43
Tyga Xerxes Mondejar
"Bossing, sa tingin mo sinetch 'yong mga suspect of the day natin?" Ang tanong ko kay bossing aka rich dahdie aka chanak ng demonyo Francis Juariz malaki tite habang kumakain kami ng tanghalian.
Apat na araw na akong nandito sa hospitality management kasama siya. Umuuwi lang kami sa baluret namin para magpadede sa junakis ko. Sumasakit kasi ang suso ko kapag hindi ko siya napapadede, minsan tinutulungan naman ako ni Francis. Siya na 'yong dumedede para kay Frank. Charot!
"Nahuli na namin 'yong kay Ian. They were from the rivaling hospital who lost against Ian over the government fund for some project related to cancer treatments. Sa kaso ni kuya kami nahihirapan. He killed both the hostage takers so we're having a hard time tracing them up. Hopefully we'll be able to find out soon at ng hindi na ako pinepeste nilang lahat. I don't understand how they're able to boss me around like I'm a fucking kid." Ang reklamo niya saka inis na kumagat sa manok na hawak-hawak niya.
Tumigil ako sa pagkain para pagmasdan siya. Pinausli ko ang ibabang bahagi ng aking lipsung at naluluhang tinitigan ang chopopong face mask ng jowabels ko.
Mukhang naramdaman niya yata ang ginawa kong pag-sight seeing sa mukha niya dahil tumigil siya sa pagtitig sa pagkain para tingnan ang mas masarap pa sa pagkain. At oo, tama kayo, ako 'yon. Wala ng iba pa. Ang aangal papakainin ko nitong plato. Charot!
Pinaikutan niya ako ng mata at saka mabilis na pinitik ang noo ko.
Malakas akong napadaing at saka siya binato ng isang masamang tingin. "Aray! Gago ka ah! Ano? Sapakan na lang? Ano ha? Ha? Lalaban ka? Lalaban ka?" Inayos ko ang manggas ng suot-suot kong uniporme at umaktong sumusuntok-suntok sa hangin.
Nagpakawala siya ng isang malakas na buntong hininga at umiling-iling. "Babe, kunti na lang ipapasok na kita sa mental."
Akala ko isusubo niya sa sarili iyong pagkaing nasa kutsara niya pero nagulat ako ng itapat niya ito sa bibig ko. "Open your mouth. My lunch break is almost over. I have to fetch Denisse and my nephews after this."
Sinamaan ko siya ng tingin bago isinubo ang kutsara. Pagkatapos kong malunok ang pagkain, may biglang pumasok sa isipan ko. "Feel mo magdi-divorce talaga sila?" Ang pangu-usyoso ko.
Bakit ba? Gusto ko lang naman malaman ang tungkol sa future family ko. Data gathering ang tawag dito. Mamaya magpre-present ako ng powerpoint. Charot!
Mahina niyang kinurot ang ilong ko. "Ang chismoso mo talaga. Stop talking about other people's lives. Pwede naman nating pag-usapan ang tungkol sa atin." Aniya saka tinaas baba ang kilay niya.
Umasim ang mukha ko sa narinig. Anong kababalaghan ang ini-echos nitong okinawang 'to? Bakit kailangan tungkol sa amin ang pag-usapan? Like, hello? Nakakapagod din kayang maging center of attention. I need a break. May red carpet pa akong dadaluhan bukas kasama si Johny Deaf.
"Anong tungkol sa 'tin? Gusto mo rin bang pag-usapan natin ang tungkol sa divorce natin ha?!" Ang mataray kong tanong sa kanya saka siya pinanlakihan ng mata.
Nakita kong saglit siyang nataranta sa tanong ko at mabilis na umiling. "Babe, naman."
Itinaas ko ang aking palad sa kanyang mukha at muling isinubo ang kutsarang hawak-hawak niya na may laman na namang pagkain.
"Charot lang 'yon. Hindi pa tayo kasal. 'Wag kang assuming."
Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Kunot-noo kong tinitigan ang jowabels kong wiz mapakali sa seat belt niya.
"Babe, kasi—"
Hindi niya naituloy ang chika dahil biglang may kumatok sa pintuan.
"Francis, stop fucking like rabbits inside and go fetch Denisse and the kids. Jonas is getting pissed."
"Fuck off, asshole!" Ang naiinis na ganti ng jowabels ko. Tama 'yan, Francis. Lumaban ka. 'Wag kang magpapaapi sa julalay ni Queen Austine. Ikaw ang manok ko.
"Only if you stop fucking some hole, dumbass!"
