Nagulat ako sa inanunsyo niya. Si Francis naman ay tumawa lang. "Jusko, beh! Ba't may pa s ka pa sa dulo. Hindi ko keri ang may pa s beh. 'Wag tayong paladesisyon at baka maitapon kita pabalik sa pukeballs ko."
"You have pokeballs, papa?!" Ang malakas niyang tanong habang namimilog ang mga mata. Napatikhim naman ng malakas ang daddy niyang wala namang ibang ambag sa mundo kundi ang sperm cells niya featuring kunting kadyot. Charez!!
"Oo, beh. Doon ka nanggaling at ganoon din ang mga kapatid mo. 'Wag kang mabibigla, beh," Napatakip akong bibig at emosyonal na suminghit-singhot. "Ako talaga si Ash. Si Naruto naman ang daddy mo. Ang tunay mong katauhan ay si Snorlax. I'm so sorry anak kung inilihim namin sa'yo ang totoo. Sana matanggap mo pa rin kami kahit na... kahit na—"
"Kumain ka na gutom lang 'yan." Naputol ang characterization ko nang subuan ng notabels ng gagong si Francis ang bunganga ko. Char lungs! Kutsarang may lamang pagkain talaga 'yon. Rated G po ang theme natin.
Mareng Andrea, kung nasaan ka man, diyan ka lang. Okay lang kami dito. Walang problema. Nagbibiro lang po tayo, opo. Kalmahan lang natin ang pechay.
"Akin na 'yang kutsara, ako na magsusubo sa sarili ko. Balikan mo na na lang yong mga bisita mo." Tinulak ko siya palayo at inagaw ang kutsara mula sa kanya.
"Alright, balik ako kaagad." Binalingan niya ng tingin ang junakis namin na abala sa pagngatngat ng mga pagkain ko. "Kuya, take care of your papa for me, okay?"
Tumingala siya sa daddy niya at tumango-tango. Kumuha si Francis ng tissue sa bedside table at pinunasan ang dumi sa lumulubo niyang pisnge.
Pinaghahalikan pa kami ng jusawa ko bago siya tuluyang umalis ng kwarto.
Pagkatapos naming kumain dalawa ng junakis ko, naglaro pa kami saglit pero hindi pa rin bumabalik si Francis. Akala ko ba mabilis lang.
"Papa, big boy na me po. I'm a kuya now. Will I go to school, papa, like sa tv po?" Ang tanong ng junakis ko nang matapos kaming magtanim ng mga palay at magpakain ng limangdaang manok pangsabong.
Hinaplos ko ang ulo niya. "Bet mo na bang mag-school, beh?"
"Hm! Bet ko, papa. Para many ako friends. My friends dito sa house puro mga thundercats po."
Naiiyak akong napapahid ng mga mata ko. Hindi ako... Hindi ako makapaniwalang ganito na kagaling mag-gaylingo ang bebe ko. Mareng Andrea, kung nasaan ka man, mag-aalalay ako ng isang kalderong biko sa altar patawarin mo lang ako.
"Next school year sasabihin ko sa daddy mo na ipa-enroll ka sa school. Usto mo 'yon?" Ang tanong ko sa kanya na nagpaliwanag sa maamo niyang fez.
"Yes, papa. Behave ako don po."
Kung bakit kasi sa leader pa ng cartel nagpakarat ang nanay mo beh di sana di ka namin kailangang itago. Ano bang meron sa nota ng mga red flag pakboys at daming nahuhumaling dito? Like, hello? Patikim ako. Charez! Nakatikim na pala.
Kumuha ako ng mga papel mula sa lamesa kung saan ngayon nagdra-drawing ng kung anu-ano ang junakis ko at lapis. Nagsimula din akong magsulat ng mga pangalan, mga establishment, mga property, mga bansa, at mga address sa papel.
"Beh, pwede mo ba 'tong ihatid sa daddy mo? Sabihin mo sleepy na ako."
"Wherelalo po?" Ang tanong niya habang nakatuon pa rin ang pansin sa dino-drawing niya.
"Sa officeness ng daddy mo, beh. Doonez malapit sa room mo. Knows mo ba?"
Tumango siya. "Knows po."
"Ok, gora ka na."
