29
Tyga's Dicktionary
Chopopong kyota- Gwapong bata
kyotabels/kyota- bata
crayola colors-iyak
Knows -alam
otoko- lalaki
Chaka - pangit
Bet na bet- gustong-gusto
rumampa - lumakad
anez-ano
wit-hindi
Tyga Xerxes Mondejar
Sabi nila, your first love will always be alive and will live forever in your heart. Nakalimutan man ng sila ng isipan natin, wit na wit naman silang nakakalimutan ng puso.
Iyon siguro ang dahilan kung bakit may chopopong kyotabels akong paulit-ulit na nasa-sight sa panaginip ko. Siya iyong uri ng lalaking walang modo pero maginoo. At ang pokpok na kyotang si ako naman ay kinikilig palagi sa kanya.
"Oi, 'w-wag ka ng umiyak!" Ang tarantang saway pa sa akin ng chopopong kyota.
Na-sight ko na naman ang sarili noong kyotabels pa lamang ako. Nasa isang malawak kaming damuhan, may kasama kaming ibang bata na naglalaro di kalayuan pero hindi ko sila mamukhaan bukod kay Gavin at sa batang babae na Andrea ang pangalan.
"Bakit ka ba kasi umiiyak ha?!" Ang singhal niya sa akin na mas lalo lang nagpalakas ng iyak ko. Kahit tumutulo na ang uhog ko patuloy pa rin ako sa pag-crayola colors.
"Eh kasi..." ang sumisigok kong panimula. Kasi pabebe pa ang kyotang si oka, pinulot ko muna iyong flower crown sa lupa at ngumunguso itong pinaglaruan
"Kasi..."
"Kasi ano?!" Ang napipikon na niyang tanong. Muli na namang nanubig ang mga mata ko.
"Are you angry with me?" Ang pabebe kong tanong. Tiningala ko ang gwapo niyang mukha at naiiyak na namang tinitigan ang mga mata niya.
Nakita kong lumambot ang tingin niya sa akin. At syempre ang pokpok namang ako ay mas lalong kinilig kahit umiihi pa ako sa higaan ko. Parang may kung anong paru-parong nagsiliparan sa tiyan ko. Sobrang bilis rin ng pagtambol ng puso ko.
"No! Why would I get mad at you? Stop thinking stupid things, idiot," ang pang-iinsulto niya bago pinitik ang noo ko.
Ay! Pigilan niyo ako, mga dae. Masasampal ko ang kyotang 'to. Matalas ang bibig! Sino ba nanay nito? Jusko naman. Idiot daw ako, bes? Knows niya ba na valedictorian ako noong kinder 2? Alam niya bang nilampaso ko ang anak ng lawyer sa quiz bee na idedemanda daw ako kasi naglalagay ako ng ipit sa buhok?!
Ngayong muli kong nakita ang sarili noong bata pa ako, na-realize kong ang chaka pala ng taste ko dati. Kaloka bes! Bakit ba bet na bet ko ang walang modong otokong itey dati? Anez ba ang meron siya bukod sa titeng bagong tuli?
"Eh bakit ka nagpakasal kay Andrea? Tapos sa akin ayaw mo. Am I not pretty ba? You don't want me ba kasi may chinchin ako?" Ang muli kong pagdra-drama.
Teka... Andrea?
"H-Huh? E-Eh syempre kasi boy ka tapos boy din ako. Sabi ng lolo ko bawal ang boy at boy na magpakasal. They go to hell. Boys are for girls only," ang paliwanag niya sa akin.
"No! Ayoko! Wrong ka!" Ang tili ko at mabilis na tumayo. Kahit nakatayo na ako, kinailangan ko pa ring tumingala sa kanya.
"You're so stubborn! Hindi nga pwede!" Ang sigaw niya pabalik sa akin kaya naiyak na naman ako na may kasamang green na uhog. Charot!
"What if girl ako?! Are you going to marry me?"
Napepe ang kyota matapos ang mala-showbiz kong tanong. Lumihis ang paningin niya mula sa akin at nagkamot ng batok.
"M-Maybe?"
Grabeng disappointment naman ang naramdaman ko sa mga oras na 'yon. Sa kaunting sandali, nagalit ako sa Diyos. Oh 'di ba? Ang drama ng lola niyo dati.