"I'm not like you, shitface!" Pulang-pula na ang mukha ng jowabels ko at mukhang handa ng itapon itong babasaging pitsel sa pintuan.
Bilang isang nakakagandang mamamayan ng Pilipinas at nag-iisang nakaka-deep throat in 10 seconds kay Francis, tinulungan ko na siyang itaboy ang masaming espiritu.
"BAYAW, WIZ KAMING NAGKANGKANGAN TODAY. NAGSUSUBUAN LANG KAMI KANINA NG PAGKAIN HINDI TITE. IKALMA PO ANG ITLOG NIYO HINDI BET NI QUEEN MOTHER ANG SCRAMBLED EGG. HARD BOILED EGG PO ANG BET NIYA. HINDI PA MADADAGDAGAN ANG LAHI NINYO. NAG-FAMILY PLANNING KAMI. PAIYAK NA KASI ITONG BEBE LOVES KO KAYA MAMAYA NA LANG DAW ULIT."
Narinig ko ang pagtawa niya kasunod ng chika ko. "Alright. Eat well, Tyga."
Hinarap ko si bossing at ngumite ng matamis. "Oh ayan! 'Wag ka ng mag-crayola keme. Pinalayas ko na ang masamang kaluluwa."
Malakas siyang natawa at ginulo ang buhok ko. "I love you."
"Hm. Chismis!"
"'Ga!"
"Charot! Sige na, love you too."
"Ba't parang napipilitan ka?" Ang angal niya na ikinasimangot ko.
"Jusko ang choosy mo naman! Ano ba gusto mo? 'Yong may paungol ganerns?"
"Pwede ba?" Ang nakangisi niyang tanong.
Hinampas ko siya ng kutsara. Ang landi-landi! Jusko ha. "Pokpok ka talagang okinawang ka. Sige, mamaya."
Muli nanaman siyang natawa bago tumayo. "Let's get this over now so I can make love to you already." Aniya at kinindatan ako.
Nandidiri ko siyang tiningnan at umiling. "Lumayas ka na nga sa harapan ko at ng makakain ako ang maayos."
Natatawang kinurot lang niya ako pisnge ko at mabilisang hinalikan bago tuluyang rumampa palabas nitong kwartong inuukupa namin. Kaloka itong hospital nila mala-hotel ang datingan. Wiz ko ng tiningnan ang presyo hindi kaya ng bulsa ko ang 100,000 per night nitong presedential suite.
Pagkatapos kong kumain lumabas muna ako saglit dahil hindi ako natunawan ng kinain. Bet kong rumampa sa rooftop nitong hospital at ng maipakita ko naman sa buong bansa ang ganda ko.
Nang makalabas ako sa rooftop agad din akong napatigil nang mapansing hindi lang pala ako ang tao dito.
"Anong ibig mong sabihing hindi niyo pa rin nabubuksan ang arsenal ng mga Toscana? I did not pay you millions for this shit, Vidal! Malapit na ang susunod na eleksyon and if we can't open that damn thing then you better prepare your grave. Vidal. We can't manipulate the government if we don't have that. And failing to manipulate the government means every life of your family, Vidal."
Nanlaki ang mata ko nang marinig ang pinag-uusapan nila. Hindi makagalaw ang paa ko.
"Sir, ang mahanap ang may hawak sa susi at may alam sa password ng arsenal lamang ang makakabukas n'on."
"And how do we find that rat when we don't even have a single clue about them? Naririnig mo ba 'yang pinagsasasabi mo, Vidal?"
"We have a clue."
Nanghihina akong napahawak sa knob ng pintuan.
"He was part of the organization. Isa sa miyembro ng grupo ni Lilo. May limang tao lang sa grupo ni Lilo. Si Janille, si Lilo, si Marie, si Jom at si Tyga. Si Janille ay namatay matapos sumubok tumakas sa organisasyon. Si Lilo at Marie ay namatay sa huli nilang misyon. Si Jom at Tyga na lamang ang naiwan ngunit pareho silang itinapon sa iba't-ibang grupo sa loob ng organisasyon."
"Tyga? May nagngangalang Tyga sa grupo ni Lilo?"
"Gan'on na nga po. Unfortunately, walang nakakaalam sa mukha niya. Merong isa pero napatay ni Hozel."
"Bobo!"
"Hanapin niyo ang dalawang 'yan at dalhin niya sa akin. May alam ba tungkol dito ang ibang heneral?"
"Yes, sir."
"Wag niyo silang hayaang maunahan tayo."
Mabilis akong tumalikod at bumalik sa pinanggalingan ko kanina. Bakit kung kailan masaya na ulit ako saka naman sila dadating ulit sa buhay ko. Bakit ba kailangan kong masangkot sa gulong ito?
