35
Tyga Xerxes Mondejar
Sunod-sunod akong napalunok nang ma-sight ko ang mga pamilyar na gamit na nakasilid dito sa loob ng kwarto. Gusto kong gumalaw pero parang naparalisa ang paa ko.
Huminga ako nang malalim nang marinig ang pagsara ng pintuan. Nang magmulat ako, dahan-dahan akong naglakad patungo sa piano na nakapwesto sa pinakagitna.
Maurine Franchiska Thompson-Schimdt.
Nanginginig ang mga kamay kong inabot ang fall board ng piano at saka pinakiramdaman ang bawat nakaukit na letra doon. Mapait akong napangite habang pinipigilan ang mga luha ko na kumawala. Ito nga 'yon.
"Mommy, will I play as good as you someday?"
Music has always been our connection. Pero sa di malamang dahilan natatakot akong mapalapit dito ulit.
"You will surpass mommy, baby. I can feel it. Someday mommy will see you playing your violen for lots and lots of people on big stages. But for now, you're mommy's little musician muna. Mommy feels special kapag tinutugtugan mo ako."
Siguro dahil hindi ko na kayang hawakan ulit ang instrumentong 'yon kaya natatakot akong bumalik. Tuwing mahahawakan ko 'yon naaalala ko kung gaano na ka walang kwenta ang kamay ko. I will never make my mom proud.
Hanggang dito na lang ako.
Huminga ako ng malalim at mabilis ring inilayo ang mga kamay ko doon. Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid at nakita ang vanity mirror ni mama, ang violin ko noon, ang mga laruan ko, ang mga malilit na larawan na nakatago lang dati sa cellphone ko at ang malaking larawan namin ng mama na nakasabit noon sa kwarto ko.
Dahan-dahan akong naglakad patungo sa malaking litratong nakasabit at inabot iyon. Doon na tuluyang tumulo ang mga luha ko.
Hanggang larawan na lang ba? Hanggang larawan ko na lang ba makikita ang mama ko?
Minsan iniisip ko, kapag namatay siguro ako baka makikita ko na ang mama ko. Baka kapag namatay ako hindi na magiging ganito ang buhay ko. Hindi ko na kailangang magpanggap na masaya at malakas. Hindi ko na kailangang tumakas.
Bakit ang unfair? Ako 'yong nawalan pero bakit ako ang nagdurusa ng matagal?
Bakit ako kailangang magprotekta sa mga taong hindi ko naman kilala? Bakit... Bakit ako lagi ang nagpro-protekta sa iba? Pwede bang ako naman ang protektahan? Kasi nakakapagod pala. Nakakapagod maging ganito. Nakakapagod na maging ako.
Hindi ko man lang maaayos na napagluksaan ang pagkamatay ng mama ko ipinasok na kaagad ako ni dad sa sindikatong 'yon. Araw-araw nasa bingit ako ng kamatayan. Pumasok ako doon na walang alam, ni pag-protekta sa sarili ko hindi ako marunong.
Lalabas ako ng kampo para lang magbigay ng lead kina dad. Hindi man lang niya ako kinakamusta tuwing nagkikita kami. Hindi man lang niya tinanong kong bakit puno ng pasa ang mukha ko. Hindi man lang niya tinanong kung bakit hindi ko na magalaw ng maayos ang mga daliri ko. Hindi man lang niya tinanong kung bakit kulang na ng isang daliri ang paa ko.
Ang sakit-sakit.
Gusto kong isumbong kay dad na muntik na akong malunod sa dagat. Gusto kong sabihin sa kanya na tumirik na ang mata ko sa taas ng lagnat ko pero hindi man lang niya ako tinanong. Nagmakaawa ako sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Ang bata-bata ko pa n'on eh. Twelve years old lang ako n'ong pinaputukan nila ako ng baril ng sunod-sunod kasi akala ng grupo na traydor ako. Anong magagawa ko n'on?
Tuwing may misyon kami, naiinis ako sa mga anak ng mga mayayamang politiko at negosyante kasi naiingit ako. Kahit mga demonyo ang mga magulang nila sa ibang tao pinoprotektahan sila, dinadamitan, inaalagaan.
Pero ako? Isang kamusta lang kay dad ang hinihingi ko. Isang yakap lang mula sa kanya. Isang pangako na lalabas akong buhay sa organisasyong 'yon.
Pero lumipas na lang ang maraming taon pero nandoon pa rin ako. Pati ang bansang pinoprotektahan ko iniwan na ako doon. Gusto ko ng tumigil. Gusto ko ng tumakas. Para na akong masisiraan ng bait.
