31


Tyga's Dicktionary

Anez-ano
Wititit-Hindi
ma-sight-makita
warla-war or away
bet-gusto

Tyga Xerxes Mondejar

Napaungot ako nang maramdaman kong may nakamasid sa gandang taglay ko. Sunod kong naramdaman ang paghaplos niya sa maganda kong fes. Hinuli ko ang kamay niya nang itigil niya ang paghaplos sa mukha ko.

Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko para ma-masight ang ingiterang froglet. Medyo malabo pa 'yong paningin ko ng imulat ko ang aking mga mata, pero may naaninag akong kulay pula kaya napasinghap ako at napatakip ng bibig.

"S-Satanas?!" Ang kinakabahan kong tanong sa kanya.

Anez ang nangyari?! Na-deny ba ang passport ko sa heaven scent? Knows na ba ni San Pedro na gumamit ako ng ibang server para makanood sa pornhub?! Wititit!

"Hindi ka pa rin nagbabago. You're still crazy, Mondejar."

Para akong na-paraliza soberano sa aking higaan nang marinig ko ang pamilyar na malamig na boses na 'yon. Bakit siya nandito? Minumulto ba niya ako?! Pero pinadalhan ako ng anting-anting ni lola para panaboy sa mga masasamang kaluluwa. Bakit naririnig at nahahawakan ko pa rin siya?! Masyado bang malakas ang--

Pak!

Mabilis akong napahawak sa mukha ko nang dumapo sa aking pisnge ang may kabigatang palad. Namimilog ang mata kong tumingin sa bruhang nasa aking harapan at mabilis din siyang sinampal, tinadyakan at sinaksak ng sampung beses saka ko mabilis na itinago ang katawan niya sa ilalim ng kama ko.

Charot! Hanggang sampal lang muna ang kaya ko. Naubusan ako ng lakas.

"You-"

Hindi ko siya pinatapos. Itinaas ko ang kamay ko sa harapan niya at mariing ipinikit ang aking mga mata.

"Stop. Stop in the name of love. Itigil na natin ang kahibangang ito, Zeinab. Alam ko namang marupokpok iyang puke mo kaya lumayo ka na sa akin. Kakapanganak ko pa lang. Ayokong malaglag ang anak ko dahil diyan sa karupukan mo."

Ibinuka ko ang aking mga mata at mahinahong sinalubong ang pares ng contact lense.

"Really, Mondejar? Akala ko magbabago ka na. Pero mukhang mas lumala ka lang yata," ang naiiling niyang sabi sa akin.

Maarte kong hinawi ang buhok kong ilang taon ko ring pinaghirapang shampoo-hin ng Palmolive at Keratin. "Tama ka. Mas lumala nga ang kagadahan ko. Anez na naman ang kailangan mo sa ganda ko? Kung nandito ka para i-hire ako bilang kapalit ni Gigi Hadid sa susunod na fashion week, kausapin mo ang manager ko."

Agad niya akong tinaasan ng kilay nang marinig ang chika ko. "May manager ka?"

"Wala. Kaya huwag mo akong kausapin."

"Well, you have no choice. You have to talk to me, Mondejar. I have a very bad news for you."

Inirapan ko ang gaga saka ako dahan-dahang naupo sa aking kama. "Palagi namang masamang balita ang dinadala mo sa akin, Janille."

Janille Asuncion Callente. Siya ang dating namumuno sa intelligence quarter ng organisasyong kinabibilangan ko. Dati ko siyang boss pero noong 'namatay' siya dahil sa engkwentro namin laban sa mga alagad ng batas, nabuwag ang grupo namin. Pinalitan ang head ng team at mga miyembro nito.

"Nalaman ng tatay mong director ng NBI na wala ka na sa loob ng Alpas. Hindi lang Alpas ang naghahanap sa'yo, the Government is after you as well. I heard from Elaine that Alpas is teaming up with other Cartels to find you. Anong hinahabol nila sa iyo, Mondejar?"

Seryoso siyang napatitig sa mga mata ko kaya mabilis ko itong tinakpan ng unan. "Hoy, kung maka-sight ka sa fez ko kulang nalang ngatngatin mo ako. Hindi tayo talo, okay?"

"You!" Sinubukan niyang hilahin ang unan papalayo sa akin pero mabilis ko iyong nahila pabalik. Naghilahan lang kaming dalawa hanggang sa mahulog siya sa kama.

"Can't you be serious for once?! Puro ka na lang biro! I am helping you live but it seems like you don't give a fuck about your life. Mukhang wala ka namang paki. I won't risk my freedom for you, Mondejar. This will be the last time that I'm going to warn you.

You are not safe in your father's hand. Alpas' hitmen are ready to load their gun and shot a bullet in to your head gaano ka man ka protektado sa loob ng gobyerno. They have spies inside. Alam mo kung anong uri silang tao.

Mag-ingat ka."

