34
Tyga Xerxes Mondejar
"Good morning, ga."
Pinaningkitan ko ang kakaibang nilalang sa aking harapan na abalang pinupunasan ang kanyang hubad-barong katawan.
"Walang good sa morning kung ikaw ang makikita ko. Saka ba't ka ba ga nang ga? Umamin ka nga sa akin, crush mo ba ko ha?"
Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nang tumira ako sa iisang puder kasama ang nilalang na 'to. Walang araw na hindi ako tinataasan ng balahibo dahil sa mga pinapakita niyang kademonyohan sa akin.
Tumigil siya sa pagpunas ng kanyang buhok at tinitigan ako na para bang may tumubong tite sa aking ulo. I mean, sino naman kasing hindi tutubuan ng tite sa ulo kung sight na sight mo ang pa-bakat ni mayor? Jusko ha! Mukha lang po akong diyosa pero tao pa rin ako,nahihiwagaan sa mga malalaking bagay sa mundo.
Hindi ko sinasabing ang sawa ni bossing pero parang gan'on na nga po.
"Jesus! We're married for almost three years. Do we really have to go back to that phase?"
Napaurong ang ulo ko sa pekeng kasalang pinaglalaban niya. "Anong married-married ka diyan, fake 'yon oi! Gagang 'to. Makaalis na nga."
Sinubukan ko siyang banggain nang magawi ako sa kinatatayuan niya pero ang beauty ko ang kamuntikan nang madurog sa lakas ng impact. Mabuti na lang at napakapit ako sa braso niya.
Mabilis kong inayos ang body figure ko bago saka siya tiningnan. Medyo tumaas ang presyon ko nang ma-sight ang nangiinis niyang mukha. "May problema ba tayo dito, LANG. GA.?"
"Wala naman, 'ga. I'm just thankful," ang nakangite niyang chika sa akin. Like duh? May pake ba ako? Ano ako ez gurl? Ano naman kung thankful siya dahil ang ganda ng asawa niya?
Inirapan ko siya saka humalukipkip. "So? Share mo lang, gan'on?"
Bakla, 'wag kang magpapadala sa kanya. Isa 'yang impostor.
"I'm thankful because despite having a husband like you maganda pa rin ang araw na'to."
Pinaningkitan ko siya ng mata. "So sinasabi mong pangit ako? Gan'on? At ano namang ikagaganda ng araw kung iyang mukha mo ang bubunga aber?"
Mas lalong lumaki ang ngise niya sa tanong ko. Pigilan niya ako, dae. Pigilan niyo 'ko masasapak ko 'tong demonyong 'to.
"Sinabi ko lang na maganda ang araw ngayon. You're too sensitive nowadays, ga. Meron na ba?" Ang tanong niya saka ibinaba ang paningin sa tiyan ko.
Agad ko naman itong tinakpan ng mga kamay ko at saka siya binigyan ng isang masamang tingin. "Manyak! Ang baboy mo, Carding! Kakatapos ko lang manganak sa ika-labing walo nating anak tapos ngayon balak mo na naman akong laspagin?! Anong klaseng tite 'yan?! Made in Japan? Tibay naman."
Malakas siyang natawa saka hinagis sa akin ang tuwalya niya. "Gago!"
Tinaas ko ang tuwalyang itinapon niya sa akin saka eksaheradang napatili. "AHHH!!Bakit may tamod?!" Ang tanong ko sa kanya kahit wit naman akong na-sight na mga junior niya.
"Sa'yo na. Try putting it on your face baka may pag-asa pa," ang sagot niya saka ako iniwan doo.
Try putting it on-try putting in on niya mukha niya. Asa naman siyang maniniwala ako. Pero true ba? Char!
Pagkatapos kong abunuhan ng fertiziler ang aking dyogabels, at mag-harvest ng luya sa banyo, bumaba na ako ng bundok para ibenta ang kagandahan ko.
"Good morning, Philippines, and hello world. Muli na namang bumaba ang inang reynabels niyo mula sa heaven scent upang i-anunsyo kung sinetch ang ating latest evictee," ang anunsyo ko nang marating ko ang dining area ng bahay. Ginamit ko ang suklay na hawak-hawak ko upang magsilbing microphone.
"Oh my gosh, kuya, 'wag po!" ang iyak ni Charlotte.
"Gusto ko lang naman ng chocolate!"
"Pero hindi pa ako nakakahanap ng ka-love team!"
"No comment."
Itinaas ko ang aking kamay para patigilin sila. Masyado na silang madaming spotlight. Inuungasn na nila ang ganda ko. "I'm sorry, Frank, kailangan mo ng rumampa palabas ng mansiones. F-in-orce evict ka ni kuya, inubos mo daw ang isang taong food supply ng bahay."
"What's happening here?"
Napairap ako nang marinig ang nakakapanindig balahibong boses ni bossing. Iba talaga ang epekto ng mga demonyo. "Tyga?"
"Anez ba?! Masyado ka ng pakialamero ha. Pakibasa nga ng script mo para knows mo kung kailan ka eeksina."