Sa isip ko, bakit niya ba ako ginawang ganito? Bakit niya ako ginawang lalaki na nagkakagusto rin sa mga kagaya kong lalaki, kung itatapon lang din naman niya ako sa impyerno at susunugin? Total makapangyarihan naman siya at kayang gawin at kontrolin ang mga bagay, bakit hindi na lang niya inayos ang utak, puso at mismong ako?
Kung inayos lang niya sana ako, hindi sana ako masasaktan sa sinabi ng chopopong kyotabels. Kung inayos niya ako sana hindi ako natatakot na mapalo ng daddy. Kung inayos niya ako sana hindi ako pinagtatawanan ng mga classmates ko kapag may ipit ako sa buhok.
Hindi ko alam kung bakit ako nasaktan ng bonggang-bongga sa sinabi ng kyotabels na itey. Siguro nga, gustong-gusto ko talaga siya dati kahit wala siyang modo. Siguro nalungkot lang ako, kasi ayaw niya akong pakasalan dahil lang sa isang rason na hindi ko naman kontrolado.
Hindi ko naman kasalanan na wala akong pukemon.
Syempre kasi dramabels ang peg ng kyotang si ako, tinalikuran ko na lamang ang chopopong kyota habang umiiyak. Nagsimula akong maglakad palayo sa kanya kasi uuwi ako ng bahay at isusumbong ko siya sa mama ko. Isusumbong ko rin siya sa tita niya na umihi siya sa tanim nitong kamatis.
Matitikman niya ang bagsik ng isang Ivy Aguas!
"Saan ka pupunta?" Ang pahabol niyang tanong sa akin.
Tumigil ako sa paglalakad pero hindi ko siya nilingon. Patuloy pa rin ako sa pagsigok at pag-iyak. "U-Uuwi na ako. I'll m-make my assignment na lang. Kasi nasasaktan ang heart ko kapag nakikita kita."
Kung pwede lang sanang sabunutan ang kyotang self ko dati matagal ko ng ginawa! Ay jusko po, ijo. Hindi ka pa tuli! Myghad! Kaloka ka.
Itinaas ko ang laylayan ng t-shirt ko at suminga doon bago muling rumampa paalis sa lugar na 'yon.
"Oi, sandali!" Ibayong kiliti naman ang dala ng ginawa niyang pagsunod sa akin. "Sabi mo uuwi ka na? Eh hindi naman 'yan yong daan papunta ng bahay niyo."
Medyo nahiya naman po ang ganda ko doon opo.
"Hindi pa pala ako uuwi. Sasali na lang ako kila toto. Inaya ako ni toto na magpakasal sa kanya kanina, baka pwede pa ako magpakasal sa kanya. Okay lang naman daw sa kanya kahit boy ako."
Natigil ako sa paglalalad kasi hinarangan niya ang daraanan ko. Nakahalukipkip siya habang magkasalubong ang makakapal na kilay.
"Magpapakasal ka sa kanya? Eh 'di ba ako ang crush mo?! Bakit ka magpapakasal sa kanya? Saka mahirap lang 'yong si toto. Magsasaka lang tatay niya. Hindi ka niya mabibigyan ng magandang kasal."
Napakuyom ako ng kamao. Sarap suntukin eh. Chos!
"Eh ano naman ngayon kung farmer lang ang daddy ni Toto? Si Toto kahit wala na silang money may food pa rin sila kasi marami silang vegetables at fruits. Ikaw kahit marami kang money, puro bacon at bread lang kinakain mo. Eh hindi healthy 'yon sabi ng mommy ko. Saka, saka, kahit poor si Toto at hindi maganda ang kasal namin it's fine for me kasi Toto doesn't mind if boy ako so I don't mind him being poor too. Marami naman akong money sa piggy bank ko we can share it," ang buong tapang kong sabi sa kanya bago ako tumakbo sa gilid niya.
"Wait!" Dahil mas mahaba ang mga biyas niya kumpara sa akin, mabilis niya akong naabutan. Hinarangan na naman niya ulit ako kaya nabunggo tuloy ako katawan niyang walang ka-abs-abs.
"Stop following me!" Ang inis kong bulyaw.