Hindi ko magawang tumingin sa kanya habang sinasabi iyon. At kahit noong makalabas siya ng kwarto wala akong mailabas na reaksyon. hindi ko alam kung ano pa ang dapat kong sabihin o maging reaksyon. Iniisip ko pa kasi kung anez ang magiging reaction paper ko sa essay niya kanina. Medyo naubus

Dapat ba akong mag-panic? Umiyak? Matakot?

Eh matagal na akong takot. Hindi naman 'yon mawawala. Knows ko namang pwedeng ma-deads itong beauty ko ano mang oras. Kaya nga ako tumakas. Kaya nga wit akong lumapit sa pudrabels ko nang makalaya ako. Kasi knows kong hindi ako safe and sound by Taylor Swift.

Kaso minsan naiisip kong nakakapagod din pa lang magtago. Kaya ayon, hindi na lang ako nag-iisip para hindi ako napapagod. Gan'on lang naman ka-simple ang buhay.

Napangise ako nang ma-sight ang isang maliit na papel sa gilid ng hita ko. Kinuha ko iyon at binasa ang nakapaloob dito.

Cecilion Village. Gate 34.

Knows ko namang hindi ako matitiis ng bruhang 'yon. Dati kasi niya akong crush kaso hindi ko talaga bet ang kumain ng petchay. Kahit paluin pa ako ng isang milyong batuta keri lang basta wiz lang akong pasisisidin sa mga naglalawang kipay.

Mula sa hawak-hawak kong papel, napa-angat ang tingin ko sa pintuan nang pumasok si Chris Evans kasama ang isang dosena naming anak.

"Hey," agad sumilay ang isang napakatamis na ngite sa mukha niya nang ma-sight ang gandang dalaga ko. "You're finally awake. How are you feeling?"

Pabebe kong inipit ang aking humahabang hairlalu sa likuran ng aking tenga. "Hele, eke leng nemen eke. Ekew?"

Napatigil siya sa paglalakad at saka kunot-noo akong tinitigan. "Kenneth? Are you sure you're okay? Why do you talk like that? Do you want me to call the doctor for you?"

Naparalisa ang ngite ko sa aking fezlak dahil sa kabobohang inispluk niya. Kalma, baks. Hindi pa oras para ilabas mo ang iyong tunay na ganda. Dahan-dahan lang para hindi masyadong ma-inlababo sa ganda natin ang lolo niyo.

Pilit akong tumawa saka malakas na hinampas ang braso niya. Ang tigas naman, pwedeng patikim? Charot!

"Nako, okay na ako. Maraming salamat. Bakit ka nga pala napadalaw dito? Ikaw ba naghatid sa akin kahapon? Saang hospital pala ito?" Ang sunod-sunod kong tanong sa kanya ng maalala ko ang nangyaring soap opera kahapon sa aking booming business.

Saglit siyang napatigil sa sinabi ko bago nagpakawala ng isang buntong hininga at umiling. Binigyan niya rin ako ng isang alanganing ngite. "You've been asleep for four days now, pare. Your friend transferred you in a hospital here in QC."

Ha? Hanudaw? Tama ba 'yong narinig ko? Pare? Tinawag niyang pare ang mukha 'to?

Gerald, sana okay ka lang. Sa ganda kong 'to pare lang ako? Ayus-ayusin mo naman mga desisyon mo sa buhay, Gerald. Napaghahalataan 'yong epekto ng barbecue sa atin eh. Jusko naman. Take two nga, direk!

Pilit akong ngumite sa kanya. "Ah, gan'on ba. Bakit ka nga pala nandito?"

Badtrip pa rin ang beauty ko sa pagtawag niya sa aking pare kaya medyo nagmaldita ang lola niyo. Like, hello? Wala na ba akong right conduct para magtampo bilang mapapangasawa niya?

"I came here to meet my sister. I remember that they brought you here when I asked your friend. Mabuti naman at mukhang okay na," aniya habang nakangite sa akin.

Akala naman niya madadala ako sa pangite-ngite niyang 'yan. Mukha ba akong marupok? Mukha ba akong ez girl? Kahit pa sabihin niyang iuuwi niya ako sa kanila syempre sasama kaagad ako.

"Oo, okay na ako." Ang nakangite kong sagot sa kanya. "Nandito ka na kasi," ang mahinang bulong ko.

"Yes? May sinabi ka ba?" 

Mabilis akong umiling. "Ay nako wala. Ano nga pala iyang dala mo?"
Ang pang-uusisa ko sa dala-dala niyang paper bag.

"I bought some food for you. I have here miso pork, haloumi fritters, and rib-eye with tomato pesto. I don't know what you like but I have tasted this one from the resto I went awhile ago mukha namang masarap," ang paliwanag niya habang isa-isang inilabas ang mga pagkain mula sa paper bag.

Mukha namang masarap ang pagkain pero mas masarap ang naghahain. Pwede bang ito na lang tikman ko?

"Hindi ka na sana nag-abala pa. Nakakahiya naman sa iyo."

"No, it's fine. I like taking care of my friends. Anyway, dumaan lang talaga ako dito para i-check ka. May flight pa akong kailangang habulin."

