32
Hello po! How are you all? Na-miss niyo ba sila Tyga at Francis? Hehe. Anyway, I'm sorry po if I wasn't able to update very frequently like I used to before. I have a part time work and we have a lot of works na kailangang ipasa sa school. Fortunately, end na ng class this month. Yey!!! May 14 end ng klase namin. Huehue. Ayon nga po, I'm hoping na matapos ko na ito before ako mag-college haha.
baluret-bahay
okinawa-lalaki
chopopo-gwapo
lipsung-lips
Neil Francis Juariz
"Why are you here?" Ang malamig kong tanong ko sa babaeng nakasalubong ko sa elevator pagdating ko sa palapag kung saan nakalagay ang kwarto ng asawa ko. I don't need to ask how she was able to get inside. She acts like she knows everything.
Her cold piercing eyes met mine and the side of her lips tugged upwards giving me that infamous arrogant smile. "After helping you find him, iyan lang ang sasabihin mo sa akin? How rude. We even fuck in your car once. Ganyan mo ba kadaling kalimutan ang saglit nating pag-i-isa?"
Janille. At first I didn't know why she keeps on insisting we fuck behind that creepy old building. I thought it was one of her kinks so I let her be. I was pissed off when a random man got inside my fucking car and commanded me to drive because some fucking goons were after him. I was already cussing the both of them in my mind.
Then I met her again inside a bar, just a day before I made Tyga sign a contract.
"You're looking for this kid right?" Ang tanong niya sa akin saka inilapag ang larawan ng batang matagal ko ng hinahanap.
Napakunot ang noo ko. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang tungkol dito.
"I will tell you everything about him, including his location but you have to keep this guy under your wing." Then she pushed another image towards me.
"I'm not keeping someone with bad manners and shady background beside me. Hindi ako bobo. At sino ka naman para paniwalaan ko?" Ang malamig kong tanong sa kanya. Most people would feel intimidated when I'm not playing around but this woman kept her cool.
Nginisihan niya ako saka tumayo. "Ikaw din. Baka magsisi ka. Ah, right. I'm Janille, by the way. Nice meeting you Francis Juariz."
Tyga.
That obnoxious, funny guy always makes a way to piss me off and make me smile even when he's not around me. He was a new paint in my life. He was shameless, loud, and crazy. He can be sweet and caring, fearless and scared, cute and annoying. Kahit saang anggulo ko tingnan hinding-hindi ko siya maiuugnay sa iyakin at mahinhing bata na nakilala ko noon.
But unfortunately he is. When I was away from them for three months dahil may kailangan akong ayusin sa New York, Janille gave me Tyga's background and origin. He was the guy I'm looking for all along.
Pero...
Pero hindi ko na makita pa ang batang kumikislap ang mata tuwing nakikita ako. All I could see is indifference in his eyes. He looks at me like I was just any of them. There are no more special stares. No special smile. No jealous cries.
I was just nothing in his eyes. I'm no longer the boy he always looks for. And he was no longer the boy I love teasing until he cries. We're both strangers to each other now.
That's what I failed to realize.
"Francis," ang seryosong tawag ni Janille sa pangalan ko. The arrogant smile she had has been completely wiped off. "Take care of him. Protect him. Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan niya."
"Alam ko. Hinahanap na rin siya ng dad niya."
"Nalaman nilang wala na sa loob si Mondejar. According to my source inside, may gusto silang kunin mula sa kanya. Gusto nilang maunahan ang sindikato sa pagkuha ng bagay na 'yon na nasa kanya."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. I knew he was a part of some big organization but Janille did not tell me what he does inside.
"May ideya ka ba kung anong tinatago niya?"
Umiling siya at nagbuga ng hangin. "Unfortunately, no. Kung ano man iyon, let him tell you or me when he's ready. I gotta go."
Nilagpasan niya ako at saka pumasok sa loob ng elevator. Pero bago pa man ito magsara, mabilis ko itong napigilan.