Nilapag niya ang hawak-hawak na jumbo crayons at tumayo mula sa upuan niya. Kinuha niya mula sa kamay ko ang mga tinuping papel at yumakap sa akin.
"Alright, balik ako kaagad." Aniya saka humahagikhik na tumakbo palabas ng kwarto. Natatawa na lang din akong sinundan ang papalayo niyang pigura.
Nang hindi ko na siya makita, iyong drawing naman niya ang tiningnan niya. Malakas akong napatawa ng makita ito.
May apat na stick figure na nakaguhit doon. Yong dalawang mataas na pigura ay siguradong kaming dalawa ni Francis. Sa gitna naman nito ay mas maliit na pigura. Tapos sa kaliwa ko nakahawak ako sa isa pang maliit na pigura pero napakahaba ng kamay ko at napakalayo nito sa amin.
Noong pinaalam namin kay Frank na may kapatid na siya tuwang-tuwa pa siya noong una pero ilang araw pagkatapos naming sabihin yon sa kanya bigla na lang siyang umiyak sa harap namin. Di na daw namin siya love pag dumating na yong kapatid niya.
Ilang tsokolate din nagastos namin para lang ipaintindi sa kanya na hindi ganon 'yon. Alam ko namang magiging mabuti siyang kapatid.
"Babe." Napalingon ako sa likuran ko at nakita doon si Francis karga ang bulilit namin.
"Oh? Tapos ka ng makipag-usap?"
Binaba niya si Frank sa sahig at nag-squat sa tabi ko. "Anez? Ba't ka nakatitig?"
Hindi siya sumagot at mahigpit lamang niya akong niyakap. "I love you."
"May babae ka ba?" Ang nagtataka kong tanong. Ba't pa-sweet 'to?
"Nope. I punched your dad."
Malakas akong natawa at niyakap siya pabalik. Diyos ko naman 'yon lang naman pala. Anong kinakatakot niya? Parang kwarto lang naman yong selda sa kulungan.
Kinabukasan, may mga police ng naghihintay sa labas ng pintuan. Kahit masakit man sa kalooban ko wala akong kalaban-laban sa kanila. Simpleng maybahay lang ako. Pinapirmahan ko muna sa kanya iyong last will and testament bago ko siya pinadala.
Hindi po ako nagbibiro. Alam kong hindi niyo ako sineseryoso sa di malamang dahilan pero totoo po iyong sinabi ko sa ibaba ba baba nana potato naaaa bananaaaaaa togari noh pocato-li kani malo mani kano chi ka-baba, ba ba nana. Oh diba napakanta din kayo.
"Baks, alam mo ba kung nasaan si sir?" Ang bungad sa akin ni Maribel nang pumunta ako sa sala. Naabutan ko sila doon na naglilinis. Simula noong malaman namin na may something churva keme dito sa tiyan ko hindi na nila ako masyadong pinapagalaw pero ginagalaw naman ako ng iba gabi-gabi.
"Pumasok na yata sa trabaho. Bakit?" Ang nagtataka kong tanong ng makitang alalang-alala ang mukha niya. Mukha din siyang hindi mapakali. Maputla ang mga labi niya at parang ano mang oras hihimatayin na siya. "Hoy, gaga, ok ka lang? Ba't ka namumutla? Umupo ka nga muna."
Naiiyak siya umiling at kumapit sa akin. "P-Pwede bang umuwi, baks? Sila mama kasi...Sila mama kasi.." Mukhang hindi na niya napigilan ang sarili at napahagulgol.
Hindi ako na lang ako nag-comment at niyakap siya ng mahigpit. Nakita ko rin ang pagpasok ni Charlotte sa sala. "Baks, pinatay daw silang lahat. Wala na sila! Wala na!" Napahigpit ang yakap ko sa kanya ng marinig ko 'yon.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa sitwasyong ito. Pareho kaming natigilan ni Charlotte. Alam naming dalawa kung gaano ka importante kay Maribel ang buong pamilya niya. Simula medor de edad siya nagtratrabaho na siya para itaguyod ang pamilya niya sa probinsya. Siya ang nagpapaaral sa mga kapatid niya doon at nagbabayad sa lupain ng mga magulang niya.
