44
Tyga Xerxes Mondejar
"Gaga ka, san ka na naman gogora?" Bumaba ang eyesight ko sa baklang Charlotte na nakatayo ngayon sa may paanan ng hagdanan.
Ngumite ako sa kanya at taas noong sinagot ang question and answer portion.
"Maghahanap ako ng afam."
"Sa laki ng notabels ng jusawa mo nag-iisip ka pang maghanap ng ibang notang sasakyan? Masyado mo naman yatang feel iyang wig mong chipipay."
Inirapan ko siya. Anong chipipay? Five thousand kaya original price nito sa shopee. Nasali sa 13.13 sale kaya five hundred na lang.
"Whatever, Marga. Inggit ka lang kasi mas bet ni Kristof na hilahin ng parang sleigh itong buhok ko kesa diyan sa buhok mong mukhang bolbol ni Francis!"
Marahas akong napalingon sa aking likuran ng may marinig akong may mga suminghap. Hulaan niyo kung sino? Sino pa kung di ang mga minions lang naman ni Francis.
"Parang bolbol daw ni sir, day." Ang narinig kong bulong ni Cookie kay Maribel.
"Maitim pala bolbol ni sir, day. Akala ko brown. Brown kasi 'yong buhok niya."
Sa halip na mainis kasi pinag-uusapan nila ang bolbol ng bebe ko medyo napaisip din ang braincells ko sa chikabels nila. Bakit kaya maitim 'yong bolbol ni Francis eh brown naman 'yong buhok niya? Gusto ko sanang itanong kay kuya Kim kaso lumipat na siya ng GMA.
"Papa, done na ako po."
Napatigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang isang maliit na boses. Mabilis akong bumaba at kumapit sa baklang Charlotte.
"Bakla, narinig mo ba 'yon?"
"Papa! It's me. Papa, it's me Frank, papa."
Malakas akong tinulak ng baklang Charlotte at hinampas. "Gaga ka! Tigil-tigilan mo nga 'yang anak mo. Jusko, paano na lang ang mundo kung magmamana 'yan sa'yo, bakla?"
Umirap ako sa kanya at hinampas siya pabalik bago itinuon ang buong pansin sa junakis kong cute na cute sa kanyang suot-suot na dilaw na dress. Hindi ko na siya pinasuot ng wig. Tinalian na lang namin ang bawat gilid ng kanyang buhok ng mga floweret na pantili at readyng-ready ng irampa sa sidewalk.
"Papa, ganda ako?" Ang nakangiteng tanong niya sa akin at saka umikot.
"Bet na bet, anak! Manang-mana ang ganda kay papa. Ready ka na bang rumampa sa stage?"
Sunod-sunod siyang tumango at saka yumakap sa binti ko. Nilingon ko ang baklang si Charlotte na ngayon ay abala sa pagtipa ng cellphone niya. Halatang kilig na kilig ang gaga sa paraan ng pagngite niya. Ngayon lang 'yan, bakla, bukas iiyak ka rin.
Siniko ko siya para makuha ang atensyon niya.
"Anez na naman ang kailangan mo sa gandang taglay ko?" Ang tanong niya na ikinatawa ko.
"Waley! Wala ka namang gandang taglay, gagang 'to. Aalis na kami ng junakis ko. Chinika ko na kay Francis na hindi ka makakasama."
Naiiyak siyang kumapit sa braso ko. "Truedis, ba 'yan, baks?"
"Confirmed na nga! Alam kong makikipaglandian ka ngayon sa jowa mo kaya 'wag mo ng alalahanin ang ganda ko."
Malakas siyang tumili at hinampas-hampas pa si Niña nang dumaan ito sa harapan niya. "Ano ba, 'yot?! Nabo-boang ka na ba?" Ang inis na saway sa kanya ng merlat habang pilit na binabawi mula kay Charlotte ang damit niya.
"Thank you, bakla! 'Wag kang mag-alala, sayo na lahat ng giveaways sa kasal namin ni Gavin mylabs."