Syempre, dapat um-attitude tayo kapag ni-re-reject ng mga crush natin para hindi masyadong halata ang impact. Hindi sila kawalan. Ipakita niyo na hindi lang sila ang notang masusubo sa mundong ibabaw.
"'Di ba you don't want to marry me kasi boy ako? Edi doon ka na kina Andrea. Leave me alone!"
Sa halip na umalis parang siya pa yata 'yong nagalit sa pagtataboy ko sa kanya. Luh, um-attitude rin ang lolo niyo! Ang bilog ng bayag!
"Ang OA mo naman! Eh laro-laro lang naman 'yon."
"I'm not OA!" Ang tili ko at muli na namang umiyak. Akmang itutulak ko na dapat siya nang hulihin niya ang mga braso ko at hinila ako pabalik sa pwesto namin kanina.
Rumampa lang kami ng rumampa hanggang sa marating namin ang wedding officient naming si Aga. Naalala ko ang kyotang ito. Ito 'yong kyotang palaging kinakantyawan na mag-jowa daw itong chopopong kyotang kasama ko at ang merlat na si Andrea.
Matapos ko siyang suhulan ng limang piraso ng Ferrero Rocher, tatraydurin niya ako? Ha! Makita ko lang talaga ulit 'tong lalaking 'to sa daan, makikita niya. Nako! Nanggigigil ako eh.
"Oi, bakit?" Ang gulat na tanong ni Aga sa amin nang itulak siya nitong kasama ko sa kanyang likuran.
"Ikasal mo kaming dalawa," ang utos niya dito. Lahat kami ay natigilan sa sinabi niya.
"H-Ha? Eh kasal na kayo ni Andy eh. Bawal na kayong ikasal."
"Then I divorce her. Grant it. Do you want me to call our family lawyer?" Ang seryoso niyang tanong sa tonong nambabanta.
"H-Hala! Naglalaro lang tayo eh. Pambihira ka naman." Napakamot na lamang sa ulo si Aga bago pinulot iyong notebook niyang maraming itlog. "Sige na nga. Oi! Pwesto na kayo! May ikakasal."
"Sino?" Ang narinig kong tanong ng isa sa mga audience namin.
"Si Sonson at-" hindi ko narinig ang sunod niyang sinabi kasi biglang humangin ng malakas.
Nakakapagtaka. Tuwing malapit ko ng malaman ang pangalan niya palaging may nangyayari para pigilan 'yon.
"Eh pareho kaya silang lalaki! Ano ba 'yan. Uwi na nga ako," ang reklamo n'ong isa kaya napayuko ako. Doon ko lang napansin na hawak-hawak pa rin ng chopopong kyota ang kamay ko.
"Ako rin! Hindi naman kinakasal ang parehong lalaki."
"Bakla siguro sila. Sabi ni tatay salot daw 'yong mga bakla."
Mas lalo akong nanlumo sa narinig ko. Syempre dahil pabebe gay pa ang awrahan ko dati, wit ko pa knows kung paano makipag-warla. Pa-yuko-yuko lang ang ganda ko habang pinapakinggan ang mga salita nila.
Makapal naman ang mukha ko noong kyota pa ako pero noong nakilala ko itong chopopong kyota naging conscious na ako sa sarili at paligid ko.
"Ang uuwi sa inyo lagot sa akin!" Ang malakas na sigaw ng chopopong kyota kaya napatingala ako sa kanya. "Kapag may isang umuwi sa inyo hangga't hindi natatapos ang kasal namin, mawawalan ng trabaho ang mga magulang nila. Ano?!"
Nilibot ko ang paningin sa buong paligid at nakita silang dahan-dahang bumalik sa pwesto nila.
"Simulan mo na. Gusto ko 'yong sa I do na. Bilis!" Ang utos niya kay Aga. Taranta namang binuklat ni Aga iyong notebook niya at tumikhim.
"--, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Sonson, na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habangbuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?"
"Yes."
Sumilay ang napakalaking ngite sa mukha ng kyotabels na si akez matapos kong marinig ang sagot niya.
May binunot siya mula sa kanyang bulsa habang nagsasalita si Aga ng wedding vows keme kuno namin.
"Sonson, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Prancis, na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habangbuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?"
