4

Tyga Xerxes Mondejar

Kasalukuyan akong nagbubungkal ng damo sa harap ng valur ni bossing nang mahagip ng paningin ko ang merlat na rumarampa papasok sa gate. Sinubukan pa siyang pigilan ni kuyang guard pero tinampal niya lang ang kamay nito.

Napataas ang kilay ko nang makita ang suot ni mare. Suot-suot niya lang naman ang isang itim na bodycon dress na pinarisan niya ng isang itim na high-heeled shoe. Nakasuot pa siya ng sunglasses kahit umaambon naman.

Pak! awra na awra si madam.

"Where's your amo?" Ang kaagad niyang tanong sa aketchi nang tumigil siya sa aking harapan.  Amoy na amoy ko tuloy ang akapa tapang niyang pabango. Ang baho! Ang baho-baho talaga! Pang 10k ang amoy nakaka-allergy. Di keri ng sensitive kong nose.

Napakurap ako. Walang modo si mare! Bagay na bagay nga siya kay bossing. Perfect match ang ugali nilang inspired kay Satanas.

"Po, sino po?" Ang tanong ko pabalik kahit obvious naman kong sinetch ang tinutukoy niya.

Like hello? May iba pa ba kaming amo dito bukod kay bossing na walang ibang ginawa kung 'di ang gumising at laitin ang ganda ko?

"Are you dumb?! May iba ka bang amo dito?! It's Francis, you stupid peasant! Tawagin mo! FASTER!" Napapikit ako't napaurong sa tinis ng boses niya. Aba....kabog! May panlaban na tayo kay Mariah Carey sa patinisan ng boses.

"Ay, yes, ma'am! Hehe! Sige po!" Tumalikod na ako sa babaeng 'yon at tinakbo si bossing sa loob ng valur niya. Hindi ko na pinansin ang mga madudumi kong apak dahil sa pagmamadali.

Pagtigil ko sa harap ng kwarto niya, buong lakas ko itong kinatok ng paulit-ulit pero wala talagang sumasagot. "BOSS! BOSS! EMERGENCY! EMERGENCY! EEEEMEERRGEEEENNNC——"

"WHAT?!" Nabitin ang sinasabi ko nang bumukas ang pintuan at iniluwa mula doon si bossing na magkasalubong ang kilay at halatang iritado at galit na galit.

Pero kever! Hindi dapat tayo matakot. Pirmado na ang kontrata, mga betla! Secured na ang korona.

"B-Boss..si...si..." Muli kong inalala ang mukha ng babae. Sa dami ba namang babae ni boss medyo mahirap ring alalahanin iyon.

"Sino?!" Napaigtad ako sa kinatatayuan ko dahil sa pagsigaw niya. Gago to! Kung makasigaw akala mo naman nasa ibang bundok ako nakatayo. Paano nalang kapag nasira itong eardrums ko? Edi wit na ako makakarinig ng ungol. Huhu.

"Kalma lang. Easy. Si mayor Louisa Villegas-Ignacio lang 'yong nasa baba, boss."  Ang sabi ko sa kanya.

Mas lalo lang yata siyang nagalit sa sinabi ko. Mas lalo kasing nagkasalubong ang mga kilay niya at iyong mga tingin niya, akala mo babalatan ako ng buhay.

"Why did you let her in?! I made my instructions very clear awhile ago. Walang papapasukin kahit sino! Bobo ka ba o tanga lang?!" Ang bulyaw niya sa mukha ko. Napapunas pa ako sa mukha ko ng wala sa oras dahil tumalsik 'yong laway. Ew! Kadiri ah.

"None of the above, sir. Cute lang ako. Go go gaga!" Inilagay ko sa aking pisnge ang aking mga hintuturo at nag-beautiful eyes sa kanyang harapan.

Mas lalong nasira ang kanyang mukha sa ginawa ko. Marahan siyang napailing habang nandidiring nakatingin sa akin. Ge lang. Mandiri ka lang. Tanggap ko namang wala kang taste.

"Puta. Nakakasira ng araw." Ang iritado niyang saad bago ako niya ako binanggaan palabas. Mahina akong napadaing sa ginawa niya. Ah shet! Nadislocate yata yong buto ko sa lakas ng pagkakabangga niya. Maya ka sa akin.

