42
Tyga Xerxes Mondejar
"'Yong asaw——" Teka bakit napaka-pamilyar ng boses na 'yon. Mabilis kong nilingon ang nilalang sa likuran at malakas na napasigaw nang ma-sigh ko kung sino ito. "AHHHHHHHHHHH!!!"
Napangiwe ang ghost buster sa aming harapan habang tinatakpan ang tenga niya. Nanginginig ang kamay ko habang inaabot ang braso ng baklang Charlotte na naparalisa sa tabi ko.
Sinasabi ko na nga ba! Kasalanan 'to ni Ed Caluag. Kung knows lang ng ganda ko na pwede na palang ma-screen share ang third eye edi sana wit nalang nag-sight seeing ang lola niyo sa youtube keme.
Bilang nakaka-ganda sa aming dalawa ng baklang Charlotte, inako ko na ang responsibilidad bilang exorcist.
"Langga, maawa ka. Huwag mo kaming sasaktan ng aso ko. Knows kong madami tayong hindi pagkakaunawaan pero tinodo ko naman ang pagkabayo sa'yo n'ong gumawa tayo ng scandal. Alam kong may sama ka ng loob kasi palaging sumasayad 'yong ngipin ko sa ulo ng nota mo pero sinubukan ko namang paungulin ka. Masyado lang talagang malaki iyang tite mo kumpara sa bunganga ko."
"What?" Gusto kong pumalahaw ng iyak. Kahit kaluluwa na lang siya kuhang-kuha pa rin niyo 'yong ugali niya noong tao pa siya.
Impit akong napahikbi at napatakip ng bibig.
"Mason Flynn, what the fuck is happening to you? Why are you—" Sinubukan niya akong hawakan pero umiwas ako.
"Mahal kita pero ayaw ko sa multo! Maawa ka tigilan mo na ako! Hindi ako maghahanap ng ibang nota. Pangako 'yan, Francis. Mabubuhay akong dildo lang ang kasama ko mula umaga hanggang gabi. Hindi ako maghahanap ng iba tigilan mo lang ako!" Tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko. Malakas akong ngumawa.
Mami-miss ko ang nota niya. Kung alam ko lang na huli na pala 'yon sana nagpalaspag na lang ako.
"Bakla, 'wag ka ng mag-crayola colors. Naiiyak din ako. Okay lang 'yan, tutulungan kitang maghanap ng tamang d—"
"Ayaw ko ng dildo! Gusto ko ng nota! Ba't ka kasi nagpabaril!? Ba't kailangan mo pang mamatay!?" Ang iyak ko.
"Tangina, walang namatay, 'ga! Stop crying. I don't like seeing you cry."
Mas lalong lumakas ang iyak ko. "Bakit kasi pangit ako? Gan'on ba? Ha?!"
"What? No, of course not." Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak na ngayon sa palapulsuha ko.
Tiningnan ko ang mukha niya. Nakatingin din pala siya sa akin. Hinila niya ako papalapit sa kanya at niyakap. "Shh. Stop crying. Labas muna tayo. Kanina pa tayo dito sa elevator."
Nakayakap lang ako sa kanya hanggang sa makalabas kami ng elevator. Pinaupo niya kaagad ako sa sofa na nandito sa parang lobby.
"Chuckie, get us some water. He's not calming down." Ang narinig kong utos ni Francis kay Charlotte.
"Pero, sir, wala akong pera."
"You're not going to pay anything."
"Pero, sir, baka malugi kayo."
"Lalayas ka sa harapan ko o itatapon ko sa'yo 'tong sofa?"
"Sabi ko nga aalis na ako."
Matapos makaalis ng gagang si Charlotte naupo sa lamesa sa harapan ko si Francis at iniangat ang baba ko. Pinagmamasdan ko lang siya habang pinupunasan niya ang pisnge ko.
"Sinong may sabi sayong namatay ako?"
"Bakit?"
"Ipaliligpit ko. Ayaw kong may nagpapaiyak ng bebe ko."
