37

Fact Check- totoo
False Alarm- hindi totoo
Corazon Aquino- Korek
Ma-sight-makita
Cooking show-magluto
Getching- gets/ kuha
Wiz- wala
Knows-alam
Battery Percentage- Percentage

Tyga Xerxes Mondejar

"One way to make your man stay is to fill his stomach with good food," ang chika ni mareng Jenefer sa talk show host ng palabas sa TV.

Napakunot naman ang kipyas ko nang marinig iyon. Nilingon ko ang merlat na si Maribel na abala sa pagngatngat ng mangga na sinasawsaw niya sa suka na may sobrang daming sili. "Fact check ba 'yan o false alarm?"

"Fact check, baks. Proven and tested."

"Corazon Aquino, Maribel! Iyan ang dahilan kung bakit patay na patay sa akin si Gavin mylabs." Ang pagyayabang ng baklang Charlote.

Parang donyang nagpapaypay ang gaga habang rumarampa papalapit sa amin. Napairap ako nang ma-sight ang nangingintab niyang labi at namumula niyang pisnge. May pa-ribbon pa ang gaga sa ulo niya. Simula nang ipagsigawan niya sa mundo na may malanding ungguyan na nagaganap sa pagitan nila ng chakabels na si Gavin ay ladlad na ladlad na ang gaga.

"Echoserang froglet ka talagang bakla ka. Marunong ka lang mag-bake ng fezlak pero hindi ang mag-cooking show! Don't me!" Ang pambabara ko sa kanya.

Sarkastikong natawa ang gaga bago tiniklop ang dala-dalang pamaypay at idinuro sa akin. "Diyan ka nagkakamali, Cruella. Ako lang naman ang grand winner sa cook fest namin noong grade 8."

Napataas ang kilay ko. "Baka siguro binudburan mo ng isang pack ng magic sarap."

"Kalahati lang. Hindi na kinaya ng budget. Nag-audition rin ako sa Master Chief before ako nag-apply bilang bodyguard ni sir Francis."

"Oh tapos?"

"Nanalo ka ba, baks?" Ang sabat ng merlat na si Maribel.

"Hindi. Sa sobrang sarap ko—este ng niluto ko in-offer-an nila akong maging judge pero tumanggi ako."

"Bakit naman?" Ang tanong ng uto-utong si Maribel.

"Mas malaki kasi ang grand prize kesa sa sweldo ng judge. Charot!" Ang sabi niya saka ako tinulak at malakas na tumawa. "Anyways, Rapunzel, getching ko naman kung gusto mong magpaka-Maria Clara sa pagiging pabebe kahit waley ka namang pukeballs. May balls ka pero wala kang puke, bakla. Kung bet mo pang masungkit ang brief at credit card ni, sir, kahit papaano ipakita mo naman na may kaunti kang interes sa kanya. Hindi iyong puro ka pabebe!"

"Oo, nga! Palagi mo na lang sinusungitan si sir! Ang aga n'on magpa-deliver ng bulaklak para may bulaklak ka pag-gising mo." Ang pagsang-ayon ni Maribel.

Napanguso ako at humalukipkip sa aking pwesto. Bakit ba?! Eh hindi pa ako handang makipag-boyfriend. Sabi ni mommy at daddy, study first daw muna. At isa pa, naka-engage na ako sa tagapagmana ng mafia group sa kabilang kanto kaya hindi ako pwedeng magka-jowabels. Kapag sinagot ko siya siguradong sasaktan siya ng fiancee ko.

Char! Ibang story pala 'yon.

"Pinagluluto ka rin niya tuwing umaga kahit may trabaho siya." Napalingon ako kay Charlotte nang marinig ang chika niya. Hindi ko knows 'yan.

"Tinutulungan ka niyang alagaan si baby Frank kahit may ibang yaya naman dito."

"Palagi kang may regalo: damit, sapatos, alahas, baboy, kambing. Ano pa bang kulang?"

"Palagi rin siyang umuuwi ng maaga para masabayan niya kayo ni Frank maghapunan." 