Wala akong mapagsasabihin sa labis na takot na nararamdaman ko. Wala akong mahingan ng tulong. Hindi ko alam kung saan ako papunta.
Ah, alam ko pala. Kamatayan. Doon naman tayo lahat papunta. Hindi ba?
Sinubukan kong unahan si kamatayan. Pero bakit gan'on ang Diyos? Bakit niya ako pilit na ibinabalik sa impyernong 'to?
Is this a punishment?
Sunod kong pinuntahan ang violin na nakasilid sa isang glass box at mas lalong naiyak.
Gusto kong humawak ng violin. Gusto kong tumugtog ulit pero ang kamay ko. Sira na ang kamay ko.
"Tyga," Napalingon ako sa aking likuran at nakita doon si Francis na nakatitig ng mariin sa akin.
"Francis..." ang parang bata kong tawag sa kanya habang umiiyak pa rin.
Tinawid niya ang espasyo sa pagitan naming dalawa at saka ako niyakap ng mahigpit. Mahigpit akong yumakap sa kanya pabalik at isinubsob sa kanyang dibdib ang mukha ko.
Mas lalo akong naiyak nang maramdaman ang paghaplos niya sa ulo ko. "Francis, napapagod na ako. Francis, bakit hindi pa rin ako masaya kahit nakatakas na ako? Bakit natatakot pa rin ako?! Bakit parang may kulang pa rin?! Bakit malungkot pa rin ako?! Bakit ako ganito?!" ang iyak ko.
Hindi ko na alam kung sino talaga ako. Minsan nalilito ako kung totoong masaya ako o pinapaniwala ko lang ang sarili ko na masaya ako. Nakalimutan ko na kung ano ang pakiramdaman ng totoong masaya. Nakakatakot na maging mangmang sa sarili mo.
"It's normal, 'ga. You've been through a lot. It's the way your mind responded to everything that you went through. If you think there's something wrong with you then you're wrong. Walang mali sa'yo. You're a normal person who went through so much. You just need to heal."
Pero paano? Paano ko aayusin ang sarili? Saan ako magsisimula?
"Hindi ko alam kung papaano. Natatakot ako. Paano kung masira ulit ako pagkatapos kong ayusin ang sarili ko. Hindi ko na kaya, Francis. Ayoko ng bumalik sa dati. Mababaliw ako pag nangyari 'yon."
Simapo niya ang magkabila kong pisnge at itinaas ang mukha ko upang magtagpo ang mga mata namin. Napalunok ako nang makita ang naluluha rin niyang mga mata. "I... I won't let you go back. Tyga, mababaliw rin ako pag nawala ka ulit. I was devastated when I lost you years ago. I looked for you everywhere. This place, this is my memento of you. These are the things I hold on too. Even if the chances are thin I know you're somewhere out there. And now that you're here with me, hindi na kita hahayaan pang mawala. You're no longer alone in your battles." Tuluyan ng tumulo ang mga luhang nagbabadyang lumabas mula sa mga mata niya.
"Pero...pero palagi mo akong sinusungitan at inaasar. Paano ako maniniwala sa'yo?" Ang tanong ko habang sumisigok.
Bahagyang tumaas ang isang sulok ng kanyang mga labi nang marinig ang tanong ko. "You forgot about me. Janille told me you had a very high fever when you were fourteen kaya iyon siguro ang dahilan ng pagkawala ng memorya mo tungkol sa akin. She told me not to pressure you so I do things to remind you of me. I love teasing you when we were kids, tuwing nagkikita tayo iyon kaagad ang ginagawa ko. Akala ko 'pag ginawa ko 'yon maaalala mo ako."
"Naalala na kita," ang mahina kong sabi sa kanya.
Mas lalong lumawak ang mga ngite niya nang marinig ang sinabi ko. "You do? I'm glad,"
Tumango ako. "Naalala ko kung gaano ka-gago dati. Hindi ko knows kung bakit crush na crush kita maliit naman ang tite mo."
Mahina siyang natawa saka ako mabilis na hinalikan sa aking noo, "That was before, but things change. BIG changes, if I may add."
"Ay true ba? Paki-fact check nga," ang pagbibiro ko para mas lalo pang pagaanin ang mood.
Pakiramdam ko mas lalo lang akong mababaon sa nararamdaman ko kung hindi ko susubukang iahon ang sarili ko.
Nakita ko ang pagbabago ng kanyang mga mata at mga ngite sa kanyang labi. Magkahalong pananabik at panunukso ang ekspresyong nakaukit sa kanyang mukha. "Are we gonna do it here?"
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Anong kamanyakan ang pinagsasabi mo? Iniisip mo bang ibibigay ko sa'yo ang virgin coconut hole ko kasi sinabi mong we're all in this together? Hindi ako ez girl."