"Kumain ka na ba?" Ang sa halip na tanong niya.
Humalukipkip ako at saka mabilis na inipit ang mahaba kong hairlalu sa likuran ng aking tenga. "Bakit? Concerned ka?" Ang pagmamaldit ko sa kanya.
Na-sight ko ang bahagyang pag-angat ng labi niya. "Bakit naman hindi? It's normal for spouses to be concerned with each other's health."
Jusko ha! Sinong nagpatay ng aircon. Bakit biglang nag-El Niño sa lugar na 'to? Naputulan na naman ba kami ng kuryente? Sabi kasing 'wag sa wire nila Mareng maki-connect.
Pinaningkitan ko siya ng mata saka dinuro gamit ang suklay kong may isang ngipen ng nawawala. "Hoy, ikaw, kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi mo. Masyado akong maganda para patulan ang isang kagaya mong hampaslupa, Carding, kaya pwede ba? Tigil-tigilan mo na ang panliligaw sa akin."
"Mabuti na lang hindi si sir si Carding. Di ba, mga LANGGA?" Ang narinig kong tanong ng baklang si Charlotte sa mga kasamahan niyang maid of honor na sumang-ayon naman sa kagagahan niya.
"Mabuti na lang talaga at hindi ako si Carding. But I do wanna have 18 babies with you," ang sabat ng walang hiya kong amo.
Napalunok ako nang maramdaman ko na parang pinipiga ang mga atay ko at ang bahagyang pagsakit ng dibdib ko. Shet, epekto na ba 'to ng fertilizer?! Sabi ko na nga ba't peke ang tae ng kalabaw.
"A-Asa! Nababaliw ka na, bossing! Puro ka kasi jakol kaya pati utak mo natutuyo! Diyan ka na nga!" Shuta ka, bakla! Ba't ka nautal? Mabuti na lang at pang-FAMAS awards ang beauty natin.
Nagmartsa ako patungo sa aking junakis na abalang pinapakain ng isa sa mga maid of honor dito. "Sasha, akin na ang golden spoon."
"Magandang umaga po, sir. Ito na po," inabot niya sa akin ang kutsara at saka nag standing ovation at rumampa paalis sa kaharian.
"Magandang umaga, junakis ko. Maganda ba ako?"
"Papa pretty!" Ang sagot niya na nagpalaki sa aking suso. Charot! Malaki na pala siya.
"Very good! May taste ka. Obvious naman sa iyong katawan. Charot! I love you," ngumuso ako saka mabilis na hinalikan ang pisnge niyang may nakakalat na uhog. Medyo maalat pero keri naman. Char lang ulit! Mapapatay kami ni bossing kung hindi namin malinisan ang kaisa-isang bulilit dito.
"Good morning, buddy."
Muling nagningning ang eyeballs ng junakis ko nang ma-sight ang kampong ng kadiliman. "Daddy!"
Napaatras ako sa aking upuan ng yumukod siya sa harapan namin. Mabilis kong itinaas ang golden spoon at itinutok ito sa kanya. "'Wag kang lumapit sa akin!"
Tinaasan lang niya ako ng kilay saka hinalikan si Frank sa pisnge niya. Umayos siya ng tayo saka pinagpagan ang suot niyang suit.
"What? Gusto mo rin ng kiss?"
Ha? Hanudaw? Ako gusto ng chukchakan mula sa kanya? Mukha ba akong kinukulang sa halik? Mukha ba akong tagtuyot? Syempre, oo, pero hindi ko naman kasalanan 'yon. Masyado lang talaga akong maganda para mahalikan ng kung sinu-sino lang diyan. Ehem.
"Ayoko! Ayoko. Ayoko. Ayoko. Sino ka ba para manghingi ng halik sa isang dyosa na kagaya ko?"
Sarkastiko siyang ngumite sa akin, "Of course! Who am I to ask for a kiss from you, the god of extraterrestrial beauty? Aalis na ako. I have a meeting with the board today but I'll be home before three pm. Let's take our son out."
Umirap ako saka maarteng hinawi ang naka-keratin kong long hairlalu. "Kahit wit ka ng umuwi keri lang."
"You'll be broken hearted if I don't," ang puno ng kumpyansa sa sarili niyang sagot.
"Jusko ha! Masyado ng makapal ang libag sa bayag mo. Dahan-dahan lang sa pagiging makapal."
Malakas siyang tumawa saka ginulo ang buhok ko. Wititit! Ang mga kuto ko! "Alis na ako."
"Lumayas ka sa pamamahay namin, demonyo!" Ang sigaw ko ng makalayo na siya. "Charlotte, ang holy water. Kailangan ng pangmalakasang basbas ang pamamahay na 'to."
"Oh em gee! Dinilig ko na sa gardenia ko, Princess Sarah."
Isang masamang tingin ang itinapon ko sa direksyon niya. "Hindi pa ba sapat na gabi-gabi kang dinidiligan ng Gavin na 'yon, Melody?! Pati holy water ginagamit mong panlinis diyan sa butas mong madilim ang budhi!"