Mabilis akong sumunod pababa at nakita silang dalawa na nag-uusap sa kama. Tahimik akong naglakad papunta sa likura ng sofa malapit sa kinatatayuan ni bossing. Hindi niya ako makikita dito dahil nakatalikod siya sa akin.

"What are you doing here, Louisa?" Ang tanong ni bossing matapos magpakawala ng isang buntong hininga.

"And why can't I, Francis? Dito mo ba tinatago ang mga babae mo? Ha!? Nasaan siya?! Nasaan ang babae mo?! Ilabas mo siya! Ilabas mo!"

Ay char! Pang-legal wife ang aktingan ni mare! Pero parang mali yata 'yong lalaki.

"For fucks sake, Louisa! Wala akong babae!" Boss, kung si Pinocchio ka lang, matagal ko na sigurong naihampas sa ulo mo 'yang ilong mo. "And even if I have one, that's none of your business, Louisa.  May asawa't anak ka na. Pinagbigyan lang kita ng ilang beses para ibenta mo sa akin ang lupa ninyo sa city."

Wew. Medyo masakit 'yon ah.

"W-What? T-That's not true. No. No. That's not true, Francis! Bawiin mo 'yon! Take it back! You told me you love me! You told me na handa kang pakasalan ako kapag nakipaghiwalay ako kay Leonard! You promised me!" Rinig na rinig ko ang sunod-sunod na pagtama ng takong niya sa tiled floor ng sala. Shutang merlat. Todo kuskus ako diyan kanina eh!

"Louisa," ang tawag ni bossing sa kanya. Halatang nauubusan na rin siya ng pasensya dito. Sa kaunting panahon kong pananatili sa tabi niya, alam kong sobrang iksi lang ng pasensya nitong amo ko. "You're a smart woman, but why do you sound so stupid right now? You know fucking well that I'm not that kind of man. Hindi ako nagpapatali. I don't fucking love you. I just said that so I could fuck you and get your goddamn signature."

"No! Gago ka, Francis! You're an asshole!" Mukhang susugurin na niya yata ang boss ko base sa tunog na ginagawa ng kanyang takong. "Walang hiya ka! Manloloko! Manggagamit! You're a fucking jerk!"

"Fuck! Stop!"

Sumilip ako kaunti sa likuran ng sofa para makita kung ano ng nangyayari. Sa mga chismosang katulad ko, hindi ako makakatulog kung hindi ko makikita itong kadramahan nila. Kasalukuyang jinujumbag at hinahampas ni ni mareng Louisa si bossing. Si bossing naman ay todo takip sa kanyang sarili.

"You're so heartless pero bakit mahal pa rin kita!? I hate you, Francis! I hate you!" Napahagulgol na ng iyak si mareng Louisa.

Naiiyak na rin ako. Feel na feel ko kasi 'yong sakit, mga bakla. Feel na feel ko yong sakit habang nakatingin sa... nakatingin sa sahig.

'Y-Yong tiles.

Bahagya akong napanganga at nanginginig ang kamay na napatikip sa aking bibig habang nakatingin doon sa sahig. M-May putik... andaming patuyong putik ang nagkalat doon.

"Tapos ka na? Jiro, escort her out." Ang utos ni Francis kay Jiro my bebe na nakatayo lang malapit sa pintuan. Shet! Ang hot talaga ng guardinia na 'to. Tumulo yata yong tamod ko. Charot! Laway lang pala.

"Sisiguraduhin kong pagsisihan mo ang ginawa mong panloloko sa akin, Francis! I swear!" Ang tili na naman ni mareng Louisa na pumiyok pa sa huling parte. Wit ko tuloy maiwasang mapatawa. Mabuti na lang at tumatawa rin ang gago kong amo kaya natatabunan ng halakhak niya ang tawa ko.

Pak!

"ASSHOLE!" Pareho kaming napatigil ng amo ko nang umalingawngaw sa buong bahay ang tunog na ginawa ng pagsampal ni mayora kay bossing.

"ARAY! Shuta! sakit n'on, boss."  Naiiling kong komento habang nakangiwe. Napalakas yata ang boses ko dahil nasa akin na lahat ng atensyon nila ngayon.