"Oo na! Oo na! Aalis na ako. Bahala ka na dito."
Nagpaaalam ako sa kanilang lahat bago kami naglakad palabas ni Frank. Ang sabi ko may dadaluhan kaming cosplay event ng junakis ko. Na hinde naman true. May kailangan akong kitain mamaya.
Nakasalalay dito ang freedom of expression ko at ng pamilya ko. Kahit bet kong mag run away ang dramahan wala namang mangyayaring pagbabago. Paikot-ikot lang ako. Nakakapagod ding tumakbo.
"Wow! Super big, papa! Bigger than daddy's house." Ang manghang chika ng junakis ko nang makababa kami ng sasakyan.
"Lahat naman yata ng pagmamay-ari ng daddy mo malaki, beh. 'Yong utak niya lang hindi." Bigla ko tuloy naaalala ang magaling kong jowabels na ginawa na namang julalay ng kuya niya. Ihahatid daw niya ang mga 'to sa lugar kung saan ito-torture na naman ng kuya niya ang pamilya nito.
Kung saan ko nahugot ang chika? Syempre sa magaling ko lang namang jowabels. Ako namang chismosa todo hugot ng impormasyon. Malay natin di ba? Baka magamit ko 'yan pag inipit ako ng pamilya nila para layuan si Francis. Kapag nangyari 'yon tatanggapin ko ang datung at ibebenta sa kanila ang mga chika ng junakis nila.
"My gosh! Can you stop blocking the way? Guard, bakit may pulubi dito? Is this allowed?"
Natigil ako sa pag-iisip nang may magsalita sa tabi ko. Napataas ang kilay ko nang ma-sight nang beauty ko na nasa akin nakaturo ang hintuturo niyang may pagkahaba-habang kuko. Hindi makapaniwala akong natawa at napatakip ng bibig.
Ito? Itong mukhang 'to pulubi? Excuse me lang naman no? Bilyonaryo lang naman ang nagfa-facial sa mukhang itey.
"Excuse me? Are you talking about me?" Ang pag-e-english ko sa kanya. Hello? This is your international supranational miss intercontinental queen of all nations Tyga Xerxes Mondejar. Wiz tayong magpapakabog. I can english you in 69 different positions, bitch. Flexible 'tong bibig ko. Kaya kong lumunok ng 10 inches.
"Who else looks like a rug here? May iba pa ba bukod sa'yo?"
"Oo, ikaw."
Saglit na nanlaki ang mata niya bago ako tinapunan ng isang masamang tingin.
"How dare you?! Kilala mo ba kung sino ang dad ko?!"
Tinaasan ko siya ng kilay at sinuri mula ulo hanggang paa saka muling tiningnan ang mukha niya. "Oo, sugar daddy ko siya. May problema ka?"
Narinig ko ang bulong-bulungan ng mga tao sa paligid namin pero wala akong pake. Nabwi-bwisit ako sa bruhang 'to sa hindi malamang dahilan. Ang dali-dali lang namang bigkasin ng excuse me pero kinailangan pa talaga niyang insultuhin ang ganda ko.
"Liar! I don't believe you!"
"Edi don't! May topak ka ba, girl? Jusko, 'wag mo nga akong dinadamay. Anak, let's go. Naghihintay na sa taas ang chopper natin," ang anunsyo ko bago inakay papasok ang junakis kong muntik ko ng makalimutan.
"You have a chopper?!" Ang narinig kong sigaw niya sa labas habang inaawat siya ng mga guard. Napailing nalang ako.
"Papa, krung-krung siya?" Ang kuryosong tanong ng junakis ko nang makatung-tung kami sa third floor. "Like you, papa?"
Napabitaw ako mula sa pagkakahawak sa kanya at nanginginig ang kamay na napatakip sa bibig. "B-Bakit parang kasalanan ko na naman?"