"Babe, that's not it. I'm not trying to get in your pants. It was a joke. Why the hell would you think I'm like that?" Ang pilit-tawa niyang tanong sa akin.
"Ah, Kasi malaki ang tite mo?"
"Ga, I'm trying to understand you. Do you like me or my dick? Why do you keep on talking about my dick?"
Kumawala ako sa mga yakap niya at unti-u nti siyang tinulak papalayo sa akin.
"Hindi ko naman sinabing gusto kita. Sinabi ko lang na malaki ang tite mo."
"So you like my dick more than me?" Magkasalubong na ang mga kilay niya habang tinanong ako.
"Sinabi ko ngang hindi ko sinabing bet kita! Sinabi ko lang na malaki ang tite mo!"
"No, admit it! You like my big dick more than me!"
"OO! Gusto mong marinig ang katotohanan?! Oo! Gusto ko ang malalaking tite sino bang hindi?!"
"So you like me?" Ang nakangiseng tanong ng gago.
"Oo—I mean, hindi! Tangina ka! Mapanlinlang! Demonyo!" Ang sigaw ko habang dinuduro siya.
Malakas siyang natawa saka inabot ang kamay kong nakaduro sa kanya. Marahan niya akong hinila papalapit sa kanya at muling niyakap.
"I'm just teasing you. It's fine if you don't like me now. You'll love me soon. I'm not that hard to love." Ang mahangin niyang banggit na ikinalukot ng mukha ko. "According to my exes," ang pahabol pa niya.
"Hello? Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? Hindi ako ez girl kagaya ng mga ex mo. Nakikita mo ba 'tong gandang 'to? Sing ganda lang naman 'to ni Maria Clara. Deserve na deserve ng beauty ko ang pangmalakasang ligawan."
"Okay, I'm doing it. But do I have to do like the harana thing or what?"
Tumahimik ako. Umakto akong nag-iisip kahit wit naman. Para pang intense drama kemberloo lang.
"Ga?"
"It's a yes for me."
--
Si Francis, siya 'yong tipo ng gwapo at supladong bata na rich kid sa lugar ninyo na kabarkada ng mga batang feeling cool din kahit dinidilaan naman ang uhog nila pag lumalabas sa ilong. Ni minsan hindi ko naisip na siya pala ang taong mag-aahon sa akin mula sa kahirapan. Akala ko iyong mga sugar daddy ko sa Pinaylove. Charot!
Now I kinda feel bad not remembering him while I was inside the organization. Bakit nga ba sa daming tao sa buhay ko, siya pa ang nawala sa ala-ala ko? Bakit hindi na lang si dad? Si Gavin? Bakit siya?
"Hey, wake up,"
Ah, alam ko na.
"Ga, please wake up."
Kasi isa siyang lecheng nilalang na walang ibang ginawa kung di ang inisin ako at disturbuhin ang burlog session ko.
"Ano?! Respeto naman!" Ang inis kong bulyaw dito matapos kong hampasin ang kamay niya sa balikat ko.
"Let's have a date. Nakalimutan kong may date nga pala tayo kanina sa park kasama si Frank."
Jusko! Ala una pa lang ng umaga date kaagad ang iniisip niya? Anong klaseng kalandian 'yan? Saka sino bang bet rumampa sa parke kung namamaga mata mo?
"Mag-date ka mag-isa mo hindi 'yong nandadamay ka ng mga inosenteng natutulog. San ba 'yan?!"
"You'll see. Change your clothes. Bring your jacket."
Inis akong napakamot ng ulo habang bumababa ng kama. Saglit kong nilingon ang anak ng demonyo at nakita itong tumatakbo sa pintuan papuntang impyerno. Charot!
Hindi naman ako ganoon kasama para hindi siya pagbigyan sa date na 'to. Like, understandable naman kung bakit gustong-gusto niya akong i-date. Like hello? Nakita niyo na ba ang gandang 'to?
Kung oo, press 1. Kung yes, press 2.
Pasasalamat ko na din to sa kanya. Ayoko mang aminin pero...
binigyan ako ni bossing ng pag-asa.
Sinong mag-aakala na ang taong palagi akong iniinis noon at tinutulak palayo ay ang tao ring magbibigay sa akin ng pag-asang mabuhay ulit?
Sana lang... sana lang okay na talaga ang lahat.
-----------------------------------------------------------------
Thank you all for waiting!!! Ingat po kayo lagi! Labyu ol! Mwuah mwuah! Ciao!
Happy Anniversary Piyo's Army (Group chat name po namin ng mga readers/ frennywaffs ko hahahah) !!! Labyu ol!!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top