"Ano pa bang gusto mo? Dota o Ako? Charot! Pero ano ba talaga ang gusto mo, bakla? Na kay sir na lahat oh. Gwapo, mayaman, matalino, mapagmahal, makatao, makabansa, maka-abs, and last but not the least may dambuhalang tite. Kung ayaw mo sa kanya sabihin mo na kaagad. Hindi iyong pinapaasa mo si sir, bakla. Kahit friendship kita hindi ibig sabihin n'on hahayaan na kitang ganyanin si sir. May babayaran pa akong house and lot. Hindi ko pa kayang mawalan ng trabaho." 

Sinamaan ko ng tingin ang gaga at malakas siyang hinampas sa braso. "Gaga ka! Anez ba talaga?!"

Hinampas niya rin ako pabalik kaya tumilapon ako palabas ng mansion. Charot! "Ayan! Puro ka kasi pabebe kaya wala ka ng hearing comprehension. Jusko, ang akin lang naman huwag kang magpaasa ng tao. Kung walang pag-asa edi don't. Kung meron edi ipakita mo na meron, hindi mo kailangang sagutin kung hindi ka pa talaga handa. Ano? Meron ba o wala? Mag-desisyon ka na! Nakasalalay ang utang ng Philhealth sa sagot mo, bakla."

Malakas akong napaungot at napabuntong hininga. Magpi-pitong buwan na ring nanliligaw si bossing sa akin. Hindi naman sa ayaw ko siya. Kasi hindi naman talaga. Charot! Bet ko siya okay? Mga one percent gan'on...

Okay! Siguro mga lagpas fifty percent.

Lahat naman yata sa kanya kagusto-gusto, minsan nga lang lumalabas ang sungay niya pero unti-unti ko na namang natatanggap na isa siyang Class S na demonyo. Pang demonyo ang five leaf anti-magic grimoire niya pero okay lang.  Char! Asta ka gurl?!

"Jusko, baks, nakalipat na kami ng Mars wala pa kaming natatanggap na sagot. Ano na? Ilang pages ba introduction mo? Wala pa tayong RRL! Kaloka ka."

"Sandali!" Ang pikon kong sigaw kay baklang Charlotte. Maka-pressure ang gagang 'to parang nasa Miss Universe. "Nagmamadali? May lakad? Oo na! May pag-asa!"

"Battery percentage, please."

Umirap ako saka maarteng humalukipkip. "One percent."

"Ay wiz! False alarm! We want transparency effect, bakla!"

"Oo na! Mga—" Tumikhim ako. "Sixty-nine percent."

Napatakip ako ng tenga nang sabay na tumili ang dalawa. Tinulak-tulak pa ako ng baliw na Charlotte habang hinahampas naman ako ng unan ng gagang si Maribel. Inabot ko ang pamaypay ni Charlotte at malakas silang pinaghahampas gamit iyon.

"Ano ba?! Bubugbugin niyo ba ako?!" Ang bulyaw ko sa kanila.

Nagkatinginan silang dalawa bago sila muling tumingin sa akin. Isang malapad na ngite ang nakapinta sa mga chakabels nilang pagmumukha at dahan-dahang naupo pabalik sa pwesto nila kanina.

"So kailan mo sasagutin si sir?"

Ramdam ko ang pag-akyat ng lahat ng dugo ko sa aking pisnge. Pero ayokong ipahalata sa kanila na may epekto sa akin ang demonyong 'yon. Nakakahiya kaya!

"H-Hindi ko alam. Siguro kapag nahanap na ni Olaf si Samanta."

Sabay silang napaungot. "Naman, Anna! El Niño na sa Arandelle. Magbagong buhay ka na."

"Hindi ko alam, okay?! Hindi ko knows kung paano maging jowabels niya. Nasanay ako na palagi kaming nag-aasaran at nagbabangayan. Kulang na nga lang mag-wrestling kaming dalawa. Hindi ko alam kung anong gagawin pag mag-jowa, bakla."

Naramdaman ko ang paghagod ng kamay ni Charlotte sa likuran ko. Rinig ko rin ang mahina niyang paghikbi. "H-Hindi ko alam na ganito pala ang pinagdadaanan mo, anak. Kung alam ko lang——"

"Tumigil ka na, ina. Matagal ko ng tanggap na hindi mo ako mahal kaya wala kang pakialam sa akin!" Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at dinuro-duro siya.