Mabilis siyang yumakap sa binti ko at pabebeng ngumuso sa akin. Kung inaakala niyang madadala ako diyan sa pagpapa-cute niya, pwes nagkakamali siya. Ibahin niya ako.
"Papa, am sorry. I yon't mean it, papa. I love you, papa."
"Hindi, Majinbu. Tapusin na natin 'to. Mula ngayon kalimutan mo ng papa mo ako. Kaya mo ng tumayo sa sarili mong paa. Malaki ka na. Kaya mo ng bumili ng sarili mong gatas."
"But I'm your baby, papa. En...Uhm..I love you more than daddy."
Tumikhim ako at hinawi ang buhok ko. Mabuti naman at sa unang pagkakataon tumama ang desisyon niya.
"Ilang karton ng gatas ang bibilhin natin ngayon, anak? Piliin mo 'yong pinakamahal. Ako na ang bahala. Nakuha ko credit card ng daddy mo."
"I want five, papa!" Pinakita pa nito sa akin ang lima niyang mga daliri.
"Spell five."
"Uhmm..." Saglit na nataranta ang mukha niya sa tanong ko na nagpatawa sa akin. Para kasi siyang natatarantang siopao.
"Charot lang, beh! Lika na, buy na tayo ng gatas mo."
Bahagya kong binaba ang katawan ko at binuhat siya. Pero hindi ko na tinuloy dahil kamuntikan na akong mabalian ng buto. Nabawasan naman ang timbang niya. Nasa normal na siya ngayon pero nasa boundary pa rin ang timbang niya.
Pinaupo ko na lamang siya sa push cart na may kid's seat. Sa hindi malamang dahilan napakatamad lang naman ng junakis kong rumampa. Hindi naman kami magkadugo pero bakit kuhang-kuha niya pagiging tamad ko? Kadalasan nagpapabuhat talaga siya kay Francis o di kaya sa mga guard na kasama namin.
"Papa, hungry na ako. Can I drink milk?" Ang malambing niyang tanong saka niyakap ang bag niyang mukha ni majinbu. Binili ko pa 'to noong mag-sale sa shopee. Pinatahi ko lang ulit kay Niña para magtagal. Baka pwede pa niyang magamit pag nag grade 1 siya. Alam niyo naman ang panahon ngayon, medyo mahirap. May sampung anak pa akong ginagatas. Kailangan talagang magtipid.
"Teka, anong oras na ba?" Tiningnan ko ang relo na bigay sa akin ni Francis at napakamot ng ulo. Alas onse na pala.
Binuksan ko ang bag niya at kinuha mula doon ang dede niyang may sling. Isinuot ko 'yon sa kanya saka tinulungan siya hawakan ang magkabilang gilid ng dede niya.
Habang abala siya sa pagdede lumingon-lingon ako sa paligid. Tinulak ko ang cart papunta sa aisle 6 kung saan malimit lang ang mga taong napupunta. Dito kasi nakalagayay yong mga plastic na mga kutsara at tinidor, saka 'yong mga katol na hinihithit ni Charlotte.
Inabala ko ang sarili sa pagtingin ng mga chopsticks. Hindi ako makapili sa pagitan ng korean at chinese na chopsticks. Magkamukha lang naman sila pero kasi...
Kasi bigla kong naalala ang lahat ng nagawa nila. Nalala ko ang ginawang pag-agaw ng mga tsino sa West Philippine Sea Games at ang pagpunit ng mga Koreano sa watawat ng Pilipinas. Mabuti na lang at pinoy ako kaya 'yong plastic na kutsara at tinidor na lang 'yong pinili ko.
Naramdaman kong may tumabi sa akin kaya napaayos ako ng tayo. Sa hindi malamang dahilan lumakas ang kabog ng dibdib ko. Sinilip ko siya mula sa gilid ng aking mata at nakita ang kulay pulang bracelet sa kamay niya at ang mahahaba nitong kuko.