"TYGA!!!" Ang malakas niyang sigaw. Nakita kong natakot iyong mga kasambahay na papasok sana sa loob ng bahay dahil sa ginawang pagsigaw ni bossing. Pati iyong si mayora ay mukhang natakot din.

"Boss, chill. Naglilinis lang ako ng sahig." Ang palusot ko saka itinaas iyong napulot kong basahan sa ilalim ng sofa. Ako ang naglagay dito kaninang umaga. Hindi ko na kasi kayang pumunta sa laundry room kaya nilagay ko nalang dito sa ilalim.

"Ay, mayora!" Nakangiti akong tumango sa kanya at kumaway. "Kanina pa po pala naghihintay si gov sa labas ng bahay. Kailan daw ho kayo lalabas?"

Nakita kong parehong nanlaki ang mata nilang dalawa. Bakas na ngayon ang labis na takot sa mukha ni mayora. Wit akong nagjo-joke nang sinabi kong kanina pa naghihintay si Gov. Kanina ay nasulyapan kong nakapark ang sasakyan niya sa labas ng bahay di kalayuan sa gate namin. Kung paano ko nalaman na siya 'yon?

Saklaw ng aking kaalaman ang story of my life ni gov. Mabuti naman siyang nilalang para gaguhin ng ganito ng makati niyang asawa. Hindi man kagwapuhan si gov at medyo majubis pero I can swear by the power of love by Celine Dion na may maganda siyang puso.

Walang pasabi kaming tinalikuran ni mare saka siya nagmamadaling naglakad paalis. Si bossing naman ay binigyan ako ng isang masamang tingin.

"You!" Ang tawag niya sa akin habang turo-turo ako.

Pa-inosente akong tumingin sa kanya. "Po? Ako po?"

"Shut your mouth!" Ang bulyaw niya sa akin bago naglakad paalis ng sala.

Kinahapunan ay nagmamadali kaming dalawa sa pagtungo sa reception ng kasal naming dalawa. Nakaidlip kasi ako kanina kaya hindi ko napansin na alas singko na pala ng hapon eh five thirty iyong kasal namin.

"Fuck! Ang traffic. Anong oras na ba?" Ang aburido niyang tanong sa akin habang sunod-sunod na pinindut ang bosena ng sasakyan.

"Five-thirty na, boss. Kanina pa tawag ng tawag iyong mudra ni mareng Andrea sa cellphone mo. Anez ang gagawin ko?!" Ang medyo nagpa-panic ko na ring tanong sa kanya.

"How should I fucking know?! Kasalanan mo 'to. Kung hindi ka lang sana pangit edi hindi ako mawawalan ng ganang gumising." Ang paninisi pa niya sa akin. Hindi lang sa akin, damay pa ang beauty ko, mga bakla! Diyos ko! Iba talaga ang tama ng lalaking 'to.

Tumagilid ako ng upo at humarap sa kanya. "Excuse me lang, sir, ah.  Dadaan ang diyosang bakla. Tingnan mo nga ang mukhang 'to?" Taas noo kong itinuro ang aking sarili bago ako nagpatuloy sa pagsasalita, "Mula pilik mata hanggang sa kahuli-hulihang hibla ng aking buhok, flawless na flawless. Ilang international models ang pumipila sa harap ng gate para lang maka-date ako tapos ikaw sinasabihan mo lang akong pangit? Myghad! Apaka walang taste mo naman, boss." Ang mahaba kong sabi sa kanya sa desmayadong boses. Pailing-iling pa ako habang inaayos ang aking pagkakaupo.

Napahigit ako ng hininga ng bigla niyang bilisan ang pagpapatakbo nang lumuwag na ang kalsada. "BOSS! May trucklalo! Hindi ko pa bet makipag-meet and greet kay San Pedro! Diyos ko po! Virgin pa ako, bossing! Bet ko pang makatikim ng hot—ARAY!"

Papatayin ba talaga niya ako?! Pagkatapos niyang bilisan ang pagmamaneho, bigla-bigla na lang niya itong itinigil.

Galit akong humarap sa boss kong swabeng tinanggal ang kanyang seatbelt at saka binuksan ang pinto sa gawi niya para bumaba. Pero bago pa man siya tuluyang makababa, mabilis ko ng naitaas ang paa ko at tinadyakan siya sa pwet. Kamuntikan tuloy siyang napa-dive sa lupa.