"Hindi mo ko masisisi, Clara! Maaga akong nabuntis sa'yo! Kailangan ko ng kalinga ng tite!"

"Anong nangyayari dito?" Ang tanong ni Niña na kadadating lang mula sa pamimili ng grocery.

"Hindi ko alam, dae. Bigla na namang sinapian 'tong dalawa."

"Ay! Mabuti at dumating ka na Niña. May misyon ngayon ang ating kaibigan at kailangan niyan ng tulong natin." Ang nakangiseng sabi ni Charlotte kay Niña.

Kunot-noo naming tiningnan ang baklang Charlotte na taas noong nagpapaypay ng sarili niya. "Anong chika 'yan? Bat di ako informed?"

"Well, ngayon informed ka na. Ngayong araw tutulungan natin si bakla na ipagluto si sir."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon hindi na niya ako binigyan ng pagkakataong makapagsalita. Hinila niya kaagad ako papuntang kusina. Nakita ko na lang ang sarili na suot-suot ang apron at helmet. Charot! Hairnet kasi 'yon.

"Baks, mag-barbecue na lang tayo." Ang suhestyon ko habang sinusundan siya ng tingin. Kasalukuyan niyang kinukuha lahat ng laman ng ref namin. 

"Wititit, bakla! Magiging may bahay ka niya kaya dapat alam mo kung paano pasayahin ang asawa mo hindi lang sa kama. Iyan ang sekreto ng matagal pagmamahalan namin ni Gavin my labs."

"Ha? Hindi pa naman kayo kasal ni sir Gavin eh. Saka ilang buwan pa nga lang kayong mag-MU." Ang nagtatakang tanong ni Niña na nakaupo lang sa may lamesa habang kumakain ng mga prutas na nakalagay doon.

"Iyang bunganga mo, Maribel, nangangamoy na naman. Mag-toothbrush ka muna. Anyway, knows mo ba kung ano ang paboritong pagkain ni sir?"

Napakamot ako ng ulo.

"Pwedeng call a friend? Char! Feel ko kare-kare at saka iyong Chili Mac and Cheese. Palagi niya 'yong kinakain sa kwarto namin pag nagtra-trabaho siya ng matagal."

"Okay. Iyan ang lulutuin mo ngayon."

Ngumuso ako't humalukipkip saka pumadyak-padyak. "Bakit ako?! Alam mo namang masakit ang kamay ko kakarga kay Frank."

"Gaga! Nakasalalay sa'yo ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa kaya umayos ka diyan. Magsimula na tayo."

Wala na akong nagawa nang ibigay sa akin ni Charlotte ang dala-dala niyang pressure cooker. Aping-api ang pakiramdam ko habang tinuturuan nila akong magluto. Pakiramdam ko ako si Cinderella pero asian version.

Required ba talaga na knows mong magluto? Hindi pa ba enough na marunong akong magluto ng barbecue, noodles, canton at itlog?! Hindi pa ba sapat na marunong akong magsaing?! Saan ang equality dito sa mundo?! I need an acceptable reason!

"Papa, what gawa mo?" Ang tanong ng junakis ko nang madatnan niya akong nakahandusay sa sahig habang naliligo ng sarili kong dugo.

"Frank! Anak ko!" Ang iyak ko. Nagmamadali akong lumapit sa kanya at yumakap. "Ayoko na dito, anak! Ilayo mo na ako! Hindi ko na kaya ang ginagawa nilang pang-aapi sa akin."

"I don't unerstand, papa. Don't cry. Don't cry." Nakanguso ang anak ko habang pinupunasan ang mukha ko gamit ang panyong dala-dala niya. "Daddy en papa fight?"

Umiling ako at tiningnan si Charlotte. "Si Chucky ang may kasalanan, anak. Lusubin mo na ang kaharian niya. Siguraduhin mong masisira mo ang bawat sulok ng palasyo ng baklang Charlotte. Naiintindihan mo ba?"

"No, papa."

Sabi ko nga wala siyang silbi. Sinong gustong bumili ng biik? Charot!

Saglit ko munang pinanggigilan ang junakis ko bago ako bumalik sa pagluluto. Saktong patapos na ako sa Mac nang dumating si bossing. As usual may dala na naman itong bulaklak at dalawang paper bag na may lamang kung anu-ano.