Medyo nadismaya naman ako sa sinabi niya. Bet ko pa sanang makipagmukbangan sa kanya pero naiintindihan ko naman siya. Kailangan talaga niyang kumayod ng mabuti lalo na ngayon at nadagdagan na naman ng isang dosena ang anak namin. Hipp Organic pa naman ang ginagatas ko sa kanila.

"I need to go. Take care, alright?" Kamuntikan na akong mag-wet nang yumukod siya para yakapin ako.

Jusko, dae! Winner na winner ang amoy. Ang bango! Amoy araw. Charot!

Habang tuwang-tuwa ako sa pa-hug ni mayor, bigla namang may epal na pumasok sa eksena.

"MONDEJAR!"

Matuto sanang lumugar iyong mga extra lang diyan. Hindi 'yong parampa-rampa lang kahit moment na ng mga bida. Napaka-walang manners. Hindi yata to na orient ng star magic flakes.

Mabilis pa sa alas kwatro itong nakarating sa aking frontliner at marahas na hinila si Gerald my loves palayo sa akin. Anez ba ang problem solving niya?! Inggit na inggit?! Bwiset 'to ah!

"Ano ba!" Ang sigaw ko sa kanya pero agad ko ding tinikom ang bibig ko nang nang tapunan niya ako ng isang masamang tingin. Iyong tingin na parang sinasabing hahatulan niya ako ng kamatayan mamaya. Sabi ko nga tatahimik na lang ako.

"Who the fuck are you?!"

Itinaas ni Gerald ang dalawang niyang kamay saka ngumite kay bossing. Hindi ko knows kung para saan ang ngiteng 'yon. Ang knows ko lang ay malapit nang sumabog itong si bossing. Warla na warla ang formation ng lolo niyo.

"I'm Gerald, pare. Kenneth, una na ako. I left my number on the bag. I'll wait for your call."

Kahit gusto kong maglumpasay sa kilig nang sabihin niya iyon, pinigilan ko muna ang sarili at baka may maidagdag na pasyente dito sa hospital.

"Gerald? Akala ko si epal. Lumayas ka na dito, tol, bago mag-init ulo ko sa'yo. And stop wasting your time waiting for something that will never happen."

Napataas ang dalawang kilay ni Gerald sa sinabi ni bossing saka tumango-tango. "Okay." Saglit akong sinulyapan ni Gerald saka niya ako binigyan ng isang mabilis na ngite.

Pagkatapos ng saglit na moment naming dalawa tumalikod na siya at saka naglakad paalis.

Nang tuluyan nang maka-alis si Gerald sa kwarto doon na ako malakas na tumili saka hinampas si bossing at paulit-ulit itong hinihila at tinutulak palayo.

"Fuck! Ano ba!"

Sinamaan ko siya ng tingin saka hinampas sa huling pagkakataon ang braso niya. "Bakit kasi ang epal-epal monh bwiset ka. Ayon na eh! Masusundan na si Frank, bossing."

"ANO?!" Napaurong ako nang malakas siyang sumigaw.

"Ano ba?! Kailangan mo ba talagang sigaw-sigawan ako ha?! Ayoko na! Gusto ko na ng annulment. Sakin ang taniman ng talong." Akmang aabutin ko dapat iyong paper bag nang maunahan niya ako. Hinila niga mula doon ang isang card at saka pinunit at itinapon sa bintana malapit sa kama ko.

"Wititit! Anez ang ginawa mo!? May number 'yon ni Gerald!" Ang sigaw ko habang sinusubukang abutin ang nagkapira-pirasong papel.

"Gerald, Gerald, puro ka na lang Gerald! Ako 'yong nandito pero puro ka Gerald."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Alangan namang Francis. Bakit? Crush ba kita ha?" Ang mataray kong tanong sa kanya.

"Hindi, pero asawa mo ako. At mas gwapo ako sa gagong 'yon. Mas masarap akong lumaplap at yumakap." Napalunok ako nang ilapit niya ang kanyang fezlak sa maganda kong mukha.

Nakakailang din ang ginagawa niyang pagtitig sa akin. Bumaba ng tingin niya sa mga labi ko saka mas lalo pang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Tuwing nilalapit niya ang mukha niya sa akin lumalayo naman ako hanggang sa maramdaman ko na lang na lumapat na ang likuran ko sa malambot na kama.

"Mas magaling akong magpatirik ng mata, Tyga. Kayang-kaya nating sundan si Frank ngayon din."

Ayaw kong magpalinlang sa demonyo pero parang bet kong i-avail ang promo.

-----------------------------------------------------------
Hi po! Alam kong matagal-tagal na rin simula nang huli akong makapag-release ng update. Medyo naging busy lang po talaga ang life. Marami po kasi akong ganap sa life na school related. May mga projects and modules po akong hinahabol huehue. Ayon lang po. Thank you po sa paghihintay. I'm hoping na tuloy-tuloy na sana ang magiging update ko dito around May. May kasi end ng klase namin haha. Ayon po, pasensya na talaga sa paghihintay. Thank you po sa pang-unawa. Huehue.

Ingat po kayo lagi. Ciao!😍



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top