"Nandito lang kami. Tatagan mo sarili mo, bakla." Ang bulong ko sa kanya. Lumapit sa amin si Charlotte at niyakap din kaming dalawa ganoon din si Niña na kadarating lang. Ilang minuto pa kaming nagyakapan doon bago namin tinulungan si Maribel mag-impake.
Pinasama ko na sa kanya ang jowabels niya para may suporta din siya doon. Pinadala ko na din iyong sasakyan ni Francis sa kanila. Nagpaalam naman ako sa kanya kanina.
"Basta, tawagan mo kami kapag dumating na kayo doon. Wag kang mahiyang sabihin sa amin kung ano mang kailangan mo. May ipapadala dawng abogado si Francis sa inyo bukas. Pasensya ka na kung hindi kita masasamahan."
Ngayon lang ako nagkaroon ng mga tunay na kaibigan. Sila Maribel, Niña, at Charlotte ang kasama ko araw-araw simula nang mapadpad ako dito at hindi nila alam kung gaano ako nagpapasalamat sa pagkakaibigan namin. Natuto ako sa mga bagay-bagay kasi nandito sila kasama ko. Kaagapay ko sila sa pagpapalaki kay Frank. Isa sila sa mga taong sumuporta sa akin noong mga panahong wala si Francis. Kaya handa akong tulungan sila sa abot ng aking makakaya.
"Maraming salamat sa inyo. Naiintindihan ko naman. Sapat na 'to sa akin."
Nabaling ang atensyon namin kay Frank nang yumakap ito sa hita ni Maribel.
"Babye, nana. I love you, nana."
Mas lalong naiyak si Maribel at tumatangong yumakap pabalik sa anak ko. "Salamat, beh. Salamat sa inyo." Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at bumuntong hininga.
Hindi na sila nagtagal dito at tuluyan na nga silang umalis. Tahimik ang buong bahay at tila nawalan kaming lahat ng sigla dahil sa nangyari kay Maribel. Nagkulong lang din ako sa kwarto kasi sumama ang pakiramdam ko. Iniwan ko muna si Frank sa ibang yaya niya dahil hindi kakayanin ng energy ko ang energy niya.
Bandang hapon nang makatanggap ako ng tawag mula kay Francis. "'Ga."
"Hm?" Kakagising ko lang din kaya di ko masyadong bet chumika.
"Kagigising mo lang?"
"Hm. Kumain ka na?" Ang tanong ko saka humikab. Medyo nagugutom na din ako at ang bulati ko sa tiyan.
"Yup. I ate with an investor for lunch. Where's Frank?" May narinig akong nagsalita sa kabilang linya na sigurado akong sekretarya niya. Jusko ha! Masyadong napaghahalataang patay na patay sa akin.
"Na kay Chin-chin muna. Sumama kasi pakiramdam ko kanina."
"Do you want me to call a doctor for you?"
"Hoy grabe ka! Pahinga lang ka—"
"TYGA!" Napabalikwas ako sa pagkakahiga nang marinig ang boses ni Charlotte sa labas ng pintuan.
"Sandali lang," ang sabi ko kay Francis bago bumaba sa higaan ko at tinungo ang pintuan. Nang buksan ko ito ang humahagolgol na Niña at ang umiiyak na Charlotte ang sumalubong sa akin.
"A-Anong problema?" Ang nauutal kong tanong sa kanila. Ramdam ko ang pagkabog ng puso ko habang pinagmamasdan silang dalawa. Parang may masamang mangyayari hindi ko alam.
"Wala na rin sila, Tyga! Wala na si lolo at ang mga pamangkin ko! Diyos ko tulungan niyo ako!" Para akong niliparan ng kaluluwa habang inaalalayan si Niña na napaluhod sa harapan ko. "Kinatay nila ang mga pamangkin ko, Tyga! Ang bababoy nila! Mga demonyo!"
A-Ano bang nangyayari?
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hey, guys!!!!!!!!!!! It's been awhileeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee humayghad HAHAHAHAH. I MISS YOU ALL! Thank you po sa paghihintay sa mga updates ko and all of that you know what I'm saying. Update ko po ang ibang story pagkatapos ng kwento ni Tyga <3. Thank you po sa pagbabasa. Love you, guys!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top