Sinubukan niyang abutin ang pisnge ko para kurutin pero mabilis akong umiwas. Napaurong ang ulo ko at nandidiring napatingin sa mukha ng jowabels ko. Mas mabuti pa sigurong nabaril na lang siya kesa araw-araw siyang ganito. Nakakakilabot.
Malakas siyang tumikhim at nagseryoso.
"Si Jonas lang ang nabaril. Si I—"
"Deserve!" Ang pagsang-ayon ko. Tinaasan niya ako ng kilay. "Charot!"
"Si Ian naman in-ambush. We're still looking for him," ang buntong hininga niya.
"Okay ka lang?" Ang nag-aalala kong tanong sa kanya. Knows ko rin naman kung paano ilugar ang pagiging pabibo ko no. Bukod sa maganda na nga ako, marunong din akong rumespeto sa ibang tao. 'Di katulad ng iba diyan, di marunong magbayad ng kulang. Hindi daw bet ang food package pero nawala 'yong chicken cordon. Charot!
Isang maliit na ngite ang ibinigay niya sa akin. Inabot niya ang ulo ko at ginulo ang buhok ko. Napakunot ang noo ko ng magsibabaan ang snow. Bakit may snow sa hospital? Chos! Hindi pala siya snow. Balakubak ko pala 'yon.
"Daming sumiksik na balakubak sa kuko ko. Ligo-ligo din minsan, 'ga."
Isang masamang tingin ang ibinigay ko sa kanya. Malakas ko ring hinampas ang braso niya. Bwiset na'to. Ganda-ganda na ng mood 'tas ilalabas na naman niya pagiging demonyo niya.
"Demonyo ka talagang bwiset ka! Mamatay ka na! Mangulubot sana 'yang tite mong hindi tuli!" Ang inis kong sabi sa kanya pero malakas lang na tumawa ang gago.
"I'm sorry," ang nakangite niyang sabi bago ako hinila papalapit sa kanya at niyakap. Ramdam ko ang marahan niyang paghaplos sa buhok ko at pagdampi ng labi niya sa ulo ko.
"Thank you for coming. At least ngayon alam ko ng hindi lang katawan ko ang habol mo."
"Ay wiz! Last will and testament mo talaga 'yong tinakbo ko dito," ang pag-alma ko. Hello? May mga parcel pa akong paparating, hindi siya pwedeng mamatay ng gan'on-ganun na lang. Charot.
"Nakakagigil ka talaga." Malakas akong napatili ng kurutin niya ang magkabilang pisnge. Napapikit ako ng pugpugin niya ng halik ang mukha ko habang hila-hila ang mga pisnge ko. Patuloy ko naming hinahampas ang mga braso niya. Gago 'to ah! Gusto yata niyang punitin ang mukha ko.
"Ehem!" "Ahem!"
Malakas ko siyang naitulak nang may marinig kaming sabay na tumikhim sa gilid namin. Nanlaki ang mga mata ko nang ma-sight kung sinong mga nilalang ang nakatayo sa harapan namin. Wala ng iba kung 'di si queen mother of unicorns, Austine Villaluz-Juariz at ang alagad nito na si Nathaniel Juariz.
"Kaya pala minsan ka na lang umuwi. May iba ka pa lang pinagkakaabalahan." Ang nakangising komento ng jusawa ni queen mother Austine.
Wiz maka-talak ng bunganga ko habang pinagmamasdan silang dalawa na rumarampa papunta sa amin. Masyado akong namamangha sa kagandahang taglay ni queen mother of unicorns. Ang ganda ng fezticles ni mama. Jusko! Kabog na kabog ang beauty ng lola niyo. Pero keri lang. I admit defeat. Nasa kanyang tunay ang korona.
"Why the fuck are you here? Hindi ba't kasama ka nila mama?" Ang supladong tanong ng jowabels ko. Apaka walang modo talaga kahit kalian sarap hampasin ng test tube.
"Sinundo ko lang asawa ko sa baba. You should have told me you're busy so we could have avoided this place."