"Sandali may itatanong pa ako."
She raised her brows at me. "What? Don't waste my time. Huwag mo ring sayangin oras mo. I saw a handsome guy heading to your husband's room. Ikaw rin, baka maunahan ka."
"Who-" Ngumise siya sa akin. Agad kong nakuha ang ibig niyang sabihun. Pumasok sa isipan ko ang pagmumukha ng gagong Gerald na 'yon.
Tangina, asa naman ang gagong 'yon. I'm his first and will certainly be his last.
A Juariz always keeps his promise.
Tyga Xerxes Mondejar-Juariz
"Paki-abot n'ong remote, please lang."
"Ayoko nito, gusto ko 'yong malamig na orange juice."
"Ang kati ng paa ko, pakikamot naman, LANGGA."
"Ang asim ng orange ubusin mo. 'Wag tayong magsayang ng pera, may sampung anak pa tayong binubuhay."
"Betching ko itong bagong album ng ITZY paki-add to cart naman, 'GA."
"Masakit ulo ko pakimasahi naman."
"Paki-abot ng pop corn."
"Gusto kong manuod ng Mr. Queen. Episode 9 na tayo, remember?"
"Kumikirot ang cup D kong suso, pakila-" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang malakas na hampasin ng kurimaw kong amo ang lamesa sa tabi niya.
Kung makahampas akala mo pagmamay-ari niya ang lamesa. Jusko, nasa hospital pa po kami.
"Enough! Enough is enough, Tyga. Wala kang suso. Kaya pwede ba? Ibuka mo na iyang bibig mo at isubo itong pagkain? Nangangalay na ang kamay ko."
Marahas akong napasinghap at mabilis na kinapa ang dibdib ko. Shutang ina! Waley nga. Nakakaloka. Hindi ko na kasi nalagyan ng fertilizer kaya siguro nag-back to business ang dyogabels. Keri lang, pag-uwi namin sa probinsya sasaksakan ko 'to ng isang daang silicone.
Muli akong nag-angat ng eyesight kay bossing at saka doon sa kutsarang hawak-hawak niya. Pinaningkitan ko siya ng mata bago sinubo iyong pagkain.
"Wala ba 'tong lason?" Ang tanong ko habang ngumunguya.
Maarte niya akong pinaikutan ng mata. "If I wanted to poison you, I wouldn't do it in a fuvking hospital. I'm smarter than that."
Sinundot ko ang kanyang tagilirin saka humigikhik. "Aysus, smarter than that. Solve mo nga 'yong Reimann hypothesis."
Mahina siyang natawa saka umiling. Agad na tumindig ang balahibo ko nang marinig iyon. Tunog demonyo kasi, bes. Charot!
"I'm more of a tech savvy guy. I have encountered Reimann before when I was broke but it nearly broke my brain so I gave up."
Akmang susubuan niya ako ulit pero inagaw ko na sa kanya ang kutsara at plato. "Ako na. Keri ko na. Tumubo na ulit ang kamay ko. Kumain ka na. Baka idemanda mo pa ako ng animal abuse kung di kita pinakain."
"Wow. Ikaw pa talaga ang nagsabi niyan? Eh ikaw nga 'tong mukhang albinong unggoy," ang pangungutya niya.
Mabilis kong itinaas ang aking kamay at hinampas ang braso niya. Tigas! Naka-apo cement ang lolo niyo. "Aray! Ano ba? Is this how you treat your boss?"
Pinaningkitan ko siya ng mata saka inirapan. "May boss bang nagbabanta na patitirikin nila ang mata ng mga empleyado nila ha?! Akala mo, akala mo," Malakas kong hinampas ang braso niya gamit ang hawak kong kutsara. "Akala mo nakalimutan ko na 'yong drama mo kahapon ah? Bwiset ka, na-trauma ang panty ko dahil diyan sa kabustusan ng utak mo."