Nagmamadali akong tumakbo paalis sa lugar na 'yon at pumasok sa loob ng banyo para pakalmahin muna ang sarili ko. Pumasok ako sa loob ng isang cubicle at naupo doon. Nanginginig ang mga kamay ko nang pinagsiklop ko ito. Mariin akong pumikit at pinakiramdaman ang pagkabog ng puso ko.
Mamamatay na ba ako?
'Yan ang unang pumasok sa isipan ko nang nagpakawala ako ng isang malakas na buntong hininga.
Kahit pala tumakbo ako, babalik at babalik pa din pala ako sa hukay na ginawa ng ama ko. Kahit anong gawin kong pagtakas, susundan pa rin ako ng nakaraan ko. Habang buhay ng nakatali ang mga paa ko sa organisasyong 'yon.
Siguro nga hindi para sakin ang normal na buhay. Alam kong hindi magtatagal malalaman din nila kung sino ako at kung gaano ka-importante ang mga bagay na alam ko. At kapag nalaman nila ang tungkol sa akin, siguradong hindi nila ako iiwang buhay.
Ayokong madamay ang anak ko, ang mga kaibigan ko, at...at lalo na si Francis. Ayaw ko ng dagdagan ang problema niya. Pasan-pasan na nga niya ibang problema ng mga kapatid niy dadagdag pa ako na buong bansa itong dala-dala ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili kung madadamay sila.
Hinayaan kong lumandas ang mga luha sa pisnge ko at impit na umiyak sa loob ng cubicle.
Mama, ang malas naman ng junakis niyo. Maganda nga, hindi naman ma-irampa ang beauty. Mama, sa next life kahit na pangit ako keri lang basta normal lang ako. Gusto kong pumasok sa school, mag-elementary, mag-high school, mag-college. Gusto ko rin gumala sa labas kasama ng mga kaibigan ko saka kami magchi-chismis tungkol sa kaklase naming nabuntis ng taga-kabilang section.
Mama, kahit na wala na si papa. Kahit na hindi ako mahal ni papa okay lang basta maranasan ko lang pano maging normal.
Pagkatapos kong mag-drama sa loob ng cubicle pinatahan ko muna ang sarili saka lumabas. Mabilis akong naghilamos at saka humarap sa salamin.
"Smile, bakla. 'Wag kang magpapahalata. Ganda lang. Itodo ang actingan. Ipakita mo ang gandang pang-FAMAS award." Ang bulong ko sa sarili habang nakatingin sa harap ng salamin at pilit na ngumingite.
Nag-twerk muna ako saglit para pagaanin ang sarili bago lumabas ng tuluyan sa banyo. Nang makabalik ako sa kwarto ng kuya ni Francis nakasarado na ito.
Tumayo ako malapit sa pintuan kasama ng iba pang guard saka humikab. Agad akong napatigil nang may makitang paparating na doctor at nurse. Base sa bilis ng paglalakad bila mukhang may nangyaring chismis sa loob ng kwarto.
Pinatay na ba ni Denisse si Jonas? Support! Charot. Bad pala 'yon. Kasalanan talaga 'to lahat ni Francis. Hindi naman ganito pag-iisip ko dati.
Lumabas ng kwarto ang jowabels ko at naglakad palapit sa akin. Muli na namang bumalik ang tagpo kanina sa rooftop pero agad ko din iyong iwinaksi sa utak ko. Hindi ito oras para isipin 'yon. Masyadong mapagmasid ang chanak na 'to. Masyadong obsess sa ganda ko kaya palaging sapul ang hula kapag may problema ako.
"Anez na naman?" Ang mataray kong tanong sa kanya nang makalapit siya sa akin.
"Where have you been?" Ang tanong niya pabalik saka ako niyakap sa bewang.
"I've been to London to see the queen."
"Gago. Baliw ka talaga." Ang inis niyang sabi habang nakayakap pa rin. Ba't ang clingy ng hayop na 'to?
"Wala kang choice baliw jinowa mo."
"You're crazy but I love it." Ang nakangite niyang sagot habang nakayuko sa akin. Napapikit ako ng mabilis niyang hinagkan ang ilong ko.
Ilang saglit pa kaming naglandian bago siya muling pumasok sa loob. Hindi nagtagal lumabas na naman siya ulit.
"Patrick, pakihatid ang mga bisita namin pabalik sa kwarto nila." Ang utos niya sa bodyguard katabi ko.
"Ay wiz! Pwedeng ako na lang, beh?" Ang pakiusap ko sa jowabels ko na may matamis na ngite.