"Ha! As if you would. Mas lalo ka lang mangingialam. Lumayas na nga kayo," ang pagtataboy niya sa dalawa. Pero sa halip na makinig kay Francis mas lalo lang lumapit ang dalawa sa akin.
Inilahad ng kapatid niya ang kamay sa akin at nagsalita, "Hi, I'm Nathan. Kapatid ako ng gagong 'to. And you are?"
Saglit akong napatitig sa kamay niya saka kay Francis. Nakahalukipkip lang ang huli habang pinagmamasdan kami. Mukhang wala naman siyang problema kung magpapakilala ako. Hindi ko alam kung gusto pa rin niyang itago ang relasyon naming dalawa o ano. Sa huli, tinanggap ko nalang ang kamay ni Nathan at nakipagkamay.
"Tyga Mondejar." Hindi nakaligtas sa akin ang mapanuri niyang mata at ang pag-angat ng gilid ng kanyang labi.
"Nice name. This is my husband, Austine."
Mabilis pa sa alas kwatro akong napatayo mula sa aking kinatatayuan at maagap na tinanggap ang maliit na kamay ni queen mother unicorn. Ang lambot ng kamay, mga bakla! Kabog na kabog ang fezlak ko.
"Tyga po. Marami na po akong nabasa tungkol sa inyo, que—sir. Nabasa ko po 'yong interview niyo sa Bahaghari Magazine. Bet na bet ko po 'yong mga denisinyo ninyong mga brie—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil na-sight ko ang pagtakip ng bibig ni queen mother.
Shuta! Wiz nga pala akong nakapag-toothbrush kanina. Naamoy niya ba ang tamod sa bunganga ko? Pero hindi naman ako kumain ng talong kagabi. Humawak lang ako saglit para pangtaboy sa masasamang espirito.
"Truth ba 'yan, sis?" Ang naiiyak niyang tanong.
Tumingin ako kay Francis para itanong kung anez ang nangyayari. Hindi ko 'to nabasa sa script ni direk kanina. Hindi ko knows kung anong ibabatong linya. Biglang naubos ang isang bag kong script.
Isang kibit balikat lang ang ibinigay sa akin ng walang puso kong kasintahan. Sino nga ba naman ako para tulungan niya sa mga sitwasyong ganito? Sorry ganito lang ako. Walang silbing bakla. Hindi marunong lumunok. Hindi marunong mag-deepthroat. Puro ungol lang ang alam. Sana hindi na lang ako pinanganak para lumamang naman ang ganda ng iba diyan. Charot! Sadgurl ka beh?!
"Opo." Ang pabebe kong sagot kahit gusto kong sumigaw ng,'Fact check! Korek! Corazon Aquino! Tumpak ka diyan, sister!'
Pero syempre ayaw ko namang makaladkad ng security guard patungo sa mental kaya inayos ko muna ang pananalita ko.
"Bet na bet! Welcome to the family, Tyga! Ako na ang bahalang mag-customized sa brief mo sa honeymoon ninyo ni Francis."
Naiiyak akong napatakip ng bibig ko. "Trueness ba 'yan, queen mother of unicorns?" Huli na ng ma-realize kong tuluyan na palang lumabas ang tunay kong kulay.
Siya rin ay muling napatakip ng bibig at naiiyak akong tiningnan. "Baby unicorn!"
"Queen mother!" Ang ngawa ko saka tuluyang napayakap sa kanya. Mas lalong nalusaw ang puso ko nang yakapin niya ako pabalik.
"Matagal na kitang hinahanap, anak. Dito lang pala kita makikita. Kung alam ko lang sana pina-ospital ko na si Nathan."
Ito ba 'yong sinasabi nilang lukso ng kabaklaan? Ramdam na ramdam ko kaagad 'yong koneksyon naming dalawa. Mas fast pa ang connection namin ni queen mother kesa sa Globe, Pldt, Sky Fiber, at Converge.
"Masaya po akong makita kayo, queen mother. Bet na bet ko po 'yong brief na binebenta niyo pero mas bet ko po 'yong model sa summer coll—"
"Ehem!"