Sasagot na dapat ako nang magsalita si Prancis. Kaloka ha! Bakit ka namesung niya si bossing?! Jokeness ba ito?
"Wait," Ang pagpapatigil niya kay Aga na nagtatakang tumingin sa kanya. "Suminga ka muna. I don't want to taste your snot when I kiss you," ang seryosong sabi niya bago itinapat ang panyo sa ilong ko.
Pagkatapos kong gawin ang ini-utos niya, pinunasan naman niya ang kumalat kong mga sipon sa pisnge kanina. Matapos niyang linisan ang mukha ko, nilingon niya si Gavin at itinapon dito ang panyo.
Habang pinapanood ko ang sarili, labis-labis na kaba ang nararamdaman ko. Ang sama talaga ng kutob ko dito.
"Sumagot ka na," ang ma-awtoridad niyang banggit.
"U-Uhm, opo, I really want to marry him kahit boy ako," ang kinakabahan pero masaya ko namang sagot kay Aga.
"Can I kiss him now?" Ang inip na tanong ng walang modong bata kay Aga.
Habang tumatagal mas lalong lumilinaw ang mukha niya. Mas lalo siyang nagiging kamukha ni bossing. Mas lalong lumalakas ang kabog ng puso ko.
"H-Huh? Eh hindi pa kasi kayo nagsusuot ng singsing eh."
Napakagat labi naman ang kyotang si akez sa sinabi ni Aga. Tiningnan ko ang maliit kong kamay at nakitang wala akong suot na singsing.
"What's wrong?" Ang tanong sa akin ni Prancis matapos niyang mapansin ang pagdra-drama keme ko.
"I don't have a ring kasi. Hindi na ba tayo pwedeng ikasal?" Ang malungkot kong tanong.
"Stop worrying over that stupid thing. I have a ring, but you have to give it back to me later kasi bigay 'to ng lola ko. Para 'to sa magiging asawa ko," ang sabi niya habang tinatanggal ang singsing niya.
"Edi para sa akin 'yan?" Ang masaya kong tanong.
"Hindi. Laru-laro lang naman 'to. 'Wag ka ngang uto-uto!"
Napanguso na lang ako at naiiyak na tumango. "Okay, sorry."
"Akin na kamay mo," ang muli niyang utos.
Ibinigay ko sa kanya ang kamay ko pero hindi pa rin ako tumitingin sa gawi niya.
Kagat labi kong sinilip ang kamay kong sinusuotan niya ng singsing. Para akong maiiihi habang hawak-hawak niya ang kamay ko at sinusuotan ng isang pamilyar na singsing ang daliri ko.
Ang singsing na ginamit namin ni bossing noong kinasal kuno kami sa huwes.
"You need to give this back to me later because my mom will hit me with a hanger if she doesn't see this on my hands. Stop pouting like an ugly duck, ibabalik ko din naman 'to sayo kapag malaki na tayo. On our real wedding."
"Talaga?!" Singkinang ng dyamante ang mga mata ko habang nakatingala sa kanya.
Luhluhluh! Malandi kang bata ka! Hindi ka pa tuli! Jusko day! Kung alam mo lang kung anong klaseng demonyo 'yang batang 'yan! Never mong gugustuhing magpasakal-este magpakasal diyan. Sinasabi ko sa iyo!
"Ayan! Kasal na kayo, Sonson, Prancis. Pwede na kayo mag-kiss."
Masaya akong pumalakpak saka tumingkayad para mailapit ko ang pisnge ko sa kanya.
Pero nagulat ako nang ikulong niya ang mukha sa mga palad niya. Pinalingon niya ang mukha ko sa dirensyon niya walang pasabing dinampian ng halik ang mga labi ko.
Duon na tuluyang gumuho ang mundo ko. Si bossing nga siya.
Hindi to maaari...
It kennat be!
Wititit!
It's a no for me!
Hindi pwede--
"HINDIIIIIIII!!!!!!!!!!!!!!!!"
"Tyga!" "Bakla!" "'Yot!" "Apo!"
"Ga!"
Napalingon ako kay bossing at sirang-sira ang mukhang umiling bago muling nahimatay.
-----------------------------------------------------------
Stay healthy, keep safe and God bless you olsxz po! Labyu ol! Mwuah mwuah! Ciao!❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top