Pinaningkitan ko ng mata sila Charlotte, Niña at Maribel nang makita ko silang naglalakad palabas ng kusina. Ang gagang Charlotte nag-aja pose pa bago tuluyang naglaho sa paningin ko.

"Daddy! Daddy! Cry si papa," ang sumbong kaagad ni Frank sa kanya.

"Hey, cupcake. Why did papa cry? I told you to protect him when I'm not here."

"Indi ko knows, daddy. Papa told me to burn tito Charlotte's pawas."

Mahinang natawa si bossing bago dinampot ang kyota namin at isinalang sa kawali. Charot! Buhat-buhat niya itong lumapit sa akin.

"What are you doing?"

"Hindi ba obvious? Gumagawa ako ng lason para ipanglaban sa mga demonyo."

Napaigtad ako nang maramdaman ang braso niyang unti-unting pumulupot sa bewang ko. Mas lalo ring lumapat ang katawan niya sa likuran ko.

"That smells good, 'ga. Did you make it for me?"

"Ang lakas naman ng loob mo para sabihing para sa'yo 'to. Pero oo, sayo nga."

Malakas siyang natawa saka mabilis na nagnakaw ng halik sa pisnge ko. Hindi ko na siya magawang lingunin dahil ramdam ko ang pag-iinit ng pisnge ko. Inipit ko pa sa likuran ng tenga ko ang aking buhok. Kaso naka-hairnet pala ako.

"Magpapalit muna ako ng damit sa taas," ang paalam niya. "And these are for you." Kinuha niya ang maliit na boquet ng bulaklak at isang paper bag.

Malakas akong tumikhim para pakalmahin ang sarili ko. "S-Salamat."

"You're welcome, 'ga."

Hinintay ko muna silang makalabas bago ko tiningnan ang laman ng paper bag. Kahit anong pagpipigil ko, hindi ko na magawang mapigilan pa ang ngite sa mga labi ko.

Music box.

Ito na yata ang pinakamagandang music box na nakita ko. Kulay ginto ito na may hugis piano. May mga maliliit na rubies rin sa ibabaw nito.

Maingat ko itong ibinalik sa box niya saka sa paperbag. Itinabi ko muna ito ng maayos bago ako bumalik sa niluluto ko.

"Iya, pwedeng palagay nitong mga niluto ko sa lamesa?" Ang pakiusap ko sa isang katulong dito sa bahay na nadaan sa kusina.

"Sige po."

Pagkatapos naming ihanda ang lamesa sakto namang bumaba sila bossing at Frank. Nang maupo si bossing sa gitna, hinila ko iyong upuan ko papalapit sa kanya at saka naupo sa kanyang tabi.

"What?"

"Tikman mo. Gusto kong makita ang reaksyon mo. Sabihin mo kung pwede na akong pumalit kay Gordon Ramsey." Ngumuso ako sa direksyon ng mga pagkain.

Mahina siyang natawa at naiiling na sumandok ng kanin at kare-kare. Maigi kong pinagmasdan ang pagmumukha niya habang nginunguya ang pagkain. Hindi ko matukoy kung gusto niya o hindi kasi wala naman akong nakikitang emosyon sa mukha niya.

Napaurong ako nang itinapat niya sa bibig ko ang kutsara na may lamang pagkain. Tiningnan ko ang mga mata niya bago dahan-dahang isinubo ang kutsara.

Napangite ako nang malasahan ang pagkain na nandoon. Good job, bakla. Pwede ng ilampaso si Mareng Juday. Charot!

"So? Asan na review mo?" Ang taas kilay kong tanong sa kanya.

"Masarap pero..."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Pero?"

"Pero mukhang mas masarap ka," ang sabi niya at saka ako kinindatan.

Hindi ko na magawang tumalikod para itago ang pamumula ng pisnge ko. Ngise-ngise siyang bumalik sa pagsubo ng pagkain.

NADEDEMONYO NA PO TAYO, OPO.
-----------------------------------------------------------------

PA-DEMONYO KA NA TYGA PARA MAGBUNTISAN NA KAYO HAHAHAHAHAHAHAHAHHA.
Thank you po sa paghihintay hehe. Labyu ol! Mwuah mwuah! Ciao! ❤





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top