"Tama na 'yan, 'ga. Sinusumpong ka na naman. Nate, ilayo mom una 'yang si Austine kung ayaw mong magkagulo."
Mas lalong humigpit ang pagkakayakap ko kay queen mother. Anong Karapatan ng lalaking 'to para ilayo ako sa nag-iisang makakatapat sa kagandahan ko?! Napakawalang puso.
"Nathan, hindi mo pwedeng gawin 'to sakin!" Ang pag-alma ni queen mother na humigpit rin ang pagkakayakap sa akin.
"Babe, maniningil muna tayo ng utang ni Jonas. You can talk to him again later. I'm sure Neil will bring him again to meet you. Right?" Ang tanong niya sa jowabels ko na nakatayo na ngayon sa aking tabi. Napansin ko ang pagluwag ng pagkakayakap ni queen mother matapos marinig ang salitang maniningil.
Kahit mukha siyang pera maganda pa rin siya.
"Yup. 'Ga, let's go find Charlotte first and we'll go back here."
"Pero—"
Aalma pa sana ako pero isang seryosong tingin lamang ang ibinato niya sa akin at agad na tumikom ang bunganga ko.
"I don't like seeing you wear another man's clothes. Magpalit ka muna ng damit."
Kahit labag man sa aking loob ang pagbitaw sa tinitingala kong nilalang sa balat ng saging, kailangan kong gawin sa ngalan ng nota ng bebe ko. Alam kong maiintindihan ni queen mother Austine ang ginawa kong pagbitaw. Hanggang sa muli. Paalam.
"Hinding-hindi kita makakalimutan, baby unicorn."
"Ako rin po, queen mother. Sa muli nating pagkikita sa planet Mars."
"Paalam, baby unicorn."
"Babushka eklavu kemerloo, motherbels!" Ang madrama kong pagpapaalam saka yumakap kay Francis. Ayaw niya akong payakapin kay queen mother edi sa kanya yayakap.
"Babe, you'll see each other again later. Stop acting like this will be the last time." Ang narinig kong chika ng julalay ni queen mother sa kanya habang papalayo sila.
Nang mawala silang dalawa dinala naman ako ni Francis pababa. Pumasok kami sa loob ng isang kwarto na maraming nakapang-security uniform at camera.
"Sir," ang pagbati ng isang security kay Francis. Mukhang mataas yata ang posisyon nito kesa sa iba dahil iba ang kulay ng uniform niya.
"Where's your changing room? Do you have extra uniforms that will fit him?" Ang dire-diretsong tanong ni Francis sa kanya.
"Yes, sir, doon po sa may puting pintuan nakalagay ang mga uniform."
"Thanks."
Akala ko magke-kemerot pa kami sa loob ng storage room pero pinalitan niya lang ako ng damit at pantalon. "Let's do it another time, okay? Masyado silang marami sa labas. Maririnig nila tayo."
Humalukipkip ako't umirap sa kanya. "Sino namang nag-chika sa'yo na bet kong makipag-kangkangan. Hello? May class ako 'no. Hindi chipipay itong bunganga't pechay ko para lang kangkangin mo kung saan-saan." Jusko ha! Ako? Magpapa-kangkang sa storage room? My ghad! Bet na bet pero hindi aaminin. Bahala na kung amagin ang lagusan papuntang heaven.
Nagkibit-balikat siya at kinurot ang pisnge ko. "Okay, if you say so."
Goodbye, happy days.
Thank you po for your continuous support. I will be now opening another chapter of my life, with much heavier responsibilities than before. This August 5, our class will officially start. I am now officially a freshman nursing student at a university here in Cebu. As much as I want to write and write, mas prayoridad ko na po ngayon ang pag-aaral ko. I'm sorry if the updates will be slow starting today but I assure each one of you na tatapusin ko po lahat ng sinimulan ko. I'll try my best to manage my time properly pero gan'on nan ga po, study first talaga. Thank you for your patience and understanding.
LABYU OL! MWUAH MWUAH! CIAO! <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top