"Akala ko hindi ka na makakapunta? Dala mo ba 'yong hinihingi ko?" Ang tanong ko habang nakatuon pa rin ang pansin sa mga paninda dito.
Ilang segundo ang hinintay ko pero hindi siya sumagot. Anez na naman ang problema ng merlat na 'to? Akala ko crystal clear na 'yong usapan namin tungkol dito?
Inis kong nilingon si Marie at handa na sana itong tarayan nang ma-sight ko ang ibang uri ng nilalang sa harapan ko. Napatakip ako ng bibig sa gulat. Ibang-iba na ang mukha ni Marie. "A-Anez ang nangyari sa'yo, bakla? Bakit namumutok sa botox iyang pisnge mo? Botox ba 'yan o petrolium jelly? Knows kong idol mo si The Weeknd pero wiz mo kailangang gayahin ang fezlak niya."
Nangunot ang noo ng babae saglit saka nanlaki ang mga mata nang mag-sink in na sa utak niya ang chika ko. "Excuse me? Are you insulting me? For your information, I am not Marie or whatever. I am--"
"The eye of the tiger?" Ang pagputol ko sa sasabihin niya bago siya matamis na nginitian at tinawanan. "Charot lang, madam! 'Yong sa babae sa likod mo 'yong kausap ko." Ang sabi ko saka ngumuso kay Marie na taas kilayng nakamasid sa amin." Bakit naman kita iinsultuhin? Hello, ang ganda kaya ng pisnge mo. In fact, may kamukha nga po kayong artista."
Mukhang nadala naman siya sa sinabi ko dahil pabebe nitong hinawakan ang pisnge. "Really? At sino namang artista iyan?"
"Si Donatella Versace, madam."
"Familiar sa akin. Sigurado akong sikat 'yan. Anyway, I shall go. Sa susunod umayos ka at tumingin sa kinakausap mo. Nagmumukha ka kasing baliw." Aniya bago ako iniwan doon. Napairap na lang ako sa pwesto niya kanina bago sinamaan ng tingin ang gagang si Marie.
"Oh? 'Yong pinadala ko?" Inilahad ko sa kanya ang palad ko.
Mahina siyang natawa habang umiiling. "Kahit kailan baliw ka talaga. How are you, Mondejar?"
"Ito, mas lalong gumanda. Mas lumaki din ang suso ko dahil sa panganganak."
Malakas siyang natawa at saka sumandal sa shelf dito.
"Tangina nito. Hindi ka talaga nakakausap ng maayos. Ito na 'yong pinapahanap mo. This will be the last time I'm going to meet you, Mondejar. I'm sorry if I can't help you anymore. Gusto ko ng magbagong buhay. Masaya na ako sa buhay ko ngayon at ayoko ng ilagay ang sarili sa kapahamakan." Tinanggap ko ang papel na inilagay niya sa palad ko at itinago iyon sa bulsa ng suot-suot kong denim dress.
Tinapik niya ang balikat ko ng dalawang beses saka ako tinalikuran.
"Sandali lang, Marie!" Ang pagpigil ko sa kanya. Tumigil siya sa paglalakad pero hindi ako nilingon.
"N-Nasaan si Sebastian? Nagkita ba kayo?"
"Sa ngayon, huwag ka na munang umasa kay Sebastian. Kung kaya mong tapusin ang laban, Mondejar, gawin mo na habang maaga pa. Huwag mo ng hintaying may madamay pang iba. You don't want them to be your enemy, Mondejar. You know them."
-----------------------------------------------------------------
Hi guyses! Medyo matagal-tagal na rin noong huli akong makapag-update dito. Matagal na itong draft kaya sinubukan ko na lang tapusin. Actually, tapos ko na ang flow ang story. Elaborating it and writing it on chapters nalang ang kulang. I'm excited to write the rest pero masyado lang po talagang busy at medyo may pinagdadaanan lang po. Maraming salamat po sa paghihintay! Labyu ol! Mwuah mwuh! Ciao!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top