36
Tyga Xerxes Mondejar
"Wherelalo ba kasi tayo gogora?!" Ang inis kong tanong kay bossing nang jumusok kami sa Jurassic parking dito sa bongalicious niyang baluret.
"You'll know once we get there," ang sagot niya. Hindi na lang ako nag-say.
Abala akong naglagay ng liptint sa salamin nitong itim niyang carou. Sureness akong bago na naman itong sasakyan niya. Hindi ko naman kasi ito na-sight noong nakaraan. Kapag na-bored kasi kami ng junakis kong si Frank sa loob ng mansiones ditech kami naglalaro ng baseball. Tas padamihan kami ng salamin na tatamaan.
Charot! Nasa tamang pag-iisip pa po ako, opo.
"Do you like it?" Nabitin sa iri ang kamay ko nang marinig ko ang nakakatindig balahibong boses ni bossing.
"Ang anez?"
"The car. That's Audi R8 GT. I saw you looking at it last week."
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Waley naman akong maalala na nag-sight seeing ako ng mga carrou. 'Yong mga model lang sa brochure ng brief ni queen Austine ang sina-sight ko. "Keri lang naman. 5/5 ang mirrorit niya kaya betching. Wala ka bang pambayad? Ako na. Wag ka ng mahiya. Magkano ba?"
"Wow! Ako pa talaga ang mahihiya? Ibang klase ka talaga."
Ngumuso muna ako sa harap ng salamin bago hinarap ang chopopong jemonyo. "May problema ba tayo dito, bossing? Kung oo, press 1. Kung hi—"
Tinakpan niya ang bibig ko at ngumise. "Breath. Sinusumpong ka na naman."
Ah, so ang tingin niya sa ganda ko pang krung-krung? Ano 'ko? Uto-uto?
"Good. Ganyan nga, breath in, breath out."
Tinampal ko ang mga kamay niyang nakasapo sa magkabilang pisnge ko. "Demonyo ka talaga!"
"Sa kama lang," ang sagot niya. Sabay pa kaming napa-sight sa Felix Bakat ng kanyang jogging pants. Jusko! Bakit ang init bigla ng world? Sinong nag-releaae ng carbon dioxide?!
Bumalik ang paningin ko sa kanyang mukha at nakita ang napaka-demonyong ngite sa buong mundo. Kaya naman pala biglang uminit. May demonyo.
Tumikhim ako at umirap.
"H-Hindi natin sure 'yan."
Mahina siyang natawa at saka ako nilapitan. Pero bago pa man siya tuluyang makalapit sa akin naitutuk ko na sa kanya ang hawak-hawak kong liptint. "Huwag kang lumapit sa akin, Carding! Hinding-hindi na ako magpapa-uto sa iyo! Tama na ang ikalabing walong beses."
Malakas siyang natawa saka walang kahirap-hirap na hinawakan ang palapulsuhan ko. Hinila niya ako papalapit sa kanya at saka ako kinulong sa kanyang matipunong mga braso.
"Pwede bang ako na lang ang Carding ng buhay mo?" Ang nakangite niyang tanong sa akin.
Ramdam ko ang pagtaas ng mga balahibo ko sa katawan. Sa takot ko nilabas ko na ang mahiwagang katana at pinagpipiraso ang katawan niya. Pinulot ko ang kanyang jambuhalang notabels at isinangla kay Thanos.
Malakas kong hinampas ang braso niya saka siya sinamaan ng tingin. "Pwede bang bumalik ka na sa impyerno? Saan ba talaga tayo gogora?! Paano kung magising na ang junakis ko at hanapin ako?! Alam mo namang nagbre-breastfeed pa 'yon."
"Soon," ang sabi niya nang bitawan niya ako.
Kinuha niya ang bike na nasa kanyang tabi at sumampa doon. Lumapit ako sa kanya at nakapameywang na tumayo sa kanyang tabi.
"Anik ang soon?"
Pero nagkibit balikat lang ang gago at saka ako hinila paupo sa kanyang harapan.