Saglit siyang tumigil at tinitigan ang mukha ko. May pagdu-duda sa mga mata niya habang nakatitig sa ganda ko.
"Why?"
Napakunot ang noo ko. "Anong why? Syempre makikipag meet and greet ako sa mga brother-in-law ko."
Hindi kaagad siya nakapagsalita hanggang sa narinig ko na siyang napabuntong hininga. "Fine."
Muli siyang pumasok sa loob. Akala ko didiretso siya sa loob pero tumigil siya at nilingon ang direksyon ko. "Be good, okay?"
Ngumise ako sa kanya at nag-thumbs up. "Okay!"
"Alright, come on."
Pagkapasok ko pa lang ramdam ko na agad ang nabuong tensyon sa loob kwarto.
"Carry my son to his room. Siguraduhin mong maingat ang pagkakakarga sa kanya," ang utos ng kuya ni Francis sa akin. Kahit napakasama ng ugali nito bet na bet pa rin ng pechay ko ang taglay niyang kagwapuhan.
"Yes po, sir."
Maingat kong kinarga ang junakis niya sa bisig ko. Jusko, mukhang manika ang kyota. Hindi naman nakakapagtaka dahil sa gandang lalaki ng mga pudrabels nila hindi imposible ang ganitong facial mask.
Nagkaroon pa sila ng ilang dramahan moments bago kami tuluyanh rumampa palabas ng kwarto. Bet ko sanang ichismis kay Francis ang dramahan moment nila kanina pero na-realize kong kasama ko pala siya dito sa kwarto.
Syempre, bilang nakakaangat ng ganda sa aming apat ako ang nauna sa pagrampa papasok sa elevator. Nakasunod lang si mareng Denisse sa aking likuran at ang isa niyang junakis.
"Mama, let's just live with dad. Ayoko pong mapunta sa kanya." Ang narinig kong chika ng junakis niya sa aming likuran.
"Dada, kahit love ko po si Daddy ayoko pong mag stay sa kanya kung wala kayo."
"You're not going to live with your, dad. Gagawin ko ang lahat manatili lang tayong tatlo na magkakasama."
Ganyan nga, beh. Tapos pupunta ka ng New York pagkatapos ng divorce niyo dahil magiging CEO ka ng kompanya ng daddy mo.
"Mama, I know dad's family is very powerful. Dad alone is very powerful po. I searched them on google at nagbasa ng ilang articles about them. Mama, your family is powerful too pero matatalo pa rin niya tayo."
Ay may point ka, beh. Matalinong bata. Maganda ang pagkakagawa. Ano kaya position nila? Ilang putok?
"Kuya guard, friend na ba tayo?" Medyo na-shookot ang ganda ko nang magtanong ang kyotabels na karga-karga ko.
"Kayo po ang bahala, sir."
"Okay! Friends na po tayo ah at dahil friends na po tayo may request po ako. Is that okay?"
"Okay lang po. Basta ay hindi makakalabag sa patakaran ng aming kompanya at hindi ikakapahamak ng binabantayan namin. Ano po ba 'yon?" Ang charot-charot ko.
"Easy lang naman 'to kuya guard eh. Sana 'wag niyo pong sabihin sa iba na daddy namin si Gov. Baka magalit po siya eh."
Ay beh, hindi ko papangaraping makabangga ang demonyo niyong tatay. Ititikom ko ang bibig ko hanggang kamatayan.
"Sige po, sir. Makakaasa kayo sa akin." Sagot ko sa kanila nang marating namin ang harap ng kwarto "Mauuna na ho ako."
"Bye, kuya guard! Anong name mo po? I'm Janisse and this is Jaiden." Tanong ni kyut na kyota at malapad na ngumite sa akin. Tinuro niya pa ang sarili at pagkatapos ang isang pang batang lalaki na medyo hawig ng mukha niya.
Sumilay ang isang mapaglarong ngite sa mga labi ko nang may pumasok na kalokohan sa utak ko.
"I'm Tyga Xerxes Juariz. It's nice meeting the three of you."
----------------------------------------------------------------
GUYS! I MISS YOU HUHU. SANA NAMISS KO DIN KAYO. NAMISS KO DIN SI TYGA. NAMISS KO LAHAT DITO. NAKAKAPAGOD MAG-ARAL AYAW KO NA MAG-ARAL HUHU.AYON LANG I MISS YOU ALL! I LOVE YOU GUYS!! THANK YOU NG MARAMI PALAGI. INGAT KAYO PALAGI DIYAN KUNG ASAN MAN KAYO NILAGAY NI LORD HAHAHAHAHAHAH.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top