Patuloy ko siyang hinampas-hampas habang siya naman ay patuloy na sinasalag ang mga hampas ko. "Fuck! Tumigil ka na nga, gago, baka matanggal pa 'yang dextrose mo. Pinainom naman kita ng gamot bakit sira pa rin 'yang utak mo?"
Mas lalo kong nilakasan ang hampas sa kanya hanggang sa malakas siyang tumilapon sa kabilang building. Charot! Sinangla ko nga pala kay Saitama ang poweret ko. "Alam mo, ang sarap sirain niyang bayag mo."
Nginisihan niya ako bago tumayo. "Pwede naman. Basta," Hindi ako nakagalaw kaagad nang yumuko siya at itinapat ang mukha sa mukha ko. Nakatukod naman ang isang kamay niya sa gilid ko. Ang isa ay nakasapo sa aking pisnge. "Basta ito ang sisira." Aniya at mabilis na dinampi ang lipsung niya lipsung ko.
Wititit!
It kennat be!
Nakangiseng lumayo ang damuho mula sa akin. Namimilog ang mga mata kong napatulala sa kawalan. Hinayaan kong bumagsak ang katawan ko sa kama.
Ramdam ko na ang pagkalat ng lason sa buong katawan ko. Nakikita ko na ang pulang liwanag. Ang nagbabagang lawa. Ang umaapoy na trono.
"Bakla!" Heto na. Naririnig ko na ang boses ng tagasundo. "Bakit nakalaylay ang ulo mo sa kama?! Anong ginawa mo sa kaibigan ko, sir?! Alam kong baliw 'yan pero hindi niyo siya kailangang patayin! Siya ang sponsor ng cake sa kasal namin ni Gavin my loves!"
"Namatay na sa sarap. Ikaw na muna ang bahala sa kaibigan mo. I have to talk with my brother."
Nang marinig ko ang pagsara ng pintuan, nagmamadali akong bumangon at hinila ang kamay ng baklang si Charlotte. "Charlotte! Charlotte, tulungan mo ako. May kakaibang nangyayari sa amo natin."
"Anez ang chismis, baks?!" Ang natatarantang tanong niya sa akin.
"Pakiramdam ko talaga tuluyan ng sinakop ng masamang espiritu ang katawan niya."
"Ay, true ba yan? Spill the tea, mare."
"Kasi ano-" Natigilan ako nang maalala ko ang nangyaring light chukchakan kanina at ang panty traumatizer niyang banta kahapon na patitirikin niya ang mata ko.
Spill the tea na ba? Pero mabaho ang bunganga nitong si Charlotte. Mas mabilis pa sa virus kung kumalat ang chismis ng gagang 'to.
"Kasi ano, baks?! 'Wag mo kong binibitin!"
"Sandali! Sandali lang naman. Pakalmahin mo naman 'yang puke mo, Charlotte. Nag-iisip pa ako."
"Pero wala akong puke!"
"Edi magpakabit ka! Problema ko pa ba 'yon?!"
"Pero wala na akong pera! Binilhan ko kahapon ng Nike Dunk High si Gavin my loves."
Marahas akong napasinghap sa sinabi niya. "Isa kang marupok!"
Madrama ring napasinghap ang gaga. "Oo, marupok ako, pero nagmamahal lang ako, Nanny Mcphee! Hindi mo nararamdanan itong nararamdaman ko kasi pakipot iyang puke mo kay sir Francis! Kung bubuksan mo lang 'yan siguradong maiintindihan mo ako."
"Pero wala akong puke!"
"Edi magpakabit ka! Hindi ko na problema 'yon," ang pagmamaldita niya sa akin saka humalukipkip at umirap.
Humalukipkip rin ako't umirap. "Anyway, Anastasia, kamusta na nga pala ang kaharian? Maayos ba itong pinamumunuan ng majubis kong junakis na si Frank?"