Hindi ako si Lottie at Sarah para api-apihin niya. Kasing cute lang ako ni Lottie at kasing princess ni Sarah pero inspired kay Lavinia at Miss Minchin itong ugali ko kapag kinanti mo.

"You shit!"

Lumingon ako sa gawi niya at ngumite ng matamis habang tinatanggal ang aking seatbelt. Pabagsak niyang isinara ang pintuan sa labis na inis. Akala ko ay iiwan lang niya ako doon pero nagulat ako nang may marahas na nagbukas ng pintuan sa gawi ko.

Si sir lang pala. Namumula ang nag-aapoy nitong mga mata at umuusok sa galit ang ilong niya habang nakatingin sa akin. Shuta! Dapat akong mashokot sa mga oras na 'to pero bakit ang hot lalo niya kapag nagalit?

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng ngumite siya sa akin. Hindi isang normal na ngite. Like duh? Siya ngingite ng normal? Eh anak to ni Satanas. Syempre pangdemonyo iyong ngite niya.

"Kanina pa ako nanggigil sayong gago ka!" Nanlaki ang mata ko ng bigla niyang inabot ang leeg ko gamit ang kanyang malalaking kamay.

Napahiga ako hanggang sa drivers seat dahil tinutulak niya ako habang sakal-sakal ako. Nakapasok na rin siya ng sasakyan habang ang isang tuhod ay nanatili sa gitna ng mga hita ko.  "Shuta ka! H-Hindi ako makahinga! R-Rape! Ra—Hwhshsbsj." Hindi lang niya ako sinasakal, tinatakpan pa niya ang bibig ko!

Hindi ako nagpatalo at sinabunutan rin ang buhok niya gamit ang kaliwa kong kamay habang ang isa naman ay sapak-sapak ang kanyang malapad at kasingtigas ng batong dibdib.

"Francis? Tyga?" Napatigil lang kaming dalawa sa ginagawa namin nang marinig ang malumanay na boses ng mudra ni mareng Andrea. "Diyos ko! Mga batang kayo, oo. Hindi ba kayo makapaghintay matapos ang kasal at kinailangan niyo pa talagang gawin yan dito?"

Nagkatinginan muna kaming dalawa ni boss bago namin napag-isipan na maghiwalay. May pahabol pa kaming hila ng buhok at diin ng pagkakasakal bago tuluyang nakalabas.

Inayos ko muna ang nagusot kong puting suit bago humarap kay tita. Isang nahihiyang ngite ang nakapinta sa mukha ko para sa aktingan ko.

"Tita, I'm s—"

"Sorry po, tita. Ito kasing si Francis masyadong mahilig. Kanina pa siya sa bahay, ayaw talaga akong bitiwan. Tapos gusto pang umisa kanina. Hindi yata makapaghintay mamayang gabi." Kumapit ako sa maskulado niyang braso at humilig. Nakita kong napangiti si tita habang nakatingin sa amin.

Tumawa si tita ng mahina. "Kaya ba kayo nalate?"

"Opo, eh. Medyo mahirap rin po kapag patay na patay sa'yo ang jowa mo. Isang linggo ka pong hindi makakalakad."

Mas lalong natawa si tita sa sagot ko. "Oh siya-siya, sige na. Tayo na at magsisimula na ang kasal." Ang pagaayas nito bago siya naunang naglakad sa amin.

Napaigtad ako ng kurutin bigla ni bossing ang bewang ko. "Patay na patay? Gago, gusto kitang patayin."

Kinurot ko rin siya pabalik bilang pambawi at saka umirap sa hangin. "Patay rin 'yang pangalan mo kapag kinanta kitang pakboy ka."

-----------------------------------------------------------

Hi guyses, hindi yata love story itong sinusulat ko. HAHAHAHAHA. Ewan ko sa dalawang 'to. Ayon lang powxzx. Thank you! Stay healthy, stay safe and God bless you always po. ❤ Labyu ol. Mwuah mwuah! Ciao! ❤💖

Tyga's dictionary

jinujumbag-sinusuntok
sinetch-sino

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top