"Namumulubi ka na ba, bossing?" ang kuryuso kong tanong sa kanya habang inaayos ang pag-upo ko sa harapan niya.
"I can't be poor. May labing walong anak pa tayong bubuhayin. Are you ready?"
Itinaas ko ang isa kong kamay at ang isa namay itinuro sa lagusan ng Jurassic parking lot ni bossing. "ARATS! LET'S GO! LABAN KABATAAN! WOHOOOOO!"
Narinig ko ang malakas na pagtawa ni bossing bago siya nagsimulang magpadyak palabas ng gate. Napangite ako nang maramdaman ang pagtama ng malamig na hangin sa mukha ko. Nang makalabas kami sa gate ng baluret ni bossing, sinalubong kami ng mahabang linya ng mga malalaking kahoy.
Medyo kinabahan ako dahil sobrang tahimik ng paligid at ang lalaki pa ng kahoy. Pano kung may merlat na nakasilid sa sako ang ulo ang humarang sa amin at pagtatagain kami ni bossing?! Pano kung may titans na biglang lumabas?! Paano kung—
"Ga, open your eyes." Ang narinig kong bulong ni bossing. Malakas na ang ginagawa niyang paghinga. Ramdam ko na rin ang init na nanggagaling sa katawan niya sa likuran ko.
"Ayoko! Hindi mo ako mapipilit! Kung alam ko lang na dadalhin mo ako dito sana—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Parang may kung anong sumabog sa puso ko nang ma-sight ko ang mga ilaw na nanggagaling sa syudad sa ibaba.
Ang ganda.
Ang ganda-ganda! Parang ako! Charot!
Parang mga bituin.
Napasandal ako sa dibdib ni bossing habang tinatanaw ang magandang view sa ibaba. Nakakita na naman ako ng ganito dati. Pero bakit hindi ito kasingganda ngayon? Bakit parang sasabog ang puso ko habang tinatanaw ang mga nagkikislapang ilaw mula sa mga gusali sa ibaba nitong bundok? Bakit ang gaan ng pakiramdam ko?
Medyo matagal kaming nanatili sa daan hanggang sa tumigil kami ni bossing sa tabi ng daan. May nakausling bahagi ng daan na may railings naman. May ilaw dito at parang ginawa talaga para mapagpahingahan ng mga tao. May bench din kasi dito at mga lalagyan ng bike.
"HOO!" Nilingon ko si bossing na naliligo na sa sarili niyang pawis.
Namilog ang mata ko nang iangat niya ang suot-suot niyang t-shirt.
"A-Anong ginagawa mo?" Ang kinakabahan kong tanong sa kanya.
Kunot-noo niya akong nilingon. "Taking my shirt off. It's wet. Ayoko pang magkasakit. Bakit? May problema ba, 'ga?"
Unti-unting umangat ang gilid ng kanyang labi patungo sa isang mapanuksong ngite.
Inirapan ko siya. "Ouh. Iyang kademonyohan mo. 'Yong mga pagkain ko asan?"
Pero as usual, tinatwanan na naman ako ng lolo niyo. Saglit siyang bumalik sa bike niya at kinuha mula doon ang maliit na bag na nilagyan namin ng mga pagkain at inumin. Pabagsak siyang naupo sa tabi ko at nagbuga ng hangin. Kinuha ko naman iyong bag at binuksan. Nauuhaw ako. Gusto ko ng bj. Charot!
"Pa-punas naman ng likuran ko, 'ga," ang sabi niya habang inaabot sa akin ang dala-dalang towel.
"Ano? Ayoko nga! Ang baho kaya ng pawis mo." Ang nakangiwe kong pagtanggi. Oo na. Ako na. Ako na ang echoserang froglet. Asa naman siyang aaminin kong kahit naliligo na siya sa pawis ang bango pa rin niya.
"Tsk! Ang arte mo! Didilaan mo din naman 'to," ang pang-iinis niya bago ako inakbayan at sinubsub ang mukha ko sa kili-kili niya.