"Keri lang, queen Yasmin. Wala kang dapat ipagalala. Maayos na tinuturuan ng jusawa mo ang inyong junakis. Sa galing ng tandem nilang dalawa, nakabili ng bagong baluret ang jusawa mo."
Napagting ang tenga ko sa chika ng baklang Charlotte. "True ba 'yan?"
"Truth! Fact check, bakla. Head cook at mayordoma na ang mga friendships nating si Niña at Maribel. Umaasenso na ang mga gaga."
Agad akong nadismaya sa news report niya. Wala na akong mga julalay sa aking booming business. Ipro-promote ko pa naman sila dapat bilang mga cashier.
"So sinetch na ang kasama ko pagbalik ng Negros?" Ang taas kilay kong tanong sa kanya. Medyo tumaas ng kaunti ang dugo ko.
"The who ang babalik? Waley na ang babalik sa lugar na iyon, bakla. Lahat tayo sa brand new baluret gogora after ng hospitality management mo."
Noong una, hindi pa ako gaanong naniwala kay baklang Charlotte tungkol sa brand newng baluret. Pero nang itigil ang sasakyan sa isang magarang bahay kamuntikan na akong maloka. Saglit akong nalula sa magarang bahay. Lamang na lamang ang beauty ng baluret na itey sa dati niyang mga bahay.
"What do you think? Do you like it? The glasses placed on the wall are one of our brand new products we released on the market. Those are high caliber bullet resistant glasses to make you and our son feel safer. You don't have to worry about the pool too, it comes with a special ozone system and UV sanitizing light. I already installed a lot of security system inside the house para mas panatag ako kapag hindi niyo ako kasama." Nilingon ko si bossing na nakangiting nakatingin sa bongalicious na baluret.
Saglit akong napatitig sa chopopo niyang fes. Kung maayos lang talaga ang ugali at utak ng demonyong 'to baka naglumpasay na ako sa kiling nang maalala kong may nakaraan pala kaming dalawa.
Hindi kaagad ako nakabawi ng tingin nang lingunin niya ako't ngisihan. Parang biglang umaliwalas ang mukha niya. Malakas akong napalunok nang maramdaman ang mabilis na pagkabog ng puso ko. Shuta naman. Sinusumpong na naman ba ako? Hindi pa ba tapos ang pagdurusa ko? Kakalabas ko pa nga ng hospitality management rarampa na naman ako pabalik.
Para itago ang kaba na nararamdaman ko agad akong bumanat ng biro, "T-True ka ba? Keri pa ba ng bulsa mo? Jusko, hindi pa ako handa kapag nakulong ka, Carding. Kakapanganak ko pa lang sa pang labing lima natin. Paano ko sila bubuhayin?!" Ang pagdra-drama ko sa kanya.
Mahina siyang natawa saka ako inakbayan ng walang pasabi at hinila ako papalapit sa kanya.
"Ano ba!" Sinubukan kong pumalag pero mas lalo lang humigpit ang pagkakayakap niya sa leeg ko.
Bumaba ang tingin niya sa akin at saka itinapat ang kanyang hintuturo sa kanyang bibig.
"Shh. Shut your mouth, 'ga. 'Wag ka ng dumagdag sa carbon dioxide immesion."
Aba't!
Malakas kong hinampas ang braso niyang nakayakap pa rin sa leeg ko. "Bwiset ka talaga!"
Malakas lang na tumawa ang gago at saka ako mabilis na dinampian ng halik ang pisnge.
"Yucks! Laway!" Ang tili ko.
Pero tumawa lang ulit ang demonyo. Ramdam na naman siguro ng empyerno ang lakas ng enerhiya ng baliw kong amo. "Welcome home, langga."
Shuta. Shuta. Shuta. Shuta. 'Wag kang mamumula, bakla. 'Wag kang magpapalinlang sa demonyo! Labanan mo ang temptasyon!
"You're blushing."
-----------------------------------------------------------------
God bless you all! Ingat po kayo palagi! Mwuah mwuah! ciao!💝
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top