"Napakasama mo sa akin, Tumbelina. Idedemanda kita!" Ang sigaw niya saka nag-walk out.
"S-Sir, o-okay lang po ba kayo?" Ang nauutal na tanong ni Tina, ang pinakabatang maid of honor dito sa baluret.
"Keri lang, gurl. Nag-pra-practice lang kami. Magau-audition kami bukas sa ABS-CBN."
"Ha? Eh wala na po sila 'di ba?"
Muli kong sinubuan ang majubis kong junakis. "Sinong nagsabi? Pakilapag ng address at patatahimikin ko."
Dumaan ang sampung taon at hindi na nga nakabalik si bossing sa bonggalicious niyang baluret. Dahil doon, mas lalong lumago ang imperyo namin. Nagkaroon ako ng dalawampung jusawa at limampong junakis.
"Papa, tired ako. No more walk. Sakit feet ko." Bumaba ang tingin ko sa aking junakis na ngayon ay nakaupo na sa sahig at malalim ang ginagawang paghinga.
"Ha? Bumaba ka lang naman ng hagdan. Nagreklamo ba ako noong buhat-buhat kita habang iniikot natin ang second floor?"
"Papa," ang atungal nito na nagpatawa sa akin.
"Sige na, sige na, tayo ka na. Akyat na tayo sa kwarto mo. Mago-one pm na rin. Kailangan mo ng matulog."
"Okay, papa."
Napahigit pa ako ng hininga nang tuluyan ko na siyang mabuhat. Mabuti na lang talaga at may pa-elevator dito sa balur ni bossing. Baka mapaanak ako ng wala sa oras sa bigat ng kyotang itey.
Habang binabaybay ang daan patungo sa elevator dito sa may right wing ng bahay may nadaanan akong kwarto. Sa dalawang linggo kong pananatili dito wit ko pang na-sight ang kwartong itey. Dito siguro tinatago ni bossing lahat ng baho niya.
Inakyat ko muna si Frank sa kwarto niya at pinatulog bago ako nagmamadaling bumaba papunta sa kwartong 'yon.
Nang sinubukan kong pihitin ang knob ng pintuan biglang pumula ang buong paligid saka nag-ingay.
"Please enter your password."
Bumaba ang tingin ko sa screen malapit sa pintuan at napakunot ang noo. "Jusko! Ang oa ha. Titingin lang naman ako sa loob, Marites."
"I am not Marites. You can call me Hilga, your virtual assistant. I will assist you in every possible way."
Namilog ang mata ko ng marinig ang mala-robot niyang the voice. Bigla akong na-excite. Ngayon lang ako nakarinig ng ganito.
"Okay, mareng Hilga, open sesame."
"Incorrect. Please type your password on the screen beside the door."
"Ah, so akala mo di ko knows ang password dito? Pwes, diyan ka nagkakamali."
Lumapit ako sa screen at nagsimulang magtipa doon.
b1GdiCk123
"Incorrect."
J03lal4y_26
"Incorrect."
Juariz123
"Incorrect."
Sunod kong inilagay ng birthday niya, ni Frank at birthday ko pero waley pa rin. Pati death anniversary ni mareng Andrea waley. Doon na naputol ang pasensya ko nang pati yong wedding anniversary namin hindi pumasok.
"Forget password!" Ang sigaw ko. "Ikaw, naku, nanggigil ako sa'yo, Hilda." Paulit ulit kong pinukpok ang screen bago ito muling nagkulay pula.
"Fingerprint scan completed.
Tyga Xerxes Mondejar-Juariz.
Former name: Mason Flynn Schmidt.
Status: Married
Blood type: AB.
Age: 24.
Height: 5 feet and four inches.
Weight: 47kg.
Eye color: light brown.
Ethnicity: Russian, German, Filipino, Australian, Chinese.
Nationality: Filipino.
You are my creator's legal spouse, Mr. Neil Francis Juariz. You are listed as one of the admins. Would you like to ask for a clue?"
Napakunot ang noo ko nang marinig ang totoo kong pangalan. Paano nalaman ng nilalang na 'to ang mga 'yon? Si bossing ba ang may gawa nito?
Knows ba niya?!
"Yes."
"Good. The clue would be the last news reported by Aj Dait."
"Anong news? Jusko ha! Bakit may pa spelling bee dito? Pwedeng call a friend?" Ang imbyerna kong tanong dito.
"The date."
Anong news kasi 'yon? Hindi naman ako nanonood ng balita dati. Puro barbie lang pinapanood ko. Malay ko ba kung anez ang huling ba—
Sandali.
Mabilis akong nagtipa sa screen at agad na napaurong nang magkulay green ang paligid at saka unti-unting bumukas ang pintuan.
May 21.
Ito 'yong araw kung saan ibinalita sa buong bansa ang pagkamatay ko. Ang araw na pinatay ako ng sarili kong ama.
-----------------------------------------------------------------
Thank you so much for waiting! Labyu ol! Ingat po kayo lagi. Mwua mwuah! Ciao!❤🔥✨
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top