Agad akong napatili nang ma-sight ko ang mga kuto doon. Charot!
"Bwiset ka talaga! Ang aga-aga pinapainit mo ulo ko!" Ang gigil kong sabi sa kanya bago ko siya kinurot sa tagiliran. Napaigtad siya sa ginawa ko at saka ako binitawan.
"Ang sakit mo namang mangurot, 'ga." Ang daing niya. Medyo nakunsensya naman ang ganda ko nang makitang dumugo ng unti yong kinurot ko.
Inagaw ko ang panyo mula sa kanya at saka siya sinumulang punasan. "I-Ikaw naman kasi. Tumalikod ka nga ng maayos!"
Sinunod naman niya kaagad ng utos ko. Narinig ko pa siyang tumawa. Itong lalaking 'to, nanliligaw ba 'to o ginagawa akong clown?
"Hey."
"Ano?!"
"Do you remember when we were kids? You always do this to me."
Malakas akong tumikhim at umirap sa kawalan. "Ang kapal namn ng mukha mo. Wala akong maalala. Gawa-gawa lang ng illuminati 'yan."
Malakas siyang natawa saka umayos ng upo. "You're really crazy."
Ako naman ngayon ang natawa sa sinabi. "Ako? Baliw? Hoy! Excuse me lang po, dadaan ang maganda, itong tinatawag mong baliw lang naman ang ilang ulit mo ng nilaplap."
"I guess I'm crazy as well. Mas bagay na tuloy tayo. Sagutin mo na kaya ako?"
Umirap ako at humalukipkip. Tumingin ako sa aking harapan para tanawin ang kaharian ng Arendelle.
"Ayoko. Hangga't hindi nahahanap ni Olaf si Samantha, walang magaganap na kasalan."
"Buti na lang kasal na tayo."
"Gaga! Fake news 'yon."
"Di mo sure."
Nanlilisik ang mga mata kong nilingon ang demonyo sa aking tabi. "Anong di mo sure?! Wag mo kong niloloko, gago!"
Nginisihan lang niya ako bilang sagot. Inakbayan niya ako at hinila papalapit sa kanya. Jusko ha! Masyado ng chancing ang okinawang 'to. Paano na lang kung mag-demand ng ganitong treatment ang sampu ko pang manliligaw? Hindi pa handa ang matres ko!
"I'm really glad you're alive, Mason."
"Sa gandang taglay ko at laki ng suso ko kahit sino naman siguro magpapasalamat na buhay ako. Hello? Paano na lang si mother earth kung wala si Princess Sarah?"
"Baliw! Haha! Seryoso ako."
"Seryoso din naman ako. Kailan ba ako nagbibiro, bossing?" Ako? Magbibiro? Bakit naman magbibiro ang isang cold hearted CEO na bitchisa na nagpunta sa New York para magbagong buhay at umuwi lang sa Pilipinas para palaguin ang kompanya ng daddy niya matapos makipag-divorce sa kanya ng asawa niya na CEO na naging kabit ang bestfriend niya?
"Gan'on ba? Edi seryosohin mo na din ako."
"Sige, kapag nakita na ni Olaf si Samantha. Charot! Syempre nagpapasalamat din naman ako na buhay pa rin ako. Buti na lang talaga at na-sight ko ang not— sasakyan mo n'on. Baka sa drum na pulutin ang katawan ko kung nahuli ako."
"I'm sorry you have to go through all of that." Ramdam ko ang pagtaas baba ng kamay niya sa braso ko. Humikab ako at pagod na isinandal ang ulo ko sa dibdib niya. Winner na winner ang pa-pandesal ng lolo niyo. Bagay na bagay sa kape na dinala namin.
"Okay lang. Hindi mo naman kasalanan. Si Dad naman ang nagpasok sa akin doon." Napangite ako nang may makita akong dumaang eroplano. Dati noong nasa loob ako ng organisasyon, pinapanalangin ko sa lahat ng eroplanong dadaan na sana tumigil sila saglit sa itaas ko at kunin ako sa lugar na 'yon. Kung hindi man nila ako kukunin sa lugar na 'yon sana hulugan na lang nila kami ng bomba para matapos na ang lahat. Damay-damay na 'to. Char!
"Ikaw? Kumusta ka na, Francis? Kumusta na 'yong kyotang palagi akong inaasar dati at tinatawag akong pangit? Anong nainom mo at may paligaw-ligaw ka ng nalalaman? Akala mo ba nakalimutan ko 'yong ginawa niyong kangkangan ni Janille sa carou mo? Siguraduhin mo lang na wala ka ng ibang pukemon dahil ibabalik talaga kita sa itlog ng tatay mo." Ang pagbabanta ko habang inaapakan ang paa niya. Tinanggal rin kasi niya ang suot-suot na sapatos. Jusko! Umiinit na naman ang ulo ko. Ibang klase talaga ang epekto ng global warming. Makapunta nga ng north pole bukas.
"A-Aray! Babe, masakit! Fuck!"
"Magkalinawan na tayo, Francis. May ibang pukeballs pa ba?" Ang tanong ko at mas lalong diniin ang pag-apak ko sa paa niya.
"Ikaw lang, boss. Wala ng ibARAY! Babe, babe, sandali!"
Satispado akong ngumite bago tinanggal ang paa ko mula sa ibabaw ng paa niya. "Good! Mabuti naman at nagkalinawan tayo."
Saglit niyang tiningnan ang paa niya bago niya ipinulupot ang dalawa niyang braso sa katawan ko. Agad na napawi ng katawan niya ang lamig ng paligid. Mas lalo tuloy akong inaantok. Humihikab ako nang maramdaman kong ipinatong niya ang kanyang baba sa ulo ko.
"Tyga, a lot of things have changed when you were gone. We missed out a lot of things about each other. We are most likely strangers now. But that won't stop me from proving how much I want and need you in my life. Siguro nga maaga pa para sabihin kong mahal kita. I was inlove with the little kid I met before and you are no longer that kid. I want to love you not as Mason, but I want to love you as what you are now. Let me learn about you, 'ga. Para alam ko kung paano ka alagaan at mahalin."
Akala ko nadala lang si bossing sa emosyon niya n'ong nagka-soap opera kami sa mansiones niya kahapon. Pero mukhang true naman pala ang mga chika niya kanina. Siguro nga at nadala lang din ako sa emosyon ko kahapon kaya pumayag ako sa ka-echosang ito. Baka kasi kapag tinuruan ko ang sarili kong magmahal, sasaya na ako. May nabasa ako dati na, 'There is only one happiness in life, to love and be loved."
Kung bakit si bossing? Hindi ko alam.
Hindi ko rin alam kung bakit si bossing ang pinili ko. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ligtas ako sa kanya. Na kahit iniinis niya ako palagi, nagagawa pa rin niyang pagaanin ang loob ko.
"Huwag mo lang akong saktan. Medyo marami-rami na rin kasi akong peklat. Di na kasi kaya ng scar remover na binili ko sa shopee 6.6 midyear sale." Naalala ko na naman ang mga voucher na hindi ko magamit kasi kailangang shopeepay. Awts pain pighati dalamhati lumbay hinagpis kirot sakit pagtangis iyak lungkot siphayo.
"Pwede ka namang magpa-derma, 'ga. I know some good doctors."
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Change is cumming dapat ang motto natin, bakla. Huwag magpapalinlang sa demonyo. Isa kang alagad ng Heaven Scent. Isang certified angel creamdensada.
"Mabuti na lang talaga at bongalicious ang notabels mo, bossing. Mapagtitiisan na."
-----------------------------------------------------------------
Hi po! Sorry po sa matagal na update huhu. Na-busy lang po kunti sa trabaho saka nag-update rin kasi ako sa caught haha. Ayon lang po! Thankiesss!❤❤ Labyu ol! Mwuah! Mwuah! Ciao!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top